HETO AKO, NAG-EEMPAKE nang dadalhin kong gamit. Hinatid ni Andrew si Maya sa clinic kanina at narinig ko pang sinabi nito na susunduin pagkatapos ng duty. I am so happy for them. At least, walang kasinungalingan sa pagitan nila. Samantalang ako ay magsisimula pa lang pero baon na sa pagkukunwari. “Anak, nandito na si Aaron sa baba dala ang travelling bag niya.” Kinatok ako ni Inay Mila sa kuwarto. “Sige po, malapit na akong matapos.” Narinig ko ang papalayong yabag niya. Gusto ko sanang tawagan si Ate Len at hingin ang opinyon niya. She was my voice of reason. I dialled her number pero nakakailang ring na ’yon ay hindi pa rin niya sinasagot. So I texted her instead to let her know I am going out of town. Nasa isip ko ay iniwan niya ang personal phone niya sa vault or somewhere in the