“Daddy” tawag ko sa daddy ko habang kumakatok ako sa pintuan ng kwarto niya, a room that supposed to be their room, my mom's and his.
“Yes anak?” tanong niya sa akin pagka bukas niya ng pintuan.
“Mag papaalam lang po ako, gagawa po kasi kami ng project dito sa bahay, ayos lang po ba?” tanong ko kay daddy.
“Ayos lang naman anak, do what you want. Magpa luto ka kay manang ng kakainin niyo ha?” sambit ni daddy, tumango ako at ngumiti.
“And after siguro baka mag swimming nalang po kami” sambit ko sakanya, tumango si daddy at ngumiti.
“That’s good, paki tignan nga ang kapatid mo, sasama raw siya sa akin ngayon.” sambit ni daddy, tumango ako at lumabas na ng kwarto niya. Pumunta ako sa kwarto ni Savannah, nadatnan ko ito na palabas na ng kwarto niya.
“Hintayin mo nalang daw si daddy sa sala.” sambit ko sa kapatid ko, tumango ito.
“Ayaw mo sumama ate?” tanong niya sa akin, umiling naman ako.
“Sa susunod nalang, may gagawin kaming group project.” sagot ko sakanya.
“Oh okay, punta na ako sa sala,” sagot niya sa akin, tumango ako at napatigil nang maalala ko na wala pa pala akong ipapa kain sa mga bisita namin.
“Oo nga pala, mga snacks ka pa ba? Tinatamad akong lumabas para bumili ng snacks para sa mga bisita.” sambit ko sakanya.
“Meron pa ate, kunin mo na lahat, mamimili rin naman kasi ako eh” sambit niya, tumango ako sa sinabi niya at nag pasalamat na. Pumasok ako sa kwarto ni Sav at dumiretso kung nasaan naka lagay ang mini ref niya, kinuha ko na lahat ng chocolate drinks sa ref niya, may pineapple juice rin kaya kinuha ko na, halos puno pa ang rack niya ng mga snacks niya kaya itinulak ko na palabas ang rack niya.
“We’ll go now, Sierra. Wait let me help you” sambit ni daddy at siya na ang bumuhat ng rack pababa sa sala, umalis na rin sila ni Sav kaya ako nalang naiwan, nag order nalang ako ng pizza at kung ano pang pagkain dahil maaga ang call time namin, sakto namang pagka tapos ko umorder ay dumating na sila.
“Ang ganda naman ng bahay niyo” humahangang sambit ni Claire.
“Not really, pasok kayo” sambit ko sakanila, sampu silang dumating kaya marami rin ang pagkain na inorder ko.
“Madali lang ang gagawin natin, gusto niyo bang mag swimming tayo after?” tanong ko sakanila.
“Ay wala kaming dalang damit” sambit ni Kams.
“Ako nang bahala, mag hanap nalang tayo sa closet ko mamaya, marami pa akong damit na hindi ko nasuot, so is underwear.” sagot ko sakanila, scrapbook lang naman gagawin namin kaya hindi masyadong mabigat.
“Kumain muna kayo, huwag kayong mahiya” binuhos ko ang laman ng rack sa gitna namin, sa carpeted na sahig kami naka upo. Ilang sandali pa ay dumating na ang pizza na inorder ko, nag bayad lang ako at bumalik na ako sa sala.
“Sierra” tawag sa akin ni manang sa akin.
“Yes po?” tanong ko sakanya pagka lapag ko ng pizza sa gitna.
“Anong gusto niyong ulam?” tanong sa akin ni manang.
Oh“Wait po tanungin ko sila” sagot ko kay manang, tumango ito kaya pinuntahan ko ang mga kasama ko.
“May ulam ba kayong gusto?” tanong ko sakanila.
“Nakakahiya Sierra, ikaw nalang mag decide” sambit ni Ara, umiling naman ako at ngumiti.
“Huwag kayo mahiya, ano ba kayo. Bisita kayo rito pppokay?” paalala ko sakanila, ilang sandali pa ay nag suggest na sila, tumango si manang at bumalik na ito sa kusina.
“Grabe ang yaman niyo Sierra” humahangang sambit ni Jira.
“Hindi naman, kain muna tayo, baka hindi pa kayo nag almusal“ sambit ko sakanila at binuksan ang limang box ng pizza.
“Anong pakiramdam ng hindi nahihirapan sa buhay, Sierra?” tanong sa akin ni Ara.
“Ayos lang naman, I am lucky enough to afford what we want.” nakangiting sagot ko sakanya.
“Sanaol!” nakangiting sambit ni Laine.
“Start na tayo?” nakangiting tanong ko sakanila, tumango silang lahat kaya kinuha na nila ang mga materials nilabas ko rin ang mga materials na nasa akin, at dahil may dala naman kaming lahat na mga gunting, kumuha kami ng mga dapat kunin at sinimulan na namin ang pag gupit.
“Ako na sa base” sambit ko, tumango ang lahat kaya kinuha ko na ang gagamitin naming base at sinukat ko na ang sukat na nasa draft namin.
“Ang tahimik naman natin” naka simangot na sambit ni Clara kaya natawa ako.
“Ano bang gusto niyo? Magpa tugtog tayo?” tanong ko sakanila.
“Mag kwentuhan nalang tayo” nakangiting sambit nila.
“Go lang, anong kwento ba?” nakangiting sambit ko sakanila.
“Hm, simulan natin sa iyo, anong meron sainyo ni Dale?” naka ngiting tanong ni Charms.
“Bakit? Kailangan ba meron?” nag tatakhang tanong ko sakanila.
“Hindi na kasi kayo nag aaway these past few days” nakangiting sambit ni Ara, kaya natawa ako.
“Napagod nalang ako, baka siya rin pagod na” natatawang sambit ko sakanila.
Ilang sandali pa ay may sabay sabay na nag notif sa mga phone nila, biglang tumili si Charms at Ara.
“Ikaw ah! Wala pala ah” naka ngising sambit ni Ara kaya kumunot ang noo ko.
“Ha? Bakit? Ano bang meron?” tanong ko sakanila, hindi rin matanggal ang ngisi ng iba naming mga kasama kaya nag taka na ako, kinuha ko ang phone ko, may nakita akong notification galing sa page na nag bibigay ng kung ano anong news na nangyayari sa school.
“Gàgo!” sigaw ko nang makita ko ang mga pictures namin ni Dale sa mall na mag kasama.
“Wala pala ah, pero ang sweet sweet” nakangising sambit ni Ara.
“Wala naman talaga” naiiling na sambit ko sakanila.
Ilang sandali pa ay lumabas na si manang galing kusina at tinawag na kami.
“Luto na ang pagkain, kumain na kayo” nakangiting sambit ni manang, tumayo na ako at inaya na ang mga kasama ko.
“Tara na, tigilan na ’yan, kumain na tayo. Nagugutom na ako” sambit ko sakanila, tumango ang mga ito at tumayo na.
Pumunta na kami sa dining area, naka ayos na ang mga pinggan habang ang mga ulam naman ay nasa gitna.
“Tara na, kumain na” nakangiting sambit ko sakanila, sabay sabay kaming umupo, nag dasal lang kami sandali at kinuha ko na ang kanin at binigay sa katabi ko.
“Please don’t be shy” nakangiting sambit ko sakanila, tumango ang mga ito at nag simula nang kumuha ng pagkain.
“Buti nakuhanan pa kayo ng picture? Eh mall ’yon” sambit ni Ara.
“Ewan ko ba eh, ang bibilis nila” naka ngiwing sambit ko, natawa naman sila.
“Ssg president ka e’ kaya mabibilis sila” sambit ni Charms, sumimangot naman ako sa sinabi niya kaya natawa ito.
“Tama si Charms, Sierra. Ikaw ang ssg president kaya wala kang takas sakanila” natatawang sambit ni Jira.
“Hayaan na sila, wala naman tayong magagawa sa gusto nilang gawin sa buhay nila” natatawang sambit ko, nag tanguan naman sila.