SAKURA’S POV
“Hoy, hoy! Tama na nga ‘yan!” inis na sabi ko saka ko hinawi ang buhok ko.
Mula sa may bintana ay naro’n si Dark at unti-unting nag-form na tao. Saktong nandito silang lahat ay saktong may sasabihin din ako. Kahit na hindi ko pa lubos na alam kung ano ba talaga ang pagkatao ko’y gusto ko rin makatulong kahit na paano. Ilang linggo na mula ng mangyare ang pag-kidnap sa ‘kin ni Lara pero simula no’n ay hindi ko na sya nakikita. Pati na rin ang hindi kapani-paniwalang panghahalay sa ‘kin ni Primo ay hindi ko na rin ito nakita pa.
Hindi ko maintindihan kung bakit nya nagawa ‘yon pero hindi ko sya mapapatawad. Bumuntong hininga ako at saka tumingin sa kanila isa-isa.
“Hindi ko alam kung magiging tama ba o mali ang disisyon ko pero gusto kong puntahan ang sinasabi nyong mundo na pinangangalagaan ng dating Mysty,” seryosong sabi ko at napatigil silang lahat.
I just want to help them for saving the wold that they love. Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko at gusto kong iligtas ang mundo na ‘yon. Lumapit sa ‘kin si mommy at saka hinawakan ang kamay ko. Si Anna ay gano’n din at nakangiti pa ito.
“Totoo ba?” hindi makapaniwalang tanong ni mommy sa ‘kin.
“Ang sabi nyo ay ako si Mysty na muling nabuhay. So, gusto kong malaman kung anong kalagayan ng mundong sinasabi nyo. Dahil hanggang ngayon at pati ako naaapektuhan ng malaman kong may hindi magandang mangyayare dito,” mahabang litanya ko.
“Dahil iyon ang mundo mo, Mys--- Sakura,” sabi ni Harvey.
“Tara na para maibalik na natin ang mga alaala na nawala sa ‘yo,” sabi naman ni Anna.
“Alaala?”
“Iyon ang sabi nila sa ‘kin. If you want to back your memories, you should go back to the place where you belong with.”
Ngayon ko lang narinig ang ganitong english ni Anna. “Sige,” sang-ayon ko.
Tumayo ako at saka hinawakan nila ang kamay ko. Si Al naman ay hindi na rin nakalapit pa sa ‘kin dahil kay Lou at Zem. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano, e. Kasi iyong mukha nya’y disappointed. Lumabas kami ng k’warto at pumunta sa isa pang k’warto. Naging ibang tema nito at mula sa harapan namin ay may puting pinto.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako at the same time ay nae-excite. For the first time ay makakita ako ng isang mundo bukod sa mundong ito. Ang mundong hindi ko aakalain na totoo at ang mundong hindi ko inaakalang nag-eexist pala. Binuksan ni Dark ang pinto na ‘yon kasabay ng liwanag na bumalot sa paligid. Nang makapasok kami ay napapikit ako sa liwanag.
“Welcome sa Mystyca, Mysty.” Nakangiting sabi ni Dark at nang tignan ko ito’y nagningning ang mga mata ko.
Nakalutang ito sa ere at nababalutan ng kung anong barrier sa paligid nito na bilog. Marami ito at iba-iba ang mga hugis. Gano’n pa man ay nando’n ang pagkamangha ko. Napasinghap ako ng biglang nay humawak sa bewang at kamay ko saka ito lumipad at napakapit ako sa kanya.
Mero’n syang pakpak at nagniningning ito. Ngayon ko lang din napansin na nag-iba na ang suot ko at naka groyal gown na ako. Kulay asul ito at kumikinang pa. Hindi ako makapaniwala sa nakikita at nasasaksihan ko. Mula sa may barrier ay tumagos kami at nang makapasok sa loob ay do’n ko lang nakita ang laki nito.
Parang sa mundo lang din ng mga tao pero ang pinagkaiba’y may mga kapangyarihan sila dito. Mula sa paligid ay naro’n ang mga nagtitinda at ang may mga batang naglalaro. Naro’n ang mga masasayang pamilya na masayang nagbo-bonding.
“Ang ganda,” manghang sabi ko.
Maya-maya ay nakakapag na kami sa isang palasyo. Naro’n ang mga kawal na nakahilera at may mga baluting bakal sila sa katawan. Ang astig nito sa totoo lang. Tumingin ako sa kanila at saka sila yumuko sa ‘kin at nagulat ako ng magsalita sila.
“Maligayang pagdating mahal na prinsesa,” sabay-sabay na bati nilang lahat.
“Syems! Nagulat ako!” sabi ko saka ako napasapo sa dibdib ko. “P-prinsesa?” naguguluhang sabi ko. “B-bakit---”
“Hindi ba’t sinabi na namin sa ‘yo?” Napatingin ako kay Anna na no’n ay iba na rin ang kasuotan.
“Woah!!!” Manghang sabi ko sa kanya at saka ako lumapit. “Ang ganda ng suot mo. Para kang prinsesa mula sa isang kaharian at---” Napahinto ako ng mayro’n akong napagtanto. “Prinsea...”
“Alam mo minsan loading talaga ‘yang utak mo, e.” Nakangusong sabi ni Anna sa ‘kin at saka nito hinawakan ang kamay ko at pumasok kami sa loob.
Nang makapasok kami ay sobrang na-amaze ako sa laki ng mga chandeliers at ang kikinang ng bawat paligid. Naro’n ang sobrang kintab na sahig at p’wede ka ng manalamin. At kumikinang din na hawakan sa may hadgan na parang ginto at ang iba pang mga mamahaling gamit sa paligid. Napapanganga ako sa sobrang mangha at hindi ako makapaniwala.
Nang makababa kami ay umikot ako at saka nakangiti. Sobrang ganda nito at sobrang gaan sa pakiramdam na para bang nakauwi na ako mula sa matagal na pagbabakasyon. Napatingin ako sa isang malaking painting at naro’n ang batang babae na kamukhang-kamukha ko.
“I-ito bang bata---”
“Ikaw ‘yan, Mysty.” Nakangiting sabi ni mommy na no’n ay naka-gown na white at may korona sa kanyang ulo.
“A-ako?” Gulat na sabi ko at saka tumingin sa painting.
Hinawakan ko ito at nakita ko rin ang isa pang painting na no’n ay may nag-iisang ako na no’n ay nakasuot ng dark violet na gown at may korona na may kalahating araw at b’wan. Mula sa paligid nito’y may bituin at nakapalibot ito. Ang ganda ng suot nya at sobrang nakakamangha ang kakaibang aura nya.
“Hindi ko alam bakit ganito ang gown na sinuot mo ng panahon na nagpa-painting ka ng sarili mo.” Napatingin ako sa isang nagsalita na no’n ay si daddy pala.
“Ha?”
“Itong gown kasi na ‘yan ang pinili mo. Ang sabi mo ay gusto mo ang kumikinang na bagay na ganyan ang kulay na para bang mga bituin sa langit,” paliwanag naman ni Mommy.
Tumingin ako kay Zem, Al, Lou, Harvey, Anna at Dark. “E, sila?”
“Kami?” sabay-sabay nilang sabi.
“Ang totoo’y kapatid mo si Zem,” sabi ni mommy at nanlaki ang mata ko dahil do’n.
Napatingin ako kay Zem na no’n ay ngumiti lang. “K-kapatid ko sya?”
“Yeap!” sabi naman ni Anna at napatingin ako sa kanya.
“Alam mo Anna?”
“Ha? Ang alin?”
“Na kapatid ko itong si Zem?”
“Ha? Oo naman! Si Tita pa nga nagsabi.” Nakangusong sabi nya. “Isa pa, alam ko na ang totoo sa ‘yo kahit na magka-edad lang naman tayo,” dagdag pa nya.
Napahawak ako sa bibig ko dahil napapanganga ako sa mga nalalaman ko. “At katulad ng sinabi namin din sa ‘yo, si Al iyong taong mahal mo,” sabi naman ni Dark.
“The fck!”
“Sakura!” suway ni Mommy.
“S-sorry,” sabi ko saka ako napahawak sa ulo at balakang ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko at paano kong tatanggapin ang mga nalaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi o kailangan ko na talagang maniwala sa kanila. Pero dahil sa mga ito’y sumasakit ang ulo ko. Mahal ko si Al? Kailan naman nangyare ‘yon? Siguro ay noong ako pa si Mysty na sinasabi nila’y sya ang mahal ko pero iba ako ngayon.
Guston kong ipahinga ang katawan ko pati na rin ang utak ko. Tumingin ako kay mommy at saka sya tinanong kung sa’n ako maaring magpahinga. Pinasama nya ako kay Anna at sinamahan naman din ako nito. Nang makarating kami sa silid ay saka ako humiga. Ang ganda rin ng kama at pang royal talaga.
“Hindi ko alam bakit parang ang dami nilang sinasabi tungkol sa ‘yo,” tumingin ako kay Anna na no’n ay nakatingin sa ‘kin.
“Ano naman ‘yon?” tanong ko.
“Alam mo kasi, magkasing edad lang naman tayo pero alam ko na ang lahat ng tungkol sa kung sino ka in a past.” Bumuntong hininga sya saka humiga. “Ang sabi nila ay ang Mysty na prinsesa ng Mystica ay sad’yang mahiwaga. Lalo na ang katauhan nito. Totoong prinsesa sya at may kapangyarihan sya ng araw, b’wan at mga bituin. Lalo na ang apat na elemento,” k’wento nya.
Napaisip ako sa sinabi nya at naalala ang panaginip ko na nasa kawalan ako at naro’n ang araw at b’wan kasama ang mga bituin na nakapalibot sa ‘kin. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang sinasabing alaala na hindi na kailangan pang balikan. Ano ba ang mero’n sa past na hindi ko alam? Tinignan ko ang buong k’warto at mula rito’y naro’n na napukaw ang tingin ko sa isang salamin na tila kakaiba.
Tumayo ako at saka lumapit sa salamin na ‘yon. Nakikita ko ang sarili ko at hindi na rin masama ang suot ay itaura ko. Nakita ko ang mukha ng nasa painting at mukha ko. Tagalang hawig kaming dalawa. Tumayo si Anna at saka lumapit sa ‘kin.
“Ang k’wento sa ‘kin ay si Al at ikaw ay nagmamahalan. Kung hindi mo naman tatanungin ay si Al, Harvey, Zem, at Dark ay may tanda nang libong taon kaysa sa atin.” Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko.
Libong taon ang tanda nila? E, parang sila mga lolo ng pinaka lolo ng pinaka lolo ko, e. Muli ay napahawak ako sa ulo ko dahil sa sinabi ni Anna. May mga bagay na tanging si Mysty lang ang nakakaalam. Lumabas si Anna ng silid ko at saka ako tumingin sa paligid ng buong palasyo.
“Hindi ko alam kung anong mero’n ang mundo ka ‘to at kailangan kong pumunta dito para lang sa Mysty na sinasabi nila. Pero...” Tinignan ko ang bawat tao na no’n ay masigasig na nagta-trabaho. “Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit tila napakahalaga nito sa ‘kin.”
Tinignan ko ang isang bilog na no’n ay tila nagbibigay kalakasan sa buong paligid. Nakikita kong tila nalalanta na rin ang ilang mga halaman at parang namumutla ang kulay ng buong paligid. Huminga ako ng malalim at saka ko pinagdikit ang parehong palad ko at saka pumikit ako.
Gusto kong bigyang buhay muli ang mundong ito at para hindi rin ito mawala na parang isang bula. Gusto kong tuparin ang gusto ng dating Mysty at gusto ko itong bigyan ng lakas para muling makabangon. Naramdaman ko ang unti-unting paglutang ko sa ere at naramdaman ko na rin ang tila lakas na lumalabas mula sa katawan ko.
**********
Habang pinagmamasdan ang buong paligid ay pumatak ang luha ko dahil sa nakikita kong unti-unting nawawalan ng kulay ito. Hindi ko hahayaan na mawala ang Mystica at ang mga taong nandito sa buong Mystica at sa naglilingkod para sa ‘min.
“Pinapangako ko, kahit na anong mangyare. Mawala man ako’y babalik pa rin. Dahil ang mundo na ‘to’y buhay ko na rin.”
Tinaas ko ang parehong kamay ko ang saka ito pinagdikit at naramdaman ko ang kakaibang lakas na namumuo mula ro’n. Nang maramdaman kong lumulutang ako’y saka ko binuo ang bilog na liwanag na syang maaring magbigay liwanag at buhay sa buong paligid. Sa oras na makabalik ako at masiguradong ligtas na ang Mystica ay sisiguraduhin kong muli kong maibabalik kung ano ito dati at mas maganda pa kaysa no’ng una.
**********
Habang nakalutang ako’y saka ko minulat ang mata ko. Hindi ko alam para sa’n ‘to pero gagawin ko pa rin. Nang marating ko ang bilog na puting bagay ay saka ko itinapat do’n ang palad ko at hinigop ako no’n. Sa hindi inaasahan ay nasa loob na ako nito’t naro’n ang mukha ng taong nakita ko sa painting. Nanlaki ang mata ko ng makita ito at hindi ko alam ang sasabihin ko.
“M-Mysty,” banggit ko sa pangalan nito.
Ang sabi nila’y ako si Mysty mula sa ibang pagkatao’t pangalan ngunit sino ang isang ‘to? Sinubukan kong hawakan ang kamay nya at naramdaman ko ang tila kirot mula sa puso ko at sobrang sakit nito.
Iisang tao,
Iisang kalukuwa,
Iisang hangarin,
Iisang kapalaran.
Pusong pinag-ugnay,
bibigyang gabay,
Kapangyarihang taglay,
Sa iyo ay ibibigay.
Napasigaw ako sa tila paghigop no’n sa katawan at kaluluwa ko. Ano ba ang nangyayare? Tanging tanong ko sa sarili ko. Pero naro’n ang tila luha sa mga mata ko at ibang mga imahe na lumalabas sa isipan ko. Ang mga pangyayare sa nakaraan na hindi ko inaakalang makikita ko ngayon ng dahil lang sa iisang dahilan. Hindi lang ito basta bola lang. Hindi ito basta nagbibigay ng lakas lang.
Ang pagkawala ng dating Mysty ay may dahilan at ang mga ‘yon ay dahil sa iisang tao lamang. Kaya ba tila nararamdaman ko ang kakaibang kirot sa puso ko? Dahil sa ang totoong Mysty ay unti-unting mamamatay kung ang kalahati ng pagkatao nya’y hindi babalik sa Mystyca. Nagliwanag ang paligid kasabay ng sigaw ko. Ang sunod na nangyare ay hindi ko na alam kung ano.