SAKURA’S POV
Habang nag-aalmusal kami ay naiisip ko si Anna. Kamusta kaya sya matapos ang nangyare kagabi? Hindi ko pa sya nakakausap sa text. Kinuha ko ang phone ko saka ko tinawagan ang number ni Anna. Nagri-ring lang ito pero walang sumasagot. Hindi kaya may masamang nangyare?
“Lou!” Napatalon sa upuan si Lou ng tawagin ko sya.
“What?” Tila inis na sabi nya.
“Sino ang naghatid sa ‘kin kagabi?” tanong ko sa kanya.
Nangunot ang noo nya sa ‘kin at saka sya nag-isip. “Si Zem,” sabi nito.
Ang pagkakatandan ko’y si Al ang may hawak sa ‘kin kagabi? Tumayo ako at saka lumabas at sinundan ako ni Lou. “Sa’n ka pupunta?” tanong nito.
“Pupuntahan ko si Anna,” sagot ko naman at saka lumabas ng mansion.
Sinundan ako ni Lou at nang makalabas ako’y naro’n ang sasak’yan ni Zem at mukhang kararating lang nya. Agad akong lumapit sa kanya at bahagya itong nagulat sa ‘kin. “K-kamusta si Anna?” nag-aalalang tanong ko.
Bumuntong hininga sya at saka sya ngumiti sa ‘kin. “She’s fine,” he said at nakahinga ako ng maluwag.
Hindi ko inaakala na magagawa ‘yon ni Primo kay Anna at hindi ko rin aakalin na mangyayare ‘yon. Tumingin ako kay Zem at saka sya napatingin sa ‘kin at gano’n din si Lou. Nakuha ata nila ang ibig kong sabihin at saka kami pumasok sa loob at nakaupo sa sala.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming tatlo at hinihintay kong may sasabihin sila. Bumuntong hininga ako at saka ako tumingin sa kanilang dalawa na namumutawi ang katanungan sa mukha ko.
“Hindi ba kayo magsasalita o pipilitin ko pa kayong magsalita?” banta ko sa kanila.
“Is she drunk or what?” takang tanong ng butler ko.
“Tch, butler ka lang pero daig mo pa amo kung mag-english. Sana all,” sabi ko saka ako uminom ng juice.
“What do want to talk about ba?” tanong ni Lou.
“About sa powers? About sa nangyare kagabi, no’ng nakaraan, at saka ang mga bagay na lumalabas sa palad ko, palad mo... Ahhh! Basta! About do’n!”
Nagtinginan silang dalawa at saka nag-umpisang magsalita si Zem. “Actually, wala kami sa pusisyon na sabihin sa ‘yo ang totoo because, It’s your mother’s decision.”
Nakikita kong seryoso sya do’n at totoo ang sinasabi nya. Alam ni mommy na mero’n akong ganitong kapangyarihan? Na hindi ako normal at hindi rin normal ang nasa paligid ko? Mula sa may pinto ay napasinghap ako ng pumasok si Dark na unti-unting nag-form na tao at hindi ko alam ang sasabihin ko. Para syang sa fantasy series na from animal to human and human to animal. Naloloka ang brain cells ko.
“A-anong... Dark! Pa-paanong... teka lang...” Napatayo ako at saka napahawak sa ulo ko. “H-hindi ka animal? I mean, h-hindi ka tao? A-ano... I mean... hindi ka---hindi ka---”
“Hindi ako animal? Hindi ako tao? O hindi ako ordinaryong gaya mo? Alin do’n?” sunod-sunod na tanong nito sa ‘kin.
Mula naman sa hagdan ay naro’n si Mommy kasama si Daddy at iba ang suot nilang dalawa. Habang bumababa ay unti-unti rin nagbabago ang kasuotan nila. Napatakip ako sa bibig ko at hindi ko alam ang sasabihin ko. Ito na ba ang panahon upang sabihin nila sa ‘kin na hindi ako ordinaryong tao at hindi talaga ito ang mundo namin? Ang dami kong tanong at ang dami kong gustong masagot sa mga tanong ko.
Maya-maya pa’y mula sa pinto ay naro’n din si Anna kasama ang lalakeng hindi ko naman alam kung sino. Kusang sumara ang pinto at ako naman ay nakatayo at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Mula naman sa hindi ko inaasahan ay may biglang sumulpot sa likuran ko’t sa gulat ko ay napatalon ako kaya muntik pang mahulog ang lamp shade.
“s**t!” hanas ko at saka ako napasapo sa dibdib ko.
Nang tignan ko kung sino ito ay si Al pala. Ngumiti sya sa ‘kin at tila bumilis ang t***k ng puso ko. Biglang nag-iba ang tema ng buong paligid at nasa isang parang sikretong silid na kami na kami-kami lang ang nakakakaalam. Umupo silang lahat at ako naman ay nanatiling nakatayo at pilit na pinoproseso sa utak ko ang nangyayare. Ang bawat pagpapalit nila ng anyo at ang kakaibang kapangyarihan na nailalabas nila.
“So, let’s proceeds!” sabi ni Dark na no’n ay nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa.
“A-ano ‘to? May report ba?” takang tanong ko.
“Pfft... Sakura naman?”
“Hindi ko kasi maintindihan, ipaintindi nyo sa ‘kin para maintindihan ko ang mga bagay na ‘to. Alam nyo ba simula ng araw na may lumabas mula sa palad ko’y hindi ko na alam kung anong gagawin ko at marami na rin ang tanong sa isip ko. Lalo na ang biglang paglitaw nito!” Sabay turo ko kay Al na no’n ay prenteng-prente.
“My--- I mean, Sakura. Ang totoo nyan ay hindi talaga tayo mga ordinaryong tao,” sabi ni mommy.
“E ano po ba tayo?” naguguluhang tanong ko.
“Ikaw ay si Mysty, Sakura,” seryosong sabi ni Al.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at hindi ko maipaliwanag kung anong reaksyon ko. Hindi ko lang isang beses narinig ang pangalang Mysty. Ang totoo’y nagtataka rin ako kung sino si Mysty at bakit nila ako inaakalang si Mysty. Umupo ako sa upuan at saka napahawak sa ulo ko at pilit na hinihilot ito. Sa dami ng nangyare ay parang ayaw no’n mag-sink in sa utak ko. Lahat ay masyadong komplekado at medyo tagilid.
“M-Mysty?” takang banggit ko ng pangalan. “Sino naman si Mysty?”
“Si Mysty ay ang dating prinsesa ng Mystica. Pero dahil sa hindi inaasahan ay nawala sya at ngayon ay nalaman namin na bumalik ito ngunit sa ibang pagkatao na,” paliwanag ni Lou.
“Woah? Ano ‘to reincarnation jpeg? I- I’m just ordinary girl that who want to have a happy life. Even though, med’yo may hindi ako magandang karanasan sa school ay ok lang dahil part ‘yon ng buhay... But this? Augh!” Muli na naman akong napahawak sa ulo ko saka ito hinilot.
Parang inaantok ako na hindi ko maintindihan. “Kinakailangan ka na naming maibalik sa Mystica dahil malapit na rin itong mawala,” nag-aalalang sabi ni Mommy sa ‘kin.
“Mom, how could I do that if ganito ang nangyayare? May bagay pala akong kailangan malaman pero sinekreto nyo? At ngayon gusto nyo akong bumalik sa mundong hindi ko alam kung totoo?” inis na sabi ko saka ako tumayo. “Itong pusang ito na katabi ko every matutulog ako’y tao pala? All this time inuuto ako ng pusang ‘to? Ah, shit.”
“T-teka? Kapagtulog ka naman ay umaalis na agad ako,” dispensa nya.
Napaisip naman ako sa sinabi nya dahil totoo naman ‘yon. Every time I woke wala na sya sa tabi ko. I want to have some more time to adopt this unbelievable revelation of my life.
“Dating prinsesa ang sabi nyo sa Mysty na sinasabi nyo. Pero paano naman na nasali pati ako?”
“Dahil ikaw si Mysty, Sakura,” pagpapaintindi naman ni Al.
“E, ikaw? Sino ka naman sa buhay ng Mysty na sanasabi mo?”
“Ako ang asawa mo,”
“ANO?” hindi makapaniwalang sabi ko at napapikit sila ng mariin dahil do’n. “S-sabihin nyong hindi totoo ang sinasabi ng hinayupak na ‘to?” sabi ko at sabay turo sa kanya. Tinignan ko sila Mommy at daddy na no’n ay tila natatawa at gano’n din si Anna pati na rin ang kasama nya. “Ako ba pinagloloko mo?” inis kong sabi.
“He’s just kidding,” Zem said.
“Sya ang mahal ni Mysty noon,” sabi naman no’ng lalakeng katabi ni Anna.
Tumingin ako dito at saka ito tinignan mula ulo hanggang paa. Hindi ko ma-gets bakit nandito itong lalakeng ‘to. Kasama ba sya sa usapan o isa rin syang hindi inaasahang bisita mula sa ibang dimension?
“Sino ka?” Taas kilay kong tanong.
“I’m Harvey Roy, Anna’s fiancé,” pagpapakilala nito sa ‘kin at nanlaki ang mata ko saka ako tumingin kay Anna na no’n ay umiiwas ng tingin sa ‘kin.
“F-fiancé? A-Anna?”
“Well, amm...” hindi alam ni Anna ang sasabihin nya at nakita ko paano nitong iuntog ang ulo nya na agad naman pinigilan ni Harvey.
Bumuntong hininga ako at saka ako muling umupo. Namutawi ang katahimikan sa paligid at isa-isa ko silang tinignan. Hindi sila gano’n at basta-basta lang. Pero sino naman ang bata na nakita ko ko’n sa Play ground? Hinawakan ni mommy ang kamay ko at saka ako tumingin sa kanya. Nakikita ko ang kakaibang pangungulila ro’n at ngumiti ako sa kanya at niyakap sya.
Kung ako nga ang sinasabi nilang Mysty mula sa mundong sinasabi nila. Bakit wala akong maalala tungkol sa kung sino ako? Naalala ko ang sinabi ng bata no’n sa ‘kin sa play ground. Hindi ko alam anong tinutukoy nya no’n at naguguluhan ako. Hindi ko na rin pang magawang itanong ‘yon sa kanila dahil ito palang ang nalalaman ko ay nagugulo na ang utak ko lalo pa kaya kung ang iba pa.
“Hindi ko alam paano ‘tong tatanggapin ng hindi labag sa loob ko pero... alam nyo ‘yon? Malaman ko palang ito’y nagugulo na ako lalo na ang mga bagay na binaggit nyo. Bakit ngayon nyo lang sinabi?”
“Dahil hindi namin alam paanong sasabihin sa ‘yo.”
“Siguro sa ngayon ay ito muna ang ia-accept ko? Ito muna sa ngayon kasi gulong-gulo ang utak ko.”
Tumingin ako sa kanilang lahat at saka ako tumayo. Pero napatampal ako sa noo kong hindi ko alam paanong lalabas dito. Walang pinto tanging bintana lang. Pero nag-iba ang kapaligiran at nasa sala na kami ulit. Umakyat na ako at saka ako pumasok sa k’warto ko at humiga sa kama.
Ang una ay ang bata, sunod si Al at pagkatapos ay ang hindi inaasahang kakayahan ni Lara, Anna at ng Roy na ‘yon. Si Zem at si Lou. Pinikit ko ang mata ko at napahawak ako sa kaliwang dibdib ko ng maramdaman ko ang sakit. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko pero para akong kinakapos ng hininga. Wala pa akong kakayahan na malabanan ang ganito at wala rin akong kakayahan paanong gamitin ang kapangyarihan ko ng tama.
Napapikit ako ng mariin at napainda dahil na rin sa sakit. Muli, nakita ko na naman ang bata at nakatingin ito sa ‘kin.
“Aurgh!”
“Hindi mo na dapat pang nalaman ang totoo, hindi kana dapat pang nabuhay.”
Napasinghap alo ng nasa harapan ko na ito. Pinagdikit ko ang parehong palad ko na para bang nagdadasal at saka ko ipinikit ang mata ko. Hindi ko alam king sino sya pero nakikita kong malaki ang galit nito sa ‘kon na para bang ang laki ng pagkakasala ko sa kanya. Kung sino man sya ay sana malaman ko kung anong dahilan no’ng galit nya.
Naramdaman kong unti-unting gumiginhawa ang pakiramdam ko at sa punto na ‘yon ay unti-unti akong nakatulog.
Nang magising ako kinabukasan ay nakaamoy ako ng kape at pagkain sa k’warto. Minulat ko ang mga mata ko at mula sa may veranda ko’y naro’n si Al at may sinisimsim na kape. Bumangon ako at saka sya pinuntahan at saka kuminang ang mga mata ko ng makita ang paborito kong fried rice with egg and hotdog.
“Good morning,” bati nito sa ‘kin.
Tumingin ako sa kanya at saka rin ako ngumiti. Hindi ako sanay na merong lalakeng bubungad sa may veranda ko’t kakain ng tinapay with coffee. Hindi rin ako sanay na babangon na merong naamoy na pagkain. Pansamantala kong nakalimutan ang inis ko sa kanya at saka ko hinawi ang buhok ko at umupo. Kinuha ko ang fries rice at saka ako kumain.
Namilog ang mata ko at nasarapan sa rice na hinain nya. Ganito kasarap ang fried rice na hinahanap kong panlasa. Even though na konti lang sya ay sulit parin ‘cuase it’s taste good. So far, he’s not bad at cooking naman.
“Hindi ko inaakala na magaling kang magluto,” puri ko sa kanya.
“Well, totally, natuto ako nyan dahil din sa iisang tao.” Nando’n ang ngiti pero naro’n din ang lungkot.
Naramdaman kong tila may kurot sa puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit parang ang sakit sa ‘kin na makita syang malungkot. Bumuntong hininga ako at saka kinuha ang kape at sumimsim nito.
“Kamusta naman ang exploring sa mundo namin?” usisa ko sa kanya at pag-iiba ko na rin ng topic.
“Hindi ko masasabing pangit pero... marami pala ditong bagay na hindi hawig sa mundo natin.”
Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya ang salitang ‘mundo natin’ parang nakakapanibago na sabihin nya ‘yon. Itong mundo na ‘to ang kinalikihan ko at itong mundo na ‘to ang naging mundo ko. Gano’n pa man, naalala ko ang panaginip ko tungkol sa sinasabi nilang Mystica. Ang mundo na ‘yon ay malapit ng mawala at nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi.