KENJIE DEL PILAR Nasa bahay na ako at kakauwi ko lang galing kina Steve. Nakakalungkot lang na 'di na ako pinapansin ni Sandra. Aminado akong kasalan ko ito at walang ibang sisihin dito. Pero kinakabahan ako sa sinabi niya kanina. Ano kaya ang ibig sabihin niya na hindi ko na makikita iyong siya na minahal ko? Pagkapasok ko sa kwarto, kaagad akong nagbihis para magpahinga. Nang natapos, humiga na ako sa kama. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para umidlip, pero hindi ko iyon nagawa nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa may lampshade at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pagtingin ko, si Maricar, kaya sinagot ko ito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ang paghikbi niya. Umiiyak siya. "Ano'ng nangyari sa iyo, Maricar?" pag-aalalang tanong ko. "Puntahan mo ako rito, Ken.