CHAPTER 1

1959 Words
Nazaron Altieri, CEO of Altieri Corporation—one of the country’s largest conglomerates. Half-Filipino, Half-Italian. Six-foot-four inches tall. Brown hair, brown eyes. Always the formidable boss in classic black suit. But tonight, the boss was naked in his lavish office and only a pair of sweatpants to cover the lower glory of his mouth-watering body. He did a full-hour run on the treadmill. Alas nueve na ng gabi at umuwi na ang lahat ng empleyado. May fitness room siya na konektado sa kanyang executive office. Hindi siya nakapag-gym dahil tambak ang trabaho, and he was an absolute workhorse so work was his top priority. Hindi siya tumitigil hanggang may kailangan pang tapusin. Muli niyang sinulyapan ang pangalan sa desk name plate. Nazaron Altieri, Chief Executive Officer. Malayo na ang narating niya. He was not the 20-year old fool who did not have the courage to fight back against the manipulation of his father. Ngayon ay treinta y anyos na siya, at nasa kanya na ang lahat—power, money, and most importantly… women. Dahil sa pagiging sertipikadong babaero ay binalaan na siya ng mga kaibigan na baka babae ang maging dahilan ng pagbulusok niya pababa. They say a man’s woman is his downfall. Katulad na lang sa kuwento nina Adan at Eba. The serpent deceived Eve first, and Eve gave some of the forbidden fruit to Adam. Lo and behold, the fall of man. Hindi siya naniniwalang babae ang nagpapabagsak sa lalaki. Dahil kung totoo iyon ay matagal na dapat siyang bumagsak mula sa tore ng tagumpay. But he would never allow anyone to ruin him. Lalo na kung ang magiging dahilan ng kanyang pagbagsak ay isang babae. Women were at his disposal. Nabibigay ng mga ito ang pangangailangang pisikal niya. Hanggang doon lang. Hindi niya kailangan ng permanenteng makakasama sa buhay. So when everyone was telling him that it was only a matter of time before love comes to him, he didn’t believe them. Sa tanang buhay niya ay hindi pa niya naranasang umibig nang totoo. Hindi niya kailangan iyon. Whoever said that love was a necessity? Ang kailangan niya ay pera at kapangyarihan. At nakuha na niya iyon. At thirty, he was already a successful businessman from the prominent Altieri Family. They had strong business connections around the globe with investments in real estate, telecommunications, electronics, banking, information technology, automotive, and Business Process Outsourcing. And he was the CEO. Isinuksok niya ang isang kamay sa bulsa ng sweatpants at tumanaw sa labas ng floor-to-ceiling glass wall. Nakatanghod siya sa mga gusali sa baba. Pakiramdam niya ay nakatingala sa kanya ang lahat. And it fueled his pride. Bumalik siya sa kanyang puwesto, behind the too expensive and well-polished executive table. Wala sa loob na hinila niya ang drawer kung saan nakalagay ang maliit na black velvet box. Kinuha niya ang kahon at binuksan. Tumambad sa kanya ang singsing na nagpapaalalang hindi na siya malaya. Sampung taon na ang lumipas mula nang pakasalan niya ang anak ng caretaker ng villa nila sa Santa Catalina, si Anemone. Madalas noong wala sa Pilipinas ang mga magulang niya dahil sa negosyo ng pamilya kaya ang mga magulang ni Anemone ang nagmimintina sa villa. It was only after his father suffered a mild stroke that his parents decided to stay in Santa Catalina for good. Naaalala pa niya ang hitsura ni Anemone. Her eyes were beautiful, and she had always looked at him with open admiration. Matangos ang ilong nito. Manipis ang mga labi. Her hair was black and wavy, at hanggang baywang ang haba. Pinag-aral ito ng mga magulang niya. Kasama nito si Luther, while he studied in Manila. Tuwing bakasyon ay nasa Santa Catalina siya at may panahong doon siya nag-kolehiyo bilang parusa dahil sa lahat ng mga kagaguhan niya sa universidad sa Maynila. Matanda sila ng dalawang taon ni Luther kay Anemone. Noon pa man ay may gusto na sa kanya ang babae. Palagi nitong sinasabi iyon sa kanya. Pero hindi niya ito gusto. Nagtatampo ito tuwing nagkaka-girlfriend siya at nagbubunyi kapag nagkakasira sila ng nobya. He sighed. Dumako ang mga mata niya sa painting na nakakabit sa pader. Si Anemone ang nagpinta niyon. It was a picture of the sun rising from the mountain. Nakapalibot sa araw ang apat na buwan. Sa baba ay may nakasulat na ‘IDENTIFY.’ But the ‘I’ did not look like the letter I at all. Tingin niya ay numero uno iyon. Anemone had the painting delivered to his office some years ago. He knew there was a hidden message behind it. Hindi niya lang matukoy kung ano. At hindi na rin niya naitanong sa nagpinta niyon na si Anemone nga dahil ayaw niyang magkaroon ng dahilan para mag-usap pa sila ng asawa. Minsan man sa loob ng sampung taon ay hindi siya umuwi ng Santa Catalina. Nakikita niya lang ang mga magulang kapag lumuluwas ng Maynila ang mga ito nang hindi kasama si Anemone. Gayunman ay hindi naputol ang pagpapadala niya ng sustento sa asawa. Because she was still the lawfully wedded wife. May iilang pagkakataon na pinipilit siya ng mga magulang at ng kapatid sa ama na kausapin si Anemone pero sa tuwina ay nauuwi sa away ang diskusyon tungkol sa bagay na iyon. And then one day, they just stopped. Napagod na rin siguro ang mga itong kumbinsihin siya na ayusin ang pagsasama nila ng asawa. There was nothing to fix anyway, dahil simulat-sapul ay malinaw na sa kanyang wala siyang pag-ibig para sa babaeng pinakasalan. Sa unang limang taon mula nang maikasal sila ay madalas magpasama si Anemone kay Luther para madalaw siya. He was always cold and distant. Pinagpapasalamat niyang hindi rin nito pinagsasabi kung sino ito sa buhay niya. Tahimik lang din ito. So, without the wedding band and the presence of a wife, people assumed that he was single. Kaya kabi-kabila ang mga babaeng naglalalapit sa kanya. Tawag sa cellphone ang pumutol sa pag-iisip niya. Anemone calling… Napaungol siya at awtomatikong nahilot ang sentido. Ano na naman ba ang gusto nito? Come on, give up already, will you? gusto niyang sabihin sa asawa. Sa loob ng mahabang panahon ay patuloy itong nagpapadala ng cards sa kanya kapag may okasyon—birthday, Christmas, New Year, Valentine’s Day, lahat-lahat na! Hindi pa ba ito napapagod? Nagtataka nga siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpa-file ng annulment. Sa panig niya’y, mas gusto niyang married ang civil status niya sa papel para iwas pikot lalo na at palikero siya. The married status was like his secret weapon and an access card to free s*x without the constant fear that someone would drag him to church the next day. Pero kung nabaligtad lang ang sitwasyon nila ni Anemone ay nunca siyang magtitiis. A*shole that he was, he abandoned her on their first night as husband and wife. Terribile! Hindi man lang ito nagalit sa kanya. F*ck! At ayon na rin sa mga magulang niya ay hindi tumitingin sa iba si Anemone. Her loyalty was both annoying and commendable. He couldn’t decide whether to like her or hate her. He remembered a quote somewhere saying that loyalty isn’t grey. It is completely black or white. Either you are 100% loyal or 100% an a*shole. And the a*shole sounded more appealing to him. Maybe, he could never be loyal. He was not cut out for love. Lalo na at hindi pag-ibig ang naging dahilan ng pagpapakasal nila ni Anemone kundi para isalba ang pamilya Altieri sa nagbabantang eskandalo na maaaring bumuhay sa mga multo ng kahapon. Ang kuwento ay nabuntis ng amang si Giuseppe ang sekretarya nito noon. Halos sabay na nagdalangtao ang legal nitong asawang si Eutropia at kabit na si Fabiola. Nang piliin ni Giuseppe ang asawa ay nag-eskandalo ang kabit. Naging masama ang tingin ng mga tao sa pamilya nila. His grandfather lost the election for the gubernatorial post that same year. Malaking dagok iyon sa pamilya nila. Hindi nakayanan ng matanda ang pagkatalo at pangungutya ng mga tao kaya inatake ito sa puso. Idagdag pang iniwan ni Fabiola ang anak nitong si Luther sa Villa Altieri. Nakabangon ang pamilya nila makaraan ang ilang taon. People respected them again. Hanggang sa matuklasan ng mga magulang ni Anemone, na caretaker ng villa nila, na may nangyayari sa kanila ng dalaga. Sex. Iyon lang iyon. Anemone liked the dirty and kinky things that they were doing anyway and f*ck, they were both consenting adults! Pero nagbanta ang ama ni Anemone na mag-eeskandalo at sisirain ang pamilya nila kapag hindi niya pinakasalan ang anak nito. Umiiwas na sa eskandalo ang pamilya nila kaya pinilit siya ng amang pakasalan si Anemone. He was a fool then and thought that he couldn’t make it on his own so he married her. Pero ang usapan ay kasal lang. Pinamukha niya iyon sa asawa pagkatapos ng kasal. Sinabi niya rin ditong hindi niya kayang tumira sa iisang bahay kasama ito. Her parents didn’t seem to care. Ang mahalaga lang sa mga ito ay legal nang Altieri ang anak at may karapatan na sa yaman ng pamilya nila. And he hated it. “What do you want?” malamig niyang tanong matapos sagutin ang tawag. Patlang. “Tumawag lang ako para batiin ka ng Happy Anniversary.” May pag-aatubili sa boses nito. Mahina siyang tumawa. Ang klase ng tawang puno ng pang-uuyam. “Is this a joke, Anemone?” “H-hindi…” “Why are you doing this? Sarili mo lang ang pinahihirapan mo. I told you to stop hoping that our marriage is real because it isn’t,” pagdiriin niya. “It’s legal and binding,” mabuwal nitong sambit. “Kasal tayo. Legal iyon. At asawa mo pa rin ako.” “Tinapat na kita, 'di ba? Dati pa. Sabi ko huwag kang umasang tototohanin ko ang kasal natin. Don’t waste your life waiting for me or wishing that one day I would feel the same for you because that’s not gonna happen.” He was harsh. “B-bigyan mo naman kasi muna ako ng pagkakataon. Kahit saglit lang, subukan naman natin, o,” sumamo nito, garalgal ang boses. “You have already wasted ten years of your life, Anemone. Enough. Hindi pa rin ba malinaw sa iyo? Hindi kita mahal.” Mahabang katahimikan bago ito muling nagsalita. “Bakit, sinubukan mo man lang ba? Hindi naman, eh. Umayaw ka na lang agad. Ang daya mo naman, Nazaron.” “Saang parte ba ng hindi kita mahal ang hindi mo maintindihan? Is it so hard to understand? I-don’t-f*cking-love-you.” He scoffed lazily. “May sasabihin ka pa ba? Paulit-ulit lang tayo, eh.” Tinignan niya ang relo. “I have a meeting in five minutes.” Bumuntong-hininga ito, halatang pinipigil ang mapahagulgol. “Salamat sa oras—.” “Hon, ano pa’ng ginagawa mo rito? 'Di ba may dinner date tayo ngayong gabi? It’s our first week together as a couple. Ano ba, huwag mong sabihing nakalimutan mo agad?” Napatingin siya sa babaeng iniluwa ng pintuan. Si Phoebe. Hindi niya ito girlfriend. She was just one of the casual lays. Pero hindi na niya itinama ang sinabi nito, lalo na at nasa kabilang linya lang ang asawa niya. Mabuti ngang marinig nito. “Sino ba kasi iyang kausap mo?” inis na tanong ni Phoebe. “No one.” Dinig niya ang pagsinghap ni Anemone. Ang sumunod doon ay busy tone na. Nagkibit-balikat lang siya at ibinaba sa mesa ang cellphone. Nilapitan niya si Phoebe. He flashed her his menacing smile and grabbed her by the waist. Ngumiti nang matamis ang babae at awtomatikong inilapit ang mukha sa kanya pero iniharang niya ang hintuturo sa labi nito. Umiling siya. “Let’s get one thing straight first: I am not your boyfriend. We have no relationship.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD