AL’S POV
Ilang daang taon na ang lumipas pero hindi ang taong mahal ko. Mula sa Mystica ay nalaman kong nandito sya at panahon na rin para umuwi sya. Dahil ang mundo’ng kinabibilangan nya ay nanganganib nang mawala. Nang sinabi ko ang salitang ‘mundo natin’ ay natigilan sya. Nakatingin ito sa ‘kin at nakikita kong may kakaiba sa mga mata nya. Umiwas sya ng tingin sa ‘kin at saka sya bumuntong hininga.
“Akala ko sa fairy tale lang mero’ng ganito. Katulad nalang ng mga lumalabas sa palad ko. Mahilig ako sa magical pero hindi ko naman inaakala na totoo pala ‘yon.” Natatawang sabi nya saka nagsimsim ng kape.
Hindi talaga sya nagbabago kahit noon pa. Even now na ibang tao sya ay sya parin ang Mysty na minahal ko noong una. Napangiti ako sa kanya at saka ako umayos ng upo. Sabay kaming nag-almusal at nag-asikaso na sya para pumasok. Ako naman ay pinuntahan si Dark upang kamustahin ang kalagayan ng Mystica.
“Hindi ko alam kailan natin sya maibabalik. Lalo pa ngayon na nagpa-plano na naman si Primo at Lara kay Mysty,” nag-aalalang sabi nito.
Habang tinitignan ang kalagayan ng Mystica ay napaisip ako kung bakit kaya alam nyang mawawala sya kaya nya pinalit ang puting bilog na ‘yon do’n. Hindi ko lubos maisip kung bakit pero tingin ko ay kinalaman ‘yon sa nangyare noon bago pa sya mawala sa Mystica. Napahawak ako sa baba ko at nag-iisip. Habang sila Zem naman ay umalis at ako nalang ang naiwan. Hindi ko maiwasan ang hindi maghinala.
Pumasok na rin ako at saka tinignan si Sakura sa room nya. Maganda ang mundo na ‘to at nakikita mo’ng masaya sila sa mga buhay nila. Kuntento sa kung anong mero’n sila at hindi ko makitaan ng kung anong problema. Nang matapos ang klase ni Sakura ay niligpit na nya ang gamit nya. Nang nakalabas ay nakita nya ako sa may pinto at napahinto sya saka napatingin sa ‘kin. Nangunot ang noo nya at saka ko sya hinawakan sa kamay at pumunta kami sa may roof top.
“A-anong ginagawa natin dito? May nangyare ba?” nag-aalalang tanong nya.
Bumuntong hininga ako at saka ako sumandal sa may pader habang nakalagay ang parehong kamay ko sa bulsa ko. Tinanaw ko ang kalangitan at bughaw ito ngayon indikasyon na maganda ang panahon.
“Hindi ko kasi alam paano kitang makukumbinsi na bumalik sa Mystica. Even though na alam mo na ang lahat ay hindi naman kita agad mapipilit na umuwi sa mundo natin,” umpisa ko.
Hindi lang naman ito tungkol sa nangungulila ako sa kanya kung hindi tungkol din ito sa mundong pinangangalagaan nya. Naaalala ko noon na bago sya mawala. Habang pinagmamasdan ang buong Mystica ay pinangako nya sa sarili nyang kahit na anong mangyare ay hindi nya hahayaan na mawala ang Mystica. Hindi nya hahayaan na mabura ito ng gano’n-gano’n lang.
“A-alam mo kasi... tungkol sa bagay na ‘yan.” Bumuntong hininga sya at saka yumuko. “Hindi ko alam bakit parang masakit sa ‘kin na sinasabi nyong mawawala ito.” Tila naiiyak na sabi nya habang hawak ang libro.
“Dahil iyon ang mundo mo Mysty. Iyon ang mundo na pinangangalagaan mo.” Tumingin ako sa kanya at nakatingin ito sa ‘kin na may luha ang mga mata. “W-why are you crying?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
“Hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala lalo na kung ang sinasabi nyong mundo’y nanganganib na. Hindi ko nga alam paano akong mag-aadjust ngayon sa mga nalaman ko. Buong gabi at magdamag kong inisip ang sinabi ni Mommy sa ‘kin tungkol sa mundo na ‘yon.”
Napangiti ako sa sinabi nya at gano’n talaga sya ka-soft. Masasabi kong hindi lang basta-basta si Sakura. Hinawakan ko ang kamay nya saka ko sya hinila at napayakap sya sa ‘kin. Niyakap ko sya at saka ko hinagod ang likuran nya upang pagaanin ang loob nya.
“We wont force you to go back. But, crrently kasi hindi na maganda ang kalagayan ng Mystica.” Nakangiting sabi ko at pagpapaintindi ko. “As of now, ginagawan nalang namin muna ng paraan para hindi ka napipilitan.”
Humiwalay sya ng yakap sa ‘kin at saka nya pinunasan ang luha nya. “Hindi naman ako against na bumalik do’n sa sinasabi nyong mundo. Pero...” Ngumiti sya sa ‘kin at saka ako nangunot ng noo. “Nakapagdisisyon na ako,” seryosong sabi nya na syang ikinagulat ko.
“S-seryoso ka ba d’yan?” Hindi makapaniwalang sabi ko.
Biglang nag-iba ang mukha nya. “Mukha ba akong nagbibiro?”
Niyakap ko sya ulit at sa pagkakataon na ‘to ay hinigpitan ko na. Hindi ako makapaniwala na kahit naguguluhan sya’y handa syang bumalik. Nang matapos kaming mag-usap ay bumaba kaming pareho at saka nakasalubong namin si Anna na no’n ay tila wala sa mood. Salamat kay Anna at madali akong nakapag-adjust.
“Anong nangyare sa ‘yo?” takang tanong ni Sakura kay Anna.
“Hindi ko alam paano akong makakatiis sa ganitong sistema.”
“H-ha?” Sabay naming sabi ni Sakura.
“Ha?” gaya nya sa ‘min ni Sakura.
“Anna?”
“E, kasi iyong Harvey the babaero na ‘yon pinipikon ako,” inis na inis nyang sabi.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako ano? Tinignan ko si Sakura na no’n ay nakakunot lang ang noo. Nilagpasan kami ni Anna at mula sa likod ay nakasunod si Harvey at tila hinahabol ang fiancé nya. Nilagpasan kami ni Harvey at hinabol si Anna na no’n ay tumakbo na. Gusto kong matawa pero hindi ko na rin magawa dahil na rin sa seryoso ang mukha ni Sakura na nakatingin sa dalawa.
Naglakad nalang sya at sinundan ko naman agad sya. Pero bigla syang napahinto at napahinto rin ako pero sa hindi inaasahan ay natisod ako sa may bato at nanlaki ang mata ko dahil madadapa ako sa kanya. Sa hindi inaasahan ay tuluyan akong nadapa sa ibabaw nya.
“Aw-” inda nya at napatingin sa ‘kin.
Panandalian na para bang umagal ang oras pati na rin ang tao sa paligid. Hindi ko alam pero ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ito ang una pero feeling ko ay bamalik ako sa kung ano kami ni Mysty noon.
***Flash Back***
Habang tumatakbo ako’y aksidenteng natisod ako sa may bato at sa hindi inaasahan ay may babae akong nadaghanan. Sa pagkakadapa ko ay nakapatong ako sa kanya. Hindi ko alam bakit ang bilis ata ng t***k ng puso konat nang makita ko ang mukha nya ay parang may magagandang bulaklak na nakapalibot sa kanya.
“Hoy! Ano ba nangangalay na ako!” sigaw nito sa ‘kin na nakapagpabalik sa katinuan ko.
“A-ano... p-pasensya na...” sabi ko saka ako agad na bumangon.
Nang makatayo ako ay saka ko sya inayos ng tayo at napansin kong may suot syang korona. Prinsesa sya at may mga nakasunod na mga kawal. Yumuko ako sa kanya at inayos nya ang gown nya.
“Alam mo ba kung paanong tumingin sa daan? Masyado kang nahumaling sa nasa paligid mo’t hindi mo nakita iyong bato.” Naiinis na sabi nya.
“Mysty,” suway ng isang lalake na may patong ring korona.
“Kuya---”
“Manahimik,” sabi nito na sya namang ikinatahimik nya.
Napanguso nalang ito at inis na tumingin sa ‘kin saka ito tumalikod at umalis. Yumuko ang kuya nya sa ‘kin at napayuko rin ako sa kanya. Bilang galang.
***End Of Flash Black***
“Ano ba! Hindi papag ang sahig!” inis na sabi nito at nakapagpabalik sa katinuan ko.
Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Napaubo pa ako at saka nag-iwas ng tingin sa kanya at napapikit ako ng mariin. Ang lakas ng kabog ng puso ko at hindi ko man lang alam kung anong gagawin ko.
“S-sorry, a-ano...” hindi ko na alam ano ang sasabihin ko. Pagdating talaga sa kanya ay nauutal na ako.
“Tch, you should look at your way. Malaki ang bato na nakaharang. Huminto ako kasi para iwasan mo ang bato, kaso wala rin nangyare.” Nakangusong sabi nya habang pinapagpagan ang sarili.
Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi nya. Nakakainis, bakit naman kasi lagi nalang akong natitisod ng bato. Napahawak ako sa ulo ko at hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya o hindi.
SAKURA’S POV
Hindi ko pinahalatang kinabahan ako kanina. Pero ang totoo’y tila may alaala ang biglang nag-flash back sa utak ko. Same senaryo katulad nito. Tinalikuran ko sya at saka ako naunang maglakad. Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko pero naiinis ako sa pakiramdam na ‘to.
Hindi ko alam kung sinundan nya ba ako o ako pero palihim akong napangiti dahil sa nangyare. Nang makauwi ako sa bahay ay saka ko naalala ang sinabi ko kanina sa roof top. Humiga ako sa kama habang nakalaylay ang dalawang paa ko. Hindi naman masamang bumalik ako sa sinasabi nilang mundo hindi ba? Bumuntong hininga ako at saka tumayo at napagpasyahan na hanapin si Dark. Nang makababa ako’y nando’n si Lou at si Zem na no’n ay naglalaro ng chest.
Hindi ko sila pinansin at hinanap si Dark pero napahinto ako sa may pinto nang biglang sumakit ang kaliwang dibdib ko. Napahawak ako do’n at napainda. Hindi ko alam para sa’n ‘to pero nang tignan ko ang kamay ko’y nag-iiba na ito ng kulay na para bang mga butuin. Nanlaki ang mata ko at napaimpit ako ng inda dahil do’n.
“Sakura?”
Biglang may kung anong imahe ang lumitaw sa isip ko. Napasigaw ako sa sakit at hindi ko alam ang gagawin. Napahawak ako sa ulo ko at the same time ay sa dibdib ko. Hindi ko alam paano kong iha-handle ang sakit pero hindi ko naman ito kayang tiisin. Sobrang sakit no’n. Lumapit sa ‘kin si Zem at Lou at nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila. Binuha ako ni Zem saka inihiga sa may sofa at patuloy parin ang pag-inda ko.
“B-bakit? A-anong nangyayare?”
“AAAHHH!!!”
“SAKURA!”
“M-mommmy!” tawag ko.
“Anong nangyayare?” Nag-aalalang tanong nito.
Patuloy ang pag-inda ko at hindi ko alam paanong maalis ito. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbabago sa katawan ko at tila may kung anong lalabas mula sa katawan ko. Naramdaman kong parang may kakaiba at unti-unti nang nanlabo ang paningin ko kasabay no’ng ay ang kakaibang liwanag na bumalot sa buong paligid.
**********
Eto na naman ang mabigat na pakiramdam na para ba akong hinihigop sa kung sa’n. Mula sa paligid ko’y wala akong makita kung hindi ang kawalan at ang buong paligid ay napapalibutan ng mga bituin. Mula sa harapan ko’y nakikita ko ang liwanag ng araw at ang liwanag ng b’wan.
“Mundo’y pangalagaan, bawat dimensyon ay antabayanan.”
Ang tinig na ‘yon ay nanggagaling mula sa kawalan. Hindi ko sya mahanap pero parang narinig ko na rin ito noon. Hindi ko lang alam kung saan.
“Kalimutan ang nakaraan, harapin ang kasalukuyan.”
Nagliwanag ang buong paligid kasabay ng pagkawala ng nasa paligid ko. Unti-unti kong naipikit ang parehong mata ko at naramdaman ko ang tila ginhawa sa katawan ko.
**********
Minulat ko ang mata ko at nandito na ako sa k’warto ko. Ramdam ko ang kamay na nakahawak sa kamay ko at napatingin ako sa kung sino ito. Napangiti ako ng makita ko si Mommy na no’n ay nakayuko at parehong nakalagay ang kamay sa kamay ko. Bumangon ako at saka ako huminga ng malalim. Natanggal ang towel sa ulo ko at sa pagkalaglag no’n ay nagising si Mommy.
“Buti naman at gising kana,” tila nakahinga ito ng maluwag ng sabihin nya iyon.
Ngumiti ako kay mommy at saka ako tumango. Tinignan ko ang kamay ko at naalala ang nangyare kanila. Mula rin sa panaginip ko’y may mga tanong akong gustong masagot. Pero tingin ko ay hindi sila mommy ang makakasagot tungkol sa bagay na ‘yon. Tumayo si mommy at pinindot ang buzzer para magpahatid ng breakfast ko. Tinawag nya rin sila Lou at maya-maya ay nand’yan na si Anna. Kasunod nito si Harvey at si Al na no’n ay nasa likuran nya. Pero nagulat ako ng nasa harapan ko na ito at nakayakap na sa ‘kin.
Biglang napahinto si Anna at Harvey at nanlaki ang mata nilang pareho. Nagkatinginan silang dalawa at saka napatakip ng bibig nila. Si mommy naman ay tila natuwa sa nasaksihan nya habang ako naman ay tila gulong-gulo. Humiwalay sya ng yakap at saka hinawakan ang mukha ko at tinignan ang kabuuhan ko.
“Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa rin ba sa ‘yo? Sabihin mo lang sa ‘kin kung sa’n at gagamutin ko,” hindi ko na magawang makapagsalita pa sa kanya
Mula sa pinto ay nando’n si Lou at Zem at nanlaki ang mata nang makita nila na gano’n kalapit si Al sa ‘kin. Agad na lumapit si Zem at saka tinulak palayo sa ‘kin si Al. Sa hindi inaasahan ay agad na humarang si Lou at Zem sa harapan ko. Isang malakas na tawa naman ang iginawad ni Anna sa amin at pati na rin si mommy at Harvey ay sumabay sa tawa ni Anna. What the heck!