Chapter 2

1039 Words
MAINIT ang hangin at nanlalagkit na ako sa may gate. Mabuti na lang pala at kulay itim ang napili kong isuot na blouse. Gusto ko sanang mag-shorts pero mahigpit na bilin ni Ate Len na magpantalon ako lalo na kung nasa Maynila. Mas mabuti na daw ang safe than sorry.  I took a direct flight from Spain to Manila and it took me less than nineteen hours. May isang stop over pa 'yon. At ngayon, lumabas ako sandali para lumanghap ng hangin. Totoo nga ang sinasabi nila na masyadong polluted na ang Maynila sa sobrang daming tao at mausok na tambutso ng mga sasakyan. In fairness, simula ng maupo ang bagong presidente ay malinis na ang airport at maging ang paligid sa labas. Madami pa ring pasaway. Ipinakita sa akin ni Ate Len ang airport ten years ago at sa mga kwento n'ya na madumi ang banyo at kung ano ano pa, malaki na ang improvement nito.  Nang tawagin ang flight ko ay bumalik ako sa loob at naglakad papunta sa gate. Isang oras na lang at makakapahinga na ako. Alam ng mga magulang ni Ate Len na uuwi s'ya pero nang tawagan n'ya ang mga ito ay sinabing hindi na ito nagpasundo.  Komportable na sana ang upuan ko sa first class kung hindi dahil sa antipatikong lalake na kanina pa tingin ng tingin sa akin. Noong una, hindi ko s'ya pinapansin. Pero nang magtagal ay naaasar na ako sa kanya. Aba, kulang na lang kainin n'ya ako ng buhay! Hindi ko na naiwasang mag-taray sa kanya. "What's your problem?" mataray na tanong ko sa kanya. Ngumiti ito. He's a bit younger than me, pakiramdam ko lang. "Wala, nagagandahan lang ako sa 'yo. Pamilyar ang mukha mo. Nagkita na ba tayo dati?" he was trying to be friendly at na-guilty naman ako. I am so tired from the flight kaya lumalabas ang taray kong taglay. "Thanks, but I don't think so. First time kong --"  Shit. Muntik ko ng masabi na first time ko sa Pilipinas. Timang ka talaga, Zia. Ikaw si Leonora remember? Tumikhim ako at nag-compose ng sarili ko.  "First time kong umuwi after ten years. Kaya malabong nagkita na tayo," sabi ko sa kanya. "Really? Whereabouts?" Saan daw ako galing. "Spain." "Ah, that's one of the countries I would love to visit. Ako nga pala si Andrew," nag-abot ito ng kanang kamay. I didn't want to be rude so I shook his hand. "Le -- I mean, Len."  Sa sobrang practice namin ni Ate Len, mukhang ako pa ang hindi handa sa aming dalawa. Sasabihin ko sanang Letizia ang pangalan ko.  "Len, is that a short form for something?" tanong nito. "Leonora."  "Nice name. I like old names like that. Ang mother ko kasi mahilig sa modern names. Saan ka nga pala sa Iloilo?" Kahit antok na antok ako at masakit ang ulo ay pinilit kong makipag-usap sa kanya. Mabait naman s'ya at gusto lang makipagkaibigan. At twenty-nine years old, hindi pa ako nagkakanobyo. Baka nga 'yon ang isang dahilan ng aking ama kaya bigla na lang n'ya akong gustong ipakasal. Lalo at bunso ako sa aming dalawa ni Alvaro . Nasa Marivent Palace s'ya at may dalawa ng anak. Doon sila naninirahan ni Argentina, ang asawa n'ya. "Iloilo city, malapit sa may simbahan sa bayan." Tumaas ang isang kilay nito. "Talaga?" "Bakit?" Bigla akong kinabahan, mali ba ang description ni Ate Len sa bahay nila? "Kasi -- malapit din ang bahay namin sa may simbahan. Small world," prente itong sumandal at mukhang masaya. "We're neighbours?" "I don't know. I guess we will find out later. May susundo ba sa 'yo?" "Malapit lang naman ang bahay namin eh, kaya hindi na ako nagpasundo. Isa pa, wala akong masyadong dala." "Sumabay ka na lang sa akin. Iniwan ko ang sasakyan ko sa airport. Mas magiging komportable ka," alok n'ya.  Okay, pogi s'ya at friendly. Mukhang genuine ang pakikitungo n'ya but I can never be too sure. Malay ko kung masamang tao s'ya? Sabi ni Ate Len, uso daw ang kidnap dito at kinukuha ang lamang loob -- particularly, kidneys. Bigla akong kinilabutan.  Ngumiti ako sa kanya. "Sorry Andrew, your offer is tempting pero hindi naman tayo personal na magkakilala. Nag-iingat lang ako, I hope you don't mind." Tumawa ito. "It's okay. Ngayon ko lang napatunayan na hindi pala lahat ng babae makukuha sa charm ko. Actually, you're the first. So ganito na lang, susundan ko na lang ang taxi na sasakyan mo para alam kong safe kang makakauwi sa inyo. How's that?" "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon. I'm old enough." "I know. You're like my age, twenty five ka na rin ba?"  Baby face nga daw ako sabi ni Ate Len pero ang totoo n'yan, alaga lang sa facial at madaming tulog.  "Nope, twenty nine na ako. Mas matanda pa ako sa 'yo." "Age doesn't matter." Napangiwi ako. Mukhang may crush pa yata s'ya sa akin. Mahirap mag-assume pero parang ganoon na nga. "Basta, I want to make sure you're safe kaya 'yon ang gagawin ko," pinal na sabi nito. "Ikaw ang bahala. Hassle 'yan, sinasabi ko sa 'yo." "I have a one week vacation here at pagkatapos ay babalik na ako ng Maynila. Nandoon kasi ang branch na minamanage ko. Si Kuya ang may hawak ng branch ng negosyo namin dito," kwento nito. So, bunso rin s'ya. How neat. Hindi na ako nag-abalang itanong kung anong negosyo nila. Malamang ay ito ang una at huling pag-uusap naming dalawa. Marami s'yang tanong tungkol sa Spain at kinuwentuhan ko s'ya. Wala s'yang tinanong tungkol sa royal family. Siguro kahit pamilyar sa kanya ay hindi s'ya interesado. Hindi rin naman ako madalas sa limelight. If any, palaging malayo ang kuha ko.  Being in the limelight was something I was never a fan of. Kung hindi ko rin lang kailangang lumabas at makipagsocialize sa mga elitista ay hindi ko gagawin. Gusto ko lang ng normal at tahimik na buhay. Hindi ko maiwasan minsan na mainggit sa mga kaeskwela ko noon sa universidad. May kaya din ang mga pamilya nila pero hindi kasama sa mga royals at mas maluwag ang kilos nila. They have a family of their own now — at least, the majority of them. Ako kaya, kailan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD