"Miss Galvez" tawag ko sa unang prof ni Sav sa araw na ito, ito rin ang adviser nila.
"Yes, miss Heartfield." sagot niya sa akin, acknowledging my presence.
"Hindi po kasi makaka pasok si Savannah Dusk heartfield for today, she have a high fever which may caused to her going to the hospital within this day kung hindi po bababa ang lagnat niya, here's the excuse letter together with the medical certificate issued by our personal doctor na tumingin sakanya kanina." sambit ko at inabot sakanya ang excuse letter na dala ko.
"Thank you for this miss Heartfield, Savannah Heartfield will be excuse on all of her subjects for today, I wish for her recovery." sambit niya sa akin, tumango ako at nag pasalamat muna bago lumabas ng faculty.
Pagka labas ko ng faculty ay inayos ko na ang vest ng uniform ko, unlike when we are on elementary to highschool na monday lang ang prescribed uniform, baligtad sa college, thursday to friday applicable ang mga damit na katanggap tanggap sa school, and as a college student I find it preofessional when we uses our uniform three times a week.
"Good morning pres, may kaso ka?" tanong sa akin ni Zero na biglang lumitaw sa gilid ko.
"Wala, nag bigay lang ng excuse letter" sagot ko sakanya, Zero is the type of a guy na hindi pala salita pero hindi naman siya naiirita sa mga maiingay na tao, he is considerate enough to understand.
"Para sa iyo?" tanong niya ulit sa akin na inilingan ko.
"Para sa kakambal ko, wala ka bang pasok?" tanong ko sakanya dahil mag aalas nwebe na, nasa labas pa siya ng room niya.
"Maganda ang kambal mo pres, hindi mukhang masungit. Ligawan ko kaya?" tanong niya sa akin kaya natawa ako.
"Mag usap kayo ng kamao ni Cameron, huwag sa akin" sambit ko sakanya.
"Bakit, sila ba?" tanong niya sa akin.
"Hindi, pero naka sadya na ang kasal nila pagka tapos nila mag graduate, or kung kelan nila gusto." sagot ko sakanya.
"Ang hirap maging mayaman" nakangiwing sambit niya, natawa naman ako sa sinabi niya.
"Parang hindi mayaman ah" sambit ko sakanya, ngumisi lang ito at nag paalam na, wala silang pasok sa umaga pero maaga siyang pumasok kasi ssg council siya.
Pareho lang kaming walang pasok pero kinailangan pumasok. Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Dale na nasa starbucks, may mga cafe sa loob ng school, fast food chains and whatnot para hindi na kailanganin ng mga students na lumabas, which is good, franchised ang mga ito na ang balita ko ay milyones ang kinikita, dahil isang brand lang ang pwede sa school, bawal dumoble.
Umorder muna ako ng pagkain ko at umupo ako kung saan malayo sakanya, wala pa naman na akong gagawin ngayon kaya pwede pa akong mag liwaliw, at dahil wala naman akong dapat i review o ano, nandito ako sa starbucks para kumain.
"Good morning pres" nakangiting bati ni Gio pagka pasok niya ng starbucks, dumiretso ito sa lamesa ko, humihikab pa.
"Ang aga mo? inaantok ka pa" nakangiwing sambit ko sakanya, tumango naman ito.
"Wala pasok sa umaga" sambit niya, tumango ako dahil blockmates pala sila ni Zero.
"Eh bakit ang aga mo?" tanong ko sakanya dahil sobrang aga talaga niya.
"SSG vice president" turo niya sa sarili niya, ngumiwi naman ako dahil sinabihan ko na sila noon pa na huwag silang papasok ng maaga kung wala silang pasok, ipahinga nalang nila, pero matigas ang ulo nito.
"Kakahiya naman hindi mag maaga eh ang president palaging maaga ang pasok" nakangiwing sambit nito sa akin kaya natawa ako.
"Maaga ako kasi palaging maaga ang alis ni Sav, nag almusal ka na ba?" tanong ko sakanya dahil naka dukdok pa ito sa lamesa.
"Umorder ka, ilagay mo sa tab ko" sambit ko, agad naman itong napa angat ng paningin at mabilis na tumayo kaya natawa ako.
"Walang bawian ah pres" nakangising sambit niya, tumango ako sa sinabi niya.
“Sige na, sa susunod na walang pasok sa umaga, ipahinga nalang sa bahay, huwag matigas ang ulo, sabihan mo rin si Zero niyan, kanina siya ang nakita ko, ang sisipag niyo masyado” naiiling na sambit ko, tumango naman ito sa sinabi ko at nag punta na sa counter para mag order ng pagkain niya. Saktong pag tapos niya umorder ay tinawag ang pangalan ko para sa mga order ko.
“Ako na pres! hintayin ko lang order ko” sigaw niya kaya napangiwi ako.
“Ang ingay mo, hindi lang ikaw tao rito” nakangiwing sambit ko sakanya pagka rating niya rito sa table namin.
“Hayaan mo sila, tsaka iilan lang naman tayo rito pres.” sambit niya, nag mamatigas kaya napa ngiwi ako.
“Kumain kana” sagot ko sakanya pagkatapos niyang ibigay sa akin ang pagkain ko.
“Kamusta pres? balita ko hindi pa nakaka labas ng hospital si Brando.” naka ngising sambit niya.
“Dapat lang sakanya, may lason ang mga shuriken na dumaplis sakanya, walo iyon. hindi tulad ng mga sa alipores niya na tig isa lang kaya maagang naka labas ng hospital.” sagot ko kay Gio, tumango naman ito.
“Ang hirap mo kaaway, masakit masyado, buti nalang I am on your good side.” naka ngising sambit nito kaya natawa ako.
“Good side or bad side, wala akong pakielam basta huwag nilang pakikielaman ang kapatid ko, at mga kaibigan ko, baka sa libingan na ang bagsak kapag nagkataon.” sambit ko habang kumakain ng cake.
“Sana tigilan na ni Brando ang mag kapatid, hindi naman yata sinasadya ni Dale na mapahiya siya, kung nag aral siya hindi siya mapapahiya, ang kapal talaga niya.” naiiling na sambit ni Gio kaya natawa ako.
“Kapag sing kapal ng mukha ni Brando, huwag na mag takha, siya nga na hindi nag aral nakuha pang magalit noong tinama siya, grabe talaga.” naiiling na sambit ko, tumango naman si Gio sa sinabi ko.
“Kung nag aral lang talaga siya, grabe talaga kamo.” naiiling na sambit ng kausap ko.
“Buti alam mo ang chismis sa department namin? nasa ibang department ka, grabe kamo ang pagiging chismoso mo.” naiiling na sambit ko, ngumisi naman ito.
“Kalat ang nangyari pres, kahit sinong estudyante ang tanungin mo sa college department alam nila ang nangyari, kaya wala ring nag takha sa ginawa mo kay Brandon. Maski sila ay galit na galit, kaibigan ng lahat si Dulcibella kahit medyo masungit ang kuya niya, gusto ng lahat si Dulcibella, kaya nung nalaman nila ang nangyari gusto sana nila rumesbak pero nalaman na ikaw na pala umaasikaso kaya hindi na sila nag pumilit.” mahabang kwento ni Gio sa akin.
“Huwag na nilang subukan pang makielam, iyong kuya nga ayokong nakikielam, sila pa kaya? tigilan nila ako, na iimbyerna lang ako kapag naaalala ko si Brando, nag f-flashback sa akin ang itsura ni Dulcibella.” naiiling na sambit ko.
“Kamusta na pala siya pres? nawala na ba mga pasa niya?” tanong sa akin ni Gio.
“Oo, nakuha sa ointment, hindi siya pwedeng iuwing may sugat, dahil kung sa akin hospital lang ang bagsak, sa tito niya sa impyerno na. Grabe ang pag aalaga nila kay Bella.” naiiling na sambit ko, tumango ang nasa harapan ko, dahil sa pagiging chismoso niya, hindi pwedeng hindi niya kilala kung sino ang tinutukoy ko.