Sofia's Pov
Dis oras na ng gabi at nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling mula sa sala kaya minabuti kong bumangon at silipin.
"Wag kang mag alala dude dahil meron na akong pambayad sayo at sigurado akong matutuwa ka dahil fresh na fresh pa," Narinig kong sagot ni kuya sa kanyang kausap sa kabilang linya.
"Oo naman, maganda syempre. Kaka 20 nya lang, no boyfriend since birth. Wala naman tong pakinabang kaya kung pwede ay tanggapin mo na to para quits na tayo." Dagdag pa nito na ikinakunot ng aking noo. Sino ba ang tinutukoy nito?
"Sige, hintay ka lang at isesend ko ang mga litrato niya," Anito saka binaba muna ang kanyang cellphone at pumunta sa gallery. Dahil sa pagtataka ay lumapit ako ng bahagya. Tumingkayad ako upang hindi makagawa ng ingay at sumilip sa kanyang cellphone. Hindi niya ako mapapansin dahil nakatalikod siya sa gawi ko at nakasandal.
At doon nanlaki ang aking mga mata ng makita ang mga litrato ko. Sinend niya isa-isa sa lalaking kausap.
"Kuya ano yan? Bakit mo sinesend ang mga pictures ko? Sino yan?" Kompronta ko.
Sa gulat niya ay bigla siyang napabalikwas at napatayo ng wala sa oras. "Ay pucha! Wala, ano ba yan? Bakit ka ba nakikialam? Bakit gising ka pa?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Anong wala? Ipambabayad mo 'ko sa mga utang mo? Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Ano ko isang bagay na gagawin mong collateral?" Pagalit kong tanong. Sumosobra na siya.
"Tumigil ka Sofia, huwag mo akong diktahan!" saad nito at may galit na sa boses nito. Ano pa bang bago sa kanya?
"Bakit ba ganyan na lang ang galit mo sa akin ha, Kuya? Kapatid mo ko. Bakit nagagawa mo sakin ang mga ganyang bagay? Ano bang ginawa ko sayo? At sa tingin mo papayag ako na gawin mong pambayad sa mga atraso mo?" Naiiyak na ako sa galit.
"At sa tingin mo anong magagawa mo, bastarda ka, ha? Ako ang masusunod dito kaya sumunod ka na lamang. Malas mo lang talaga dahil ikaw ang magbabayad ng kasalanan ng walang kwenta mong ina." Anito na dinamay na naman si Mama.
"Bakit ginusto ko bang maging bunga ng pagkakamali? Biktima lang din ako. Bakit mo sa akin ibinubuntong ang galit mo? Pareho na silang wala, irespeto na lang natin sila. Hindi naman ako umaasa sayo, itinataguyod kong mag isa ang sarili ko." Sabat ko.
"Manahimik ka Sofia kung ayaw mong tamaan sa akin. Makinig ka, uuwi ng Pilipinas si Miguel sa susunod na buwan at kapag tinanggap ka niyang kabayaran kailangan mong sumama sa kanya." Seryoso at pagalit niyang saad.
"No, ayoko! Huwag kang paladesisyon sa buhay ko. Hindi ako papayag. Bakit ayaw mong magtrabaho upang makabayad ka sa kanila? Pasalamat ka nga at hindi pa kita isinusuplong sa mga masasamang ginagawa mo!" Pasigaw kong sagot.
"Ah sumasagot ka pa—" Akma niya akong sasampalin subalit tumunog ulit ang kanyang cellphone. Bago niya ito sagutin ay sumenyas sa akin na manahimik at itinuro sa akin ang kwarto.
Pinapaalis niya ako dahil ayaw niyang makinig ako sa usapan nila. How dare him na gawin sa akin ito?Padabog akong tumalikod at tumungo muna sa banyo bago bumalik sa aking silid. Napag-isip-isip kong umalis ng bahay at iwanan siya dahil alam kong totoo ang sinasabi niya. Lahat ng desisyon at naiisip niyang solusyon at makakatulong sa problema niya ay ginagawa niya. Wala siyang pakialam kung tama o mali kahit pa sarili niyang kadugo ay isinasankalan niya.
Subalit nangako ako kay Daddy na hindi ko iiwan at intidihin na lamang ang galit ng Kuya ko. Ngunit paano ko gagawin yun kung sumosobra na siya? Ako lang ang nagmamalasakit sa kanya. Siya hindi.
Batid ko naman yun na bunga ako ng kasalanan at naging dahilan kung bakit nasira ang kanilang masayang pamilya. Ngunit simula ng magka malay at nagkaroon ako ng isip ay delubyo na ang inabot ko sa kamay ng Kuya ko.
Pamamahiya sa school, yuyurakan ang pagkatao ko at sinasaktan din ako. Pinagkakalat niyang anak ako ng kabit at walang karapatan maging parte ng pamilya nila. Na hindi ko deserve ang apelyidong dinadala ko ngayon.
Lahat iyon ay tinanggap ko at handang kalimutan matanggap niya lamang ako bilang kapatid. Subalit kabaliktaran ang nangyari at mas lalong lumala nang naaksidente ang mga magulang ko at binawian ng buhay.
Sa akin ipinangalan lahat ng mga ari-arian ni Daddy. Kaya mas lalong nadagdagan ang bigat ng kanyang saloobin sa akin at gusto niyang ilipat ko sa pangalan niya lahat dahil siya daw ang may lehitimong karapatan dahil siya ang tunay na anak.
Kinunsulta ko na rin ito sa abogado ni Daddy kung maari bang gawin iyon upang matigil na si Kuya subalit hindi pumayag si atty dahil wala siyang tiwala dito.
Napabalik ako sa aking ulirat ng tumunog ang cellphone ko. Si Jenny nagchat kung tuloy ba daw ang lakad namin. Pero imbes na sagutin siya sa mga katanungan ay sinabi ko sa kanya ang masamang balak ni Kuya sa akin. Kaya bigla siyang napatawag.
"Napakahayop at walang hiya talaga ng kapatid mong yan, Bes. Crush ko pa naman yan dati noong hindi ko pa alam na demonyo pala ang ugali." Aniya.
"Sshh, ang balak ko ay umalis ng bahay sa katapusan dahil ang sabi ni Kuya ay uuwi na ng Pilipinas ang kaibigan niya sa susunod na buwan. Matutulungan mo ba ako? Ayokong maging pambayad ni Kuya sa mga atraso niya at baka kung anong gawin sa akin." Paliwanag ko.
"Naku baka sindikato yan. Dapat ngayon pa lang ay mag impake ka na, wag ka lang pahalata. Hahanap tayo ng matutuluyan mo. Hindi pwede dito sa amin dahil palagi dito ang takbuhan non tuwing nawawala ka. Sa akin ka hinahanap." Aniya at tama siya doon. Si Jenny lagi ang hanapan ni kuya kapag naglalayas ako ng bahay.
Napatigil ako sa sinabi niya at tama siya. Nadadamay na siya minsan sa galit ng kuya ko kapag hindi ako nakakauwi sa bahay.
"Humingi kaya tayo ng tulong kay Renz. Ano sa palagay mo?" Banggit nito sa pangalan ng dati naming kaibigan.
"Ha? Bakit may balita ka pa ba sa kanya? Di ba umuwi na ng probinsya yun?" Pabalik kong tanong. Napangiti ako dahil si Renz ang una niyang naisip.
"Meron akong lumang number niya. Magbabakasakali lang tayo bes. Kailangan mo ng tumakas sa kamay ng walang konsensya mong kapatid. Susubukan kong tawagan si Renz at babalitaan kita kaagad. Sa ngayon asikasuhin mo na ang dapat mong asikasuhin." Saad niya.
"Sige. Maraming salamat bes sa palaging pagtulong sa'kin. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag wala ka." Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Sus tumigil ka nga dyan sa kadramahan mo. Wala tayong oras para dyan. Sige na ibababa ko na to. Balitaan kita kapag nakausap ko na si Renz. Bye bye." Sagot nito saka pinatay ang tawag.
Bakit kaya si Renz ang naisip niyang tawagan at hingan ng tulong? Alam naman niyang magkaibigan si Renz at Kuya simula noong high school pa lang. Parati itong pumupunta sa bahay, sinusundo si kuya kapag may lakad sila. May lihim din akong pagtingin noon kay Renz. He's sweet at palaging may dalang pasalubong sa bahay. Palagi niya akong pinagtatangol kapag sinisigawan ako ng kuya ko.
Subalit naputol lamang ng umuwi ito sa probinsya. Ang balita ko ay naghiwalay ang magulang niya at isinama siya ng kanyang ina pauwi ng Cebu. Simula non natigil na ang ugnayan namin dahil ang balita ko walang signal sa lugar nila kaya hindi siya nakakapag f*******:. Halos 7 years na ang nakalipas. Kumusta na kaya siya ngayon? He's 8 years older than me and he's 28 now. We use to call him Kuya kasi matanda siya sa amin ni Jenny. Mabait siya. Hindi ko nga alam kung bakit naging magkaibigan sila ng kuya ko.
Tutulungan niya kaya ako kung sakali? Ang daming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. Mga negatibong bagay na hindi ko alam kung kaya ko bang lampasan.
Maya-Maya pa ay tumunog na ulit ang cellphone ko. si Jenny ulit. Nakontak kaya niya si Renz? Kinakabahan kong sinagot ang tawag..
"Hello, Bes?"