Chapter 4: Paradise!

1504 Words
Sofia’s Pov Lumingon sa gawi ko si Jenny, pinanliitan ako ng mata at sabay ngiti ng nakakaloko. “Uy, bakit interesado ka ba sa kanya?” Pabiro niyang tukso na ikinagitla ko.Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. Lumunok ako. “H-hindi. Seryoso ang tanong ko bes. What if may girlfriend siya, fiancee or asawa at may anak na? What if ako pa ang maging mitsa ng gulo or away nila? Parang inulit ko lang ang ginawa ni mama, ganun?” Sunod-sunod kong tanong. Out of nowhere sumagi sa isip ko ang ganung imahinasyon. Nangako ako sa sarili ko na never akong sisira ng pamilya dahil naranasan ko kung paano ang hirap at yurakan ng taong nasaktan at nabuwag ang pamilya. “Ang advance mo mag-isip, bes. Hindi naman tayo tutulungan ni Renz kung alam niyang may masisira siyang pamilya di ba?” Paliwanag niya. “Saka mo na lamang siya tanungin kapag nagkita na kayo. Ang tanong hanggang kailan ka magtatago sa kapatid mo. Yun ang isipin mo dahil sigurado akong pagkagising nun at nalamang wala ka mangagagalaiti na naman yun sa galit.” Dagdag niya. “Wala na akong pakialam sa kanya, bes. Ang mahalaga ngayon ay ligtas tayo at malayo sa kapahamakan. Saka ko na lamang iisipin yun kapag nasa sitwasyon na tayo kapag nahanap niya ako.” sagot ko. “Sabagay may point ka. Saka hayaan mo siyang maghanap ng solusyon sa mga problema niya. Ginawa niya yun mag isa kaya dapat mag isa niya ding lutasin hindi yung idadamay ka pa niya.” Aniya. “Nga pala, ano ang paalam mo kay Andrew? Baka sa kanya magtanong si Kuya at baka isuplong tayo ng boyfriend mo.” Pag-aalala ko at naisip si Andrew. “Naku huwag mo ng isipin yun. Ang sabi ko kay Andrew may overnight kami ng mga friends ko at babalik naman ako kinabukasan.” Paliwanag niya. Tumango ako at apanatag ang aking loob saka naisipang umidlip muna. Makalipas ang mahigit isang oras ay nakalapag na kami sa Mactan airport. Mabilis lang kami nakalabas at nahanap ang mga tauhan ni Renz, isang lalaki at mukhang driver ito ang isa naman ay babae at medyo may edad na. May bitbit itong cardboard at iwinawagayway sa itaas. May nakasulat na “Welcome Ma’am Sofie’ kaya napangiti ako. Kumaway si Jenny sa kanila at lumapit na kami sa kinaroroonan nila. “Hello po, magandang umaga po. Kayo po ba ang inatasan ni Renz para sunduin kami?” Salubong na tanong ni Jenny ng makalapit kami. “Magandang umaga din po, Ma’am. Kayo po ba si Ma’am Sofie?” Balik tanong ng Ale. “Ahm ako po pala si Jenny at siya naman si Sofia aka Sofie,” Pagpapakilala ni Jenny. “Ah okay. Ako pala si Myrna, ako ang mayordoma ni Sir Renz at siya naman si Carlito ang pamangkin ko at isa sa mga driver at pinagkakatiwalaan ni sir kapag may darating na bisita o turista sa resort.” Paliwanag niya. “Hello mga magagandang dilag. Maligayang pagdating sa paraiso ng Cebu. Ako nga pala si Carlito at maaari niyo akong tawaging kuya Lito,” Masayang bati ni kuya Carlito na nagpangiti sa amin ni Jenny. “Halina kayo at medyo malayo pa ang ating byahe dahil kailangan pa natin maglayag sa dagat upang makarating sa kabilang isla.” Aya ni aling Myrna. Kaya tumalima kami at sumunod sa kanya. Sumakay kami sa magarang sasakyan at mukhang maykaya ang may ari nito. “Ahm, aling Myrna, matanong lamang po, matagal na po ba kayong nagtatrabaho kay Renz?” biglang tanong ni Jenny sa gitna ng katahimikan. “Matagal na iha. Matagal na akong nanilbihan sa pamilya nila bago pa dumating si sir Renz dito sa Cebu. At bihira lang magbakasyon dito sa resort ang batang yun dahil palagi siyang pinapasundo ng kanyang ama upang magtraining sa iabng bansa.” Saad ni aling Myrna. Habang nakikinig ay mas lalo akong naging curious kung anong pinagkakaabalahan ni Renz sa buhay. Mukhang successful na talaga siya. Samantalang ako, ewan. Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng buhay ko. Hindi ko alam ang daan papunta sa destinasyon ko. Tama pa ba itong tinatahak kon daan? “Sa tingin niyo po ba may girlfriend or asawa na siya?” Out of the blue na tanong ni Jenny at lumingon sa gawi ko dahil alam niyang gusto ko marinig ang sagot sa mga tanong na ito. “Yan ang hindi namin alam, Ma’am. Isa sa mga ayaw ni sir ay pinapakialaman siya at ayaw niya din sa mga makukulit at maraming tanong. Kailangan kung anong iutos niya ay sundin agad at dapat nakikinig ka ng mabuti dahil ayaw niyang umuulit ng siya ng salita.” Biglang singit na sagot ni kuya Carlito. “Strict boss po pala siya. So kayo lamang po ang tumatao sa resort?” sumali na ako sa usapan nila. “Oo, pero may mga nagrerent minsan doon. Mga turista na gustong magpahinga at magbakasyon o di kaya mga bagong kasal na nagha honeymoon. Kaso bihira lamang mangyari iyon dahil may kamahalan ang resort ni sir at panay mga mayayaman lamang ang nakaka afford na magrenta doon. Hindi rin basta- basta na lamang tumatanggap ng bisita si sir. Kailangan may permiso niya palagi.” paliwanag ni aling Myrna. “Wow bigatin na pala talaga itong si Renz bes no? Swerte naman ng mapapangasawa non. May libre na silang honeymoon place kaya kahit mag unli chukchakan pa sila hindi nila iisipin ang presyo.” Sabi ni Jenny sabay tingin sa akin. Tumango lamang ako bilang pagsang ayon. “Kaanu-ano pala kayo ni sir? Bakit parang biglaan naman ata ang pagdating niyo?” usisa ni kuya Carlito at napansin kong siniko siya ni aling Myrna. Magkatabi sila sa harap at kami naman ni Jenny ay nasa bandang likuran. “Mga kaibigan niya kami, kababata at matagal namin siyang nakasama sa Maynila.” sagot ni Jenny at tumango na lamang si kuya Carlito at hindi na ito nagsalita pa. Nakarating na kami sa pier dahil natatanaw na namin ang maraming bangka na nakalutang sa dagat. Iginarahe ni kuya Carlito ang sasakyan sa malaking parking area sa ibaba ng malaking glass building na may nakasulat na logo ng BC at nakaimprinta naman sa baba ng logo ang letrang Buenavidez Corporation. Inikot ko ang paningin sa malaking gusali at hindi maiwasang hindi mamangha sa laki at taas nito. “Halina kayo at naghihintay na ang bangka na magdadala sa atin sa isla.” Aya ni aling Myrna kaya naglakad na kami papunta sa pangpang kung saan naroon ang puting bangkang de motor na maghahatid sa amin. Mukhang kaming lima lamang ang ang lulan nito. “Ilang oras po ang byahe patawid, aling Myrna?” tanong ni Jenny. “45 minutes lamang iha, bakit mahihiluhin ka ba?Mayroon ang white flower rito,” ani aling Myrna at akmang magbubukas ng kanyang shoulder bag. “Hindi naman po. Gusto ko lang malaman kung gaano katagal bago makarating sa resort. Hehe. Excited na kasi ako makita kung gaano kaganda ang resort ni Renz.” Excited na pahayag ni Jenny. Katulad niya ay hindi ko rin maiwasang ma-excite dahil habang nasa kalagitnaan pa lang kami ng dagat ay ramdam mo na ang katahimikan at ganda ng mga tanawin. Makalipas ang 30 minutes ay may natatanaw na kaming isla at 15 minutes na lang ay dadaong na kami. Malayo pa ay tanaw ko na ang ganda nito. Siguro payapa ang mamuhay dito dahil medyo may kalayuan sa kabihasnan. Nang makadaong kami ay bumungad agad sa amin ang arko ng resort na may nakakurbang mga letra at ang nakasulat doon ay Welcome to RMSB Luxury Paradise Resort. At totoong paraiso ang islang ito dahil sa taglay nitong ganda at napaka moderno pa ng mga disenyo sa paligid. “Mga iha pumasok muna kayo sa loob at ipaghahanda ko muna kayo ng makakain. At ikaw naman Carlito tawagin mo si Isabel at ipahanda mo ang guest room sa taas katabi ng kwarto ni Sir,” Utos ni aling Myrna. Tumalima naman kaagad si kuya Carlito saka kami iniwan ni aling Myrna sa malaking lobby ng resort. “Bes mukhang ayoko nang umalis dito. Grabe ang laki pala ng resort na to no? Kaya pala ang mahal dahil hindi lang resort ang babayaran mo kundi buong isla na,” Namamanghang saad ni Jenny habang iniikot ang paningin sa paligid at pareho kami ng reaksyon. “Naku bes hindi pwedeng hindi ka uuwi. Paano ang boyfriend mo, abir?” Sagot ko. “Biro lang, ang swerte mo dito kainggit ka bakla,” aniya “Bes, feeling ko hindi rin ako magtatagal dito. Syempre nakakahiya kay Renz baka singilin pa ako nun kapag nagtagal pa ko rito. Alam mo namang hindi ko afford ang ganitong luxury island resort. Pansamantala lamang ito dahil maghahanap ako ng paraan upang makaalis kaagad dito.” Paliwanag ko. Hindi ko alam kung naintindihan ba ni Jenny ang mga sinambit ko dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone. “Si Renz tumatawag,” Aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD