ANNA’S POV
Habang naglalakad ako papunta sa school ay hindi ko naman inaasahan ang biglang pagharurot ng motor at huminto ‘yon sa mismong harapan ko. Nang tignan ko kung sino ito ay si Roy pala. Hindi ko alam kung ano na naman ang sapak nito’t ako na naman ang kinukulit nya. Hindi na naman ako nito tatantanan. Hindi ko sya pinansin at akmang lalagpasan ko sana sya ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
“Babe naman.” Nakangusong sabi nito sa ‘kin na ikinakunot ko naman ng noo.
“A-anong babe?” nauutal kong sabi.
“Hahatid na kita,” prisinta nya.
Tinignan ko ang paligid kung may nakatingin na tao at nakita ko ang classmate ko na no’n ay tinatanaw kaming dalawa. “Tigilan mo ‘ko, Harvey!” inis na sabi ko saka ko hinatak ang kamay ko sa kanya. “Kaya ko mag-isa kaya p’wede ba tantanan mo muna ako ngayon kasi marami akong pino-problema.”
Tinalikuran ko sya pero bigla nya akong hinatak at sa hindi inaasahan ay natisod ako sa sarili kong paa at saka ako napahawak sa magkabilaang balikat nya at sa isang iglap lang din ay naglapat ang labi naming dalawa. Ang bilis ng t***k ng puso ko at hindi ako kaagad nakakilos.
Inalis nya ang pagkakadikit ng labi namin habang ako naman ay nanlaki pa rin ang mata at hindi makapaniwala sa nangyare ngayon-ngayon lang. Sya naman ay nakangiti at tila nagustuhan ang nangyare at saka nya hinawakan ang labi nya. Wala pa rin akong ma-react kung hindi ang gulat. It’s just happened right now? Bakit ganito ang nangyayare sa ‘kin?
“That’s what I called, good bye kiss,” he said while smiling.
Nilagay nya ang helmet nya saka sya umalis sa harapan ko. Nananatili pa rin ako sa pusisyon ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Sabihin nyong hindi ‘yon totoo at isa lang ‘yon sa mga imagination ko. Nagulat ako ng may biglang tumulak sa ‘kin at muntik pa akong masubsob.
“Ayy sorry HAHAHAHA.” Tawang sabi nito saka ako hinawakan.
“Muntik na akong masubsob b’wisit ka,” inis na sabi ko naman sa kanya.
“Busy masyado isip mo sa pag-iintindi ng nangyayare. Easy-han mo lang,” sabi nito na ikinakunot ko ng noo.
“Ano bang ginagawa mo dito!!!”
“Woah! Hoy! Classmate tayo, h’wag mo naman akong sigawan.” Nakangusong sabi nya at saka ko naman tinanaw si Roy na no’n ay malayo na.
Tinignan ko si Pat na no’n ay nakangiti sa ‘kin. Ang mga mata nito’y tinutukso ako at alam kong nakita nya ang kaninang nangyare. Umiwas ako ng tingin sa kanya at saka ako naunang maglakad. Hinabol nya ako at saka sya sumabay sa ‘kin. May pasok mamayang hapon si Sakura at makikipag-meet ako later sa café na tambayan naming dalawa. Nang makarating sa school ay naro’n ang mga babaeng nagsisipuntahan sa gym na ani mo’y may liga.
“Oo nga pala, kahapon ay may dayo na pumunta dito. Sabi nya ay mag-aaral din daw sya dito at ang course nya ay H.R.M,” k’wento ni Pat.
“H.R.M? Sino naman daw?” tanong ko sa kanya habang tinatanaw ang loob ng gym.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si prinsipe Al na no’n ay nagsho-shot ng bola at kasa nya si Lou na no’n ay seryoso at walang makita sa mga mata nya. Totoo nga ang sabi ni Sakura na balik sa dating gawi si Lou. Pero ang pinagtatakahan ko ay bakit naman kaya gano’n? Mukhang ok naman si Lou pero sa k’wento ni Sakura ay hindi.
“Si Al Astor Windsor!”
Nagulat ako sa sinabi nya at napalingon ako sa kanya. Ano naman kaya ang binabalak ni Al ngayon? Hindi kaya may nangyare no’ng nakaraan na hindi ko alam? Pumasok na kami ni Pat at saktong naro’n na ang professor namin. Hindi ko alam sa’n-sa’n na nililipad ang isip ko at naiinis akong naiisip ko parin ang labi ni Roy na dumampi sa labi ko kanina. Kahit naman na sabihin kong fiancé ko sya ay wala syang karapatan na magnakaw ng halik ‘no.
Habang nagdi-discuss ang professor namin ay biglang huminto ang oras. Napatingin ako sa labas at hindi ko inaasahan ang nangyayare.
Agad akong lumabas ng classroom at mula rito ay tanaw ko si Primo at Al. Naro’n din si Lou pero pinapanood lang ang dalawa. Ano bang nangyayare. Habang tinatanaw ko silang dalawa ay napatingin ako sa loob ng classroom. Napasinghap aoo ng bigla akong sugurin ng isang classmate ko at dahil do’n ay tumalsik ako hanggang sa makarating sa ibaba.
Sa pagkakatalsik ko ay tumama ang likod ko sa may pader at dahil do’n ay napaubo ako. “Anna!” narinig ko ang tawag ni Al.
Agad akong tumayo at saka tumingin do’n sa classmate ko. Hindi rin sya ordinaryong tao at ramdam ko ang itim na aura sa kanya. Hindi ‘to maari.
Agad akong naglabas ng espada ata saka ko sya sinugod. Hindi ako papayag na hindi ako makaganti dahil hindi ako basta-basta nagpapatalo. Sumugod din sya sa ‘kin at hindi ko rin inaasahan ang atake mula sa kabilang side. Tumalsik ako hanggang sa tumama ako sa puno. Sa lakas no’n ay bumakas ang katawan ko bago ako mahulog.
Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Lou at saka nya ako inalalayan na tumayo. “Ayos ka lang?” tanong nya.
“Mukha ba akong ayos?” inis na sabi ko at nanlaki ang mata ko ng makita ang mga itim na asong lobo.
“Mukhang mapapasabak tayo sa laban,” sabi nito at saka ko hinanda ang pana ko.
Naglabas ako ng pakpak at sila Al at Primo naman ay naglalaban. Nakakainis, marami akong gagawin at may kailangan pa akong review-hin. Pero dahil sa mga ‘to ay mai-istorbo ako. Pinana ko ang mga itim na lobo at nawawala sila sa kawalan na parang nga bula. Hindi ko inaasahan ‘to at masyado rin silang marami. Kung totoosin ay hindi ito ang inaasahan ko.
Habang nakikipaglaban ay naramdaman kong may aatake sa likuran ko at agad kong pinalitan ng espada ang pana ko. Nasangga ko ang espada nya at napangisi ako ng makita kung sino ‘to.
“Ikaw pala.” Nakangising sabi ko.
“Hindi ako papayag na hindi ako makaganti, Anna,” sabi naman nito at saka niya ako sinipa.
Agad naman na binukad ko ang pakpak ko upang hindi ako lumabapak at saka ko tinapat ang espada ko sa kanya.
“Wala kang kadala-dala ‘no?” inis na sabi ko.
“Hindi ko aakalin na sa mundong ito ay hindi lang pala si Sakura ang magiging suliranin ko kung hindi pati na rin kayo.” Nakangising sabi nito.
“Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo?”
“Hindi ko alam bakit pilit nyong pinagtatangol ang Sakura na ‘yon.”
“Hindi ko rin alam bakit ang laki ng galit mo sa kanya.”
Sumeryoso ang mukha nito at saka kami nagtagisan ng titigan. Hindi lang sya gano’n at basta-basta. Malamang ay may itim syang mahika kaya huhay pa sya hanggang ngayon. Tinapat nito ang palad nito sa ‘kin at saka ito naglabas ng kapangyarihan na agad ko ring iniwasan.
Pero sa pag-aakalang maiiwasan ko ‘yon ay hindi pala dahil sumunod ito sa ‘kin. Lumipad ako paitaas at sinundan rin ako nito. Napamura ako dahil do’n. Naririnig ko ang nakaka-demonyong tawa ni Lara at nakaisip ako ng paraan. Nag-teleport alo sa harapan nya saka nangilid ang labi ko. Saka ko hinawakan ang balikat nya at agad na hinarap sa kapangyarihan nya natatama sa kanya.
Nang tumama iyon sa kanya at saka ako lumupad paitaas. Tumalsik si Lara sa lakas no’n at kasabay no’n ay saktong tumama rin sya kay Primo. Ayan ng makarama mo ang kinababaliwan mong lalake na nababaliw rin kay Sakura. Bumababa ako at saka ako tumabi kay Al at tinignan ang paligid at naubos ang lahat ng asong lobo. Mag-isa itong kinalaban ni Lou at lumapit rin sya sa ‘min.
Napapagitnaan nila akong dalawa at saka naming tinignan si Lara at Primo na no’n ay parehong nakasalampak. Nagtinginan kami at saka nagtanguan. Inasikaso ni Lou ang dalawa habang ako naman ay inaayos ang gulo at binalik sa dati ang lahat. Matapos ‘yon ay bumalik ako sa classroom at saka naman binalik ni Al ang oras.
Nang matapos ang klase ay saka ko tinawagan si Sakura at pumunta ito sa cafe. Nang makarating sa café ay saktong dating nya at sabay kaming nag-order ng kape. Hindi talaga dapat pinapainom ng kape ang babaeng ito, e.
“You look tired?” puna ni Sakura.
“Waw english,” puna ko rin sa kanya.
“Tch, med’yo hindi maganda ang umaga ko.” Nakangusong sabi naman nya.
“Bakit naman?” tanong ko.
“Well, ito kasing si Al ay binadtrip ako.” Halata ang inis sa mukha nya.
Waw, mukhang nagawa munang sirain ni Al ang umaga ng best friend ko bago sya pumasok.
“May chika ako!”
“Ano?”
“Speaking of Al pala.”
“Ano?”
“Papasok na rin sya sa school natin.” Nanlaki ang mata nya at muntik pa akong bugahan ng kape.
“A-ano?” Gulat na tanong nya.
“Well, iyon ang malaking chika sa school. Balita ko rin ay same course din kayong dalawa.” Nakangiwing sabi ko at nakita ko kung paanong magkuyom ang parehong kamay ni Sakura.
Hindi ko alam kung anong past nya noon no’ng nasa Mystica pa sya. Pero ang sabi lang sa ‘kin ni Ina ay kailangan namin syang gabayan, bantayan at ilayo sa kapahamakan. Ano ba ang mero’n si Sakura? Bukod na sya si Mysty. Nang matapos ng ilang oras ay pumasok na si Sakura. Ako naman ay tumambay sa café at nag-iisip ng kung anong gagawin. Hindi ko nadala ang laptop ko.
Bumuntong hininga ako at saka ako tumingin sa labas. Nangunot ang noo ko ng makita ko si Roy na may babaeng kausap at hindi ako natutuwa sa nakikita ko. Nilalandi ng babae na ‘yon ang pagmamay-ari ko. Tumayo ako at kinuha ang bag ko saka ako lumabas ng café at pinuntahan sila.
“Anna,” banggit ni Roy sa pangalan ko at saka sya ngumiti at lumapit sa ‘kin. “Ah... pasensya na miss.” Inakbayan ako ni Roy na ikinagulat ko naman.
“Ano bang---”
“Baka hindi ka kasi matant’ya ng girlfriend ko’t masapak ka nya,” sabi nito habang magkadikit ang ngipin nya.
Tinignan ko ang babae na tila naiirita sa ‘kin. “Hindi ‘yon p’wede! Hindi naman maganda girlfriend mo, e. Ako nalang!!!” Nakangusong sabi ng babae na ikinalaki ng mata ko.
Tinignan ko si Roy na may pangigigil at nakita ko kung paano syang natakot sa ‘kin. “Hindi pala maganda?” Sarkastikong sabi ko.
“A-ah... maganda sya para sa ‘kin,” agad na sabi nito na ikinasama lalo ng mukha ng babae.
“Hoy, anong gamit mo’t ganyan kakapal ang kalandian mo sa katawan? Can’t you see? He has a girlfriend at ako ‘yon.” Mataray na sabi ko.
“Tch, siguro ay ginayuma mo sya.”
Aba’t pinupuno talaga ako ng babaeng ‘to ah? Tumingin ako kay Roy at saka ko sya pinakitaan ng kamao ko. Humanda ka sa ‘kin mamaya.
“Ang lalake na ‘to ay may nagmamay-ari na. Kaya kung ano sa ‘yo, maghanap ka nalang ng iba.”
“E, ano naman? Kaya ko syang maagaw dahil maganda ako!” Pagmamalaki nya na syang ikinangilid ng labi ko.
“Payag ka sa gano’n? Ako original? Tapos ikaw ang kabet?”
“I swear! Pagsasawaan ka nyan!” inis na sabi nito sa ‘kin.
Tumingin ako kay Roy na no’n ay nakatingin lang sa ‘min ng babae. Tumalikod ang babae sa ‘kin at saka nagpapapadyak ng paa na umalis.
“Ayan ang babe ko,” puri ni Roy at masama ko syang tinignan.
Hindi ko sya pinansin at saka ako tumalikod sa kanya at iniwan sya do’n. Pero bigla syang pumunta sa harapan ko at saka ako pinasan na para bang isang sako.
“H-hoy! Ano ba!!!” inis na sigaw ko at napupumiglas pero may ginawa nya para hindi ako makapalag. “ROY! PUNYETA!” Galit na sigaw ko pero wa syang pakialam.
Sinakay ako nito sa motoro at saka nya ito pinaandar. Hindi na ako nakapalag sa ginawa nya at kahit anong gawin ko’y hindi na rin ako makakababa dahil umaarangkada na ang motor. Nakarating kami sa isang restaurant at saka nya ako inalalayan na bumaba. Nang pumasok kami sa loob ay nakayuko ang lahat sa ‘min na tila nagbibigay pugay. Nangunot ang noo ko at nagtataka at the same time.
Nang makarating sa spot ay saka nya ako inalalayan na umupo at sa isang iglap lang din ay nagbago ang suot ko. Paano naging royal dress na ang suot ko? Takang tanong ko sa isip ko. Tumingin ako sa kanya at nag-iba na rin ang suot nya. Kahit na naiinis ako’y isasantabi ko muna.
“Let’s have our first date.” Nakangiting sabi nya at nagbago ang lahat ng tema.