Wala kaming pasok sa umaga kaya pinauna ko na si Savannah sa university, wala akong balak mag stay sa school, wala pa naman akong gagawin kaya nag bihis ako dahil balak kong mag punta ng mall ngayon, tinapon ko na ang mga make up ko na nagamit ko na, habang iyong hindi ay ipinamigay ko.
“Finally makaka labas din” sambit ko sa sarili ko habang nag b-byahe papunta sa mall gamit ang big bike ko, ito ang regalo ni daddy sa akin, katulad ng kay Savannah, costumized big bike.
Pagkarating ko sa mall ay nag park lang ako sa available parking space, hinubad ko ang helmet ko, pati na rin ang leather jacket na suot ko, nilagay ko ang leather jacket ko sa sasakyan ko, kasama ang helmet.
“Kung minamalas ka nga naman” nakangiwing sambit ko nang makita ko si Dale na pa palapit sa akin ngayon.
“Get lost Dale, wala akong oras para makipag bangayan sa ngayon.” sambit ko at nilagpasan ang lalaki.
“Hindi ako nandito para makipag bangayan, Sierra.” nakangiwing sambit ni Dale, nag kibit balikat naman ako at hinayaan siyang sumunod sa akin, dumiretso ako sa mga favourite local brands ko when it comes to make up or cosmetics, we always should support local.
“Wala ka na bang mga make up?” tanong sa akin ni Dale habang tinitignan ang iba’t ibang mga make up sa stand na nasa harapan niya.
“Wala na, tinapon ko na ang iba, habang iyong iba naman ay pinamigay ko.” sagot ko rito at kumuha na ng basket.
“Let me” sambit ni Dale at kinuha ang basket sa kamay ko, nag kibit balikat ako at binigay sakanya ang basket dahil alam kong mabibigatan ako mamaya.
“Ano palang ginagawa mo rito sa mall ng ganito kaaga?” tanong ko sa lalaking tahimik lang na naka sunod sa akin.
“I got bored kanina sa bahay kaya pumunta ako rito, and then I saw you” sambit niya, tumango ako at nag lagay na ng mga make ups sa basket na hawak ni Dale.
“That’s good, may mag bubuhat ng mga dala ko.” walang prenong sambit ko, natawa naman ito ng mahina kaya napa ngiwi ako.
Habang nag lilibot kami sa buong stall, napa tigil ako sa kung saan naka lagay ang mga lip products, nasa tabi ko si Dale nakikitingin ng mga kung ano ano.
“You know what? He's really good in bed.” dinig kong sambit ng babaeng nasa gilid, aalis na sana kami ng marinig ko ang pangalan ni kuya.
“Anong pakiramdam na maging girlfriend ng nag iisang Killian Heartfield?” tanong ng isang babae na nasa harapan niya.
“Ha” nakangising sambit ko sa aking sarili at nag lakad para lapitan sila, pero hinawakan ni Dale ang braso ko kaya napa tigil ako sa pag lalakad.
“Let’s go, hayaan mo nalang sila.” sambit niya sa akin pero umiling ako.
“Ayoko, bitawan mo ako Xanth.” seryosong sambit ko, napa ngiwi ito pero binitawan naman niya ako. Nilapitan ko ang mga babaeng nag k-kwentuhan habang namimili ng mga make up products.
“Uhm, excuse me miss?” sambit ko sa babaeng nag sabi na naka s*x na niya si kuya Killian.
“Yes?” pagalit nitong tanong, probably because I butted in.
“I heard you guys are talking about Killian Heartfield, am I right?” tanong ko sakanila.
“Yes, we were talking about my boyfriend, what's the matter?” tanong nito sa akin.
“Uh, nothing. It's just, I think you're a delusional. Hindi ka papatulan ni Killian.” nakangising sambit ko sakanya, natawa naman ito.
“Hindi papatulan kasi boyfriend ko na siya, ano naman gusto mong iparating? Baka gusto mo ang boyfriend ko, ang bata bata mo pa, lumalandi ka na.” natatawang sambit nito kaya ngumisi ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si kuya.
“What’s the matter, Sierra?” tanong niya sa akin, kita ko ang kabuuan ng opisina niya sa bandang likuran niya.
“Hi kuya, I just want to confirm if may girlfriend ka?“ tanong ko sakanya.
“Wala, I'm still finding your ate Amethyst.” sambit niya, tumango ako at nag paalam na.
”Kuya ko, boyfriend mo? Dream on. Hindi siya pumapatol sa kagaya mo, ang cheap.” inirapan ko ito at nilagpasan na, pinuntahan ko kung saan nag hihintay si Dale.
“Are you done shopping now?” tanong niya sa akin, tumango ako sakanya at dumiretso na kami sa counter at pagkatapos ko mag bayad ay lumabas na kami ng store.
“Let’s eat, nagugutom na ako.” sambit ni Dale, tumango ako at pumunta kami sa korean resto na malapit sa amin.
“Kumain ka na ba rito?” tanong ko sakanya, tumango ito.
“Sinamahan ko si Bella, the foods are delicious.” sambit niya, tumango ako sa sinabi niya at nag order na. We availed the samgy package and some sushi.
Nang ma serve ang order namin, si Dale ang nag luluto ng meat kaya kumain muna ako ng sushi, ganoon din si Dale. Habang kumakain ako, nakita kong kinuhanan niya ako ng picture.
“Kapag ako pangit diyan” banta ko sakanya.
“Kailan ka pa naging pangit?” tanong niya habang kinaka likot niya ang cellphone niya. Kinuha ko rin ang cellphone ko dahil kinuhanan ko siya kanina habang nasa cosmetic shop kami, habang papunta rito sa resto at kanina lang na nag luluto siya ng meat.
Pinost ko ito sa i********: ko, tinag ko sakanya. Ilang sandali pa ay naka kuha ako ng notification galing sakanya, tinignan ko ang mga pictures ko, kaninang namimili ako ng mga make up, at ngayong nasa resto, lahat iyon ay napapa libutan ng ribbon na emoji at mga stickers na color red, favourite color. Nag simula na akong kumain, habang si Dale ay patuloy pa rin sa pag luluto ng meat, kumakain na rin ito.
“How’s your duty as the ssg president?” tanong niya sa akin.
“Ayos naman” sagot ko sakanya, tumango ito sa naging sagot ko.
“Isn’t too stressful for you?” tanong niya sa akin dahil pareho kami ng course, alam kong nahihirapan din siya kaya siguro naisip niyang baka mas mahirap sa akin dahil may responsibilidad ako sa school, as the student council president.
“No, I love what I'm doing, besides wala naman masyadong ginagawa at nandyan naman ang ibang officers, they are responsible enough. Magaling pumili ang mga students.” sambit ko, tumango naman ito bilang pag sang ayon sa sinabi ko.
“They’re really good.” sambit niya sa akin.
“Tikman mo ’to, masarap” sambit ko at inilapit sakanya ang salad na gusto ko ipa tikim sakanya, lumapit siya at kinain ang inaabot ko.
“It’s good” sambit niya habang nguumunguya, ngumisi ako at pinag patuloy na ang pagkain, Dale is a good man. Kung hindi lang kami magkaribal sa spot, naging crush ko na siya, but I won't back off.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami sa resto, si Dale ang nag bayad ng pagkain namin, pinipilit ko na ako na ang mag bayad, libre ko na pero ayaw niya.
“Uuwi ka na ba niyan?” tanong niya sa akin, dala pa rin niya ang mga paper bag.
“Yes, anong oras na rin, may pasok pa tayo.” sambit ko sakanya.
“Okay, hatid na kita sa parking lot, where's your car?” tanong niya sa akin pag dating namin sa parking lot ng mall, naka tingin siya sa mga kotse, pinuntahan ko ang motor ko at pina andar na ito papunta sa harapan niya.
“I thought you brought your car” sambit niya sa akin, umiling ako at kinuha ko na ang mga paper bag sakanya.
“Tinatamad ako, hassle kapag kotse. I'll go first, mag iingat ka.” bilin ko sakanya, tumango ito kaya pina andar ko na ang big bike ko, bumusina ako ng tatlong beses at tuluyan nang umalis para umuwi.
Pagka uwi ko sa bahay ay deretso akong umakyat sa kwarto at inayos ko na ang mga make up na binili ko, pagkatapos kong ayusin iyon ay pumasok na ako sa banyo para maligo na.