13 years ago. Lulan ng sasakyan ang binatilyong si Nazaron. He was seventeen years old. Nasa backseat siya at nag-iisa. His father promised to pick him up from the airport. Pero tanging ang driver ng pamilya ang sumundo sa kanya. Kada bakasyon ay pinipilit siya ng kanyang ina na magbakasyon ng Santa Catalina—to compete with his half-brother. While she was in other parts of the world. Ang papa kasi niya ay palaging naglalaan ng panahon para makauwi ng probinsya at makasama ang anak nito sa ibang babae. Kaya sa murang edad niya ay may galit nang namuo sa dibdib niya para sa kapatid. Luther was never supposed to be in the picture. Pero dahil sa ina nito ay naroroon ito ngayon. At siya na legal na anak ay kailangan pang makipagkompetensya. Ni hindi niya maintindihan kung bakit kailangan p