CHAPTER 4

2254 Words
SAKURA’S POV   Hindi ko alam anong gagawin ko. Muli na naman akong naipit sa sitwasyon na ‘to at naiinis ako dahil do’n. Wala naman dapat sya sa loob ng campus dahil una sa lahat ay hindi naman pinapapasok ang mga walang pasok. E, anong ginagawa ng hinayupak na ‘to dito?   Agad akong humiwalay ng yakap sa kanya at saka inayos ang sarili ko. Hinihintay na ako ni Anna ngayon at magtataka ‘yon dahil wala ako. Nakakainis naman talaga bakit ngayon pa. Pinagsisisihan kong dinala ko sa clinic si Lara at naiinis ako dahil sa hindi makatarungang paghatak sa ‘kin ni Primo dito. Nakita ko ang kakaibang tingin ni Lou kay Primo at nakikita ko ang kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Masyado itong mainit at hindi ‘yon nakakatuwa.   “A-aalis na ako.”   Napasinghap ako ng hawakan ni Lou ang kamay ko at gano’n din ang ginawa ni Primo sa kabilang kamay ko. “Let her go,” matigas na sabi ni Lou kay Primo.   “Hindi ka kasali sa usapan namin,” matalim ang na sabi naman ni Primo.   Nasa roof top kami at buti nalang ay walang estud’yante ang tumatambay dito. Sino ba naman ang may lakas ng loob na tumambay sa teritoryo ni Primo? Bukod sa sya ang campus heartthrob sya din ang nasusunod, dahil kapag kanya ay walang ibang p’wedeng makisalo gusto nya kanya lang ito. Ngumisi si Lou sa kanya at napakagat ako sa labi ko ng dumiin ang hawak nilang pareho sa wrist ko.   “A-ah.” Inda ko pero hindi nila ito alintana.   “Hindi mo ba narinig ang sinabi nyang ayaw ka nyang kausap?”   “Hindi ka naman kasali sa conversation namin pero pumapasok ka.”   “B-bitaw,” sabi ko naman pero mukhang wala silang narinig na dalawa.   “Kung anong meron sa ‘min ay amin nalang ‘yon. Kaya let her go.”   “Tsk, bro, pinsan ko ‘to. Hindi mo gugustuhin kung malalaman ko kung sinong kaharap mo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lou.   Hinila ko ang parehong kamay ko sa parehong pagkakahawak nila dahilan para mapatingin sila sa ‘kin. Hindi ako nag-iwan ng ano mang salita at saka ako tumalikod at tumakbo papalabas ng building. Mula sa cafeteria ay nando’n si Anna at nangunot ang noo sa ‘kin. Lumapit sya sa ‘kin at saka ako tinignan.   “Anong nangyare sa ‘yo? Tapos kana ba magpa-hero kay Lara?” sarkastiko man ay may concern ‘yon.   Hindi ako nagsalita at saka napainda sa kamay ko  tinignan nya ‘yon at nangunot ang noo nya ng makita ang bakas ng kamay sa parehong wrist ko. “A-aw.” Inda ko.   “Ano ‘to? Bakit ganito? Sino may gawa nito? Si Lara? Ang babaeng ‘yon talaga!!!” Pinigilan ko sya at saka ako bumuntong hininga.   “Hindi sya,” sabi ko naman.   “E, sino?”   “S-si Lou at Primo.” Nakita ko ang panlalaki ng mata nya at naro’n ang pangungunot ng noo nya.   “Ano?” naguguluhang sabi nya.   Hinawakan ko ang kamay nya saka ko sya inaya na lumabas muna. May isa’t kalahating oras pa naman akong vacant kaya naman p’wede kaming lumabas. Habang naglalakad papuntang cafe ay saka pinagmasdan ang bakas ng kamay sa wrist ko.   “Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Lou do’n,” umpisa ko.   “Anong ibig mong sabihin?” takang tanong nya.   “Hindi ko kasi alam paanong nakapasok ‘yon, e, wala naman syang pasok. Isa pa bawal pumasok ang walang pasok hindi ba?”   Tumango sya sa ‘kin at ako naman ay napabuntong hininga nalang. Hindi ko na alam anong gagawin ko para lang maiwasan si Primo. Nang makarating sa cafe ay kinuwento ko sa kanya ang nangyare. Simula ng araw na pumunta si Primo sa bahay, iyon na rin ang araw na hindi na nya ako tinatantanan. Naguguluhan ako sa kanya. Nagpaalam na ako kay Anna na papasok na at h’wag na akong hintayin mamayang uwian. Tumango sya sa ‘kin at mauuna nalang daw sya. Nang makasok sa room ay wala si Lara. Malamang ay umuwi ‘yon dahil sa nangyare ngayon.   Nang matapos ang klase ko ay saka ako pumunta sa locker para ilagay ang libro ko. Hindi ko kasi inuuwi ito unless na kakailanganin ko. Matapos ‘yon ay saka ako lumabas na para umuwi. Habang palabas ng campus ay napahinto ako ng makita ko ang bata na nakita ko no’n sa playground. Nakangisi ito at nakakatakot ang ngisi na ‘yon. Bigla akong kinabahan bagama’t marami pang tao ay feeling ko nag-iisa lang ako. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad pero nakayuko.   Hindi ko napansin ang taong nasa harapan ko at sa pagkakabangga ko sa kanya ay muntik pa akong mapaupo. Agad naman nyang hinawakan ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.   Nakangiti sya sa ‘kin. Hindi ganitong Lou ang alam kong nakilala ko noong una. Ibang-iba ang Lou na ‘to, kesa sa Lou na nakilala ko noong una. Umayos agad ako saka inayos ang sarili ko. Tinignan ko ang kaninang p’westo ng bata at nagulat akong wala na sya do’n. Nakakatakot naman ang bata na ‘yon. Hindi kaya may third eye na ako? Imposible.   “A-akala ko umuwi kana?” nauutal kong tanong.   “Well, hinintay kita,” sagot nya.   “Ha? Lou, hindi mo naman dapat gawin ‘yon,” nahihiyang sabi ko.   “Binilin sa ‘kin ni tito na bantayan kita.”   “Hindi kita body guard,” inis na sabi ko.   “At least para mo na rin akong kuya.” Nakangiting sabi nya.   Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Kuya? Mas natanda ba sa ‘kin si Lou? Napapikit ako ng mariin. Oo nga pala, nasa third year level sya habang ako second year level. Tumingin ako sa likuran nya at do’n ko lang napansin si Zem. Kanina pa ba sya nando’n? Nilapitan ko si Zem na no’n ay nakatanaw sa ‘kin. Yumuko sya sa ‘kin at sumunod naman sa ‘kin si Lou.   “Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.   “Binabatayan ka,” sagot nya.   “Tch.” Napanguso ako at saka ako naglakad na    Hindi ko maintindihan. Si Lou tapos ngayon si Zem. Hindi naman sila ganito no’n, e. Si Zem pupuntahan lang ako kapag pinapasundo ako ni daddy. Hindi gaya ng ganitl  nakakalito na sila sa totoo lang. Habang naglalakad ay hindi ko alam kung parang may kung anong kakaibang pakiramdam akong nararamdaman na hindi naman dapat. Tinignan ko ang kamay ko at nanlaki ang mata ko ng makita ang kakaibang bagay mula rito. Tila naging apoy ito ramdam ko ang init pero hindi ako napapasok  agad kong nilagay sa bulsa ko ang kamay ko.   Kumabog ng malakas ang puso ko at saka ako tumingin sa paligid. Buti nalang at wala gaanong tao. Tumingin ako sa gawi nila Zem at mukhang wala naman silang napansin. Tumakbo ako at narinig ko pa ang tawag nila pero hindi ko sila pinansin. Nang makarating ako sa bahay ay dumeretso ako sa k’warto at saka nilapag ang bag ko at dumeretso sa banyo.   “Sakura!” Katok ni Zem sa labas ng pinto. “Anong nangyayare sa ‘yo? Ayos ka lang ba?” bakas sa boses nito ang pag-aalala. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nanlaki ang mata ko ng makita ang sarili ko.   Nagbago ang kulay ng buhok. Naging ash ito at ang mga mata ko ay naging parang bituin. “A-ano ‘to?” hindi makapaniwalang usal ko.   Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko at napainda nang marandamang sumakit ito. Hindi ko naman maalalang may sakit ako sa puso o sa kung ano mang parte ng kate ng katawan ko. Malusog ako at walang kahit na anong kumplikasyon. Napasinghap ako ng umapoy ang kamay ko at kinawag ito para mamatay ang apoy. Nagpa-panic na ako at hindi ko alam sa’n ako pupuwesto. Ano ba ‘tong nangyayare sa ‘kin.   Napahawak ako sa ulo ko at unti-unting nararamdaman ko ang hilo at unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Pero bago mangyare ‘yon ay nakita ko na naman ang bata. Paanong nanadito sya?     **********   Ramdam ko ang bigat ng katawan ko pero ramdam ko rin na nakalutang ako. Mula dito sa p’westo ko ay wala akong ibang makita bukod sa mga kumikinang na mga bituin at ang constellation nang nga ito. Ang sarap nilang pagmasdan at nang makita ko ang mga ito’y para nila akong tinatawag.    Nakabuo na ako ng constellation at mula rito sa p’westo ko’y nakita ko ang sarili ko. Anong ibig sabihin ng mga ito?   “B-bakit mukha ko ang nakikita ko?” takang tanong ko sa sarili ko.   Unti-unting nagbago ang paligid at mula rito’y nakikita ko ang araw at ang b’wan. Nasa magkahiwalay silang bahagi at para ako nitong binibigyan ng kung anong lakas.   “Ano ba talaga ang nangyayare?”   Maya-maya ay unti-unti na namang bumibigat ang talukap ko. Para akong hineheme at ang sarap no’n sa pakiramdam.   **********     Nagising akong nasa kama na ako at nay towel sa ulo ko. Tinignan ko kung sino ang may hawak sa kamay ko at nakita ko si mommy na nakatulog na. Marahil ay kababantay nya ‘to sa ‘kin. Tinignan ko ang labas at may sikat na ng araw. Malamang ay nakatulog ako ng mahabang oras. Tinignan ko ang cellphone ko at alas otso na nng umaga. Binuksan ko ang data ko at saka ko nakita ang tadtad na chat ni Anna.   “Sakura!” Nagulat ako ng biglang magsalita si mommy at napasapo pa ako sa dibdib ko.   “Mom, nagulat ako sa ‘yo!” sabi ko habang sapo ang dibdib ko.   Kinapa nya ang noo ko at inaalam kung may lagnat pa ako. Nakita ko nanan na nakahinga sya ng mluwag at nakikita kong mukhang maayos na rin naman ako. E, ano bang nangyare kagabi?   “Buti naman at ayos kana. Sabi ng private doctor natin ay masyado ka lang daw stress nitong mga nakaraan kaya ka nahimatay.”   “Siguro nga po,” sagot ko naman at saka napahawak sa ulo ko.   Baka guni-guni ko lang ang nangyare nang mahimatay ako. Malamang ay stress nga ako kaya kung ano-ano ang nakikita ko.   “Hahandaan kita ng lugaw,” sabi ni mommy at saka sya lumabas ng k’warto.   Tumayo naman ako at saka tumingin sa may veranda ko. Maganda ang sikat ng araw at naro’n ang puno sa harap ng veranda na sobrang lago. Mula sa baba ay nakita ko si Zem na nakahiga sa silong ng puno.     **********   “Kahit na anong mangyare, ako parin ang kuya mo na laging nand’yan upang bantayan ka.”   **********   “Walang hindi kayang gawin si kuya pagdating sa ‘yo.”   **********   “Bunso.”   **********     Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng mariin. Umupo ako sa upuan at napakunot ang noo ko.   “Ano ‘yong nakita ko?” takang sambit ko.   Hinilot ko ang sintido ko saka ako huminga ng malalim para i-relax ang sarili ko. Maya-maya ay bumalik si mommy na may dalang lugaw at s’yempre gamot. Nang matapos akong kumain ay saka ako bumaba at nando’n si Anna na nakaupo sa sala.   “Kamusta pakiramdam mo?” tanong nya habang kumakain ng popcorn.   “Pumunta ka dito para lang makinood ng flix?” takang sabi ko    “Gaga, malamang aakyat na sana ako kaso lang, sabi ni tita bababa ka na rin naman,” paliwanag nya.   Umupo ako sa tabi nya saka ako bumuntong hininga. Para sa’n ang nakita ko kanina at sino naman ang tinutukoy ng lalake? Wala naman akong maalalang may kapatid akong lalake at isa pa ay nag-iisang anak lang naman ako kaya imposible. Nangunot ang noo ko kay Anna na nakatitig sa ‘kin na para bang kinikilatis ako kung may something or what.   “Para kang tanga alam mo?” inis na sabi ko saka inayos ang upo ko.   “Tsk, pansin ko lang wala si Lou?” takang sabi nya.   Tumingin ako sa paligid at pansin ko nga ring wala sya. Maganda na rin ‘yon ng hindi ko maramdaman ang presensya nya. Iyong nangyare kahapon ay ang nakapagpa-stress sa ‘kin. Tinignan ko ang kamay ko at nando’n pa ang bakas ng kamay ng dalawang lalake. Hindi ba ‘to nakita ni mommy?   “Anong gusto mong kainin?” tanong ni mommy na syang ikinagulat ko dahil sumulpot sya.   “A-ano---”   “Tita! Luto ka nalang gulay. Like pakbet, or kaya naman ay ampalaya?” nakangiting sabi ni Anna kay mommy.   “Oh, great idea, para may lakas din si Sakura.” Nakangiting sabi naman din ni mommy kay Anna.   Tumayo ako at saka lumabas ng mansion. Hindi ako sinundan ni Anna at buti nalang din. Pumikit ako at saka sinimsim ang amoy ng halaman sa paligid na syang nakakapagpaginhawa pa lalo sa pahiramdam ko. Napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Dark. Nakakagulat naman ang pagsulpot nito. Kinuha ko sya at saka ako ngumiti at saka ko sya kiniss. Minsan talaga gala sa garden itong si Dark, e. Buti nalang at bumabalik sya sa k’warto para matulog.   Papasok na sana ako ng mansion pero napahinto ako ng makita ko ang mukhang kinaiinisan ko. Pero nagulat ako nang nandito sya at napatakip ako ng bibig ko. Paano nyang nalaman na dito ako nakatira?   “P-Primo?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD