SANDRA VILLA AMOR Maaaring ito na iyong oras para pakawalan at patawarin ko na si Ken. Tama na iyong isang beses, dalawang beses, at maraming beses na pina-iyak niya ako. Baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Gusto ko ng maghilom ang puso ko at magagawa ko lang iyon kapag marunong akong magpatawad. Nabasa ko nga sa isang lyrics ng kanta, 'I'M READY TO FORGIVE BUT FORGETTING IS A HARDEST FIGHT', kaya i-a-apply ko ito sa sarili ko. At mabuti pang mag-focus na lang muna ako sa sarili ko. Sa susunod na lang iyang lovelife. Darating din naman siguro iyon sa tamang oras. At isa pa, masaya naman ako sa mga kaibigan ko na palaging nandito para sa akin. Sapat na sila para sa akin. Kaya susubukan ko ng maging better. ••• lumipas ang mga araw, June 27 na. Nandito na ako sa school ngayon at