Sofia’s Pov
“Hoooh,” Napabuntong hininga ako dahil muntikan na akong mahuli kung nagising si kuya. Pag nagkataon ay yari ako at siguradong hindi na ako makakalabas pa ng bahay. Sigurado akong bugbog din ang aabutin ko. Hindi pinansin ni Jenny ang pagbuga ko ng hangin dahil panay ang tingin niya sa rear view ng sasakyan.
“Bakit, may problema ba, Bes?” Kunot noong tanong ko. Medyo kinakabahan na ako dahil ramdam kong kinakabahan na din siya. Something’s wrong.
“Napapansin ko kasi na kanina pa nakabuntot sa atin yang itim na sasakyan,” usal niya na.
Tumingin ako sa side mirror at meron ngang nakasunod sa amin. Sinipat kong mabuti at natatandaan kong yan din ang nakita kong sasakyan kanina. Kinilabutan ako at binalot ng sobrang lakas na pagkabog ang aking dibdib. Pinasundan kaya kami ng kuya ko?
“Bes baka yan yung tauhan ni kuya anong gagawin natin?” tanong ko dahil binalot na ako ng takot at kaba.
“Kailangan natin siyang iligaw. Kumapit ka.”Aniya sabay higpit ang hawak sa manibela.
Napalunok ako at nanginginig na kumapit sa seatbelt. Tiningnan ko kung maayos ba ang pagkakakabit nito. Binilisan ni Jenny ang pagda-drive subalit mabilis rin ang nakasunod sa amin at nakabuntot pa rin sa aming sasakyan.
Mas lalo pang binilisan ni Jenny hanggang sa may mapansin kaming gas station at maraming tao. Minabuti ni Jenny na huminto muna dito upang makahingi na din ng tulong kung sakaling may gawin man itong masama sa amin.
Minabuti na rin naming maghintay pa ng kaunting minuto bago umalis. Malapit na kami sa airport, 30 minutes away ayon sa google map. Napabilis ang pagdating namin dahil sa pagpapaharurot ni Jenny. Hinanap namin ang itim na kotse sa paligid subalit hindi na naman ito makita.
“Bes, nasaan na yun? Grabe ang kaba ko kanina akala ko babanggain nila tayo. Buti at magaling kang magmaneho.” untag ko.
“Oo nga eh buti at nasa express way tayo kaya mabilis tayong nakakapag overtake,” Anito na panay ang pindot sa kanyang cp at hindi mapakali.
“Sino ba yang tinatawagan mo?” Curious kong tanong dahil parang kanina pa siya nagda-dial subalit hindi sumasagot ang nasa kabilang linya.
“Si Renz, sasabihan ko lang na malapit na tayo sa airport at pagkalipas ng tatlong oras makakalapag na tayo ng Cebu kapag hindi nagka aberya.” Saad niya.
Tumango na lamang ako bilang tugon. Excited ako na kinakabahan kaya nagdadasal ako na sana makarating kami ni Jenny ng ligtas.
“Hello, oh s**t! Finally you answered your phone, Renz! Kanina pa ako tumatawag sayo.” Naiiritang salubong ni Jenny sa kausap. Dinikit ko ang tainga malapit kay Jenny upang madinig ang usapan nila.
“Oh my bad, I was in the middle of the meeting. So how are you guys? Are you good?” Sagot ng nasa kabilang linya. Ang ganda ng speaking voice niya. Ang ganda ng diction.
“No, may sumusunod sa amin simula pa kanina bago kami makaalis kina Sofia kaya minabuti naming tumigil muna dito sa gasoline station para makahingi agad ng tulong sakaling may masamang balak ang mga yun,” Paliwanag niya.
“Oh sorry, I forgot to tell you. That’s my men. Pinasundan ko kayo. I just made sure you guys are safe until you arrive at the airport.” Anito.
“Men? Bakit di mo naman sinabi agad, Renz? Grabe tuloy ang kaba namin lalo na tong si Sofia para na tong hihimatayin kanina sa takot,” ani Jenny.
“No, I’m fine, Bes,” Sabat ko sabay senyas kay Jenny na wag na lamang banggitin. Subalit bigla naman nitong inabot sa akin ang kanyang cellphone.
“O kausapin ka daw,” aniya. Wala na akong nagawa kundi kausapin ang nasa kabilang linya.
“Hello.. Hello..” ulit ko at tiningnan ulit ang cellphone kung connected pa ba ang tawag dahil wala nang sumasagot. Nakarinig ako ng buntong hininga bago siya sumagot.
“Hey, beauty. How are you? You sure, you're fine?” Sunod-sunod niyang tanong. s**t ang ganda talaga ng boses niya. Paano pa kaya sa personal.
“Ahm, o-opo, ayos lang ako, I mean kami ni Jenny. Salamat.” napalunok ako kaya pautal akong nakasagot. Nabigla ako sa boses niya. After how many years ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya.
“Okay, that’s good to hear. I’m still out of the country sorting some business things, but I’ll be home soon. You can stay at my resort and you don’t need to worry about the food and the necessary things you’ll need. I informed my housemaid and she's expecting you to arrive. Just feel at home. Okay?” Anito.
“T-thank you,” yun lamang ang nasambit ko dahil nahihiya ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Saka na lamang ako magpapaliwanag kapag nagkita na kami.
“And by the way, my men will fetch you at the airport, so you don’t need to worry anymore, okay? I can’t wait to see you. See ya when I get home, Sofie. Bye.” Anito sabay baba ng tawag.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Napangiti ako dahil narinig ko na naman na tinawag niyang akong Sofie. Siya lang ang tumatawag sa akin ng ganun. At bakit niya naman sinabi na he can’t wait to see me? Napaisip tuloy ako.
“Sira ulo talaga ang taong yun. Papatayin tayo sa kaba tauhan lang pala niya yung sumusunod sa atin. Sarap kaltukan sa ulo. Tara na nga?” Ani Jenny.
Tumango ako saka sumakay na ulit at dumeretso na ng airport. Habang nasa himpapawid kami sinabihan ako ni Jenny na I-off muna ang sim card ko kung saan makokontak ako ni Kuya. Pinapa deactivate niya ang f*******: ko para may peace of mind ako habang naroon sa probinsya.
“Ako na bahala sa kuya mo kapag hinanap ka sa akin. Ang importante ligtas ka doon, bibili tayo ng bagong sim card at yun na muna ang gamitin mo, okay?” paliwanag niya.
“Salamat, Bes. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka. Thank you for being an Ate to me and for being there when I needed you. Sobra sobra ang pasasalamat ko dahil binigyan ako ng diyos ng kaibigan na kasing bait mo.” Sambit ko.
“Naku wala yun, ano ka ba? Di ba sisters tayo forever? Tinutulungan mo din naman ako kapag may problema ako, at mas marami kang naitulong sa akin kaya wag ka na mag drama diyan.” Aniya.
“Maiba ako bes, sa tingin mo single si Renz? Wala kayang magagalit kapag nalamang may pinatuloy na babae si Renz sa resort niya?” Seryosong tanong ko at hinintay ang kanyang sagot.