Chapter 2

1339 Words
"Ate!!" sigaw ni Savannah sa labas ng kwarto ko kaya naka ngiwi akong lumabas ng kwarto. "Ang aga aga, ang ingay mo." sermon ko sakanya, kaya pala siya nag mamadali dahil college day ngayon, kayang klase buong araw pero required pumasok ng maaga, lalo na ako ang ssg president. "Ma le-late tayo ate ano ka ba" nakangiwing sambit niya sa akin, inirapan ko siya at kinuha na ang gamit ko. "Wow we are twinning" nakangiting sambit niya sa akin. I am wearing a red dress, fittted ang top pero medyo flowy ang bottom niya, walang dress code sa school, wear anything you want huwag lang iyong naka two piece ka, or ano, lahat naman ng damit pareho sa kulay lang nagkakaiba, nag suot na rin ako black knee hight boots. Habang ang kay Savannah naman ay maroon na dress at puting boots. "Sana hindi sila malito sa atin" sambit ko, hindi kami nag susuot ng contacts kahit magkaiba ang kulay ng dalawang mata namin, iyon nalang ang paraan para mapagka iba nila kami pero nalilito pa rin sila. "Hindi naman siguro, bright red dress mo, maroon sa akin, pareho tayong blonde" natatatawang sambit ni Savannah, cinurl ko lang ang dulo ng buhok ko habang kay Sav naman ay may ribbon pa siya sa buhok. "May ribbon ka pala sa buhok, pwede na 'yan. Tara na" sambit ko sakanya, tumango si Sav sa akin at kinuha na ang bag niya na maliit, sakto lang siguro ang wallet niya, kaya iyong mini backpack ang dinala ko, nag dala na ako ng power bank, wipes and tissue dahil hindi nag dadala ng mga 'to si Sav, pero siya naman madalas gumamit. Kumuha na rin ako ng cash sa vanity table ko, may drawer na maliit doon, doon ko nilalagay ang mga cash ko, na puro hundreds, and below. "Iniwan mo ang card mo?" tanong ko kay Savannah. "Yes ate" sagot niya sa akin, tumango ako dahil hindi tumatanggap ng card ang mga nag food stall. "Baka card na naman ibayad mo, sinong mag hahatid sa atin?" tanong ko sakanya. "Si daddy" sagot niya sa akin, tumango ako at lumabas na kami ng bahay, wala si kuya ngayon. Nasa ibang bansa siya, he is finishing his degree. "Let's go, Sav, Sier." sambit ni daddy, tumango kaming dalawa at sumakay na ako sa passenger seat habang si Sav ay nasa likod umupo. Mabilis kaming nakarating sa school dahil wala pang gaanong traffiv kapag ganuto kaaga. "Bye daddy" sambit ko at humalik sa pisnge niya, ganon din ang ginawa ni Sav. "Please enjoy girls, may cash ba kayo?" tanong niya sa amin, tumango naman kami, one time he rushed to school kasi wala kaming dalang cash ni Sav. Hinintay muna naming mawala sa paningin namin si daddy bago kami pumasok ni Sav sa school. "Good morning pres!" nakangiting sambit ni Gio, ang vice president ng council. "Good morning Gio, kamusta ang mga booths?" tanong ko sakanya. "Ayos na pres, tayo palang ang nandito, on the way na ang iba, good morning Savannah." nakangiting bati ni Gio sa kakambal ko. "Good morning din, Gio." nakangiting sagot ni Savannah. "Good morning pres, Gio" nakangiting bati ni Vaelah, kasama si Zero at Autumn. "Good morning sainyo, let's go check the booths, let's go Sav, sumama ka na muna sa amin, habang wala pa sina Amary" sambit ko, tumangi ito at sumama sa amin sa pag check ng mga booths. "May price ang booth na may pinaka mataas na sales hindi ba?" tanong ko sa secretary na si Vaelah. "Yes pres, ten thousand." sagot niya sa akin. "Paki lagyan din, pinaka magandang booth na mapipili, gagawa ng poll mamaya sa page natin mamaya, laht ng students ay required mag vote, ten thousand din, ibibigay ko mamaya." sambit ko sakanila, tumango si Vaelah at inilista na sa ipad na hawak niya. "That's all ssg councils, mag kita kita nalang tayo mamaya, feel free to roam, less responsibilities tayo ngayon, enjoy." bilin ko sakanila, isa isa na silang nag paalam sa akin at pumunta sila sa iba't ibang sulok ng buong campus. "Oh andyan na sila Bella." sambit ni Savannah at itinuro ang mga kaibigan naming nag kukumpulan sa gilid. "Let's go, puntahan na natin sila" sambit ko sakanya, tumango si Savannah sa akin at nag simula na kaming lumakas papunta sakanila. "What's with the commotion?" tanong ko sakanila, gulat na napatingin sa akin si Eira nang marinig niya ang boses ko. "A-ate Sierra, k-kasi" kinakabahang sambit niya sa akin. "Anong nangyari?" tanong ko sakanya, hindi siya maka sagot kaya kusa kong hinawi ang mga nag kukumpulan sa gilid. "Everyone! on the count of three, move. one!" hindi pa ako umaabot sa pangalawang bilang ay kusa nang humiwalay ang mga nag kukumpulan. Nakita ko si Bella na namimilipit sa sakit habang pinapainom siya ni Amary ng tubig, may mga pasa rin siya sa mukha. "Sinong may gawa?" tanong ko sakanila. "Sina Brando ate" sagot sa akin Eira. "Bakit? nasaan si Dale?" tanong ko sakanya. "Pinahiya raw po siya ni kuya Dale kaya si Bella ang ginantihan, bumili po ng pagkain si kuya Dale." sagot sa akin ni Eira, tumango ako sakanya. "Sav, sumama ka sakanila, bantayan niyo si Bella, kapag nalaman 'to ni Dale huwag niyo siyang hahayaan hanapin si Brando, ako ang bahala. Kapag nag pumilit sabihin niyo hintayin niya ako." sambit ko sakanila, tumango sila kaya binigay ko muna sakanila ang bag ko, kinuha ko ang mga shuriken ko sa secret pocket ng bag ko at hinanap ko na kung nasaan si Brando, isa lang naman ang pinupuntahan nila pagkatapos mang bugbog. Pagka rating ko sa bakanteng bodega, hindi ito kalayuan sa school kaya nilakad ko nalang. Sinilip ko kung anong ginagawa nila, napangisi ako nang makitang umiinom sila. "Bagay lang sakanya 'yon, kung siya ang gagantihan wala siyang pakielam kaya si Dulcibella ang ginantihan natin." dinig kong sambit ni Brando kaya lumabas ako kung saan ako nag tatago habang pumapalakpak. "May utak ka rin naman pala, Brando." nakangiting sambit ko sakanya, gulay siyang napa tingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito pres?" tanong niya sa akin. "Maniningil lang ng utang. may utak ka hindi ba? hulaan mo nga kung saan ang bagsak mo maya maya" nakangising sambit ko at nilabas ang mga shuriken na hawak ko. "Tigilan mo ako pres, hindi ba kaaway mo 'yon?!" galit niyang tanong sa akin, nag kibit balikat ako at tinignan ang mga alipores niya. "Sino ang nanakit kay Dragomirov?" tanong ko sakanila, tinuro nilang lahat si Brando kaya ngumisi ako, sinenyasan ko silang umalis na, pinakiramdaman ko kung may gagawin ba sila hindi ako nag kamali dahil aso pa rin talaga sila ni Brandon, sabay sabay kong hinagis ang shuriken na hawak ko at sinigurado kong sa mukha sila madadaplisan. "Huwag na mag tangka, may lason ang bawat shuriken na tumama sainyo, see you in hell." nakangising sambit ko nang kusang bumalik sa kamay ko ang mga shuriken na hinagis ko. Napa atras si Brandon sa kinatatayuan niya nang makita niya kung anong nangyari sa mga tuta niya. "Takbo" nakangising sambit ko sakanya pero mukhang na stroke na ito dahil hindi na ito gumagalaw sa kinatatayuan niya kaya naiiling kong hinagis ang mga shuriken na hawak ko sakanya, agaran itong bumagsak kaya natawa ako. Bago ako umalis sa bodegang iyon ay tumawag ako ng ambulansya para madala sila sa hospital. "Where's Brandon?" tanong sa akin ni Dale pagka kita niya sa akin, nanggagalaiti ito sa galit. "Hm, on the way na siguro sa hospital sa ngayon" kaswal na sambit ko pagka kita ko sa oras. "What did you do to them?" tanong sa akin ni Dale. "Binalik ko lang ang ginawa nila kay Bella, a little bit extra of course." sagot ko sakanya at tinulak ko siya paalis sa harapan ko at pinuntahan ko si Bella. "How are you feeling?' tanong ko sakanya. "I am fine ate, just a little bit heavy sa head, ang sakit" nakangiwing sagot sa akin ni Bella, tumango ako rito at inalalayan ko siya papunta sa clinic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD