Chapter 6 -Suicide or Homicide

4752 Words
Chapter 11 -Hotspring "Kumpleto na ba ang lahat?" tanong ni Rio habang nilalagay yung mga bag sa van. "Oo! Present na po ang lahat sir!" masayang sagot naman ni Kate sakanya. "Okay! Let's Go!" Nagumpisa na kaming maglayag este umalis. Driver namin yung butler ni Ciel. Kami nila Micah at Kate naman ang magkakatabi at sila rio , Ciel at Julian naman ang nasa likod. Friends na talaga silang tatlo ha! "Chips?" alok bigla ni Micah sakin. "No thanks. Busog pa ko eh. Baka yung iba gusto nila." sagot ko naman habang nakatulala't nakatingin sa bintana. "Hoy! Gusto nyo ba ng chips?" alok naman nya sa mga boys with cold voice. "Salamat Micah. Kanina pa ako nagugutom eh!" sabi naman ni Julian sabay kuha ng chips. "Ako din pahingi!" sabi naman ni Rio sabay kuha din. Ang cute nilang tignan. Para silang magkakapatid lang pero may isang black sheep na kj at ayaw man lang magsalita o makisaya sa kanila. Kailan kaya nya matututunang maging ok sa iba. Yung friendly talaga. After ng mahabang tulog namin, eh nakarating na din kami sa destinasyon namin. Thank god! "Welcome to Harukaze." sabi nung babae na sumalubong samin. "My name is Carmina Watanabe. I'm the owner of this hotspring inn.. please come in." "Japanese sya?" bulong sakin ni Kate. "I think No. Yung asawa nya siguro yung japanese. Mukha syang pinay eh." Sagot ko naman. "Ohh." at napatango lang si Kate. Pumasok na kami at inihatid sa mga kwarto namin. 2 rooms lang naman. One for the girls and one for the boys. Medyo madaming bisita din dito ngayon and meron silang 4 types of hotspring. Dalawang outdoor at dalawang indoor. Yung isang hotspring may halong sulfur na gustong gusto ng mga japanese dahil gamot daw sa katawan. Meron din silang swimming pool at tsaka entertainment room. Para talaga kaming nasa Japan! Wow! "San kayo una?" tanong ko agad sakanila. "Sa outdoor kaming tatlo!" sabi ni Rio sabay akbay kala Julian at Ciel. "Sasamahan daw ako ni micah sa indoor hotspring naman diba Micah?" sabi naman ni Kate kay Micah. "Geez, Oo na." sagot naman nya. "Maglilibot libot muna ako. Susunod na lang ako mamaya." sabi ko sabay alis na rin. I'll take pictures muna, sayang naman kasi ang beautiful sunny day like this eh. Mamayang gabi na lang ako magbababad para tamang tama sa temperature. Pero san naman kaya ako una? Just think na 4 days pa kami dito ha! "Good morning po.." bati ko kaagad kay Ms. Carmina nung nakasalubong ko sya. "Good morning din iha. Ano nga palang ginagawa mo dito? Hindi ka ba maliligo?" tanong naman nya sakin. "No, I'll take some pictures po kasi muna and I want to explore this entire resort din.." sagot ko naman. "Well, come with me. I'll tour you around then let's have a tea after this. Okay lang ba? Kailangan ko din kasi ng kausap ngayon eh.." sabi naman nya. "It's my pleasure." Sagot ko then naglakad lakad na kami. Kung saan saan na kami nakarating at kung iisipin eh kabisado ko na ata tong buong lugar. Joke! Chos ko lang yun pero seryoso ako sa kung saan saan na kami nakarating ha! Ngayon naman eh umiinom kami ng tsaa sa ilalim puno sa isang garden sa tabi ng bahay ni Ms. Carmina. Kung sinuswerte ka nga naman! "Hindi ka ba natatakot na sumama ka sa isang stranger?" tanong nya sakin habang naglalagay ng tsaa sa teacup ko. "Stranger? Hindi naman po. You know, I can handle myself. Kung hindi nyo na itatanong eh isa po akong Karate Champion." proud na sagot ko naman. "Oh You do? Ang galing mo palang bata. That's nice! Dapat lang na marunong tayong mga babae na ipagtanggol ang mga sarili natin." Sagot naman nya. "Tama po kayo. Eh kayo po Ms. Carmina? Hindi po ba kayo natatakot na sinama at kinakausap nyo ako dito ngayon?" tanong ko naman sakanya. "Well, for almost 6 years na pagtatrabaho ko dito eh Sanay na ako na makakilala ng iba't ibang tao. Besides, nakikita kong mabait kang bata at hindi mo kayang gumawa ng masama." sagot naman nya. Hindi ko nga ba kayang gumawa ng masama? Sounds Ironic. "Ahh. Oo nga po.." sagot ko na lang sabay higop ng tsaa. "That's weird. Iba ang kulay ng skin at ng hair mo. And you also have this beautiful golden almond eyes. Anong lahi ka ba iha?" tanong nya bigla. "Ehh? Lahi?" nagtatakang tanong ko. "Lahi ko? Medyo hindi po ba normal? Half British kasi ang dad ko and Half Japanese-British naman ang mum ko pero parehas silang may dugong pinoy. Kaya weird siguro ang naging itsura." sagot ko naman sabay tawa. "Talaga? Kaya pala ang ganda mo. Naiinggit ako sa mga magulang mo dahil nagkaroon sila ng magandang anak na babae tulad mo." malungkot na wika niya. "Bakit po? Wala ka po bang anak na babae? Or kahit na isang anak man lang? Tsaka asan nga po pala yung asawa nyo? Sorry po kung medyo matanong ako.. " nahihiyang tanong ko sakanya. "Okay lang. I had a daughter once. Maganda din sya tsaka mabait. But she died 3 years ago with her father. Ngayon, magisa na lang akong nagpapatakbo nitong resort para sa kinabukasan ng anak ko." "Hindi ka po dapat malungkot. Kapag nakita ng anak nyo na malungkot kayo, malulungkot din po sya. Eh asan po ba ang anak nyo?" tanong ko naman. "Ayun siya, naglalaro sa labas. 6 years old lang sya. Isipin mong ang aga nyang nawalan ng ama at kapatid noh?" "Alam nyo po ba, Wala po akong masyadong matandaan nung bata ako pero nung nalaman kong hindi na babalik yung mommy ko hindi po ako nawalan ng pag-asa kasi alam kong may Daddy pa naman akong natitira. Mas okay na yun kesa naman wala ng matira sakin. Kaya alam ko pong kaya nyo po yan!" encourage ko naman sakaniya. "Isa kang mabait na bata talaga. Salamat sa pakikinig at pakikipagusap mo sakin." Sabay ngiti niya sakin. Ngumiti lang ako sakaniya't nagpatuloy ulit kami sa pagkwe-kwentuhan ng iba't ibang bagay. Ilang sandal lang ay lumapit na samin yung anak niya. "Okaa-san!" sigaw niya at nang makita niya ako eh bigla siyang natigilan. "Dare?" natanong niya bigla. "Darell, She Is –?" sagot sana nung nanay sabay tingin sakin. "Ako si Louise.. Louise po." Magalang na sagot ko naman. "Konnichiwa Louise nee-chan. Ome ni kakarete ureshii." sabi nya sakin sabay yuko tanda ng paggalang. (I'am happy to meet you.) "Ahh. A-arigatou.." nahihiyang sagot ko naman. "Marunong po ba syang magtagalog?" pabulong na tanong ko bigla sa nanay nya. Natawa lang sakin si Mrs. Watanabe't sumagot. "Yes. Ganyan talaga sya kapag may bago syang nakikilala. Tinitignan nya kung marunong din mag-nihonggo yung mga nakakausap nya. Pasensya ka na sa anak ko iha ha?" sagot naman ni Mrs. Watanabe. "Ah Okay lang po." sagot ko naman sakanya. "Uhm. Jaa, Darell-kun Ogenki desu ka?" tanong ko naman kay Darell sabay ngiting pilit. Kaya mo yan Louise! "Genki desu. hindi nyo na po kailangang magpakahirap mag japanese kasi nagtatagalog naman po ako." Sagot niya ng diretso. "Alam ko!" sabay nguso ko. Antipatikong bata! "Ah Sige po Mrs. Watanabe, Una na po ako. Salamat po ulit sa tsaa. Ang sarap nyo pong magtimpla!" sabi ko nung magpapaalam na ako. "Salamat din Louise. And si Yanna nga pala yung nagtimpla nung tsaa." Umalis na ko't kumaway sakanila. Cute sana si Darrell kaso antipatiko talaga eh! Ganyan ba pag only child ka lang? Hindi naman siguro. Hindi naman kasi ako spoiled brat eh. Anyway, asan na kaya sila ngayon? Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko't tumunog ang ringtone na "Dubirubiru raffa" na ost ng My Girlfriend is a Gumiho. Just so you know, I'm a fan of Kdramas. Anyway, Whatever. "Hello?" sagot ko. "Where the hell are you? Hapon na ah! Nagtanghalian ka na ba? Bakit ka ba umaalis ng hindi man lang nagpapaalam? Parang kang wala kasama ah!" sigaw nya sa kabilang linya. "Teka! Easy lang naman! Kumain na po ako at pabalik na din ako kaya wag please, Wag masyadong atat ha?" "N'importe quoi. Bilisan mo na at tsaka ingat." sabay end call na. Baliw na yun. Nawala na ng saglit daig pa tatay ko kung makasigaw. Makabalik na nga ng hindi na magalit sakin yung prinsipeng reklamador na yun. After kong makabalik, nilunod nila ako sa puro tanong. Kaya after dinner, naisipan kong maligo mag-isa habang nasa entertainment room yung iba. Ang others ko talaga! Ingay kasi nila eh. Di ako makapag-relax masyado! *** Ito ang gusto ko, nakakapagrelax ako sa sobrang payapa at tahimik. Ang sarap pa sa pakiramdam ng init ng tubig. Ah, Alam ko na! Iinom na lang ako habang nagbababad! Masarap ang beer habang nasa hotspring. "Ayos na ba sayo ang temperatura ng tubig?" tanong sakin nung isang staff. "Opo salamat. Ang sarap nga sa pakiramdam eh. Pero pwede ba akong uminom dito?" tanong ko naman sakanya. "Hmm. Shhss ka lang ha? Baka kasi magalit si Madam manager eh." Nanlaki agad yung mga mata ko sa gulat pero mabilis naman siyang ngumiti't binawi ang sinabi niya. "Biro lang. Syempre pwede naman basta wag ka lang magkakalat okay?" "Ah thank you po Ate!" "Tawagin mo na lang akong Beatrice, kung may kailangan ka tawagin mo lang okay?" sabi nya sabay alis. Waa. Ang babait naman nila dito. "Bawal sayo yan ah?" biglang may sumigaw sakin. Edi napatalikod naman agad ako. "Anong ginagawa mo dito Darrell?" napasigaw ko agad sa gulat. "Hindi ko kasi makita si Mommy eh. Kaya naisip ko na baka nandito sya kaya sorry kung naistorbo kita. Pero bawal talaga sa mga teenager ang beer." sabi pa niya. Darrell, Darrell, Darell.. Sabihin mo nga, bata ka ba talaga? Daig mo pa si matanda kung makapagbawal ka ah? "Sorry na ho boss. Hindi na po iinom." sabi ko sabay tayo. "Oh, ba't ka tumayo? Hindi mo ba nakikitang nandito pa ako?" sabi nya sabay takip ng mata habang namumula. "Wow ha! Ikaw pa ang may ganang magsabi nyan eh ikaw nga 'tong biglang pumasok. Wait, hintayin mo ako. Magbibihis lang ako at sasamahan kitang hanapin ang mommy mo." sabi ko naman sabay gulo ng buhok ni Darrell. "Okay! Okay!" sabi nya sabay takbo palabas. Hindi ako naniniwalang 6 yrs. Old lang sya. Conan? Ikaw ba yan? Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako at nakita kong nakaupo si Darrell sa hallway. "Darrell. Tara?" sabi ko habang abot ng kamay nya. Naglakad lakad kami sa loob ng hotel ng biglang makasalubong namin si Ciel. "Saan ka pupunta? Tsaka sino yan?" tanong naman nya agad sakin. "Ah sya si Darrell, anak sya ng may ari nitong resort. Sinamahan ko sya kasi nawawala yung mommy nya." Sagot ko naman. "Oh I see. Sige sasama na din ako." Sagot naman niya. Napatingin naman agad ako't tinaasan siya ng kilay. Anong binabalak mo, le Blanc? "What? Masamang sumama?" tanong niya sabay taas ng kilay. "I didn't say anything." sagot ko lang. Umikot-ikot kami sa buong resort hanggang makarating kami sa rooftop ng hotel. Andun lang pala yung nanay nya, Naman! Nagpakahirap pa kami nandito lang pala sya! "Okaa-san!" sigaw agad ni Darrell sabay takbo at yakap sa nanay nya. "Salamat Louise sa pagdala mo kay Darell. Pasensya na sa abala ha?" sabi naman nya sakin. "Ah, wala po yun.." sagot ko naman sabay ngiti sakaniya. "Una na kami." sabi ni Mrs. Watanabe sabay alis. Parang ang lungkot nya. Bakit kaya? Hindi pa ba sapat na kasama nya si Darrell? Hindi ko naman sya masisisi kung namimiss nya yung asawa't anak nya. Naaawa tuloy ako sakanila. "Tignan mo, Ang daming stars oh!" sabi sakin ni Ciel bigla sabay turo sa taas. Napatingin naman ako't agad na nagulat sa nakita ko. "Beau." "Kirei." sabi namin ng sabay at bigla kaming nagkatinginang dalawa. "You mean Beautiful?" sabi din namin ng sabay. "Jinx!" "Jinx Again!" "Damn it!" ani Ciel at nagtawanan lang kami. Para lang kaming mga timang! "Beau." Aniya habang tumatango tango. "Parang ikaw .." sabay ngiti at tingin sa langit. "Parang ako?" tanong ko habang ramdam ko ang unti unting pag-init ng pisngi ko. "Alam mo ikaw, Minsan may pagka-bingi ka. Minsan may pagka-bulag ka naman. Minsan mabait, minsan mataray. Bakit ka ganyan?" "Ah. Wow ha! Ikaw pa ang may ganang magtanong sakin nyan? Eh ikaw nga, Mapanglait ka na, Hindi mo pa ma-appreciate lahat ng kabaitan ko sayo! Hindi na ako magtataka kung bakit tinawag kang Black Prince ng lahat! You tosser." sabi ko naman. "Edi nasabi mo din, You hate me!" sigaw nya. "What? Bakit ako hindi? You hate me too din naman diba?" sigaw ko naman pabalik. "Syempre Hindi! Idiot. Tutulungan ba kita ng ilang beses kung ayaw ko sayo?" Napatigil ako dun. Wow ha! Seryoso ba siya? "R-Really?" "Seriously Louise, When will you ever learn?" Napangiti lang ako sa sinabi niya. Eh ikaw Ciel, Kailan ka kaya matututo? "Hey, Can I ask?" sabi nya bigla. "Hmm?" baling ko naman sakaniya. "Do you mind if I kiss you right now?" tanong nya bigla habang tinititigan ako. Ilang segundo din akong nakatulala at pinagiisipan kung anong ibig sabihin nga tanong nya sakin. "I-I don't mind?" hindi sigurado kong sagot habang namumula ng sobra. Ano ba 'to!? Napatawa lang sya ng malakas habang tinitignan ako. Aba loko 'to ah! Pinaglalaruan nya na naman ako! Darn it! "You Maggot! How could you make fun of me!" sigaw ko sabay walkout. Hindi pa ko nakakatatlong hakbang eh bigla na lang nya akong hinigit sabay biglang hinalikan. It was a gentle kiss. Kahit na nagulat ako sa ginawa nya I didn't mind kasi I feel that kiss. It was my first kiss and it was magical. "Blimey! Why the hell did you do that?!" sigaw ko pagkatapos. "You said that you don't mind kissing you right? Unlike you, Hindi ako." sabay ngisi niya. "Pero, akala ko nagbibiro ka lang nun! Nagulat ako!" sabi ko naman habang nauutal at namumula pa rin. "Pano, You always think that I can't be serious. Seryoso ako, lalo na kapag ikaw ang kausap ko." "Bloody.." naibulong ko lang habang kagat kagat ng madiin ang labi ko para matigilan ang sarili ko sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon. Maganda pa sana ang mga susunod na eksena kaso biglang nalang kami nakarinig ng isang malakas na sigaw. Agad kaming napatakbo sa baba at hinanap kung saan yung may sumigaw ng biglang makarating ako sa kwarto ni Ms. Watanabe at tumambad samin ang katawang niyang nakabigti sa taas. "Si Madam! Patay na si Madam!" sigaw naman nung isang maid na nakakita. Habang umiiyak naman yung isang staff na kasama nya na Asst. Manager ata at nasa loob naman si Darrell na umiiyak din. "Ciel, ilayo mo muna sila dito!" sigaw ko agad. Anong nangyari dito? Damn it? Bakit kailangan niyang magpakamatay? Hindi ko naiintindihan? "Okaa-san! Okaa-san!" paulit ulit na sabi ni Darrell habang umiiyak. Nilapitan ko sya saka niyakap. "Darrell, Wag ka nang umiyak. Halika dun muna tayo sa labas. Okay?" sabi ko para pakalmahin sya. "Yada! Hindi ako aalis! Okaa-san!!" sigaw nya habang nagwawala at umiiyak. Wala na akong magagawa, Sorry Darrell. Sinuntok ko ng malakas ang sikmura niya para mawalan siya ng malay saka inilabas sa kwarto ng mommy nya. Saka naman dumating sila Micah para alamin ang mga nang-yari. "Louise?" tanong nila agad. "Kayong lahat. Pwede bang tulungan nyo yung ibang staff muna para pakalmahin ang iba at para hindi mabahala yung ibang bisita. Tumawag na din kayo ng pulis at ambulansya." Paguutos ko sakanila. "Oo sige." sagot nila sabay kilos. Ibinababa ko yung katawan ni Mrs. Watanabe at tinabunan ng kurtina pero bago yun napansin ko yung cellphone sa bulsa nya at kinuha ito. Maya maya din dumating na ang mga pulis at ang ambulansya. Ayon sa mga pulis, Suicide daw ang nangyari. Hindi na ako umapila pa dahil parang sa kwento nya sakin eh ang dami nya talagang problema na dahilan para gusto nyang magpakamatay. Buti nalang at hindi pa umaalis ang mga pulis at patuloy pa din sa katatanong sa mga staff. Bumalik ulit ako sa kwarto kung san nangyari ang krimen ng bigla kong naalala yung cellphone na nakuha ko sa bulsa ni Mrs. Watanabe. Binuksan ko ito at nakita ko na may nakasulat sa message na .. "DNDLN" DNDLN? Anong ibig sabihin nun? Yun ba ang dying message ni Mrs. Watanabe? Masasabi ba nito ang katotohanan sa likod ng pagkamatay nya? Nagpakamatay ba talaga sya o pinatay? Napatingin ako sa mga pader ng kwarto nya. Madaming scratch sa paligid na kala mo may pusa o kinaladkad. Teka, Kinaladkad? Kung tama ang nasa isip ko eh maaring pinatay o winalan ng malay muna bago ibigti para masabing suicide. Isang reverse psychology, Na dahil nakita ng tao na nakabigti ito eh iisipin na nilang suicide ang nangyari nang sa gayun eh maitago nito ang tunay na nangyari. Pero sino naman kaya ang gagawa nito? Mabait naman si Mrs. Watanabe at tsak akong wala syang naging kaaway. "Ano pang ginagawa mo dito? Off limits na po ito Miss." tanong sakin bigla. Edi napaharap naman ako. "Ako nga pala si Detective Niall. Bisita ka diba? Hindi ka dapat nandito ngayon." sabi niya sakin. Napanganga lang ako nung nakita ko siya. Blimey! What a Handsome Man! "Detective ka!?" napasigaw ko bigla. "Yup. Wala sa itsura noh?" sabi naman nya sabay ngiti. "Medyo. Ang gwapo mo po kasi eh." sagot ko naman. "Sorry ha, andito kasi ako ngayon kasi may inaalam ako. Pero hindi naman ako mangugulo sa trabaho mo Detective eh." "Inaalam? Bakit may alam ka ba sa nangyari dito?" seryosong tanong niya sakin. "Makikinig ka ba sa 16 yrs. Old na babaeng tulad ko?" paghahamon ko naman sakaniya. "Sige tignan natin kung maganda ang mga naiisip mo ." "Salamat." sabi ko sabay ngiti. "Nakikita mo ba 'tong mga scratch sa pader? After kong makita ito bigla na lang pumasok sa isip ko ang teoryang hindi ginusto ng biktima ang nangyari at hindi suicide ang lahat. Bukod pa dun, nakita ko din ang cellphone na 'to sa bulsa nya na may nakalagay na mensahe. DNDLN sounds like riddle noh?" "May point ka. Ayon sa tingin ko eh galing ito sa mga kuko ng tao. Patingin nga ng dying message nya." Edi binigay ko yung cellphone at naglibot pa nang bigla namang dumating si Ciel. Padami kami ng padami dito ah? "Kamusta si Darrell?" tanong ko agad sakanya. "Ayos lang sya. He's sleeping in his room right now. Kamusta ka, Anong ginagawa mo dito? Tsaka sino yang kasama mo?" tanong naman nya sabay tingin ng masama kay Detective Niall. "Sya si detective niall. Tinutulungan ko syang i-solve yung kaso." sagot ko naman. "I see. May maitutulong ba ako?" tanong naman niya. "Tsaa! Yung mainit at masarap na tsaa ha? Tsaka tinapay na din. Yung matamis ha! Nagugutom na kasi ako eh." "You should have eat earlier. Anyway, I'll go get one." "Salamat Ciel." at umalis na siya. "Detective Niall, pwede nyo po bang tawagan at tanungin dun sa may hawak ng katawan ni Mrs. Watanabe kung may mga pasa sa katawan nito tsaka yung sa ulo please." "Okay. Walang problema." Ilang saglit lang eh bumalik na din si Ciel dala dala ang tsaa. Nagpahinga muna kami at uminom at kumain nang biglang may maramdaman akong kakaiba. Ganito din yung lasa nung tsaa na ininom ko kala Mrs. Watanabe ah.. hindi ba sya yung nagtimpla? "Salamat din Louise. Si Yanna nga pala yung nagtimpla nung tsaa.." Naalala ko na! Pero sino naman si Yanna? Napatakbo ako bigla dun sa mga staff at nagtanong kung sino si Yanna. Sinabi nila na sya daw ang Asst. Manager ng resort at malapit sya kay Mrs. Watanabe. "Bakit? May problema ba sakin?" tanong nya sakin nung bigla siyang sumulpot sa likod ko. "Ikaw po ba si Ms. Yanna?" tanong ko naman agad sakanya. "Oo ako nga. Bakit?" Mukha naman syang mabait pero bakit ganto ang nararamdaman ko sakanya? "Ah wala po. Gusto ko lang mag-thank you dun sa tsaa. Ikaw yung gumawa ng tsaa ngayon lang diba? Ano nga palang klaseng tsaa yun?" tanong ko na lang. "Dandelion tea yun na nilagyan ko ng citrus. Salamat at nasarapan ka." sabi nya sabay ngiti. "Ah Walang anuman po." sabi ko naman sabay talikod. Bumalik na ako dun sa kwarto para tanungin naman si Detective Niall. "So, may naisip ka na ba tungkol dun sa dying message?" tanong ko sakanya. "As of now, Wala pa." tanong naman nya sakin. "Eh yung sa autopsy po sir?" tanong ko naman. "Tama ka, may mga ilang pasa sya sa katawan at meron ding maliit na dugo dun sa ulo nya." Sagot naman niya habang pinapakita ang pictures na sinend ng autopsy team sakaniya. "Ganun ba?" Mukhang tama nga ang hinala ko ah? "Patingin nga ako." sabay kuha naman ni Ciel sa cellphone. "DNDLN. Pahinging papel tsaka ballpen." "Papel at ballpen? Okay!" sagot ko sabay hanap kaagad. "DNDLN o pwedeng D.N.D.L.N. o D N D L N. It's either abbrev. Sya o may kulang na mga letters sakanya." sabi ni Ciel. "Fair point." Kung may kulang ng letters, Constant letter lang ba ang nawawala o iba iba? Kailangan ba naming dagdagan at buohin ito? Para palang crossword. Hmm.. Hindi pwedeng consonant ang ilagay so magiging vowel lahat. Para sa mga unang letters na D at N.. Ano kayang pwede? DON? DIN? DAN? DEN? DUN? Hmm. Yung next naman. Tss. Mahihirapan ako kung wala akong clue. Lahat pwede pero isa lang dapat talaga. "Dandelion tea yun na nilagyan ko ng citrus. Salamat at nasarapan ka.." Tama! D N D L N kung lalagyan ng mga vowels eh magiging D A N D E L I O N. Dandelion ang sagot! Malinaw na sakin ang lahat! Iba ka talaga Louise! "I got it!" napasigaw ko bigla. "Got it? Got what? The answer?" tanong naman nila ng sabay. "Malalaman nyo din.." sabi ko sabay ngisi. Pinagtipon namin ang lahat ng staffs kasama na din ang mga pulis. Bago yun eh sumagap muna ako ng mga impormasyon patungkol sa biktima at pinag-aralan ito ng maigi kasama sina Detective Niall at Ciel. Anyway, Black Phantom, bakit ba hindi mo maiwasan ang mga deduction show like this? Magnanakaw ka ba o Detective? "Nandito ako para sabihin sa-inyo ang mga nalaman ko sa tunay na nangyari kay Mrs. Carmina Watanabe.." panimula ko. "Ayokong may sasabat bigla sa mga sasabihin ko pero pwedeng magtanong. Gusto ko ng tahimik nang sa gayun eh maintindihan nyo lahat." "Okay?" sagot naman nila. "Hindi talaga Suicide ang nangyari sa biktima. Hindi natin masasabing suicide yun dahil sa nakitang mga pasa at sugat sa ulo nito. Ibig sabihin nun may walang awang pumatay sakanya. Bukod pa dun, nakuha din namin ang dying message ng biktima na may nakalagay na DNDLN na kung aayusin at irerephrase mo eh magiging DANDELION. Ayun sa pagkakaalam ko eh ito ang paboritong inumin ng biktima. Kaya Ms. Yanna, Wala ka pa bang balak na umamin?" sabi ko sabay ngiti sakanya. Nagulat silang lahat at napatingin kay Yanna. "Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Dahil ako lang ang marunong magtimpla ng Dandelion tea ako na agad? Tsaka suicide nga ang nangyari! Hindi mo ba naiintindihan?! Wag ka ngang mag-marunong bata ka!" sigaw nya. "Hmm. Well, may point ka nga pero diba trabaho mong timplahan ng tsaa si Mrs. Watanabe bago ito matulog? Gusto mo bang i-detalye ko pa sayo lahat ng nalaman ko?" "Sige! Patunayan mo ang lahat ng sinasabi mo!" "Mga 8:15 ako naligo sa hotspring ng biglang dumating si darrell na nagpapatulong sa paghahanap sa mommy nya. 8:43 na nung makita namin sya sa rooftop at agad naman silang bumaba. Ugali ni Darrell na lumalabas kapag nakikita nyang umiinom ng tsaa ang mommy nya na may kasamang bisita na dahilan naman para gawin mo ang pinaplano mo. Hindi mo sya nilason dahil alam mong ikaw agad ang pagbibintangan kaya naman sinubukan mo syang iuntog para mawalan sya ng malay pero naglaban sya at gumawa ng mga bakas sa pader. Pero nanalo ka pa din, Nang mawalan na sya ng malay eh inilagay mo na ang lubid sa leeg nya saka sya ibinigti. Saka ka sumigaw at pinalabas na isa ka lang witness. Tama ako diba?" Nanlaki ang mga mata nya at gulat na gulat sa mga narinig nya. Napa-iling siya't napatakip ng mukha niya. "Ako ang Asst. Manager nitong resort at kapag nakikita ko syang nalulungkot dahil sa pagkamatay ng asawa't anak nya naiinis ako! Pakiramdam ko pinabayaan na nya ng tuluyan itong resort! Kaya naman yun ang inisip ko para matigil na ang paghihirap nya." Sabi ni yanna. "Pero hindi mo ba naisip si Darrell? Paano na sya mabubuhay kung wala na syang mommy? Wala na nga syang kapatid, Wala na nga syang daddy. Tinanggalan mo pa sya ng isang dahilan para mabuhay! Hindi ka ba naaawa sakanya?" sigaw ko. "Patawad.." Saka na sya hinuli ng mga pulis. Marami talagang ignorante sa mundo. Mabuti pa kung nadadaan lang sa sorry ang lahat. Mabuti pa kung nag-sorry ang may sala eh maibabalik ang buhay na nawala, Eh hindi eh! At kahit kailan hindi na ito pwedeng mabalik. "I'm impressed. Ano nga ulit ang pangalan mo miss?" tanong bigla sakin ni Detective Niall. "My name is Louisé. Nice to meet you nga pala detective niall." Sabi ko naman. "Niall na lang." sabi nya sabay ngiti. "Kuya? Anong ginagawa mo dito?" tanong bigla ni Julian na bigla na lang sumulpot kasama sina Micah. "Magkakilala kayo?" napasigaw ko bigla dahil sa gulat. "Oo, sya yung kuya ko. Sya yung kasama ko sa states para pag aralan yung mga kaso ni Black Phantom at nung Crimson. Isa syang batang detective pero nag aaral padin." Paliwanag naman ni Julian. "Ehh?" Did I hear it right? "Andito ka rin pala. May trabaho pa ako. Pano, Alis na ako ha? Paalam sa inyo." Sabi ni Niall sabay alis. "Sige. Hanggang sa muli po." sagot ko naman sakanya. Akala ko tapos na yung problema pero may natira pa pala. Pano na kaya si Darell? Masyado pa syang bata para mawalan ng pamilya. Tsaka sino ng mag aalaga sakanya? Paano na ang hotspring resort na 'to ngayon? "Pano na si Darell?" natanong ko bigla. "Ako ng bahala sakanya. Aakuin ko na lang ang pag aalaga sa kanya. Bilang pagtanaw ng utang na loob kay Madam Manager." sabi bigla nung staff na si Beatrice. "Ate Beatrice.. Pero, pano na ang resort?" tanong ko pa. "Mukhang magsasara muna sya. Pero alam ko naman magbubukas muli ito. Bukod pa dun, masyado ng madaming pinagdaanan ang resort na to at tingin ko kailangan din nya ng pahinga." Sagot naman nya. "Sa tingin ko nga.." "Salamat nga pala sa pagbisita nyo dito, tsaka sa pagtulong sa paglutas ng kaso. maraming salamat." "Walang anuman." sagot ko sabay ngiti. "Ang galing mo!" sigaw ni Kate sabay yakap sakin. "Alam mo ba habang nagde-deduction show ka kanina, Hindi ko maiwasang hindi humanga sayo! I mean, you're like a female Sherlock Holmes! So Amazing!" "Really? Uhm. Thank you." At napangiti na lang ako. "Salamat nga pala Ciel ha? Tinulungan mo kami dun." sabi ko naman kay Ciel. "Walang anuman." sagot naman nya sakin. "Ano nga palang masasabi mo sa kuya ko?" tanong naman bigla ni Julian sakin. "Kay Kuya Niall? He's super good!" sagot ko naman sabay thumbs up sakaniya. "Hindi ko inaasahang magpapakita sya dito. Pero at least na-solve na ang kaso na 'to kaagad. Paano? Uuwi na ba tayo?" tanong naman nya. "Speaking of .." eksena bigla ni Rio. "Kung uuwi tayo kaagad, Sayang naman. Tsaka san naman tayo matutulog diba?" "Wag na tayong matulog! Mag mountain hiking na lang tayo! Maganda tignan ang sunrise!" suggest ko naman sakanila. "Sounds exciting.." sagot naman nila na mukhang napilitan lang. Nag-ayos na kami ng gamit, saka umakyat sa bundok ng makiling. Hindi ko aakalain na sa isang iglap lang eh Ang paradise trip namin eh naging isang nightmare. "Oo, sya yung kuya ko. Sya yung kasama ko sa states para pag aralan yung mga kaso ni Black Phantom at nung Crimson. Isa syang batang detective pero nag aaral padin." Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Julian kanina. Sinabi nyang pinagaaralan nila si Black Phantom diba? So interesado ba silang malaman ang totoo nitong katauhan? Hindi ko alam na may gantong hakbang na ginagawa ang mga awtoridad para sakin ah? Akala ko pa naman nagtitiwala na sila sakin. Well kung sabagay, sino ba naman ang hindi maiintriga sa tunay na katauhan ng isang Phantom thief diba? Pero as if namang may malalaman sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD