CHAPTER 1

2239 Words
SAKURA’S POV   Nandito ako ngayon sa school. Ang daming pinagagawa ng prof namin dahil malapit na rin daw ang end ng klase. Well, I want go home na rin kasi. I just need to finish this some papers na pinapasuyo ng pabibo kong classmate. Ewan ko nga ba kung bakit nagbida-bida sa prof namin, e, hindi naman pala nya kaya. Tsk.   “Sakura!” Napahinto ako sa tumawag sa ‘kin.   “Anna!” Lumapit sya sa ‘kin at napakunot ang noo dahil sa dala ko.   “What was that?” she asked.   I actually not this kind of karupukan na lagi akong nauutusan dahil nga sobrang bait ko. Susme! My dad gonna be mad if he know this. Ngumiti ako sa kanya. “Well... ammm... Ano kasi, dadalhin ko sa dean, need na raw today, e,” I said.   She rise her eyebrows at hindi ko gusto ang sasabihin na naman nya. “You should stop helping others,” mataray na sabi nito.   Kinuha nya ang kalahati ng hawak ko at naunang maglakad. She’s my old classmate and also my best friend since, first year high school. Tumakbo ako papalapit sa kanya.   “You don’t need to help me naman, kaya ko na ‘to.” Nakangiting sabi ko.   But, instead gantihan ako ng ngiti ay pinitik nito ang noo ko. What the heck is that? “You’re such a fool little brat!”   Natawa nalang ako sa sinabi nya. Nang makarating sa deans office nakita kong busy ang lahat. Pero naro’n naman ang dean ng mga HRM kaya naman pinalapag nya na sa ‘kin sa desk ang mga papers.   Nang makalabas ng office ay napabuntong hininga ako. Nang pababa na kami ng hagdan ni Anna ay sumalubong sa ‘kin ang mga men in black ni daddy. Napahinto kami ni Anna at nagkatinginan. Tinignan ko ang paligid at buti nalang ay wala gaanong tao.   “Lady Sakura, pinapasundo po kayo ng daddy nyo sa amin,” sabi nito at bigla tuloy akong kinabahan dahil sa sinabi ng tauhan ni daddy.   Nagpaalam na muna ako kay Anna at saka sumama sa mga men in black. Agad kong nilatag ang kamay ko at iniabot nila sa akin ang sumbrero, kasabay ang jacket at saka mask. Nang makabit ko ‘yon ay napahinto ako nang may humarang sa harapan ko.   “Mero’n bang mayaman pero sa public school nag-aaral?” hindi ako nagsalita dahil baka mabosesan nya ako.   Humarang agad si Zem sa harapan nya at saka tinulak ng bahagya. Tumingin ako sa gawi ni Anna at saka ito ngumiti sa akin at sumakay ako agad sa kotse. Matapos ‘yon ay nagkagulo ang mga tao sa buong campus dahil sa royal car na ‘to. First time ‘to nangyare pero hindi bale na. Hindi ko tinanggal ang jacket at mask hanggang sa tuluyan na namin itong malagpasan.   Kinabahan ako kay Lara. Hindi ko alam kung nakilala nya ako o namukhaan pero ang lakas ng kabog ng puso ko sa kanya kanina. E, ano bang problema nya sa isang gaya ko na nag-aaral sa isang public school? I want to be normal lang naman like them na nag-aaral. Ayaw ko ng masyadong magandang treatment, either paglingkuran ng iba.   Nang makarating sa mansyon ay sinalubong ako ng mga maid at saka ko tinanggal ang jacket ko at sumbrero, inayos ng kaunti ang buhok ko at saka ngumiting pumunta ng dining area. Nang makarating ako ay naro’n si mommy na kumakain kasama si daddy at naro’n din ang taong hindi ko mga kilala. Umupo na ako sa tabi ni mommy at saka nagsalita si dad.   “So, I would like you to meet, my daughter. Sakura Andrade Mitsuda,” pagpapakilala ni dad sa ‘kin sa mga bisita nya.   “Kon’nichiwa, Sakuradesu. Hajimemashite,” (Hi, I'm Sakura, nice to meet you.) pagpapakilala ko.   Ngumiti ang mga ito sa akin at saka ako kumuha ng pagkain. This is the first time that dad having a visitors like them. The old man that besides of the guy was familiar to me. But, this guy naman is medyo onti. Who are they ba?   “You didn’t remember them, Sakura?” tanong ni daddy.   Napakunot ako ng noo, “Sino po ba sila?” takang tanong ko habang nakaturo sa kanila.   “Oh, hahaha iha. I think you already forget us kasi matagal na rin ng huling bisita namin ni Lou dito.” Ngumiti ako ng pilit at saka itinuon ang tingin sa pagkain.   “He’s your cousin, Sakura.” Tumango ako.   “Konichiwa, Itoko.” (Hi, cousin.)   “Hmm. Konichiwa,” bati nya rin.   He have chubby cheeks, medyo maliit ang eyes and med’yo matangkad. Hindi ko naalala na may Lou akong pinsan. Kung sa bagay, hindi ko naman masyadong na-meet ang mga pinsan ko kay daddy. Pero lahat nang pinsan ko kay mommy, super close ko. Patuloy ang pagkain namin and pansin kong hindi palasalita si Lou. Goods 'yon, hindi sya kagaya ng mga pinsan ko sa side ni mommy na kalalaking tao puros ang dadaldal.   Nang matapos kaming magsalo-salo at saka ako umak’yat para naman maka-relax ang utak ko ngayon. Maraming nangyare at med’yo na-bad trip ako ngayon kay Lara kanina dahil sa inasal nya. Sya na nga ang nag-utos sa ‘kin na dalhil ang papers sa office ni ma’am ngayon naman ay gano’n sya magsalita. Wala naman din akong maalalang may nagawa akong mali sa kanya.   Nag-ring ang phone ko saka ko nakita ang pangalan ni Anna, “Oh? Kakikita lang natin kanina miss mo na agad ako?” sabi ko habang nakahiga.   “Infernes naman sa body guard mo kanina ah.” feeling ko ay nakikita ko sya sa harapan ko ngayon na parang kinikilig na ewan.   “You know Anna?” sabi ko saka bumangon, “Minsan praning ka, e,” sabi ko sabay tawa.   Umupo ako sa study sable ko saka ako binuksan ang laptop ko. “Gaga, he’s handsome naman. Infernes sa lahat ng body guard nyo sya lang ang nakikita kong matino at g’wapo!”   Bumuntong hininga ako at saka ako napahawak sa sintido ko matapos makita ang email ni Lara. Malamang ay hindi na naman nito tinapos ang presentation. Kinuha ko ang libro at saka ko ni-loud speaker ang cellphone at nag-umpisa nang mag-type.   “Si daddy ang nag-hired sa kanya,” I said while typing.   “Waw! Ang galing mamili ni tito, pang future son-in-law!”   “Anna?”   “Echoss lang naman ito naman hindi mabiro.”   “That’s not joke.”   “Ang kj mo minsan. Smile-smile din naman Sakura,” she said.   Habang nagta-type ako at kausap si Anna ay hinatiran ako ni yaya ng mer’yenda. Kung sa’n-sa’n na rin napunta ang usapan naming dalawa hanggang sa maik’wento ko si Lou. She’s this kind of friend na pagdating sa usapang g’wapo daig pa ang bakla. So, our conversation are now getting long.   “Uy! Anong real name ng pinsan mong si Luo?” tanong nya.   “I don’t know, I just know his name by Lou,” I answered.   “What? Ang corni mo naman Sakura,” tila nanghihinayang na sabi nya.   Minsan talaga ang sarap nyang sampalin kaliwa at kanan. E, hindi ko rin naman natanong kanina ang real name ni Lou, isa pa wala rin akong balak kilalanin ang pinsan kong ‘yon. Nang matapos akong mag-type ay natapos na rin kakadaldal si Anna sa ‘kin. Biruin mo naman, halos five hours na kaming nag-uusap. Buti nalang ay kaya kong mag-multi tasking. Though, med’yo nagkakamali ako.   Naisipan ko munang bumaba para makainom na rin ng tubig. Iyong hinatid ni yaya kasi na meryenda ay hindi ko naubos kakadaldal ko kay Anna.   “You’re still awake.” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Lou at muntik ko ng maibuga ang iniinom ko.   “Gosh,” sabi ko saka napaubo.   “Tsk.”   “Para kang multo,” sabi ko saka nilapag ang baso.   “I saw you, pababa ka at saktong pababa rin ako,” he said.   Mukha syang walang nakakausap sa bahay nila. “So, dito pala kayo mag-over night?”   “Ahuh.”   “Oh,” tanging sagot ko nalang at saka tumalikod sa kanya.   “You look like, you’re not comfortable with me.” Napahinto ako ng magsalita sya.   Minsan talaga iniiwasan kong makipag-usap sa hindi ko naman close. Even sa school hindi talaga ako talkative.   Humarap ako sa kanya at daka ako ngumiti, “Hindi ba p’wedeng naiilang lang ako?” sabi ko naman.   “Yea, naiilang. Mukha ba akong halimaw?” tanong nya na ikinataka ko.   “H-ha?” wala sa sariling usal ko.   Lumapit sya sa ‘kin saka tinap ang ulo ko na para akong bata. “Cute,” he said before he left me.   Hindi ko alam paano akong magre-react. Is he said that I’m cute? Humarap ako sa kanya kaso wala na pala. Malamang ay naka-akyat na rin ‘yon. Ngumuso ako at saka ako umakyat na rin. Kakain sana ako kaso lang nawalan na ako ng gana. Nang makarating sa k’warto ay pumunta ako sa veranda ko saka ako umupo sa upuan habang pinagmamasdan ang mga bituin.   Para silang masayahing mga bilog. Charot lang. Gustong-gusto ko na pinagmamasdan ang butuin. Nagulat ako ng biglang tumalon sa lap ko si Dark at napasapo ako sa dibdib ko. Gano’n pa man ay napangiti ako dahil sya ‘yong tipo ng alagang sasamahan ka sa pag-iisa mo. Bumalik na ako sa loob at saka naisipan na matulog.   Kinabukasan nang magising ako ay tanghali na. Buti nalang at hapon ang pasok ko at isang subject lang kami ngayon. Naligo at nagbihis ako at saka ako bumaba para makakain. Nando’n na pala sila mommy, daddy, Lou at tito. Ngumiti ako sa kanila saka ko sila binati ng good morning. Nakatingin lang sa ‘kin si Lou at umupo lang ako sa tabi nya. Ngumiti sya sa ‘kin at ngumiti rin ako sa kanya.   “So, dito na rin pala mag-aaral si Lou?” umpisa ni mommy at basag sa katahimikan.   “Huh?” Napatingin ako kay mommy.   “Waw, it’s good to hear that,” Daddy said.   “He’s now in the third year college level,” sabi ni tito habang nakatingin sa anak nya.   “In what course?” tanong ni mommy.   “Marketing,” tito answered.   “Oh, so, sya na ang next na mag-handle ng business mo, Kiro.” Nakangiting sabi ni daddy kay tito.   Hindi ko alam na business minded pala ‘tong si Lou. Nang matapos akong kumain ay daka ako ulit pumanhik at saka ako nagbihis. Nang matapos ‘yon saka ako bumaba dala ang bag ko. Nagmamadali na akong umalis dahil magkikita kami ni Anna. Tapos na kasi ang klase nya kahit na alastres pa ang klase ko ay umalis na ako ng alauna.   Nang makarating ako sa tagpuan namin ay saka ako umupo sa harapan nya. “Uy gurl, may chika ako,” umpisa nya.   “Kakaupo ko lang Anna, chika na agad bungad mo,” sabi ko saka inayos ang gamit ko, “Ano ba ‘yan?” tanong ko pa.   “Sus, mahilig ka rin naman sa chismis, so ito na nga gurl. May bagong transferee daw today.” Nakangiting sabi nya.   Bigla naman nag-iba ang mood ko ng transferee ang pinag-uusapan. “Oh, boring,” I said saka nilabas ang laptop ko at um-order ng chocolate cake.   “Gaga, parang kilala mo sinong transferee ah?”   “Oo.”   “Weh?”   “Oo nga.”   “Sino?”   “Hindi ba nila binanggit kung sino?”   “Ano ba naman ‘yan, Sakura.” Nakangusong sabi nya saka nagsimsim ng tea.   “Si Lou,” sabi ko saka nag-umpisang review-hin ang report ko.   “Seryoso ba?” tila kinikilig na tanong nya.   “Oo, sabi ni mommy dito daw mag-aaral si Lou and he’s a marketing student.” Kinuha ko ang cake saka ako sumubo.   “Waw, a marketing ah?”   Nakikita ko ang interes ni Anna sa pinsan ko na akala mo lalakeng sabik sa babae. Hindi ko nalang sya pinansin at saka inatipag ang review ko. Nang matapos kaming magk’wentuhan ay dumating na ang oras ng klase ko. Hihintayin nya daw ako after ng class kaya naman paniguradong mamaya ay kakain kami. Kapag sya ang kasama ko hindi ko maipapangakong konti lang ang makakain ko. Sya ang humahawa sa ‘kin ng kasibaan.   Nang makapasok sa campus ay sa hindi inaasahan ay nakasalubong ko si Lara. Naka-cross ang braso habang nakataas ang kilay. Nilabas ko ang papel ko na naglalabas ng mga report nila para mamaya. Sa totoo lang kasi, group mates kami. Ayaw ko syang ka-grupo pero sya ang pilit na lumalapit sa ‘kin kahit na lumalayo na ako sa kanya.   “Sakura.” Napahinto ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.   Nakita ko kung paanong magbago ang itsura ni Lara at batid ko kung sino ang nakita nya. Malamang ay si Primo na naman ‘to at tatanungin na naman ako kung kailan ako free. Hindi ko sya nilingon at saka ako naglakad na pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko. Napasinghap sya dahil do’n at ako naman ay hindi maipinta ang mukha.   “Bitaw,” I said.   “Sakura I just---”   “You heard her right? Hindi ka naman bingi?” Napalingon ako sa isa pang nagsalita.   “Lou.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD