NIKKO MONTE CLAIRE Nang hindi magpansinan sina Kenjie at Sandra, wala lang sa amin 'yon dahil sinanay na namin ang aming sarili na hindi maganda ang paghihiwalay nila. Kaya naiintindihan namin kung ganoon ang pakikitungo nila sa isa't isa. Pero iyong mag-aaway sila sa harapan namin at sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin ay hindi na kami pwedeng manahimik pa. It was all Kenjie's fault! Sandra tried her best to make things better, but Kenjie's pride—sh*t! "Sumusobra ka na, Ken, ha! Mahal ka lang ng tao! Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa kanya ang palayain ka. Nasaktan din siya at kasalanan mo rin naman kaya ka niya hiniwalayan, 'di ba? Naging pabaya ka sa relasyon niyo! 'Yon ang totoo! At isa pa, 'wag masyadong mataas ang pride! Minsan lunukin mo muna 'yan!" sigaw ko. "Hindi mo