Chapter 6

1411 Words
“Hi kuya!” nakangiting bati ko, ginulo nito ang buhok ko, finally he's here, kaka tapos niya lang mag aral sa U S, and now he's an official lawyer, actually maaga siyang natapos dahil pina tapos siya agad and he is required to wait until their graduation, two years siyang nag hintay. Nag work siya roon, may mga nag tiwala sakanya kahit na wala pa siyang lisensya, it's not illegal kasi nasa judge naman ang desisyon. Sa dalawang taon niya sa ibang bansa, gumawa siya ng pangalan, and now kaliwat kanan ang mga clients niya, even the biggest business men here in the philippines pero mas pinili niya munang mag pahinga. “Para kang si tita Lucille” natatawang sambit ko habang nasa hapag kami, kami palang dalawa ni kuya kasi tulog pa si Sav, habang si daddy naman ay pumasok na sa school. “Tita Lucille? Why?” tanong niya sa akin. “Ang kwento niya sa akin, sa ibang bansa rin siya nag aral pagka tapos dito sa pinas, habang nandoon siya, maaga rin siyang pina graduate” sagot ko sakanya, umiling naman ito. “She studied the same course that Sav is studying right now, right?” tanong niya sa akin, tumango ako sakanya. “Yes kuya, what's with it?” naka kunot ang noong tanong ko sakanya. “Nothing, gisingin mo na si Sav, pupuntahan natin si daddy sa opisina niya” tumango ako kay kuya at umakyat na sa pangalawang palapag at kumatok na sa kwarto ni Savannah, naka ilang katok na ako pero wala pa rin nag bubukas ng pinto. Napa kamot ako ng noo dahil sa kapatid kong tulog mantika, mag aalas nwebe na pero hindi pa rin ito nagigising. Sinubukan kong buksan ang pintuan ng kwarto niya at napa ngiwi nalang ako dahil hindi naman pala ito naka lock, pumasok ako at dumiretso ako sa natutulog, niyugyog ko ang balikat nito, ilang beses ko lang ginawa iyon bago siya nagising. “Akala ko pàtay kana” naka ngiwing sambit ko sakanya, umikot naman ang mata nito sa akin. “Ang aga ate, bakit ka nang gigising? Eh wala naman tayong pasok” naka ngiwing sambit nito at bumalik sa pagkaka higa niya. “May bisita ka” sagot ko sakanya, napilitan itong bumangon at tumingin sa akin. “Sino naman ate?” bugnot nitong tanong sa akin, nag kibit balikat lang ako, I refused to say that it's kuya, gusto ko na surprise. “Tignan mo nalang sa baba, mag hilamos ka muna, nakaka hiya sa bisita ah” bilin ko sakanya, tumango ito sa akin, pinag masdan ko siyang tahimik na pumasok sa bathroom niya kaya tahimik din akong lumabas ng kwarto niya, dumiretso ako sa kusina kung nasaan si kuya. “Kaka gising lang?” tanong nito sa akin, tumango ako sakanya at umupo na kung saan ako naka upo kanina, pinag masdan ko ang kuya namin na wala halos pinag bago, except sa body built niya. “Nag gym ka ba?” tanong ko sakanya, tumingin ito sa akin at nilunok muna ang kinakain bago sumagot. “Yes, I don't have anything to do so.” kibit balikat niyang sambit kaya napa ngiwi ako. “Hindi ka ba naka hanap ng kaibigan doon?” tanong ko sakanya, umiling ito na hindi tumitingin sa akin kaya napa ngiwi ako. “Nag takha pa ako, hindi ka nga pala friendly.” ingos ko sakanya, narinig ko itong natawa ng bahagya. “I already have a friend here, Sier. Hindi ko na kailangan ng marami” sambit niya sa akin kaya napangiwi ako. “Yeah right, if you say so.” masungit kong sagot sakanya at inikot ko ang mata ko sakanya. “I mean don't judge my ways, I don't want to keep a lots of friends, I already have you, sainyo palang sumasakit na ulo ko, mag dadagdag pa ako?” natatawang sagot niya sa akin, sumama ang tingin ko sakanya dahil sa sinabi niya. “Masakit daw ulo” bulong ko sa sarili ko, ilang sandali kaming tahimik sa hapag kainan nang dumating si Savannah sa kusina. “Who’s the visitor ate?” tanong niya habang may kinaka likot sa phone niya, tumaas ang kilay ko at pinanood ko lang siya, hindi ko sinagot ang tanong niya, ilang sandali pa ay nag angat ito ng tingin, unang dumapo ang tingin nito sa akin, hanggang sa lumipat ito kay kuya. “Kuya!” gulat na sigaw ni Savannah, nabitawan pa nito ang cellphone niya kaya napa ngiwi ako. Naiiling akong tumayo para maligo na, naka ligo na rin naman si Savannah, feeling ko hindi na si kuya, imbes na marindi lang ako sa bibig ni Savannah, ililigo ko nalang. Pumasok ako kwarto ko at kumuha ako ng damit ko sa walk in closet ko, pagka tapos ay pumasok na ako sa bathroom ng kwarto ko at naligo na, mabilis lang din akong natapos dahil narinig ko na ang pagka katok ni Savannah sa kwarto ko, sinuot ko na ang damit na hinanda ko, nag ayos lang din naman at nag lagay ng make up, inayos ko na rin ang bangs ko para hindi ito bumuhaghag mamaya. Pagka labas ko ay nabungaran ko ang dalawa sa harapan ng kwarto. “Nag mamadali ba kayo?” naka taas ang kilay na tanong ko sakanila dahil para silang inip na inip nang mabungaran ko sila. “Hindi naman ate, tara na?” nakangiting tanong ni Savannah sa akin, tumango ako at sumunod sakanila palabas ng bahay, sinigurado ni kuya na naka lock ang buong bahay bago kami umalis, sumakay ako sa passenger seat habang si Sav at naka back seat, as usual ay si kuya ang nag d-drive. Mabilis lang kaming nakarating sa company, we don't need visitors pass kasi kilala naman na kami, dumiretso kami sa secretary ni daddy. “Where's dad?” tanong ko rito, propesyonal itong tumayo at nakangiting binuksan ang pintuan ng opisina ni daddy, nag pasalamat ako at pumasok na sa loob, sumunod sa akin si Sav at si Kuya. “Daddy” nakangiting bati ko sakanya nang mabungaran namin siyang may kausap sa loob ng opisina niya, it's like he's giving them a strategy or whatsoever, he motioned his hands to tell me to wait first, tumango ako at tumayo si gilid, kasama ko ang dalawa ko pang kapatid, tahimik naming hinintay na lumabas ang mga empleyado. “You're all here, welcome back son” nakangiting sambit ni daddy at niyakap si kuya, naka ngiti ko silang pinag masdan, ilang sandali pa ay nag ata na si daddy kumain sa labas dahil mag l-lunch na rin. Kinansela ni daddy ang meetings niya at inaya na kami lumabas, sakanya sumabay si Sav kaya kay kuya ako sumabay. “Saan tayo kakain kuya?” tanong ko sakanya habang nag d-drive siya, kami ang nauuna kaya siguradong sumusunod lang sila dad sa amin. “I want in a fine dining restaurant” sambit niya kaya tumango ako, true enough nag park siya sa isang sikat na fine dining restaurant, lumabas na kami, hinintay nalang namin sina daddy bago sabay sabay na pumasok, iginiya kami ng waiter sa pang apatan na lamesa. “We will have four steak” sambit ni kuya, tumango ang waiter, ini scan ko ang menu at namili pa ng gusto. “I want truffle pasta please” sambit ko sa waiter, tumango ito kinuha na ang menu. “I want fries, and this baby back ribs please” nakangiting sambit ni Savannah, tumango ang waiter at umalis na. “So how’s your stay there son?” naka ngiting tanong ni daddy, kita ko ang kislap sa mata ni daddy, he is so proud of kuya, we all are so proud of him, ilang sandali pa ay sinerve na ang order namin, kinuha ko ang steak at hiniwa hiwa ito. “My stay there is incredible dad” nakangiting sambit ni kuya. “I am glad you already finish your dream profession, I'm so proud of you son, kami ng mommy mo. Proud kaming dalawa sainyong tatlo” naka ngiting sambit ni daddy, sinandal ko sandali ang ulo ko sa balikat niya. After mom died, dad became our daddy and mommy in one, he always says that he's not the best father, but he is. I will always be thankful of how he raised us three, and will always proud to say that he is my father.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD