CHAPTER 2

2200 Words
SAKURA’S POV   Hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko sa tensyon ng dalawang tao. Ngayon pala papasok itong si Lou hindi man lang nagsabi para sa bahay na kami kanina. Binawi ni Lou ang kamay ko kay Primo at napangisi naman si Primo kay Lou.   “Hindi ko alam na ngayon ka papasok?” takang sabi ko.   “Nag-iikot lang,” sagot naman nya saka muling tumingin kay Primo.   “So, you are the transferee student from marketing course?” Nakangising sabi ni Primo.   Hindi ko alam anong iniisip nya pero tingin ko ay hindi ‘yon maganda. Maraming mga kakampi si Primo sa buong campus. Tumingin ako kay Lara na ko’n ay masama ang tingin sa ‘kin. Akmang tatalikod na sana ako ng biglang habulin ni Primo ang kamay ko pero agad na humarang si Lou.   “If she doesn’t want to talk to you, better to let her go,” he said with a serious voice.   I never know that this is Lou’s personality. But, for now, I need to go because my class was about to start. Letche naman talaga kasi ‘tong si Primo. Tumakbo na ako at iniwan sila do’n. Buti nalang din at saktong nando’n na rin ang prof namin kaya hindi ako late. Nag-umpisa na rin kaming mag-report at halos makipagtagisan ng pakikipag-report sa ‘kin si Lara. We’re always like this kaya naman kami ang ginagawang taga sagot ng prof kapag may itatanong.   Nang matapos ang class ko ay nasa labas ng classroom si Anna. Agad akong lumapit sa kanya at daka ako bumusangot.   “What is in your face?” takang tanong nya.   “E, kasi, there’s something bad happened kanina,” sabi ko naman saka kami naglakad.   “Well, balita ko nga,” sabi naman nya saka ako binigyan ng fries.   “Sa’n punta natin?” tanong ko habang kumakain.   “Well, ito kasi pinsan mo ay nakilala ako, grabe!!!” Biglang tili nya sa harapan ko na syang ikinagulat ko naman.   “A-ano?” nauutal kong tanong.   “Si bebe Lou, nag-aya na kakain sa isang korean resturant, arat na!” sabi nya saka ako hinila.   Hindi ko alam paano nyang nakilala si Lou at paano syang nakilala ni Lou. Malamang ay may nangyare kanina na hindi ko alam. Nang makalabas ng campus nando’n si Lou na nakasandal sa sasakyan nya at mukhang naghihintay sa ‘min.   “Oh, there you are,” he said when he saw me.   “Teka? Ano ako invisble?” Nakangusong sabi naman ni Anna.   “Of course not.” Natatawang sabi naman ni Lou.   Binuksan nya ang pinto at akmang papasok na sana ako ng may biglang humila sa ‘kin at sa lakas no’n ay napaharap ako sa kanya at bumangga ako sa dibdib nya.   “A-ah... Primo,” rining kong banggit ni Anna.   Agad ko syang tinulak ng bahagya at saka ako tumingin sa mukha nya. Si Primo nga. Nakakainis hindi talaga nya ako titigilan ganggat hindi talaga nya nakukuha ang gusto nya.   “Sinabi ko na sa ‘yo hindi ba? Tigilan mo na ako.”   “Pero gusto ko lang naman na makausap ka.”   “Ano naman ang pag-uusapan natin?” inis kong tanong.   “Tungkol sa---” pinutol ko ang sasabihin nya saka ko tinapat ang kamay ko sa mukha nya.   “Wala na dapat pang mahalungkat pa mula sa nakaraan, Primo, kaya kung p’wede ay tantanan mo na ako?” inis na sabi ko saka ako tumalikod at sumakay na ng kotse.   Sinarado na ni Lou ang pinto ng kotse at saka ako pumukit at kinuha ang earphone ko. Nang magawa ko ‘yon ay saka naman sila sumakay ni Anna at umarangkada na kami. Hindi ko gusto ang prisensya ni Primo at hindi ako natutuwa ro’n.   Nang makarating kami sa sinasabing resto do’n ko lang napagtantong nakaka-akit ang amoy nito. “Ang bango,” wala sa sariling usal ko.   Umupo na kami at pumuwesto at saka hinanda ang grill. Sobrang astig neto. “First time ni Sakura sa ganitong lugar. Kadalasan kasi tumatambay kami sa inasal or sa Jollibee depende pa sa mood,” k’wento ni Anna.   “Hahaha, gano’n ba, I see,” sabi naman ni Lou ng nakangiti.   Hindi ko alam kung dapat ngaba akong matuwa do’n o hindi kasi una sa lahat ay hindi naman kami close ni Lou at isa pa ngayon ko lang sya nakakausap ng ganito. Ang akala ko no’ng una ay tahimik lang syang walang pakialam sa mundo pero mukhang mali ako do’n.   May nilapag na sa harapan namin at saka nila ‘yon niluto sa grill at may nilalagay sa gulay at binabalot tapos saka mo kakainin. Hindi ako mahilig sa ganitong mga bagay pero na-eenjoy naman namin.   “So, kamusta naman ang tour mo kanina sa school namin, Lou?” tanong ni Anna.   “Well, I like it, but...” napahinto sya ng sasabihin saka tumingin sa ‘kin.   “Hmm?”   “A-a-ano... I mean, the view of the school even though medyo toxic,” sabi nya saka umiwas ng tingin.   Tumingin ako kay Anna at pareho kaming nagkibit balikat at saka pinagpatuloy ang kain. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nando’n hanggang sa mabusog na kami ng tuluyan. Buti nalang at naging maganda ang k’wentuhan at medyo na-enjoy ko ang konting salo-salo namin.   “Waw, sobra akong nabusog,” sabi ni Anna ng makalabas kami.   “Mabuti naman at nabusog kayo.” Nakangiting sabi naman ni Lou.   “Oo naman ‘no, basta ako hindi ako tatanggi sa libre!” Masiglang sabi ni Anna.   Hindi ka talaga tatanggi kasi nga buraot ka. Ani ko sa isip ko at saka ako naunang maglakad. Hinatid na ni Lou si Anna at saka naman kami sabay na umuwi sa bahay. Tahimik lang kaming dalawa at walang gustong magsalita. Kung kanina ay maingay dahil nand’yan si Anna ngayon nakakabinging katahimikan ang namutawi. Bumaba na ako at saka pumasok sa loob ng mansion pero huminto ako at saka humarap kay Lou.   “Thank you for today,” I said saka ako umak’yat.   Tumango sya sa ‘kin at ngumiti. Nang nakarating ako sa k’warto ay saka ako humiga sa kama at huminga ng malalim at ipinikit ang mga mata ko. Wala naman akong ginawa pero gusto ko na kaagad matulog ng maaga. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako at sobrang sarap no’n sa pakiramdam.   Nagising ako kinabukasan na may kumakatok sa pinto ng k’warto. Wala naman akong pasok ngayon at bukas pa ‘yon kaya alam dapat nila ‘yon. Unless hindi mga maid ang nand’yan. Agad kong minulat ang mata ko saka ako bumangon.   “Sino ‘yan?!” tanong ko saka ako bumangon.   “Lou,” sagot nito na syang ikinagulat ko.   “What?”   “Can I come in?”   “s**t!” inis na sabi ko sa sarili ko. “Hindi mo ba alam na hindi ako nagpapapasok sa k’warto?”   “I just brought you something!” sagot nya.   “I don’t need that. Or maybe just put it down, kukunin ko later,” sabi ko saka ako napahilamos ng mukha.   Tumingin ako sa bintana at sumisikat pa lang ang araw. Hindi ba nya alam na tanghali na ako nagigising at ayaw ko sa lahat ang naiistorbo? Nakakainis naman talaga na may kasama ka sa bahay na hindi alam ang rules mo.   Inayos ko ang sarili ko saka binuksan ang pinto at mula rito ay nakita ang pagkain sa lapag. Nando’n si Dark na nakaupo lang at hinihintay rin na buksan ko ang pinto. Kinuha ko ang pagkain at saka ko pinapasok si Dark. Nilapag ko muna ito sa kama ko saka ko hinanda ang pagkain ni Dark at ang tubig nya.   “Kung sa’n-sa’n ka na naman siguro gumala ano?” sabi ko sa kanya habang hinahanda ang pagkain nya.   Tumayo na ako at saka tinignan ang pagkain na dala ni Lou kanina. Is he waking me up early in the morning just to give this s**t? Hindi ko alam na ganito pala sya. Hindi na ako natutuwa sa ganitong pinapakita nya. Nakakabaliw na isipin na concern sya sa ‘kin sa ganitong paraan. Pero dahil hinanda naman nya ay kinain ko na. Nang matikman ko ‘yon ay biglang kumisap ang mga mata ko.   “Ang sarap,” wala sa sariling usal ko.   Nang maubos ko ‘yon ay saka ako naligo at nagbihis at saka bumaba. Wala sya ngayon at pansin kong wala rin gaanong tao. Kinuha ko ang phone ko saka ko tinawagan si Anna.   “Hello?”   “May pasok ka?” tanong ko.   “Malamang naman, Sakura. Ano? Kita ba us?” tanong nya mula sa kabilang linya.   “Hmm, sa labas ng campus,” sabi ko saka ko ito binaba.   Naglakad ako papunta sa school at nadaanan ko ang park. May nakita akong bata ro’n na umiiyak at pansin kong wala rin ang pumapansin sa kanya. Kaya naman lumapit ako at daka ko sya inalalayan na tumayo. Pinunasan ko ang luha nya saka ako ngumiti. Ngumiti rin sya sa ‘kin at saka nya ako hinawakan sa ulo ko at sa pagkakataon na ‘yon may naramdaman akong kakaiba. Nanlalabo ang paningin ko at tila nanghihina ang katawan ko. Ano ba ‘tong nangyayare sa ‘kin.   “Ikaw ay mananatiling buhay at hindi kailan man mamamatay. Ikaw ay mananatiling lihim sa kawalan, pero magiging lakas ang kahinaan. Bubuhayin ang nakaraan sa iyong alaalang hindi na kayang balikan. Sa ngayon puso ng isa’y mangungulila. Tanging tamang panahon lang ang magdidisisyon sa itinakda. Bumalik kana muli, Dyosa ng limang dimensyon,” nang sabihin nya ‘yon ay tuluyan na akong nawalan ng malay.     **********   Nagising ako sa isang malambot na kama at may pumasok na sampung katulog at mula sa likod ay nando’n ang isang lalakeng may preskong pangangatawan. Lumapit ito sa ‘kin at saka ako niyakap sa hindi ko malamang dahilan.   “Natutuwa akong masilayan ka prinsesa ko,” he said while hugging me.   Hindi ko sya kilala at ngayon ko lang sya nakita. Humiwalay sya ng yakap at saka ako inalalayan na tumayo. Lumabas kami ng k’warto at nakikita ko ang paggalang ng bawat madaanan naming mga katulong.   “N-nasa’n ako?” takang tanong ko sa kanya.   “Nasa mundo ka kung sa’n ka nararapat, Mysty,” he answered.   Hindi ito ang mundo ko at mas lalong hindi ko alam kung nasa’n ako. Mula dito sa kinatatayuan namin ay tanaw ko ang buong paligid at naro’n ang mga taong nasasakupan nitong palasyo. Naro’n naman ang tatlong b’wan na sobrang laki. Nando’n din ang mga makikinang na bituin pero na ro’n ang sikat ng araw na nagpapaganda sa paligid.   “M-Mysty?” wala sa sariling usal ko saka ako tumingin sa kanya.   “Marahil ay naninibago ka pa.” Hinawakan nito ang kamay ko at saka ny hinaplos ang mukha ko.   May pakiramdam akong hindi ko mainti dihan at parang may kakaibang hindi ko mawari kung ano. Ang mundong ito ay parang nakita ko na noon pero saan? Unti-unti nyang nilalapit ang mukha nya at sa isang iglap ay nandilim na ang buong paligid.   **********     Nagising akong nasa loob ng kotse at bukas ang bintana. Nasa play ground parin ako at napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.   “Mabuti naman at nagising ka na,” sabi ng tinig at napalingon ako ro’n.   Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha ni Primo, “A-anong...”   “I saw you na walang malay kanina and dinala kita rito. Ang putla mo nga kanina, e. Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong nito sa ‘kin at saka ako bumaling ng tingin sa play ground.   Iyong bata kanina. Ano kaya ang ibig nyang sabihin. Binuksan ko ang pinto ng kotse at saka naman lumabas si Primo at saka ako inalalayan.   “Salamat sa tulong, aalis na ako.” Akmang aalis na saka ako ng pigilan nya ako.   “Hanggang kailan mo ba ako iiwasan, Sakura?” tanong nito sa ‘kin na tila may hinanakit.   “Hangga’t gusto ko,” sagot ko saka ako tumalikod at umalis.   Tinawagan ko si Anna at kanina pa daw sya naghihintay sa ‘kin at walang dumarating na Sakura. Sinabi kong saka ko nalang ipapaliwanag pag nagkita kami. Nang makarating sa tagpuan ay saka ako napasapo sa ulo ko.   “Oh? Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Anna.   “May nangyare kanina,” sabi ko saka ako inabutan ng tubig.   “Kaya ba late ka?”   “Oo,” sagot ko.   “Bakit anong nangyare?”   “May bata akong tinulungan kanina ang she said something that I didn’t know what it is,” k’wento ko saka muling uminom.   “W-woah?” wala sa sariling usal nya saka tumawag ng waiter.   Marahil ay wala lang ‘yon. Bumuntong hininga nalang ako at saka nakipagk’wentuhan kay Anna. Habang nagkuk’wentuhan kami ay biglang umentrada si Lara sa harapan namin at saka ako binuhusan ng tubig sa mukha sa hindi ko malamang dahilan at hindi ko alam kung bakit sya galit sa ‘kin.   “Para ‘yan sa paglalandi mo kay Primo,” galit na sabi nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD