Mariing pinipiga ni Nazaron ang stress relief ball na hawak sa kaliwang kamay. It had been three straight f*cking months since he last heard from Anemone. Iyon ay nang tumawag ito para batiin siya ng happy anniversary. He spat harsh words at her. Aminado naman siyang nasaktan niya ito. Pagkatapos ay hindi na ito muling nagparamdam sa kanya.
Naiirita siya sa sarili kung bakit nag-aalala siya para sa babae. Dapat nga ay maging masaya siya dahil hindi na nagpaparamdam sa kanya ang ‘asawa.’
He had asked her to stop, and she did, but he did not expect himself to react like this. Imbis na mabunutan ng tinik ay nag-aalala siya. Her silence only made him feel like a lost wolf in the middle of a cold, howling wind.
Aaminin niyang nasanay na siyang palaging isinisiksik ni Anemone ang sarili sa kanya. Yes, she wasn’t physically present, pero palagi itong nakakagawa ng paraan para maiparamdam ang presensya nito sa kanya—the cards, the regular emails, the phone calls, and the text messages. Alam din niyang updated ito sa nangyayari sa buhay niya.
Anemone was in fact the first to congratulate him when he became the CEO.
Baka may nangyari ritong hindi maganda?
He dismissed the thought immediately. Sana ay itinawag na iyon sa kanya ng pamilya niya.
Akmang iaangat na niya ang telepono sa cradle nang mag-ring iyon. Mabilis niya iyong sinagot. “Altieri,” aniya.
“Grazie a Dio! Akala ko’y kailangan ko na namang dumaan sa sekretarya mo bago ko makausap ang sarili kong anak.”
“Mama.” The tone of his voice was apologetic. Minsan kasi ay kailangan pang maghintay sa linya ng ina niya. He was a very busy man. Puno ang schedule niya at kailangang mag-cancel ng meeting para lang may mailaan siyang oras sa magulang.
“Bambino, did you have to cancel another important meeting for me?”
“Please, stop calling me that. And no, wala akong appointment sa mga oras na ito.” ‘Bambino’ ang term of endearment ng ina sa kanya.
“But you are my baby, Nazzie!”
“Mama, please.” Bumuntong-hininga siya. “Napatawag kayo, Ma?”
“Well, alam ko naman na ang isasagot mo pero nagbabakasakali pa rin ako. Birthday ng papa mo, and we want you to be there.”
Hindi siya umimik sa loob ng kung ilang segundo.
“Si…” He cleared his throat. “Si Anemone—”
“Hindi naman natin siya puwedeng itaboy, bambino. She’s family.” Inakala nitong ang pagkakabanggit niya sa pangalan ng asawa ay pagdadalawang-isip na dumalo sa pagtitipon dahil sa presensya nito.
Hindi na niya itinama ang maling akala ng ina. Isa pa ay nakahinga naman na siya nang maluwag. At least he was sure now that the ‘wife’ was safe. “I’ll think about your invitation, Ma.”
Humugot ng malalim na paghinga si Eutropia. “Kung iniisip mong guguluhin ka ni Anemone ay nagkakamali ka, Nazaron,” makahulugan nitong sabi.
“Ano ang ibig mong sabihin, Ma?”
The old woman sighed. “Wala. Sige na at baka malaking abala na ako sa ‘yo, bambino. Sana makadalo ka. It would be just a small party for your papa.”
Wala na sa kabilang linya ang ina ay nanatiling nakatitig pa rin siya sa telepono. His stomach felt like it was tied up in knots. Nakakairita ang pakiramdam na alam mong may kailangan kang malaman. There was something he needed to know and he would find out soon what it was that his own mother was hiding from him.
_____
HABANG minamaneho ang kanyang black armored hummer—na isa lang sa koleksyon niya ng mga muscle and sport cars—ay maraming alaala ang nagsasalimbayan sa gunita niya. Papasok na siya sa entrada ng lupaing pag-aari nila.
He breathed deeply, filling his lungs with clean air, as he listened to the sound of nature. Nang mapatingin siya sa labas ng bintana at sa malapad na daanan ay parang nakikita pa niya ang imahe ni Anemone na nakasakay sa alaga nitong kabayo. Palagi itong nakikipagkarera sa kanila ni Luther noon.
“This place is paradise, honey!” bulalas ni Phoebe. Noon niya lang naalalang kasama nga pala niya ito. Nagpumilit itong sumama. Pumayag siya. Phoebe was good for the business because her father was a Filipino-Chinese tycoon. Isa pa ay malinaw naman na rito ngayong he was never gonna put a ring around her finger. Hindi nito alam ang tungkol sa asawa niya pero nag-assume itong hindi pa lang siya handang lumagay sa tahimik.
“I know,” tipid niyang tugon.
“So, bakit hindi ka umuuwi rito? Kahit bakasyon man lang?”
Pinili niyang huwag nang magsalita. Nakuha naman agad ni Phoebe na ayaw niyang magkuwento. Hindi na ito muling nagtanong pa hanggang marating nila ang malaking bahay. Ang estilo ay katulad ng magagarang bahay sa Madrid.
Halos wala nang parking space dahil napakaraming sasakyan ang nakaparada. Small party, huh, he murmured, chuckling. Sinasabi na nga ba niyang imposibleng hindi magarbo ang selebrasyon.
Tumuloy na sila ni Phoebe sa malawak na sala. Pinabayaan na niya itong iangkla ang mga kamay sa braso niya.
“Napakaraming bisita, hon,” ani Phoebe.
“My mama loves organizing huge parties.” Hinanap ng mga mata niya ang ina at kaagad naman niya itong nakita kausap ang isa nitong amiga.
Lumapit siya sa ina. “Mama.”
Nanlaki ang mga mata nito, natutop ang bibig. “Jesus Christ, bambino, dumating ka! Isa itong malaking sorpresa!” Walang pagsidlan ang saya ng inang si Eutropia. Mahigpit siya nitong niyakap. “This is a miracle, bambino!” Halos hindi pa rin ito makapaniwala na naroroon siya.
Tumikhim siya. “Ma, may kasama ako.” Nilingon niya si Phoebe.
Tinanguan ng ina niya ang dalaga bago iminosyon ang daan patungong pavillion.
“Nasa pavillion ang papa mo, halika. Matutuwa iyon.”
Lumabas sila ng malaking bahay at tinungo ang pavillion kung saan nagkakasiyahan ang mga bisita. May espasyo rin para sa mga nagsasayaw. Habang naglalakad palapit sa kinauupuan ng ama ay nadaanan nila ang dalawang matandang taga-Santa Catalina na nag-uusap.
“Napakasuwerte ni Teryo sa asawa niya, ano? Kaygandang bata at napakabait pa. Sana nga ay magdalangtao na si Aneng para maging lubos na ang kaligayahan nila.”
Nazaron went dead still. As if on cue ay dumako ang mga mata niya sa gitna kung saan ilang pares ang nagsasayaw. Mabilis niyang nahagip ang malaking bulto ni Luther. Ang puwesto nito ay nakaharap sa kanya kaya kitang-kita niya ang matamis na ngiti sa labi nito habang nakayuko sa kasayaw at nakatitig sa mukha nito.
His gaze shifted to the woman who was in Luther’s arms. Nakatalikod ito sa kanya, pero pakiramdam niya ay kilala niya ito.
The woman was sexy—narrow waist, generous hips, and a curvy behind. Nakahantad ang likod nito sa suot na beige low-back, lace evening dress. The fabric hugged her curves like second skin. Kaya malinaw niyang nakikita ang kaakit-akit na kurba ng katawan nito.
Who are you? pipi niyang tanong.
It was useless to deny the fatal attraction he felt for the mysterious woman. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. This was the first time that he suddenly desired someone so much… too much that it was almost choking him.
Awtomatikong kumuyom ang mga kamao niya nang lalong humigpit ang pagkakayakap ng mga braso ni Luther sa babae. At nang titigan niya ang kapatid sa mukha ay nakatitig na rin pala ito sa kanya. There was no warmth in Luther’s eyes. He was not even welcoming. Matigas ang ekspresyon nito at matalim ang kislap sa mga mata.
Inilapit nito ang labi sa tainga ng kasayaw at may ibinulong dito. The woman stiffened. Inalalayan ito ni Luther na humakbang palayo sa lugar na iyon. Hindi man lang ito nag-abalang lumingon. May isang bahagi niya ang labis na nanghihinayang na hindi man lang niya nasilayan ang mukha nito.
Well, ang kay Pedro ay kay Pedro at ang kay Juan ay kay Juan. If that woman belonged to Luther, then so be it. Hindi kasama sa plano niya ang mang-agaw ng babaeng minamahal ng kapatid niya. Although, frankly speaking, him and Luther were not exactly close. They were civil, but obviously they didn’t like each other.
There was something about Luther that he did not like. Hindi niya lang matukoy kung ano iyon.
Maybe because the man was too polite, too friendly, and too good to be true. While he was ruthless, cold, and intimidating. And there was a time in the past when Luther had completely refused to talk to him. Iyon ang mga panahong pinagbigyan niya ang pisikal na atraksyong nararamdaman para kay Anemone. It was supposed to be just one night. Pero nasundan iyon nang nasundan. Until he became used to having Anemone in his bed.
Biglang dumaan sa gunita niya ang magandang mukha ng asawa.
It had been so long since he last saw her. May limang taon na siguro.
“Nazaron, ikaw nga! Questa è una sorpresa! Binigla mo naman kami. Akala namin ay hindi ka pupunta,” masiglang sabi ni Giuseppe.
“Free ang schedule ko papa kaya naisipan kong dumalo. Besides, nami-miss ko na rin ang villa at kayo ni mama.”
Nakita niyang napatingin ang ama kay Phoebe, nagtatanong ang mga mata.
“Ah, papa, this is Phoebe.”
“Your girlfriend?” walang ligoy nitong tanong.
“No, papa. Phoebe is a very dear friend.”
Tumango ito, diskumpyado. “Nagkita na ba kayo ni Anemone?”
“Papa.” The tone of his voice was suggesting that he did not want to see the woman.
"Eutropia, papuntahin mo nga rito sina Anemone at Luther."
Tumalima naman ang ginang.
"Papa, alam mo namang--"
"Nonsense!"
Lumampas sa balikat niya ang mga titig ni Giuseppe. “O, ito na pala sila.”
Dahan-dahan ang ginawa niyang paglingon at para siyang sinuntok sa dibdib nang masigurado niyang ang babaeng kanina ay kasayaw ng kapatid ay ang kanyang asawa. Asawang pinabayaan at hindi kinilala.
“Anemone…” sambit niya.
“Nazaron,” ganting-sambit nito, walang bakas ng pagkasabik sa maganda nitong mukha. And when Luther held her hand, he saw bloody red and shot them a murderous look. Oh, God, why did he suddenly want to kill?