MAHIGPIT NA YAKAP ang ibinigay sa akin ni Aaron matapos nilang mag-usap ng Mama niya. Kahit narinig ko lang at hindi direktang sinabi sa akin ang mga nakakakilabot na bintang ay nasaktan pa rin ako para kay Ate Len. Napakabait niya at hindi niya deserve na pagsalitaan nang masasakit. “I’m sorry about that. Namulatan ko nang mababa ang tingin ni Mama sa mga kasambahay,” paliwanag ni Aaron. “Hindi ako magkokomento dahil sa huli, nanay mo pa rin siya. You don’t get another one. But no one deserved those words from her kahit ang taong ’yon pa ang nasa pinakamababang antas ng lipunan.” “I know. Don’t worry, aayusin ko. But for now, huwag muna nating siyang isipin. Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?” tanong niya. “I don’t know. Maybe…” “Let’s have a quick snack at kung gusto mong magpahi