CHAPTER 5

2244 Words
SAKURA’S POV   Hindi ko alam paanong nalaman ni Primo kung sa’n ako nakatira. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko at bigla akong nalito. Hindi ko inaasahan ‘to at nakakainis dahil kahit anong gawin ko’y hindi nya talaga ako titigilan. Nabitawan ko si Dark saka naman ito umalis. Tinignan ko si Primo na may pagtataka.   “A-anong g-ginagawa mo dito?” nauutal kong tanong sa kanya.   Nakikita ko ang kakaiba sa aura nya ngayon. Hindi ko alam bakit ganito pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. Napalingon ako kay Zem na no’n ay masama ang tingin kay Primo. Kinakabahan ako at inaamin kong hindi ko feel na nandito si Primo. Lumapit sa ‘kin si Zem saka sya humarang sa harapan ko na para bang pinagtatanggol ako mula kay Primo.   “Bakit nandito ka?” malamig na tanong ni Zem sa kanya.   Nakita ko ang ngisi ni Primo at nag-uumpisa nang mamutawi ang kaba sa dibdib ko. “Hindi ko alam bakit pilit nyong pinapalayo ako kay Sakura.” Nakangising sabi nya.   Hinanda ni Zem ang sarili nya at napasinghap ako ng sugurin ni Primo si Zem. Agad itong nasalagan ni Zem at saka ito tumalon saka sya sinipa. Nang makaharap si Zem ay sasapakin sana sya ni Primo pero nailagan nya ito. Pinatid ni Zem ang paa ni Primo at saka nito binali ang kamay ni Primo at nilagay sa likuran nito. Nang magawa nya ‘yon ay napaluhod si Primo na syang ikinagulat ko.   Bakit hindi ko magawang makapagsalita at bakit parang feeling ko hindi ako makagalaw. “Umalis kana,” seryosong sabi ni Zem.   Napahawak ako sa ulo ko ng makita akong imahe na parang ganitong-ganito ang pangyayare. Napainda pa ako dahil do’n kaya naman binitawan ni Zem si Primo saka ako pinuntahan.   “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nya.   Hindi ko masabi hindi at hindi ko rin masabing oo. Pero sobrang sakit talaga ng ulo ko. Inalalayan nya akong tumayo at pumasok kami sa loob. Tinawag nya ang ibang guards para palabasin si Primo. Narinig ko pa ang sigaw nito sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin pa ‘yon. Umupo sa cauch para pahupain ang sakit ng ulo ko. Agad na nagtaka si Anna ng makita ako sa gano’ng sitwasyon.   “Anong nangyare sa ‘yo, Sakura?” takang tanong nya.   “H-hindi ko alam,” sagot ko naman.   Lumabas si mommy at nakita ako na tila namimilipit sa sakit. “Sakura! Hasyt, iakyat mo sya, Zem,” utos nito na syang sinunod naman ni Zem.   Binuhat nya ako at saka naman sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya. Hindi ko alam anong nakikita ko at para kanino ‘yon. Parang same lang sa nangyayare ngayon at hindi ko maintindihan bakit gano’n. Nang makarating sa k’warto ay agad akong inihiga ni Zem sa kama. Agad naman din akong nilapitan ni Anna at saka ako kinapa kung may lagnat ba ako.   “Ayan! Nabinat ka inday!” sermon nitong sabi.   Hindi ko sya pinansin at saka napahawan sa ulo ko. Pinikit ko ang mga mata ko saka ako huminga ng malalim para naman kahit paano ay humupa ito.   “Nandito si Primo kanina,” sabi ni Zem na syang ikinataka ni Mommy.   “Ha? B-bakit?” takang tanong ni Anna.   Hindi nagsalita si Zem. Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng k’warto at saka ko tinignan ang paligid ko. Wala na sila at lumabas na saka ako ulit humawak sa ulo ko. Tumayo ako at saka ako pumunta sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at saka ako mariin na napapikit. Para kasing nabibiyak ang ulo ko sa sibrang sakit.   Malamang ay past life ko ‘yon at baka itong sila Primo ang reincarnation ng mga tao sa past ko. Huminga ako ng malalim saka ulit tumingin sa salamin. Bumalik na ako sa kama at saka ako nakatulog at nang magising ako ay nandito na si Anna. Nakaupo sa tabi ko at pinagmamasdan ako. Tumayo ako at saka inayos ang sarili ko’t napatingin sa labas at gabi na pala. Maghapon na naman akong nakatulog at hindi ko maintindihan kung bakit naman kasi ganito ang pakiramdam ko.   Tumingin ako kay Anna at saka nya ako kinapa sa noo at kinapa rin ang kanya. Tumango-tango sya at saka tumingin sa orasan. Tumayo sya at saka nito kinuha ang planggana ng tubig na may towel at saka lumabas ng k’warto. Nangunot naman ang noo ko sa inasal nya na parang doctor ko. Napabuntong hininga ako at saka ako tumayo.   Pumunta ako sa may veranda at saka ako umupo sa upuan at pinagmasdan ang mga bituin. Para akong may na-miss na hindi ko maindihan. Naalala ko ang sinabi ng bata mo’n bago ako mawalan ng malay. Ano nga kayang ibig sabihin no’n? Simula ng araw na ‘yon ay ganito na ang nangyayare sa ‘kin. Tinignan ko ang mga makay ko at wala namang kakaiba. Bumuntong hininga ako at saka bumalik sa k’warto. Pumasok si Anna na may dalang pagkain at gamot.   “Oh, kumain kana. Maghapon kang tulog at wala ka pang kain na tanghalian mula kanina. So, eto hapunan. Tapos inumin mo na rin itong gamot. Ito na rin ang gatas para makatulog ka ulit. Uuwi na ako at may pasok ako bukas. Pagaling ka, love you!” sabi nito saka binigay ang pagkain sa ‘kin at lumabas ng k’warto.   Malamang ay napagod sya kakabantay sa ‘kin. Nilapag ko ang pagkain sa side table at nakita ko ro’n ang sulat. Kinuha ko ang papel at saka ‘yon binasa. Galing pala ‘to kay mommy.   “Hi, baby. May emergency lang ako ngayon. Hindi na kita mabantayan pero nag-prisinta naman si Anna. Don’t worry uuwi ako bukas, love mommy.”   Ngumiti ako at saka nilapag ang sulat. Kinain ko ang dala ni Anna at saka ako nagpalipas ng ilang sandali at napagpasyahang matulog ulit.   *********   Hindi ko alam kung nasa’n ako. Pero base sa nakikita ko’y muli na naman akong parang nasa kawalan at hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Mula sa kinalalagyan ko’y nakita ko ang mukha ng isang lalakeng tila nangungulila sa isang taong matagal na nyang hindi nakikita. Tila may kumirot sa puso ko. Hindi ko maintindihan.   “Mysty.” Napalingon ako sa kung sa’n pero wala akong makitang ibang tao bukod sa sarili ko.   Sino si Mysty?   **********   Nagising ako ng hating gabi dahil hindi ko makita ang alaga kong si Dark. Masasabi kong masyadong gala ang pusa na ‘yon ngayon. Masyadong malaki ang bahay para makita ko sya at kailangan nya pa talaga akong paghanapin sa kanya ng ganitong oras.   “Dark!” tawag ko habang bumababa.   Buti nalang at wala sila mommy at daddy dahil nasa business sila. “Dark,” tawag ko pa.   Nang makababa ako ay saka ako lumabas ng mansion at pumunta sa may garden. Nang makarating ako ro’n ay napahinto ako ng makita kung gaano kakinang ang buong paligid na para bang ginamitan ng magic. Alaga ni mommy ang lahat ng halaman at bulaklak dito. Pero hindi ko pa nakikita na ganito ito. No’ng huling dalaw ko ay hindi ito ganito.   Napangiti ako sa nakita ko at the same time ay namamangha. Sobrang ganda nito na para bang nasa magical world ako. Hindi ako mas’yadong lumalabas ng bahay kahit pa minsan ay nabo-boring ako. Lalabas lang ako kapag papasok na ng school.   “Woah, nakakatuwa naman ang mga kinang nyo.” Nakangiting sabi ko habang hinahawakan ito.   Tila maraming alitaptap sa paligid at nakalimutan kong hinahanap ko nga pala si Dark. Kaya naman agad akong napatingin ulit sa paligid at saka hinanap si Dark. Pero hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa bawat bulaklak at halaman na nasa paligid nitong garden. Minsan lang akong magawi dito pero never ko pang nakita na ganito kaganda itong paligid. Buti nalang at med’yo maayos na ang pakiramdam ko ngayon kesa kaninang umaga.   “Meow.” Napalingon ako sa nag-meow at agad kong nilapitan si Dark.   “Nandyan ka lang pala,” sabi ko saka sya binuhat. “Hating habi na. Ano’t nandito ka sa garden ng ganitong oras?” tanong ko kay Dark kahit na alam kong hindi naman sya sasagot.   Lumabas na ako do’n sa parang bahay na garden ni mommy. Bukod pa ang ibang mahahalagang bulaklak at gustong-gusto ni mommy na mga halaman. Mula dito sa labas nakikita ko parin ang tila nagliliwanag nitong mga pagkinang. Sobrang nakakamangha talaga.   “Kailan pa naging ganyan ang garden ni mommy?” takang tanong ko.   “Because of me.” Nanlaki ang mata ko ng may magsalita at agad akong lumingon sa kung sino ‘yon.   Hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko at kahit na kailan ay hindi ko pa nakikita. Tumingin ako sa paligid at hindi ko alam kung tama bang ako ang kausap nya o talagang pilingera lang ako?   “S-sino ka?” tanong ko sa kanya.   Nakikita kong hindi sya ordinaryong tao katulad ng iba na gaya ko. Ang bawat parte ng kanyang kasuotan ay naiiba sa kasuotan namin. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi rin sya taga rito. Napasinghap ako ng bigla itong lumapit sa ‘kin at hindi ko alam kung anong gagawin ko.   “Muli tayong nagkita,” he said.   Nanginginig ang binti ko at mas lalong napahigpit ang hawak ko kay Dark. “A-ano bang sinasabi mo?” nauutal na tanong ko.   “Nandito ako para sunduin ka,” bulong nito sa tainga ko.   “H-hindi kita kilala.”   “Kilala mo ‘ko.”   “Hindi sabi!”   “Mysty.” Hindi ko alam kung bakit tila napahinto no’n ang pagtibok ng puso ko ng tawagin nya ako.   “Sakura ang pangalan ko at hindi Mysty,” sabi ko naman saka ko sya marahan na tinulak.   Napangisi sya sa ‘kin dahilan para mas lalong mangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sya narito at hindi ko alam kung sinong Mysty ang sinasabi nya. Parang narinig ko na ‘yon pero hindi ko na maalala kung saan at kailan.   “Tama nga ang sinabi nila,” he said with cold voice.   “S-sino ka ba? Hindi kita kilala at ngayon lang kita nakita,” sabi ko habang yakap-yakap si Dark.   “Ako si, Al,” pagpapakilala nya.   “A-Al?” wala sa sariling usal ko.   “Hindi ba pamilyar sa ‘yo, ang pangalan ko?” tanong nya na syang ikinakunot ko ng noo.   “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kung maari sana ay umalis kana dahil kapag nakita ka ng mga guard dito mayayari ka,” sabi ko saka ako tumalikod pero sa gulat ko’y nabitawan ko si Dark.   Bigla syang sumulpot sa harapan ko na parang kabote at hindi ko alam paanong ang nangyare ‘yon. Hinawakan nya ang bewang ko saka nya sinalo ang pusa ko. Sa gano’ng pusisyon namin hindi ko alam paano akong magre-react. Nakikita ko mula sa mga mata nya ang tila lungkot sa hindi ko malamang dahilan.   “Miss na miss na kita,” he said with a sad voice.   Those eyes of him, those words from him. I don’t know what I am feeling right now. Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko. He called me Mysty earlier and I don’t know who he’s talking about. Ang mukha nya at tila pamilyar din sa ‘kin.   Inayos ko ang tayo ko saka ko sya bahagyang tinulak at inagaw si Dark. Tumalikod ako sa kanya at saka ako pumasok sa loob ng manison para makapagpahinga na. Nang maka-akyat ako sa k’warto ay do’n ko lang napagtanto ang nangyare.   “He have a powers?” wala sa sariling usal ko.   Nilapag ko si Dark sa kama saka ako humiga. Hindi ko maintindihana ng sinasabi nyang kilala ko sya kahit na hindi naman. Napahawak ako sa ulo ko at hinilot ito dahil tila nananakit ito. Nilapitan ako ni Dark saka tumabi sa tabi ko at huminga ako ng malalim.   “That’s not true, Sakura. That is just a dream, you need to wake up now,” I said to myself.   Pero hindi ko kayang kumbinsihin ang sarili ko do’n. Ang speed nya kanina. Mula sa harapan ay napunta sa likuran at nasalo nya si Dark. Napapikit ako ng mariin at sa niyakap ang unan ko at pinikit ang mga mata ko upang makatulog na.   “Kakalimutan kong nanyare ‘to,” sabi ko sa sarili ko bago ako matulog.   Nang magising ako ay bumangon ako at nagunat-unat. Maganda ang sikat ng araw at naririnig ko ang huni ng mga ibon. Binuksan ko ang kurtina sa may veranda saka ko binuksan ang pinto nito. Pero nabigla ako ng may lalakeng nasa harapan ko’t lumilipad na tila isang hangin. Nakangiti ito sa ‘kin na tila ako ang magandang nilalang sa kanyang mga mata.   “I-ikaw,” mahinang usal ko at saka papasok saka sa loob ng biglang magsara ang pinto. “T-teka! A-ano ‘to?”   “Hindi mo man lang ba ako babatiin ng isang magandang umaga?” tanong nito at lapag sya sa may veranda ko.   Nanatiling nakatalikod ako sa kanya at natatakot akong harapin sya. Hindi normal na tao ang lalakeng ito na nasa likuran ko at lumapag mula sa veranda ko. Hindi ko alam paano ko syang haharapin at hindi ko alam paano akong kikilos sa kinalalagyan ko. Hindi na talaga maganda ang nangyayare nitong mga nakalipas na araw. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD