Chapter 2: Escape Plan

1347 Words
Sofia's Pov "Hello, Bes," Ulit ko nang hindi tumugon si Jenny sa unang sagot ko.Hindi matigil ang dagundong ng puso ko sa ibabalita niya. "Ahhhh! Bes! My god!" Tili nito na lalong nagpakaba sa akin. "Bakit napaano ka? Bakit ka napasigaw?" Pag- aalala kong tanong. "Sumagot sa akin si Renz at ang sabi niya ay handa siyang tumulong.O di ba? Hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang Kuya Renz natin noon. Ipapasundo ka raw niya sa airport. Sabihin mo lang daw kung kailan ang alis mo." aniya. "Talaga? Totoo? Pumayag siya?" Tuwang-tuwa kong sagot at tuluyan ng nalusaw ang kabang naramdaman ko. Napalitan ng excitement na hindi ko maintindihan. "Yes! True na true. Sabi niya tamang-tama daw at walang tao sa resort nila sa Cebu. Pwede ka daw doon mag- stay muna." Saad niya. "Bakit nasan ba daw siya? Nakakahiya namang pumunta na wala siya doon." Ani ko. "Babalik naman daw siya kaagad. Nasa business trip at meetings lang siya. Binigay ko pala lahat ng contacts mo sa kanya ha? Baka anytime tawagan ka non." Dagdag niya. "Ha?! Seryoso ka ba? Hiningi ba niya kaya binigay mo?" Pagtatakang tanong ko. "Hindi, binigay ko lang. Hehe. Hayaan mo na. Ano? Kailan ang alis mo?" Balik niyang tanong. "Teka, teka, Bes. Hindi ba nakakahiya? Matagal na natin siyang hindi nakakasama at wala tayong communication sa kanya for how many years. Parang ang kapal naman ng mukha ko kung bigla bigla na lang akong humingi ng tulong sa kanya. Baka ang isipin nun naalala lang natin siya dahil may kailangan tayo sa kanya.” Pagdadalawang isip ko. “Hoy babaita naisip mo pa talaga ang hiya kaysa iligtas ang sarili mo? May pinagsamahan din naman tayo noon ah. Ang gawin mo, mag ayos ka na ng gamit at mag impake ka na. Ayusin mo na ang mga kailangan mong ayusin sa trabaho mo.File a leave. Sasamahan kita papunta ng Cebu," Saad nito. “Talaga sasamahan mo’ko, bes?” Masaya kong pagkumpirma. “Abay oo naman, saka gusto ko rin makita si Kuya Renz natin noon? Guwapo pa rin kaya siya hanggang ngayon? Ano sa tingin mo?” Anito na parang batang kinikilig. “I don’t have any idea, hindi naman kasi siya nag-a-update ng pictures niya sa sss. Pamisteryoso ang person,” Saad ko. “Oo nga eh, sigurado akong malaki na ang pinagbago niya. Oh siya sige na balitaan mo’ko kung kailan ang balak mong umiskapo diyan sa kapatid mong kampon ni satanas,” Aniya. “Sige, unti-unti kong dalhin ang gamit ko sa inyo para dyan na ako mag impake. Hindi pwedeng mahalata ni Kuya baka ikulong ako nun pag nalaman niyang aalis ako.” Paliwanag ko. “Oh siya sige, wag ka ng magdala ng maraming gamit, dalawa o tatlong damit okay na yan. Doon ka na bumili sa ukay-ukay ng mga pambahay mo. Wag kang mag-alala dahil bibisitahin kita doon, okay? Sige na babay na talaga, tumatawag na sakin si Andrew. Bye.” Aniya saka pinatay ang tawag. Pagkatapos naming mag-usap ni Jenny ay sumagi sa isip ko ang pagkikita ulit namin ni Renz. Bago siya umalis pauwi ng probinsya nila ay umamin akong crush ko siya pero ang sagot niya, hindi siya pumapatol sa menor de edad at para lamang daw niya akong kapatid. I’m turning 13 at that time at wala pang muwang and he is in his 20’s at that time. Sobrang gwapong gwapo ako sa kanya noon kaya palagi akong nagpapansin sa kanya kapag binibisita niya si Kuya sa bahay. Sinusuot ko ang mga damit na binigay niya kay Kuya kahit pa alam kung papagalitan ako ng kapatid ko dahil pinakialaman ko ang gamit niya. Hindi alam ni Jenny na may gusto ako noon kay Renz. Inilihim ko na lamang iyon at binaon sa limot sa loob ng halos walong taon. I wonder kung may asawa’t mga anak na ito dahil he’s almost in his late 30’s now. — Next week na ang alis namin ni Jenny. Siya ang nag booked ng ticket papuntang Cebu. Ready na lahat ng gamit ko at naroon na kina Jenny. Si Kuya naman ay palaging mainit ang ulo at panay ang singhal sa akin. Palagi siyang lasing tuwing uuwi at dis oras na ng gabi. Umiiwas na lamang ako at hindi pinapansin ang mga maaanghang na salita na binabato niya sa akin. Kunting tiis pa self at makakalaya ka na sa emotional damage na binibigay niya sayo. Hindi ko siya papatulan para hindi niya mahalata ang pag alis ko. Pagod na pagod na akong pakisamahan at intindihin ang ugali niya. Ayaw niyang umalis dito sa bahay kaya ako na lang ang aalis upang mailigtas rin ang aking sarili sa masama niyang binabalak. Napapansin kong palagi siyang may kausap sa cellphone at hindi mapakali. Mukhang nakikipag deal sa mga kausap. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ni Kuya sa buhay dahil nagagalit siya kapag tinatanong siya tungkol doon. Isang araw paalis na ako para pumasok ay tinawag niya ako. “Hoy Sofia sinasabi ko sayo trabaho at bahay lang ang destinasyon mo ha! Ayokong dumadaan ka pa kina Jenny bago umuwi,” Pasinghal niyang bilin. Tumango ako. “Sige po kuya, wala naman si Jenny sa kanila kaya uuwi ako kaagad,” sagot ko na lamang.. “Siguraduhin mo lang dahil malilintikan ka talaga sa akin. Ngayon pa lang sinasabi ko sayo na pinapabantayan ko ang mga kilos mo dahil ayokong may gawin kang kalokohan bago dumating si Miguel.” Nagulat ako sa mga sinambit niya. Kaya pala pakiramdam ko palaging may sumusunod sa akin. Bumuntong hininga na lamang ako dahil ayoko na siyang kausapin o makipag away pa. Kailangan ko mag doble ingat dahil aalis na kami ni Jenny sa isang araw. Ayokong mapurnada ang pagtakas ko kaya tumango na lamang ako saka umalis. Pagdating ko sa office ay tinext ko kaagad si Jenny sa mga nalaman ko. Nagplano kami ng aming escape plan para hindi kami masundan ng tauhan ni kuya. At naisipan naming umalis ng madaling araw kung saan tulog pa ang lahat. Dumating na ang araw ng pag alis namin. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang aking loob. Ang usapan namin ni Jenny ay dapat saktong ala una ay nasa unahan na siya ng bahay namin naghihintay para pagkababa ko ay sasakay na lamang ako. Hindi siya pwedeng magparada ng sasakyan sa harap ng bahay dahil doon nakaharap ang kwarto ni kuya baka makita pa siya. Hindi na ako nakatulog dahil sa sobrang kaba. Alas onse y media na at sumilip muna ako. Nagulat ako dahil si kuya nasa sala pa umiinom at nanonood. Dumoble ang kaba ko. Paano kaya ito. Kaunting oras na lang ay kailangan ko ng makalabas. Sinipat ko ng mabuti kung ilang bote na ng alak ang nainom niya. Napansin kong may tatlong empty bottles ng red horse sa lamesita. Nakahiga siya sa sofa at mukhang tulog na pero ang TV ay buhay pa rin. Oras na para umalis. Naisip kong magsuot na lamang ng pambahay para kung magising man si kuya ay hindi niya mahalata. Dahan dahan kong pinihit ang pintuan at dumeresto sa kusina. Nanginginig man sa kaba ay tumingkayad ako sa paglalakad para lang hindi makagawa ng ingay. Dahil oras na mabisto ako ay hindi lang bugbog ang aabutin ko. Baka ikulong ako hanggang sa makuha ng lalaking pinagbentahan niya sa akin. Napatigil ako ng biglang umubo si kuya. I paused at nanginginig na nilingon ang gawi niya. Buti at tulog pa rin kaya binilisan ko ang lakad. Nang makalabas ng kusina ay patakbo akong lumabas ng gate dala lamang ang aking sarili at cellphone. Lahat ng gamit ko ay na kay Jenny na. Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa unahan kung saan naghihintay si Jenny. “Bes sakay na bilis,” Aniya. Tumango ako. Subalit bago sumakay ay nagpalinga-linga muna ako at napansin ang itim na sasakyan sa bandang likuran. Ipinag sawalang bahala ko na lamang iyon baka sasakyan lamang ng kapit bahay na nakalimutan igarahe. Nakahinga na lamang ako ng maluwag ng pinaharurot na ni Jenny ang sasakyan. Escape plan success!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD