SANDRA VILLA AMOR Habang papasok kami ng classroom ni Cassandra. Unang bumungad sa aking mga mata ang nakakasukang ngiti ni Maricar. Sa ipinakita niya, alam kong may pinaplano siya sa akin. Ganoon naman kasi ang ginagawa ng mga taong ubod ng ingget sa katawan. Nang papalapit na ako sa kanila, hinanda ko na ang sarili ko. Pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Umaarte siya na parang inaapi ko ito sa harapan ng mga kaklase namin. Ano ba ang kailangan niya? Awa? Simpatya ng mga kaklase namin? Mukhang baliw na talaga ang babaeng ito. Nakulangan sa kain. May pera naman sana. Nasa paanan ko siya ngayon at humagulgol. Dahil sa inis ko, sinipa ko ito dahilan para mapahiga ito sa sahig. Tinulungan naman itong tumayo ng dalawang kaibigan niyang sina Kathrina at Sabrina. Nakaka-touch iyong frie