SAKURA’S POV
Napapikit ako ng mariin at pilit na pinapahinahon ang sarili ko. Biglang tumayo si Anna at saka tinulak si Lara na syang ikinagulat ko. Agad kong inawat si Anna dahil nakikita kong galit na galit talaga sya.
“Alam mo ikaw, kulang ka sa aruga ng nanay mo, e. Para kang special child na kailangan ng pansin,” gigil na sabi ni Anna kay Lara.
“Gosh! Tignan mo kung anong ginawa mo!” Galit na sigaw ni Lara.
“Ha, kapal ng mukha mong magreklamo. Tignan mo ginawa mo sa kaibigan ko.” Sabay turo ni Anna sa ‘kin pero napayuko ako.
Hindi ko alam, para akong manhid na ewan. Sigurod ay dahil sa nasanay nalang ako sa ganito. Lalo na pagdating kay Lara.
“Anna, ok lang,” bulong ko sa kanya dahilan para mapatingin sya sa ‘kin at mapakunot ang noo.
“Anong ok lang?” inis na tanong nya.
“H-h’wag mo nang patulan,” sabi ko pa habang pinipigilan sya.
Bigla nyang tinanggal ang pagkakakapit ko sa kanya. “Tangina, Sakura, mananatili ka na lang bang ganyan?”
“Tsk.” Mataray na umalis si Lara kasama ang dalawang kaibigan nya.
Pero hindi parin nagpatinad si Anna at sinugod si Lara kaya na-alerto ako. Hinawakan nya ‘to sa kamay saka hinarap sa kanya at sa isang iglap ay nasapak nya ito at natumba si Lara. Sa lakas at bilis ng pangyayare ay hindi ko halos mapagtanto kung anong nanyare.
“Iyan ang nababagay sa isang malanding gaya mo na kulang na kulang sa aruga’t pansin!”
“Lara!!!” Gising ng mga alipores nya.
Agad kong hinila si Anna palayo sa lugar na ‘yon. Nang makalayo ay saka ko sya hinarap. “Bakit mo ginawa ‘yon!”
“Dahil ‘yon ang nararapat!”
“Pero Anna dapat ay hindi mo na lang pinatulan!”
“Hindi ako tulad mo.”
“Anna naman, hindi ba p’wedeng ayaw ko lang palakihin ang gulo?” Inis kong sabi.
“Iyon na nga, e. Kakaiwas mo sa gulo, gulo na ang kusang lumalapit sa ‘yo.” Galit na sabi nya saka ako tinalikuran.
Napabuntong hininga ako dahil sa kanya at hindi ko alam paanong kontrolin ang galit nya. Kaya ayaw ko syang kasama minsan dahil ganito. Sya ang gumaganti para sa ‘kin. Hindi pa man nakakalayo si Anna ay agad ko syang hinabol saka ko sya niyakap.
“Thank you,” I said.
Naramdaman ko ang buntong hininga nya at saka hinawakan ang kamay ko. “Sige na, umuwi kana kasi baka hinahanap ka na rin nila tita. Mag gagabi na rin.”
Tumango ako sa kanya at sabay kaming naglakad. Una ang bahay nya sa bahay ko. Nang makarating sa bahay ay saka ako sinalubong ni mommy.
“What happened?” takang tanong ni mommy.
“Nothing mom,” sagot ko naman.
“I know there’s something, Sakura, tell me,” she said saka ako hinila papunta sa sala. Umupo kaming pareho at saka nya hinaplos ang mukha ko. “May tinatago ka sa ‘min ng daddy mo, Sakura.”
Tinignan ko sa mga mata si mommy at saka ako napayuko. Napapikit ako ng mariin at saka ako ngumiti sa kanya.
“Kaya ko ‘to, mommy. Wala naman po ‘yon isa pa, dapat po ay nagpapahinga na po ikaw ngayon,” sabi ko saka tumayo at inakay sya paakyat.
“Nako kang bata ka.” Huminto si mommy dahilan para mapahinto ako. “Hindi porket busy kami ng daddy mo ay hindi ka na namin kayang intindihin. Sabi ng mga prof mo ay magaganda ang grades mo, pero minsan may hindi magandang nangyayare na hindi mo rin masabi-sabi.”
Hindi ko alam paanong nasasabi ng mga prof ko ang bagay na ‘ni minsan hindi ko rin naman sinasabi sa kanila at hindi ko binabanggit. Pero sa ngayon, tama na muna na si Anna ang nakakaalam. Isa pa, hindi ko rin naman masisisi si Lara. Gusto nya si Primo at hindi ko naman ito gusto.
“Alright, I wont force you, let’s have a rest na.” Ngumiti ako sa kanya at saka kami pareho umkyat.
Ang dahilan bakit ayaw ko magpahatid sa school ay dahil ayaw kong gustuhin nila ako sa bagay na mero’n ako. Ayaw kong magustuhan nila ako dahil lang sa may kapit ako sa kung ano man aspeto. Isa pa, wala naman akong dapat pang baguhin sa sarili ko. Kung ayaw nila sa ‘kin, e’di h’wag.
Nang makarating ako sa k’warto ay kinuha ko ang phone ko. May pasok ako bukas ng umaga hanggang hapon. Tumingin ako sa salamin at napasinghap ako ng biglang magbago ang kulay ng buhok at mata ko. Naging parang kalawakan ang mga mata ko at ang buhok ko naman ay naging abo. Napasapo ako sa dibdib ko at saka napapikit ng mariin at napainda sa sakit.
“A-ahh.”
Sumasakit rin ang ulo ko na para bang sasabog anytime. What happened?
**********
“Ang mundong pinakaiingatan babalutin ng kapangyarihan. Bawat dimension na madaanan, iyong lagyan ng pananggalang.”
**********
“Sakura?” Napabangon ako sa tumawag sa ‘kin at saka ako napatingin sa pinto ng k’warto.
Napahawak sako sa ulo ko saka napapikit ng mariin dahil sa sakit. Mukhang nakatulog ako ng maaga. Tinignan ko ang oras at medyo maaga pa. Tumayo ako at saka tumingin ulit sa pinto dahil sa kumakatok. Lumapit ako ro’n saka ko ito binuksan ng bahagya.
“What?”
“May pasok ka?” Nakangiting tanong nya.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. “Obvious ba?” iritang sabi ko naman.
“Sabay tayo.”
“Ha? Bakit may pasok ka ba?” tanong ko.
“Hmm, wala. Pero gusto kong ihatid ka.” Bumuntong hininga ako saka napahawak sa ulo ko.
“We’re not close so, can you please stop being like this to me?” sabi ko saka sinara ang pinto.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at naalala ang nangyare kagabi. Hindi lang ‘yon basta pero hindi ko rin dapat ipagsawalang bahala. Tumayo ako at saka naligo at nagbibis na. Inayos ko ang bag ko saka ko sinuklay ang buhok ko. Napasinghap ako ng nag-iba na naman ang kulay nito at sa gulat ko’y nabitawan ko ang suklay ko.
Hindi ‘yon totoo guni-guni mo lang ‘to, Sakura. Kumbinsi ko sa sarili ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko saka lumabas ng k’warto. Napasapo ako sa dibdib ko ng nando’n si Lou sa labas ng pinto.
“A-ano ba!” inis kong sabi.
“I was waiting for you.”
Hindi ko nalang sya pinansin saka ako naglakad at sumunod naman sya sa ‘kin. Nang makababa ay saka ako umupo para mag-almusal. Nando’n si Lou sa harapan ko at tahimik na nag-aalmusal din. Hindi ko alam paanong naging ganito si Lou samantalang no’ng unang kita namin ay hindi naman sya ganito. Nakakapanibago.
Nang matapos akong mag-almusal ay saka ko dinala ang bag ko at lumabas na ng bahay. Pero nando’n parin si Lou na para bang buntot ko. Nagring ang phone ko at saka ko ito sinagot at nilapit sa tainga ko.
“Where na you?” tanong ni Anna sa kabilang linya.
“Malapit na,” sagot ko naman.
“Bilisan mo’t may ibabalita ako sa ‘yo!”
“Ha? Ano naman ‘yon?”
“Saka ko na sasabihin kapag nandito kana,” sabi nya saka binaba ang tawag.
Ano naman kaya ang chismis ng babae na ‘yon. Nabigla ako ng biglang ilagay ni Lou ang kamay nya sa noo ko at napapikit ako dahil do’n. Napahinto rin ako.
“Out of space ba isip mo?” tanong nya na syang ikinataka ko.
Tinignan ko ang nasa harapan ko at saka ako napapikit ng mariin ng mapagtantong babangga na pala ako. “A-ano... h-hindi ko napansin.”
“Buti nalang at nandito ako,” sabi nya saka hinawakan ang kamay ko at saka ako nilayo sa poste.
“S-salamat,” sabi ko saka ako naglakad ulit.
Nang makarating sa labas ng gate ay nakikita ko ang kumpulan ng mga estud’yante. Ang aga naman ata nilang maghanda para sa college day? Alam ko by August pa ‘yon, ah?
“Sakura!” Napalingon ako sa tumawag sa ‘kin. “Oh? Lou?” baling na tingin ni Anna.
“Hi,” bati nya kay Anna.
“May pasok ka?” tanong nito.
“Wala, sinamahan ko lang si Sakura. I gotta go, bye,” he said then tinalikuran na kami.
“Girl, eto na nga ang chismis,” sabi nito saka ako hinila papasok sa campus. “Wala ‘yong terror prof nyo kaya space ang 3 hours mo,” dugtong pa nya dahilan para mapabuntong hininga ako.
Tinignan ko ang mga nagkukumpulang esptudyante sa hindi kalayuan at tila may hindi magandang nangyayare. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaguluhan nila pero tingin ko ay hindi ‘yon basta lang. Tumingin ako kay Anna at saka nya nilabas ang yakult nya at binuksan ‘yon.
“Si Lara,” umpisa nya.
Nangunot ang noo ko. “Ano si Lara?” takang sambit ko.
“Kasi gurl, iyong pinagkakaguluhan nila ay si Lara.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. “Kalat sa buong kampus ang nangyare sa kanila no’n hindi naman sikat sa campus do’n sa locker area.”
“Locker?”
“Dzay! They had a s*x!”
Napatakip ako ng bibig ko saka nanlaki ang mga mata ko. “Walang preno bibig mo?”
“Duh? Mero’n din kaya silang vid,” mataray na sabi nya. “Isa pa, kung makasabi sya kahapon na inaagaw mo si Primo akala mo malinis na babae sya.” Sabay roll ng eyes nya.
Hindi ko alam anong iisipin ko. Tumingin ako sa gawi kung nasa’n ang mga nagkukumpulang mga estud’yante at napasinghap ako ng bigla kong makita ang hindi ko alam kung ano. Agad akong tumayo na ikinagulat ni Anna saka ako pumunta sa gawi ni Lara. Napahinto ang ibang estud’yante sa pagkuha at pagkant’yaw sa kanya. Hindi ito makatarungan at hindi ito tama. Hinarang ko ang kamay ko saka ko sila tinignan isa-isa.
“Sapat na ba?” tanong ko sa kanila dahilan para matigilan sila.
“Sakura ano bang ginagawa mo?” inis na tanong ni Anna.
“Hindi tama ang ginagawa nila at hindi ‘yon makatao. Nakagawa sya ng mali pero mali rin kayong ipamukha pa ito at ipagkalandakan. Kung sa inyo nangyare ‘to tingin nyo matutuwa rin kayo?”
Inalalayan ko si Lara saka ko sya tinayo. Nakikita ko ang panginginig nang mga kamay nya at ang takot nya lalo na sa mga mata nya. Nilayo io sya do’n saka dinala sa clinic. Inupo ko sya sa bed saka ako tumalikod pero natigilan ako ng magsalita sya.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong nya. “Bakit mo pa ako pinagtanggol sa mga taong ‘yon?” dugtong pa nya.
Napakuyom ako ng kamay ko saka ako huminga ng malalim. “Hindi naman porket marami kang kasalanan sa ‘kin ay matutuwa na rin ako sa nangyare sa ‘yo.”
Natahimik sya sa sinabi ko. Namutawi ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Lumabas nalang ako kesa ang manatili pa ro’n. Nang makalabas ako ay napahinto ako ng makita si Primo. Eto na naman sya. Tumalikod ako at nag-iba ng way pero bigla nyang hinigit ang kamay ko.
“Ano ba---” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nyang takpan ang bibig ko.
Dinala nya ako sa roof top at saka nya ako sinandal sa pader. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya at bakit nya ‘to ginagawa. Matagal nang nangyare ang mga nangyare pero pilit nya paring inuungkat kahit na dapat na itong kalimutan.
***Flash Back***
Habang naglalakad ako palabas ng campus ay nakita ko si Primo na may kasamang ibang babae. Naro’n sila’t masaya sa kanilang paglalandian.
“Hindi mo pa ba sasabihin sa kanya ang totoo, Primo?” tanong ng babae.
“Hayaan mo muna syang magmukhang tanga sa ngayon,” sagot nito na syang ikinasama ng loob ko.
Napakuyom ako ng kamay ko saka ko sila hinarap. “Tanga pala ako?” Nagulat sya ng makita ako. “Surprise?”
“S-Sakura.”
“Thank you,” walang ganang sabi ko saka ako tumalikod sa kanila at umalis.
***End Of Flash Back***
Tinulak ko sya ng bahagya saka ko sya masamang tinignan. “Hindi mo ba talaga ako titigilan?” galit kong tanong.
“Pakinggan mo muna kasi ako---”
“Tapos na ang pakikinig ko sa mga kasinungalingan mo. P’wede ba? Tantanan mo na ako?” sarkastikong sabi ko.
Lumapit sya sa ‘kin saka nya hinawakan ang kamay ko. Wala na akong ibang nararamdaman sa kanya kung hindi ang galit. Hindi na rin ito tulad ng dati na hindi ko sya natitiis. Bigla nya akong niyakap. Mahigpit na yakap.
“Hindi ko alam kung kailan mo ako mapapatawad,” sabi nya. “Pero... gusto kong malaman mo na... mahal pa rin kita,” dugtong nito na syang ikinangisi ko.
Hindi ko na kailangan ng katulad nya sa buhay ko at hindi na ako magpapakatanga ng dahil sa iisang tao. Napasinghap ako ng may biglang humila sa ‘kin. Napahiwalay ng yakap si Primo at saka ako napatingin sa taong humila sa ‘kin. Mukhang hindi lang sa bahay ako binabantayan ng taong ito kung hindi pati na rin dito.
“L-Lou.”