Chapter 3

1132 Words
ITINIGIL ako ng taxi sa harap ng bahay nina Ate Len. Luma na ang bahay at natutuklap na ang pintura. Ang bubong ay papaltanin na pero ang pinto ay solid na kahoy sa tingin ko. Luma man ang bahay ay malinis naman ang malawak na bakuran ng mga ito. Punong puno ng mga orkidyas at iba't ibang uri ng bulaklak. Ang gumamela ay iba't iba ang kulay at may bougainvilleas na kulay puti at pink na pinagapang sa mababang bakod na walang pinta. Purong semento lang ito na finished.  Nakita ko ang kotse ni Andrew na sumusunod sa akin kanina at laking gulat ko nang makita ito na humimpil sa malaking bahay na puti sa tapat. May unipormado pang gwardya na nagbukas ng gate. Magkapit-bahay pala kami. What are the odds? Anyway, ibinaba ng taxi driver ang isang maleta ko habang ako naman ay isinukbit ang malaking shoulder bag ko. Binayaran ko ang taxi driver at iniabot ang tip.  Nagdoorbell ako at mayamaya lang ay lumabas ang isang dalaga. Si Maya, ang bunsong kapatid ni Ate Len. Nasa edad bente kwatro na ito. Ang middle child na si Jun ay bente s'yete anyos na. Nagulat ako sa pag-irit ni Maya. "Ate!!" nagtatakbo s'ya ng matanawan ako at bigla akong niyakap ng mahigpit.  Ate Len's family was warm -- at least base kay Maya ngayong oras na ito. Sana ganito rin ang pagtanggap ng mga magulang n'ya sa akin at ni Jun.  "Maya, namiss kita!" niyakap ko s'ya ng mahigpit.  "Ako na ang maghihila nitong maleta mo. Grabe Ate, kay tagal mong hindi umuwi. At ang ganda ganda mo. Kumusta sa palasyo? Buti at pinayagan kang magbakasyon," nakangiting saib nito. "Maayos naman sila doon at dahil sampung taon na rin ako sa kanilang naninilbihan ay pinayagan na nila akong makasama kayo." "Ilang buwan ang binigay nila sa iyo? One year ba?" excited na tanong nito. Ramdam ko ang pagkasabik n'ya kay Ate Len. They must be very close.  Umiling ako. "I get two weeks vacation every year. Nakaipon naman ako ng limang buwan pero mabait sila kaya noong humiling ako ng dagdag na tatlong buwan pa ay pumayag sila pero wala ng sahod 'yon. Okay lang, may kaunti naman akong ipon. Ang mahalaga, makasama ko kayo at makabonding." "Yehey! Nakakatuwa naman sila, Ate. Walong buwan rin 'yon. Saan tayo papasyal? Magpamanicure pedicure tayo sa isang araw kapag hindi ka na pagod. Pwede rin pala kitang i-masahe. Bukod kasi sa clinic sa bayan ay may sideline rin ako. May maliit akong spa dito sa likod ng bahay natin." "Spa?" "Oo, massage lang pero naka-set up ang maliit na kwarto na may mga candles at soft music. May nakita rin ako ng maliit na fountain para naman relaxed ang client. Puro babae lang ang clients ko, medyo natatakot pa akong tumanggap ng male clients eh," napakamot s'ya sa ulo n'ya. Right, bukod sa kursong Physical Therapy ay nag-aral nga pala ito sa pagiging masseuse at rehistrado sa Committee of Examiners of Masseurs. She's amazing. For her to think like this at twenty four ay napakalaking accomplishment. Masipag na, maabilidad pa. "Palagi bang bukas ang clinic mo?" "Tuwing Sabado lang. Pahinga ko kasi kapag Linggo at kung weekdays naman ay full time ako sa clinic sa bayan." Nang makarating kami sa front door ay hustong baba ng isang matandang babae. Ang Inay ni Ate Len. "Anak? Ikaw na ba 'yan?" gulat na tanong nito.  "Inay, namiss kita," lumapit ako sa kanya at yumakap. Tinapik tapik n'ya ako sa likod ko ng mahina. Nang umagwat ako sa kanya ay bakas ang pagtataka sa mga mata nito. Titig na titig sa akin at wari ko ay sinusuri n'ya ako. Para bang lahat ng kanto ng mukha ko at maging ang pores ay alam n'ya kung ilan.  Tumikhim ako. "May problema po ba 'Nay?" "Parang may iba," nakakunot na sabi nito. Titig na titig pa rin s'ya sa akin. Crap. Nabuko na ba n'ya ako? Mas mataas kasi ako ng isang pulgada kay Ate Len pero hindi naman gaanong pansin unless magkatabi kami. Mabuti na lang at sumabat si Maya. "Si Inay talaga. Si Ate Len 'yan. Kulot kulot kasi ang buhok n'ya kaya parang iba ang hitsura n'ya pero si Ate Len 'yan. Unless may anak sa labas si Ta-- aray!" Natigil s'ya sa pagsasalita ng tapikin ito ni Inay Mila sa braso. "At bakit naman magkakaanak sa labas ang Tatay mo? Ikaw Maya, napakatabil talaga n'yang bibig mo." Natatawa naman si Maya kahit hinihilot ang braso n'ya. "Joke lang nga 'Nay. Ikaw kasi, sabi mo parang hindi si Ate 'yan." Napaismid ito. "Hindi ko sinabing hindi s'ya ang Ate mo. Ang sabi ko parang may iba. Siguro nga ay ang buhok n'ya dahil tuwid na tuwid 'yan noong umalis s'ya," binalingan n'ya ako. "Kumain ka na ba?"  "Konti po, sa eroplano. Pero hindi pa naman ako nagugutom." "O s'ya, magpahinga ka kaya muna at dadalhan kita sa kwarto mo ng mamemeryenda para hindi ka na bumaba mamaya." "Tara na, Ate. Nakahanda na ang kwarto mo. Pinalitan ko 'yon ng latag kanina at nag-general cleaning kami noong isang araw kaya malinis na malinis 'yon para sa pagdating mo," pagmamalaki ni Maya. "Salamat." Nang makarating kami sa taas dahil pinauna n'ya akong umakyat ay nalito ako kung alin ang kwarto ni Ate Len. Apat na silid ang nandito sa taas at hindi ko maalala kung alin. Parang hindi yata namin naisama ito sa pointers noong pinag-aaralan ang isa't isa. Pinilit kong alalahanin ang mga bilin n'ya. Mas maganda sana kung may photographic memory ako. Ang kaso wala. This is painful. Pinili kong lumiko pakaliwa at tinungo ang pangalang kwarto bago sumapit ang nasa dulo.  "Ate, pasaan ka? Dito ang kwarto mo sa dulong kanan hindi ba? Gusto mo kasi ang view ng karsada para palagi mong nakikita 'yong crush mo." Ugh. Bakit nga ba hindi ko naalala na may posibilidad na nasa unahan ang kwarto ko. Katapat nga pala ng bahay nila ang kina Aaron. Ngumiti ako sa kanya at nagdahilan. "Para kasing may narinig akong kaluskos kaya sasaglitan ko sana." "Huwag ka ngang manakot ng ganyan. Tayong dalawa lang ang tao dito sa taas at walang multo. Si Kuya Jun ay nasa palengke at inutusan ni Nanay. Kasama n'ya si Tatay na binibili ang mga paborito mo." "Ganoon ba? Sige. Tara na sa kwarto ko, may mga dala akong pasalubong sa inyo." Muntik na ako doon pero sana hindi maghinala si Maya na hindi ako ang Ate n'ya. Si Inay Mila nga kanina ay ramdam ko ang panunuri sa akin. Alam pa naman ng mga ina kung anak n'ya o hindi ang nasa harap n'ya. Malakas ang pakiramdam ko na may hinala s'yang hindi ako si Ate Len pero hindi lang s'ya nagsasalita. Kailangan kong pagbutihin ang pag-arte. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD