SAKURA’S POV
Tumakbo ako pero bigla itong lumitaw sa harapan ko na syang ikinagulat ko. Sya talaga ‘yong lalake kagabi at hindi ako maaring magkamali. Tumingin ako sa paligid ko at saka ako tumakbo papunta sa may kabilang side at kinuha ang vase at binato sa kanya. Pero imbis na tumama ‘yon ay lumutang sa ere na parang bula.
“P-paanong... h-halimaw k-ka,” nauutal kong sabi.
Ngumiti sya sa ‘kin na hindi alintana ang nangyayare. “Mysty---”
“H’wag kang lalapit sa ‘kin abnormal ka!!!” bulyaw ko sa kanya.
Pero imbis na sundin ang sinasabi ko’y hindi nya ginawa. Bagkus ay bigla syang lumitaw sa harapan ko hanggang sa hawakan nito ang bewang ko at sa isang iglap lang ay nasa ibang lugar na kami. Napanganga ako at the same time ay namangha sa paligid na nakikita ko. Tumingin ako sa kanya at nakatingin sya sa ‘kin na para bang ako ang pinakamagandang view na nakikita nya.
“A-ano bang ginagawa mo,” mahinang usal ko pero sapat para marinig nya.
“Pinapakita ko lang sa ‘yo ang ganda ng tanawin.” Nakangiting sabi nya.
Tumingin ako sa ibaba at napapikit ako ng mariin ng makita ko kung gaano kataas ang kinalalagyan namin. Maganda ang tanawin mula rito pero natatakot ako sa matataas. Tumingin ako sa kanya at saka ko diniinan ang kapit ng balikat nya kaya naman napatingin sya sa ‘kin.
“Bakit?” tanong nya.
“I-ibaba mo na ako.” Nanginginig na sabi ko at hindi na ako makatingin pa sa kanya.
Hindi ako sanay sa ganito kataas. Inaamin kong gusto ko ito pero hindi ko magawa. Para akong nililipad ng alapaap at masarap ang simoy ng hangin. Maya-maya ay naramdaman ko ang kakaibang klima. Iminulat ko ang mga mata ko at nandito na ako ulit sa veranda ng k’warto. Agad akong tumakbo papasok sa loob at saka ako dumapa sa kama.
Nanginginig ang katawan ko at natatakot parin ako. Feeling ko ay masusuka ako at parang gusto kong himatayin. Naiinis ako sa lalakeng ‘yon. Naramdaman kong may lumapit sa ‘kin pero hindi ko sya naramdaman sa kama. Unti-unting naging better ang pakiramdam ko at nawawala na ang panginginig ko. Parang nagiging better na ako at masarap sa pakiramdam.
Umupo ako at nakita ko ang lalake na nakatayo sa may gilid ng kama habang nakatapat ang kamay sa ‘kin. Mula ro’n ay nakita ko ang kakaibang liwanag na nanggagaling sa kanyang mga palad. Unti-unti ‘yon nawala at saka ito tumingin sa ‘kin at nakangiti parin.
“Sana ay naging maayos na ang pakiramdam mo,” sabi nya saka ako tumayo.
“Naging better ang feeling ko. Grabe ang galing mo naman.” Manghang sabi ko saka inayos ang sarili ko.
“Mabuti kung gano’n.”
“S-sino ka ba talaga?” naguguluhang tanong ko sa kanya.
“Ako si Al Astor Wondsor,” pagpapakilala nya sa ‘kin habang nakalagay ang kamay sa kaliwang dibdib at saka sya yumuko.
“A-ako naman si Sakura Andrade Mistuda,” pagpapakilala ko rin sa sarili ko.
“Kinagagalak kong makilala ka, Sakura.”
“Gano’n din ako sa ‘yo pero, ano ba ang ginagawa mo dito? May powers ka. T’saka... bakit gan’yan ang suot mo?” naguguluhang tanong ko sa kanya.
“Ako ay galing sa mundong malayo dito. Narito ako upang hanapin ang nawawalang prinsesa ng Mystica.”
“Nawawalang prinsesa?” takang sambit ko.
“Oo, ang kanyang pangalan ay Mysty Geheimnis,” sabi naman nito at saka ako napaisip.
“Naalala kong tinawag mo ‘kong Mysty kagabi.”
Nawala ang ngiti nya at napalitan ‘yon ng kakaibang lungkot. Dama ko ‘yon at saka sya bumuntong hininga. “Dahil kamukha mo sya,” sabi nito.
Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ako makapagsalita. Naguguluhan man ay hindi ko na rin magawang makapagsalita. Sinabihan ko syang hintayin ako sa k’warto at kukuha ako ng pagkain sa baba. Tutal naman ay mamaya pa ang pasok ko at isang subject lang ang meron ako. Nang makarating sa baba ay napasapo ako sa dibdib ko ng makita ko si Lou.
“s**t, Lou! Ginulat mo ‘ko,” sabi ko habang hawak ang dibdib ko.
“Para kanino ‘yan?”
“Sa ‘kin.”
“Ganyan karami?”
“Pakialam mo?”
“Magaling kana ba?” tanong nya kaya naman napahinto ako.
“Lou? Ikaw ba talaga ‘yan? Ikaw kaya ‘yong kilala kong cold pa sa cold? Iyong una nating pagkikita ay hindi ka ganyan. Sinapian ka ba?” takang tanong ko sa kanya. Nag-iba ang mood nya saka ito tumalikod sa ‘kin. “Kita mo ‘yon bastos kitang kinakausap.”
Hindi ko nalang pinansin pa at saka dinala ang pagkain sa k’warto. Tinignan ko si Al kung naro’n pa at ng makita ko sya ay saka ko nilapag ang pagkain sa may lamesa sa may veranda. Ngumiti ako sa kanya at saka ko inayos ang upo ko.
“A-anong pagkain ‘to?” tanong nya.
“Wala bang ganyang pagkain sa inyo?” balik kong tanong nya.
“W-wala,” sagot nya.
“Simpleng sandwich lang ‘yan at saka juice. Tapos ito naman ay omelette.”
Kinuha ko ang kutsara at saka ‘yon binigay sa kanya at saka nya ako tinignan. Nangunot ang noo nya sa ‘kin at saka kinuha ang kutsara at nag-umpisa nang kumain. Nakita kong namilog ang mata nya at saka tumingin sa ‘kin ng nakangiti.
“Masarap.” Masayang sabi nya.
“Mabuti naman.”
“Salamat.”
“Walang ano man,” sagot ko saka ako huminga ng malalim at tumingin sa ibaba.
Nando’n si Zem na nakahinga na naman sa ilalim ng puno at tila nagpapahinga. Minsan ko lang makita si Zem at minsan ko lang din sya makausap. Mula ng araw na pumunta si Primo no’n dito ay hindi na naalis sa isip ko ang tila alaalang nakita ko kasama sya. Baka naman past life ko lang ‘yon?
“Z-Zem?” Napatingin ako kay Al na no’n ay nakatingin kay Zem.
“Kilala mo body guard ko?” takang taning ko.
“Body guard? Ano ‘yon?”
“Tch, d’yan ka na nga muna,” sabi ko saka ako umalis do’n.
Naligo muna ako at nang makalabas ng banyo ay wala na si Al. Malamang ay kung sa’n ‘yon napunta. Hindi naman nakakapagtaka dahil may powers sya. Buti nalang ako ang nakakaalam na meron sya no’n though talaga nakakamangha. Bumaba ako para makakain ng tanghalian at nando’n si Lou na walang kibo. Hindi ko na nagugustuhan ang Lou na nakikita ko. Paiba-iba ang ugali nya.
Matapos kong kumain ay umakyat na ako para maghanda. Tinignan ko ang lectures and naalala kong may quiz pala kami ngayon. Kaya naman nag-review muna ako para may maisagot ako mamaya. Lumipas ang alados at saka ko hinanda ang gamit ko. Tinignan ko ang cellphone ko at puro text pala ni Anna. Malamang ay na-busy ako kaka-review.
-Anna-
Nasa cafe ako, wait kita.
Iyong ang huling text nya. Kaya naman umalis na ako at naglakad. Nang makarating sa cafe ay nando’n sya at parang badtrip ata. Anong nangyare sa kanya? Pumasok ako sa loob at saka um-order ng coffee. Umupo ako sa harapan nya saka sya bumuntong hininga.
“Anong nangyare sa ‘yo?” takang tanong ko.
“Kasi naman, may nangyare sa umaga ko na hindi maganda.” Nakangusong sabi nya at nangunot naman ang noo.
“Ano naman ‘yon?” tanong ko at saka nilabas ang notes ko.
“So, ayon na nga Sakura. Habang naglalakad ako papunta sa school biglang may humarurot na motor sa harapan ko na muntik ko nang ikadisgrasya.” Inis na sabi nya saka sinubo ang cake. “Hindi sya huminto para man lang mag-sorry.”
Nakikita ko ngang bad ang morning nya. Naging bad din naman ang morning ko kahit ang night ko. Pero at the same time, nalaman kong mabait din naman ang lalake na ‘yon. Ano nga ulit name nya? Al? Ang galing, tamad siguro mga parents nta magbigay ng name kaya Al ang name nya.
“Tapos nang uwian ay nakita ko sya na pinagkakaguluhan ng nga classmate natin. Nang makita ko sya ay sinugod ko sya saka ko sya sinapak!” Aksyon na sabi nya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
“Sinapak?”
“Oo, kasi hindi sya nag-sorry,” sabi nya habang nakakuyom ang kamay.
“Oh? Nakaganti kana rin naman ano pang bad sa morning mo?” takang tanong ko.
“Nakaganti nga ako, kaso lang...” Tumingin sya sa ‘kin na tila nagmamaawa.
“Kaso lang ano?”
“Kaso lang pulis pala ‘yon.” Naiiyak na sabi nya pero naro’n ang inis.
Napatampal ako sa noo ko saka ako bumuntong hininga. “Anong nangyare?”
“Tsk, pinosasan nya ako kanina at hinila sa may likuran ng school para kausapin. Buti na nga lang at hindi nya ako dinala sa prisinto. Nakakaloka.” Napaubob sya ng muka sa lamesa.
Uminom ako ng kape at saka tango-tango sa kanya. “Anong pinag-usapan nyo?”
Inangat nya ng ulo nya saka tumingin sa ‘kin. “Tinanong nya kung anong pangalan ko.”
“Tapos?”
“Sinabi ko.”
“Tapos?”
“Nginisihan nya ako at nakakatakot ‘yon. Lumapit sya sa ‘kin at napasandal ako sa motor nyang astig pagkatapos...” Napahinto sya at napahawak sa ulo nya. “Maloloka ako,” sabi nya habang ginugulo ang buhok.
“Ano ba ‘yon?”
“Kung sino raw ang makasapak sa kanya ay sya daw ang destiny nya.” Naiinis na sabi nya habang ginugulo ang buhok.
Napakagat ako ng labi ko at nagpipigil na matawa. That was the first time na may naka-engk’wentro si Anna na gano’n. Most of the time kasi lagi na rin syang napapaaway kasi naman siga-siga. Lalo na sa mga crim na students sa ‘min. Marami na din naman sa kanyang nagsubok manligaw pero walang nagtagumpay. Pero tingin ko, may susubok ng pasensya ngayon ni Anna. Tinignan ko ang oras at nagpaalam sa kanya. Pumasok ako sa room at saktong nando’n na ang prof namin. Nag-review kami saglit at saka sya nagbigay ng quiz. After no’n ay nag-discus na.
Hindi ko parin nakikita si Lara ngayon. Hindi ko alam anong nangyare sa kanya at ilang araw na syang wala. Nakakapagtaka lang na absent ‘yon, e, hindi nga sya uma-absent dahil nakikipagtaasan sya sa ‘kin ng score lalo na sa exam. Nang makalabas ako ng campus ay naro’n ang kumpol ng mga lalakeng hindi io mga kilala. Mga bago lang sila sa paningin ko at nakakatakot sila.
“Sya ba ‘yon?” takang tanong ng isang.
“Oo sya na ‘yon,” sabi naman ng isang lalake at saka tinignan ang picture at saka tumingin sa ‘kin.
Agad ako nitong hinawakan sa magkabilang braso. “T-teka sa’n nyo ‘ko dadalhin,” natatakot na tanong ko.
“H’wag ka ng pumalag pa, sumama ka kung ayaw mo’ng masaktan,” sabi nito at sinenyasan ang mga lalake.
Pumalag ako pero malakas sila. Sinakay nila ako sa van na black at hindi ko na rin magawang sumigaw pa. Tinakpan nila ang ilong at bibig ko saka ako nawalan ng malay. Kung sa’n nila ako dadalhin ay hindi ko alam.
**********
Nasa isang palasyo ako. Nakasuot ng royal gown at mula rito sa kinatatayuan ko’y nakikita ko ang nagsasayawan na mga tao. Mula sa baba ay naro’n ang iba pang tila galing sa ibang palasyo. Nakakapagtaka naman.
“Mysty,” tawag ng tinig na hindi ko alam kung sa’n nanggagaling.
Lumabas ako ng palasyo at mula rito ay nakikita ko ang kakaibang kinang ng mga bituin. Maliwanag ang b’wan at sobrang nakakaengganyo. Biglang may limitaw na limang salamin sa harapan ko at pumalibot iyon sa ‘kin. May mga simbulo ito bawat isa at nangunot ang noo ko dahil do’n.
“A-ano ‘to?” takang sambit ko.
Nagliwanag ang katawan ko kasabay ng pagliliwanag ng limang salamin. Hindi ko alam kung bakit parang bumibigat ang pakiramdam ko at tila nanghihina ako.
“Puso’y pagtibayin, isipan ay linawin. Tungkuling ay gagampanin, alaala ay alisin.”
Hindi ko alam among nangyayare. Para sa’n ‘yon? Anong alaala ‘yon? Anong tungkulin? Sino ba ako? Bakit ganito?
**********
Nagising akong may nagbuhos ng tubig sa ‘kin at nang makita ko kung sino ay napangisi ako. Hindi ko inaakalang sa ilang araw na hindi ko sya nakikita ay ito ang madaratnan ko. Ano bang nagawa ko? Wala akong maalalang may kasalanan ako sa kanya at naiinis ako dahil ganito ang ginagawa nya.
“Kamusta kana?” Nakangising tanong nya at saka hinagis ang balde.
“Lara,” banggit ko sa pangalan nya.
Pinagtanggol ko sya laban sa mga taong kumutya sa kanya. Pero eto parin sya at gustong-gusto na nahihirapan ako. Nakatali ako ngayon sa isang silya. Kamay at paa pati katawan. Pilit ko mang pakawalan ang sarili ko’y hindi ko magawa. Masyadong mahigpit ang tali.
“A-ano ba ‘to, Lara!” inis kong sabi.
“Kasalanan mo kung bakit ayaw na sa ‘kin ni Primo!” Galit na sigaw nito sa ‘kin.
Nangunot ang noo ko sa kanya at hindi ako nagsalita. Primo na naman. Ang pangalan na ‘yan ang ayaw ko sa lahat. Dahil ‘yang pangalan na ‘yan ay kasumpa-sumpa.
“Paanong naging kasalanan ko?” takang tanong ko sa kanya.
“Dahil sa ‘yo, kaya ayaw ng makipagbalikan sa ‘kin ni Primo.”
“Kung ano man ang away nyo ay labas ako do’n, Lara,” sabi ko naman at napatawa sya ng pagak dahil do’n.
Hindi ko sya maintindihan. Kung ayaw sa kanya ni Primo ay hindi ko kasalanan. Dahil ayaw ko rin sa lalakeng ‘yon at hindi ko na rin gugustuhin pa sya kahit na kailan. Naglakad sya sa harapan ko at saka nanlaki ang mata ko ng kunin nito ang espada sa may gilid na nakasandal lang. Hindi ko alam kung paanong may espada do’n. Kinuha nya ‘yon at saka nilabas ang talim no’n at tinapat sa ‘kin. Nakangisi sya at bumilis ang kabog ng puso ko.
“MAMATAY KANA!!!”