SANDRA VILLA AMOR Ano kaya ang nangyari sa akin? Bakit biglang pumasok sa isipan ko na para bang humihingi ako ng tulong dahil nalulunod ako. Para bang naghahabol ako ng hininga sa ilalim ng tubig? At dahil doon, naninikip ang dibdib ko. Sumakit din ang ulo ko. Mas mabuti pang hindi ko na iyon iisipin. Baka sasakit lang muli ang ulo ko. Sana nga hindi. Pinagpag ko na ang sapatos bago tinanggal sa paa ko. Pagkatapos, binuksan ko na ang pinto para pumasok sa aming munting bahay. "I'm home! Magandang gabi Ma, Pa," pagbati ko sa kanila habang abala sa panunood ng TV. "Magandang gabi rin, ’Nak," sabi ni Papa. "Kumanin ka na, ’Nak," sabi ni Mama. "Tapos na po ako. Sige po, akyat na muna ako sa kwarto. Sumasakit kasi ang ulo ko." "Sige. Magpahinga ka na. May gamot doon sa medicine cabin