Chapter 5 -Trip

3930 Words
Halos mabaliw na ako sa kakaisip sa nangyari kahapon! Kainis! Awat naman Louise okay? “May nangyari ba sayo?” nagtatakang tanong bigla ni Micah sakin habang kumakain kami sa may cafeteria. “Wala naman. Bakit mo naitanong?” tanong ko naman. “Wala naman, Kanina ka pa kasi tahimik eh.” sagot naman niya sabay tuon na ng atensiyon niya sa pagkain. “Ganun ba? So mag-iingay na lang ako?” sabi ko sabay ngiting pilit. “No thanks.” Natahimik kami saglit at agad akong bumalik sa malalim na pag-iisip na naman. Bakit ba ko nagkakaganto? What the hell's matter with me? Saglit ko lang sya nakilala tapos ganto na agad ang kinikilos ko! Ano, PBB Teens? Maya maya bigla syang dumaan sa harap ko kasama ng mga tropa nya. “Ci..” tatawagin ko sana sya ng biglang umurong ang dila ko. Mabuti pang iwasan at kalimutan ko na lang yun. Ayokong kausapin ang isang taong wala namang gana na makipag-usap sakin. Pero sayang naman yung salaming binili ko. Sa lunch break kaya? Ciel’s POV Dahil sa nangyari kahapon nahihiya na tuloy akong kausapin si Louise. Nakakainis! Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko sakanya yun after kong makita na magkasama sila ni Julian. Damn you Joshua! Damn your crazy mind! Gusto ko tuloy mag-sorry pero hindi ko alam kung pano dahil sa buong buhay ko eh never pa kong nagsorry sa isang tao. What should I do? Pano ako magpapaliwanag sakanya kung bakit ko sinabi yun? Am I jealous? Am I jealous to that smiling creep? Impossible! Then why am I acting like this? Daig ko pa ang batang naagawan ng candy. Geez. Such a headache! Tapos na ang klase and I’m thinking kung kakausapin ko na ba sya? o hindi pa? My god! What the hell are you doing Joshua? For goodness sake, just apologize to her okay!? Ano bang problema mo? Hinintay ko sya sa may bukana ng school pero nung malapit na sya eh bigla namang umeksena ang butler ko at sinasabing kailangan ako ni mommy ngayon. Fuck. Istorbo! Pero no choice naman ako kaya sumama na lang ako. Pumunta ako sa office ni Mommy para tanungin kung bakit nya ako pinatawag. Geez pag ito lang hindi importante! Kapag lang talaga! “Entrer..” sabi ni mommy which means COME IN sa french nung kumatok ako sa pintuan ng office niya. “I called you because of some reasons Ciel.” mabilis na wika agad ni Mommy sakin. Nakatingin siya sakin at pansin kong seryoso talaga siya. “Some reasons?” natanong ko naman kaagad. “I think kailangan pa nating dagdagan ang security mo.” sagot niya. “What? What did you mean by that, Mom?” nagtatakang tanong ko naman kaagad. “There are lot of things that are happening these days. Black Phantom’s victims are increasing. Hindi natin alam baka tayo naman ang puntiryahin nya.” “Really?” I answered and grimaced at her. “You know what Mom, hindi ka gagalawin ni Black Phantom kung wala ka namang ginawang masama sa iba. Sh– He’s like a living Robin hood, he stole for good.” “Kinakampihan mo ba sya?” tanong nya sabay taas ng kilay. “I guess so? Basta I don’t need body guards. Mabait si Black Phantom, just try to look his other side.” Sabi ko sabay nagpaalam na para umalis. Magsasayang lang ako ng panahon kung mananatili pa ako dun. I’m strong enough to defend myself. Kayang kaya ko ang sarili ko kahit walang tulong ng iba. I can’t believe na ganun pala ang tingin nila kay Black Phantom. Isang masamang tao at hindi tagapagligtas. When I got home, nag hot bath muna ako before umupo sa table at magbasa ng mga reports ng company namin. It was a long and head breaking document na hindi ko alam kung bakit sakin pinapagawa. I’m just 17! and I should enjoy life rather doing these things. Ang hirap ng hawak ka sa leeg. I want to be independent. Kung hindi lang dahil kay mommy eh. Gagawa pa pala ako ng assignment. Kinuha ko yung bag at hinanap yung notebook ng biglang may mapansin akong box sa loob. Di naman kalakihan, parang pencil case nga eh. Binuksan ko ito at isa pala itong salamin. A Specs and may sulat pa palang kasama. I didn’t know na may ganto pala akong admirer? To: Black Prince “ It’s Reading glass. Just in case na kailanganin mo sa pagbabasa o pag aaral. Pero just incase lang naman ha! I didn’t force you to wear that if you don’t like. Kung may nagawa man ako o nasabi . I’m so sorry black prince.” –Black Phantom This is Black Phantom’s signature, So galing siya kay Louise? Pero bakit sya nagsosorry sakin? Dahil ba yun sa nangyari nung nakaraan? Geez! I’m supposed to be the one who’s apologizing and Not her! Hindi ko na makakayanan 'to! Kakainin ko na lang ang pride ko para sakanya. Mabilis kong isinuot ang jacket ko't kumaripas palabas ng bahay ko't agad sumakay sa kotse. Agad kong hinanap ang bahay ni Louise at dinala ako sa isang malaki at mala-england style na bahay sa isang subdivision malapit lang samin. “Sino yan?” tanong ng isang lalaki nang mag-Doorbell ako. Ah, Daddy nya siguro 'to? “Good evening sir. I just want to ask kung andyan po ba si Louise?” magalang na tanong ko naman sakanya. “Yes. May kailangan ka ba?” “Yes sir. I really need to talk to her right now.” sagot ko naman kaagad. Napataas siya ng kilay pero binuksan naman niya yung gate at pinapasok ako sa loob. Pinaupo nya muna ako habang tinatawag si Louise. Kagulat gulat na ang bait naman ng Dad nya. “Coffee? Juice! or Tea? Water?” alok pa nya “No thank you sir. I’m fine ” sagot ko naman. Maya maya eh bumaba na si Louise. Ang ganda pa rin nya kahit nasa bahay lang sya. “Oh Ikaw pala, What are you doin’ here Black Prince?” tanong nya sakin sabay upo sa harap ko. “Well, Sorry for the rude words I said yesterday don’t worry I don’t mean it. I hope you forgive me..” sabi ko sabay yuko. “Akala ko nga ako yung may kasalanan eh. Pero okay na yun, nahiya tuloy akong kausapin ka kasi akala ko talaga galit ka sakin.” nahihiyang sagot naman niya. “Moody lang ako nun. Besides, masyado akong na-stress sa work at study kaya pagpasensyahan mo na kung nakakapagsalita ako ng ganun.” palusot ko naman. Syempre alangan namang sabihin ko sakaniya na nagalit ako dahil nagselos ako. Uh uh. No way. This is not the right time! “Speaking of work and study, Nakita mo na yung specs na bigay ko sayo? Nagustuhan mo ba? Sabihin mo lang papalitan ko na lang.” sabi pa niya. “No It’s fine. I like it. Thank you.” sabi ko naman sabay ngiti. “Talaga? Mabuti naman.” then she smiled widely. After seeing her wonderful smile. Bigla na lang akong nakaramdam ng something that making my face blush. This is absolutely crazy! “Ehemm..” eksena bigla nung daddy nya habang nakatayo sa harap namin. “Nga pala dad, he’s Ciel. Sya po yung anak nung may ari ng Blanc corporation and kaibigan ko sya.” pakilala nya sakin. “I see..” at tinitigan niya ulit ako na parang kilalang kilala na niya ako, tsaka siya bumaling kay Louise. “Akala ko ba anak, hate na hate mo sya? Diba nga sabi mo –” “Dad talaga!” sabay takip nya ng bibig nung daddy nya. “Fan ka kaya nya!” “Fan??” sabay na naibulalas namin ng Daddy niya. “Ciel, meet my dad.. Nash perrault. Also known as Shiro, Noire Fantomé’s author.” sabi nya sabay ngiti. Nagulat ako bigla sa sinabi nya at para akong timang dahil agad na kumislap ang mga mata ko. Woh! Is this for real!? “It's a great pleasure to meet you Mr. Shiro. Fan nyo po ako. Lagi ko pong inaabangan ang bawat volume na inilalabas nyo. Grabe I feel like I want to die now that I already met you!” masayang sabi ko habang nakikipagkamay sakaniya. “Uy wag iho! Bata ka pa! Pero thanks dahil nagbabasa ka pala ng mga gawa ko..” tugon naman ni Mr. Shiro na mukhang natutuwa sa mga nangyayari. “Are you kidding me? That was the best story I ever read! I can’t help myself saying amazing while reading it! It was really fantastic!” “Naku thank you ulit ha.” at ngumiti sya sakin. “Dumalaw ka minsan dito, ipapabasa ko sayo yung iba ko pang libro na hindi pa inilalalabas.. ” “Mon dieu! Merci beaucoup!” Louise’s POV Anong nangyayari dito? Akala ko ba pumunta sya para sakin? Bakit mukhang kay Daddy na napunta ang atensyon nya? Mga baliw na 'to! Sa ginagawa nyo parang ako na din ang pinaguusapan nyo eh! “Done? Pwede na ba akong umakyat sa taas ulit?” tanong ko with cold voice. “Syempre hindi pa.” sabi ni Ciel sabay hawak sa kamay ko at mabilis naman agad uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. “Sir, can I have your daughter for a while? I promise to take her back before 10 and I’ll keep her safe too.” sabi nya sa daddy ko. “Before 10 okay?” sagot lang ni dad. Hinila nya agad ako palabas at naglakad lakad hanggang nakarating na naman kami sa favorite place namin. Ang Park. Ang park na madami ng naiambag sa story na to. “Wear this. Mahirap na baka magkasakit ka pa pagalitan pa ako ni Sir Shiro eh.” sabi ni Ciel sabay lagay ng jacket nya sakin. “Ah salamat.” tanging nasagot ko lang. Ano ba 'to, Para ng naka-Loud speak 'tong t***k ng puso konsa sobrang lakas. “Bakit mo nga pala ako dinala dito? May sasabihin ka pa ba?” tanong ko sakanya. “Siguro? Pero iisipin ko muna. Nakakailang kasing magsalita dun kasi andun ang Daddy mo eh.” “Kung sabagay..” at napangiti na lang ako. “Isipin mo na yung sasabihin mo. Malapit na kayang mag 10.” “You know what, that was the first time I said sorry to a person. That was also the first time I ignored my pride and eat it up. It’s feels awkward but I didn’t mind because I was thinking of you.” seryosong sabi niya. “Ehh?” at napanganga lang ako sa gulat. Ano daw? “Nevermind! Just forget it!” napakamoy siya sa ulo't nag-iwas ng tingin. “Thank you. Ngayon ko lang nalaman na concern ka din pala sakin.” sabi ko bigla sabay ngiting wagas habang namumula. Oo! Blush nga 'to. Hindi na ko aangal okay!? “ W-Welcome” sabi nya sabay iwas ulit. Anong problema ng tao na 'to? Bakit lagi syang umiiwas ng tingin sakin? May problema ba sa mukha ko? Nakakainsulto na ha! Pinaglalaruan nya ata ako eh! “Hoy! Ano bang problema mo? Bakit ka umiiwas ng tingin sakin?” tanong ko sakanya. “Same reason kung bakit ka yumuyuko kapag katabi mo ako.” Namula ako lalo sa sinabi nya. Same reason? Edi namumula sya? Namumula sya! Oh crap, edi alam niyang affected ako sakaniya!? “Weh? Patingin nga ako..” sabi ko habang kinukulit sya. “Hey, Arrête!” sigaw niya na mukhang french ata. “Please, Just let me see..” pangungulit ko pa. “Ang kulit mo talaga eh noh?” sabi nya sabay hawak ng braso ko sabay tingin sakin bigla. Nagtama bigla ang mga mata namin't sa di malamang dahilan ay parehas na lang kaming nakaramdam ng kahihiyan at mabilis na nag-iwasan ng tingin. “I see, same reason nga din.” sabi ko na lang sabay dahan dahang bumitiw sakanya at nag-iwas ng tingin. “Malapit na mag-10. Ihahatid na nga kita.” sabi nya pero tinitigan ko lang sya habang nakangiti na parang nangaasar. “Anong problema mo?” tanong nya sakin. “Sa susunod nga, wag mo akong titignan kapag nakayuko ako. Napapaghalataan ka kasi eh. Baka sabihan pa kitang stalker ko kasi tingin ka ng tingin.” pang-aasar ko sabay takbo. “Fille Fou! Stop being assuming.” sigaw naman nya. “Tsaka wag kang magmalinis! Nahuhuli din kitang nakatingin sakin So I guess, Quits lang tayong dalawa. Right?” sabay ngisi niya at halukipkip. “Rubbish! Hindi yun totoo!” sigaw ko naman pabalik. “Totoo..” “Hindi nga sabi eh!” “Wag mo ng ideny! Nahuli na kita eh! Oh tignan mo natingin ka!” “Ewan ko sayo! Feelingerong ka!” Sabay tumawa lang kaming dalawa at nagsabay na sa paglalakad. Bakit nga ba hindi ko maiwasang hindi tumingin sakanya? Bakit kapag kasama ko sya lagi na lang akong namumula at kumakabog ang puso ko na parang nagwawala ito? Weird. Wala naman akong sakit diba? “Wait–” sabi nya bigla. “Lapit ka dito..” “Why?” tanong ko naman. “Basta.” sabi lang nya. Edi lumapit naman ako. Bigla niyang nilapit yung sarili niya sakin at halos mapapikit ako sa kahihiyan nang bigla na lang niya akong sinabitan ng earings sa parehas na tainga ko. “Ano ‘to? Para saan 'to?” tanong ko naman kaagad. “Thank you for the specs. Sayo muna yan hangga’t hindi pa ako nakakabayad sayo. That’s a sign of my promise. Hangga’t wala pa akong nagagawang maganda sayo hindi ko muna kukunin yan. Okay?” “Oh okay?” at napangiyi na lang ako. “Thank you..” Wow naman ang sweet naman nito. Pero madami na naman syang nagawang maganda para sakin? Hindi pa ba yun tulong? Pero sige iingatan ko muna 'to. “Merci Beaucoup..” pagmi-mick ko sa lenggwahe niya kanina. Napa-iling lang si Ciel at binigkas ito ng mas tama. Natawa lang ako't pilit na ginaya naman siya. Merci Beaucoup Ciel. *** Micah’s POV Nandito nga pala kami sa bahay ni Rio ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero parang may sasabihin ata sya. Hindi sya tungkol sa trabaho kasi napaka-imposible naman dahil kasama ‘tong tatlong sabit na 'to. (Si Kate, Julian, at Ciel nga pala yung tinutukoy nya. Lol! So bad Micah!) “Hala Rio, Ano bang sasabihin niyo?” excited na sabi naman ni Kate. “Ano bang ginagawa natin dito?” walang ganang tanong naman ni Joshua. “Alam ko na, siguro nagpaplano kayo ng something para satin noh?” masayang sabi naman ni Julian. “President naman! Wag mo naman akong unahan. Pero oo tama ka dahil may pinaplano nga ako.” sagot naman ni Rio kay Julian. “Huhulaan ko, Isang bakasyon noh?” sabat naman ni Louise na busy sa paglalaro sa cellphone niya. “Yep! Tayong anim na naman ang magkakasama. Sayang lang at wala yung kambal na sila Mina at Kaira kasi kailangan nilang pumunta ng Davao, kaya tayo na lang.” sagot naman ni Rio. “Saan mo ba balak pumunta?” tanong naman ni Joshua. “May alam kasi kami na japanese style hotspring sa Laguna. Makakapag relax tayo dun! Based on my research hot waters are good for our muscles and maganda din yun sa circulation ng dugo.” sagot ko naman. “Hotspring huh? Sounds exciting.” sabi naman ni Julian. Hanggang sa sumang ayon na nga ang lahat. Mahaba ang free days namin dahil sa holiday sa Lunes. Bali, Friday ng umaga ang alis and Monday ng hapon ang uwi. Almost 4 days din pala, sounds fun nga. Makakapag enjoy nga kaya ako dun? Maiirita lang ako sa dalawang lalaking umaaligid kay Louise eh. Sakit sa ulo talaga! Louise’s POV Isang hotspring vacation for 4 days. Sounds fun! Ngayon pa lang kasi ako aalis kasama ng mga kaibigan ko eh at hindi si daddy. Kaya lang awkward na naman yun. Pano, magkakasama sila Julian, Micah at Ciel. Si Micah, ayaw nya kay Julian at Ciel. Si Ciel naman at si Julian ay kung magtinginan eh akala mo may nakaraan at may balak magsusuntukan anytime. Nakakatakot kaya! Anyway kahit hindi ko alam kung bakit sila ganun, basta ako ieenjoy ko talaga 'to! Napatigil ako nang may bigla na lang ng doorbell samin. Bisita? Sa ganitong oras? Hindi naman kaya si.. Pero ano namang gagawin nya dito? Oh, puso mo na naman Louise. Dahan dahan lang! Masama kayang mag-assume. “Sino yan?” sabi ko sabay bukas ng pintuan. “Hello!” masayang bati ni Kate sabay pasok kaagad. Aw, Akala ko naman si ano.. “Good evening. Sorry sa abala, si Kate kasi ang kulit eh.” sabi naman ni Micah sabay pasok din. “Okay lang wala yun. Pero ano nga palang ginagawa nyo dito sa ganitong oras?” tanong ko naman sakanila. “Dto kami matutulog! Hindi ata ako papayag na mga boys lang ang magiis-slumber party noh! Dapat tayo din!” sagot naman ni Kate. “Wow Louise! Parang library ang bahay nyo! Ang daming libro, Walang duda kung bakit matalino ka!” sabi pa nya habang manghang-mangha sa mga nakikita niya. “Ah salamat sa sinabi mo.” nahihiyang sagot ko naman. “Teka, magkasamang natutulog ngayon sila Rio, Ciel at Julian? Saang bahay naman?” tanong ko pa. “Sinong Ciel? Well nevermind. Ang alam ko sa bahay nila Joshua sila matutulog eh. Ang daya talaga ng mga boys na yun! Hindi man lang sila nang-aaya! Basta bukas ie-enjoy ko ang mga oras na kasama si Joshua my labs~” Kate answered. Joshua my labs daw. Sus. Pero, di nga? Magkasama sila ngayon? Siguro friends na nga talaga sila. Madami lang siguro akong iniisip. Julian’s POV Ito ang first time na makakapag pov ako dito. Wow. Nice! But as you know, nasa bahay nga kami ngayon ni Joshua dahil sa mga naiisip ni Rio. Sounds fun yet awkward for the two of us. Since that day na hiniram nya si Louise habang naguusap kami. I think a war was already made between the two of us. Tingin ko may gusto sya kay Louise. No, let me rephrase that. Tingin ko may gusto Din sya kay Louise. Yeah that’s right, I really like Louise since nung 2nd year ako at 1st year sya. Lahat ginawa ko para lang maging kaibigan sya and now that we’re in a good status saka naman dumating ‘tong si Joshua. He’s just a black, heartbreaker and cold prince. Pano na lang kung magkagusto si Louise sakanya? Baka saktan lang sya nito. Pero pano naman kung gusto din ni Joshua si Louise? Paano na ako? Damn it. I really want to know! “Pagdating natin sa hotspring resort bumili kayo ng beer ha! Masarap daw uminom kapag bagong babad ka sa hotspring eh.” sabi bigla ni Rio na bumasag sa katahimikan naming dalawa. “I think okay lang naman na mag-inuman tayo since malayo naman tayo sa school eh.” pagsang-ayon ko naman. “6 bottles of beers lang ha! Don’t forget na may mga babae tayong kasama.” Sabi naman ni Joshua. “I didn't know that you're caring too, Nice one Joshua.” sabi naman ni Rio habang kinukurot yung pisngi ni Joshua. “Arrete!” sabi naman ni Joshua. I guess, mabait naman talaga tong si Joshua. Kailangan ko lang sigurong pag aralan kung pano makikisama sa kanya at magiging okay na din siguro kami sa isa’t isa. Ciel's POV Okay din palang kasama ‘tong mga to eh. Not bad. Lalo na ‘tong si Julian. Always the same smiling creep pero mabait pala talaga. Geez. Why am I saying this? Sa klase ng pananalita ko eh para na akong Gay ah? Ugh. Onga pala, ngayong nakuha ko na ang number ni Ms. Black Phantom magiging 100% full na lagi ang energy ko. **** Flashback. “Teka, bago ka nga pala pumasok dyan sa pintuan nyo eh may hihingiin sana ako sayo.” sabi ko sakanya. Ito yung araw na nagsorry at nagpromise ako sakanya ha. “Hihingiin? Ang dami dami mo na ngang pera manghihingi ka pa sakin na hindi naman kami mayaman. Ano ba yun ha?” tanong naman nya. “Number mo.” sabi ko sabay ngisi. “Number ko?” “Oo number mo. Bingi lang? Cellphone number ha, Just incase na ma-misunderstand ka na naman.” “Tss.. Wala akong cellphone!” “Anong wala! Ibigay mo na kasi ng di ako nag-aalala kapag hindi kita nakikita.” Napatigil siya't napatingin sakin habang nanlalaki ang mga mata. “Nag-aalala ka sakin? Kapag hindi mo ako nakikita?” “Laisse tomber. Di bale na nga! Ibibigay mo ba o hindi?” iritadong wika ko na. “Ba yan. Fine, ito ibibigay ko na.. +639–” saka niya inilagay yung number niya sa phone ko. “Good. Merci.” “De rien” napangiti ako sa sagot niya dahil mukhang gusto niyang makasabay sa french ko. What a smart girl. **** Sa ngayon, Mangugulo muna ako sakanya. Itetext ko muna para maging maganda naman ang gising ko bukas. Pero ano namang sasabihin ko? “Voleur! Bonsoir.” (Thief, Good evening) No. Masyadong masamang pakinggan. Kahit hindi niya naiintindihan yun, nakaka-guilty pa rin. Eh kung.. “Bonsoir mademoiselle, Gising ka pa ba? Gising pa kasi ako eh.” Okay sounds creepy. Hell no! “Good evening?” simple at sana magreply sya sa simpleng text na yan. Ok send. Louise: “Good eve. Why are you still awake?” Napangiti ako sa bilis niyang mag-reply. Me: “I don't know. Maybe hindi lang siguro ako makatiis na hindi ka nakukulit?” Louise: “Tosh! Matulog ka na nga at maaga pa tayo bukas! Bukas mo na lang ako kulitin!” Ba yan, pinapatay agad ang usapan. This girl is no fun. Me: “N’importe quoi. Ganyan ka naman.” Louise: “Hey what's that? Are you cursing me? You codger!” Me: “Hey, I didn't cursed you. I said Whatever.” Louise: “Don’t throw a paddy about anything!” Me: “I swear Louise, I could hear your british accent in your message.” Hindi siya nakareply kaagad at mas lumaki bigla yung ngiti ko. Me: “I could also sense the reddening of your cheeks.” Louise: “Oh for goodness sake! Would you please stop it. I have to sleep and so do you!” Me: “Aren't you going to say goodnight to me?” Louise: “Good night then.” Me: “That's all?” Louise: “Sweet dreams, Ciel. ??” I smiled at her reply. This girl knows how to flirt secretly huh? Me: “Good night and Sweet dreams too, Louise” See that? In just a simple conversation naging kumpleto na ang gabi ko. Anyway, goodnight na din sa inyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD