CHAPTER 2

1398 Words
Hinang-hina si Anemone nang ibaba niya ang cellphone. Tahimik siyang lumuluha. Parang sasabog ang dibdib niya sa sama ng loob. Sampung taon na mula nang maikabit sa pangalan niya ang apelidong Altieri pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maatim na ituring na asawa ni Nazaron. The day he married her was the day she lost him completely. Hindi man lang nito inisip na may pinagsamahan din naman sila. Oo, pumayag siya sa kagustuhan ng mga magulang niya na maikasal dito dahil mahal niya ito. Oo halos hilahin niya ang mga araw para maging legal na siyang asawa nito dahil natatakot siyang maagaw ito ng iba. But he was cruel. Sinabi nitong hindi nito kayang tumira sa iisang bahay kasama siya. Umalis ito sa unang gabi palang nila bilang mag-asawa. Nazaron abandoned her. And after ten years, he hadn't changed at all. Malamig pa rin ito sa kanya. Noong una ay pinupuntahan niya ito palagi. Pero kalaunan ay tumigil na rin siya at naghintay na lang sa Santa Catalina sa muli nitong pagbabalik. Pinadadalhan niya pa rin ito ng mga greeting cards at regular na tumatawag dito kagaya ngayon, na lagi na lang nauuwi sa sama ng loob sa parte niya. Nazaron Altieri, Chief Executive Officer. Mapait siyang napailing. Akala ng halos lahat ay wala itong asawa. Hindi niya masisisi ang mga tao. Minsan man ay hindi isinuot ni Nazaron ang singsing nila. And she kept quiet all these years. Hinayaan niya lang si Nazaron. Isang bagay na hindi maintindihan ng mga taong nakakaalam ng katotohanan. But she didn't want people to feast over his husband. Because she loved him. Kaya kahit masakit ay nanahimik siya. She was his secret wife. "Anemone? Ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong sa kanya ni Luther. Nilapitan siya nito, bakas ang pag-aalala sa guwapong mukha. "Bakit umiiyak ka?" Luther looked eighty percent like his half-brother. Pareho kasing nagmana sa ama ang magkapatid. They were both well-built and tall. But Luther was more gentle. Ito rin ang palaging nasa tabi niya. Umiling siya. "Wala..." Hindi nakaligtas dito ang panginginig ng kamay niya. Napabuga ito ng hangin. "Tinawagan mo na naman si Nazaron? Hindi ka pa ba napapagod? Hindi na babalik dito ang kapatid kong iyon. He is happier in his dog-eat-dog world. Kung may plano siya para sa inyo dapat matagal na niyang ginawa. Pero wala. I'm sure all the cards you sent him went straight to his trash bin." "P-paano mo nalaman ang tungkol sa mga-" He scoffed. "Come on, nakikita ko lahat." Lalong sumeryoso ang mukha nito. "He doesn't love you." Alam naman niya iyon. Hindi ba't kani-kanina lang ay kulang na lang isampal ni Nazaron sa mukha niya ang bagay na iyon? Pero mahirap kalimutan ang taong halos buong buhay na niyang minamahal. Hindi niya namalayang lumuluha na pala siya. Umungol si Luther na parang ito pa ang higit na nasasaktan kaysa sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at kinabig ang ulo niya pasandal sa balikat nito. "Please, don't waste your tears for someone who isn't worth it. He does not deserve to see your tears and your smile, Anemone." Huminga ito nang malalim at pinuno ang dibdib saka idinugtong ang, "Only I." Halos pabulong lang iyon at hindi niya alam kung tama ang pagkakarinig niya. "Ano iyon?" He let out a soft chuckle. "Ang sabi ko sobrang tagal ka na niyang sinasaktan. Dito." Itinuro nito ang puso niya. "Tama na. Naiinis ako kapag nakikita kong ginaganyan ka lang niya. Hindi niya alam kung ano ang sinasayang niya." Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Salamat, Luther." He pulled away a little to see her face, then he smiled charmingly at her. Ginulo nito ang buhok niya. "Napakaiyakin talaga ng ale," biro nito. Tumayo na ito at inilahad ang kamay sa kanya. Kumunot ang noo niya, nagtataka. "Ano iyan?" "Punta tayo ng merkado. Ililibre kita." Umismid siya. "Parang tanga 'to. Gabi na kaya. Sarado na ang merkado." Luther wrinkled his nose. "Gabi na ba? Naubos ang oras sa kaiiyak mo," he teased. "Loko-loko ka." "Sige, bukas na lang?" Pinunasan niya ang halos natuyo na rin namang luha sa pisngi. "Sigurado iyan?" Umaliwalas lalo ang mukha ng binata. "Oo naman!" "Sige, ha. Bukas. Libre mo." Napangiti na siya. She sighed inwardly. Pinanood niya ang pagsaludo ni Luther. She was lucky to have someone like him. _____ "WHOA!" Hinila niya ang renda ni Moon Cherub. Kabayo niya ito. Regalo iyon sa kanya ni Señor Giuseppe noong bata pa siya. Huminto agad ang alaga niya at tumungo. Nilingon niya si Luther. Nakasakay din ito sa kabayo nitong si Wind Walker. Malapit lang naman ang merkado ng Santa Catalina sa Villa ng mga Altieri. "Ang hina mo naman, hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kayang talunin sa karera natin," nakatawa niyang pang-aalaska sa kaibigan. Luther just smiled, fondly shaking his head. Pagkababa niya ay hinimas agad niya ang leeg ni Moon Cherub. "Good girl." Itinali nila ang mga alaga sa malaking puno at pumasok ng merkado. Sa loob ng katamtamang laking istruktura ay mga tindahan ng samut-saring produkto. Hinatak siya ni Luther sa karinderya ni Aleng Mameng na pareho nilang paborito. Sabay pa silang naupo sa pahabang tabla. "Magandang umaga ho, Aleng Mameng!" bati nila sa matanda. Ngumiti ito at awtomatikong inilapag ang dalawang order ng Bihon Guisado sa harapan nila. "Wow, ang galing naman ni Aleng Mameng, nahulaan n'yo agad?" ani Luther, malawak ang pagkakangiti. "Tigilan mo ako, Teryo. Pinagbobola mo akong bata ka. Paanong hindi ko mahuhulaan, eh iyan lagi ang kinakain n'yo rito." 'Teryo' ang tawag ng matanda sa kababata niya at sa kanya naman ay 'Aneng.' Ngumiti lang siya, naiiling. Minasdan siya ni Mameng. "Kayo bang dalawa ay kailan mag-aanak? Aba'y matagal na kayong kasal, ah," komento nito. Nasamid siya. Ang buong akala ng mga taga-Santa Catalina ay sila ni Luther ang ikinasal. Pribado ang naging pag-iisang dibdib nila noon ni Nazaron at ang mga magulang nito, si Luther, at mga magulang lang niya ang dumalo. No one really knew who married who. Ang alam lang ng mga ito ay may ikinasal sa loob ng Villa Altieri. At dahil sila ang palaging magkasama ni Luther ay inisip ng mga itong sila ang mag-asawa. Isa pa'y sampung taon na rin kasing hindi umuuwi si Nazaron. Noon ay gusto niyang itama ang maling akala ng mga tao, pero hindi siya magkalakas-loob dahil paano niya ipaliliwanag ang pag-iwan sa kanya ng totoong asawa? At ayaw nga niyang pag-usapan ng mga tao si Nazaron at ang pamilya nito. Nagulat siya nang umakbay sa kanya ang binata. "Aleng Mameng, napakasarap talaga nitong Bihon Guisado n'yo!" paglilihis ni Luther sa usapan. Napailing na lang ang matanda. "Ku, akala ba ninyo'y hindi ko nahahalatang iniiba ninyo ang usapan?" Binalingan siya nito. "Ikaw, Aneng, magpabuntis ka na rito kay Teryo at baka hindi na kayo biyayaan ng supling. Tandaan n'yo, hindi bumabata ang matris bagkos ay lumuluma. Teryo, galingan mo kasi para ganahan itong asawa mo." Hindi siya nakaimik. Naalala niya ang simple niyang pangarap noon na kasamang naglaho ni Nazaron. Gusto lang niya ng isang buong pamilya. She didn't need a CEO for a husband. Gusto niya ay asawang aalagaan siya at ang magiging mga anak nila. Naikuyom niya ang kamao nang maramdaman ang mahapding kurot sa kanyang puso. Bakit ang hirap maabot niyon? Bakit ang damot ng totoo niyang asawa? Ang damot-damot mo, Nazaron. Ang damot-damot mo. "Salamat po sa masarap na Bihon Guisado, Aleng Mameng. Ito na po ang bayad." Si Luther. Inalalayan siya nitong tumayo at maglakad palabas ng merkado. "Huwag mong isipin iyong mga sinabi ni Aleng Mameng. Twenty-eight ka palang, eh." Bumuntong-hininga siya. "Tama naman siya, Luther," mahina niyang sambit at nauna nang sumampa sa kabayo. Ganoon din ang ginawa ni Luther. Umagapay ito sa mabilis niyang pagpapatakbo kay Moon Cherub. "Anemone, slow down!" Hindi siya nakinig at pinalabo na ng mga luha ang kanyang mga mata. Bumalik ang lahat ng sakit at tila punyal na sumasaksak sa kanya nang walang tigil. Hindi niya alam kung paano siya nakarating ng malaking bahay. Basta't natagpuan na lamang niya ang sariling humahakbang sa mga baitang ng lumang hagdan. Nagulat pa siya nang hagipin ni Luther ang kamay niya. Hinila siya nito at mahigpit na niyakap. Malakas siyang napahagulgol sa dibdib nito. "Kalimutan mo na siya, Anemone." Tumango siya at lalong isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata. "Tulungan mo ako... Kailangan kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD