CHAPTER 8

2237 Words
SAKURA’S POV   Hindi ako magawang sagutin ni Anna at hindi nya alam paano itong uumpisahan. Gano’n pa man ay bumuntong hininga ako at saka ngumiti sa kanya. Binitawan ko na rin sya saka sya lumabas ng k’warto. Kahit naman ipilit ko kung totoo ang nangyare ay itatanggi lang nya ‘yon.   “Kuhaan mo nalang ako ng bagong pagkain o kaya naman pakisuyo kay yaya.” Nakangiting sabi ko.   Tumayo ako at pumunta ng banyo. Nawala na rin ang bakas ng dalawang kamay sa magkabilaang wrist ko pero naro’n ang iba pang bakas ng tali sa katawan ko. Hindi ko inaakala na magagawa sa ‘kin ‘yon ni Lara. Kahit pala anong tulong ko sa kanya basta galit sya sa ‘kin ay hindi nya ako kailan man ituturing na kaibigan. Nang matapos akong maligo ay naro’n na si Anna na may dalang pagkain.   “Nand’yan pa pala si Lou?” takang sabi nya.   Tumingin ako sa kanya at saka ako bumuntong hininga. “Hindi ko alam kung bakit dito sya tumutuloy kahit naman p’wede syang mag-dorm.” Nakangusong sabi ko.   Napangiwi naman si Anna at saka ibinigay ang pagkain sa ‘kin. “Wala naman sigurong masama kung dito sya tutuloy?”   “Masama para sa ‘kin.”   “Bakit?”   “Basta,” sagot ko nalang saka ako kumain.   Huling pag-uusap namin ay no’ng nakaraan. Kung bakit sya gano’n sa ‘kin ay hindi ko pa rin alam. Sya ang tipo ng taong hindi madaling basahin pero nakakairita. Nang matapos kumain ay bumaba kami ni Anna. Buti nalang at walang pasok ngayon. Nang makababa ay naro’n si Al at nanlaki ang mata ko dahil magkasana sila ni Zem. Paanong magkakilala ang dalawang ‘to? Takang tanong ko sa isip ko.   Pinanood namin sila na naglalaban gamit lamang ang kanilang pisikal na lakas. Hindi naman maipagkakailang malaki ang katawan nilang pareho. Itong si Al, med’yo may hawig sya kay Lee Min Ho. Iisipin kong sya ‘yon pero hindi. Si Zem naman ay si Gong Yoo. Grabe, nakakamangha ang lakas nila at super nakakabilib. Habang pinapanood namin sila ay napatingin naman ako sa may gate at naro’n ang taong kinamumuhian ko.   “Anong ginagawa nya dito?” takang tanong ko.   Napalingon sa ‘kin si Anna at saka nangunot ang noo. “Sino?” takang tanong nya sa ‘kin.   “Si Primo nasa labas ng gate,” sabi ko saka itinuro ang gate.   “Waw? Susuyuin ka ba nya?”   “Tatawagan ko ang security.” Tumayo ako at pumasok sa loob saka tinawagan ang security.   “Yes po ma’am,” sagot nito sa kabilang linya.   “Iyong lalake sa gate, paki sabi na umalis na sya, kung hindi ay tatawag ako ng pulis,” sabi ko saka binaba ang telepono.   “Ang sama,” sabi ni Anna at lumingon ako sa kanya.   “Hindi ko alam bakit pilit nya akong ginugulo. Dahil sa kanya kaya ako muntik mamatay. Lalo na si Lara,” seryosong sabi ko.   Hindi na nakapagsalita si Anna sa sinabi ko saka ako tumalikod sa kanya at pumunta sa k’warto. Magre-review nalang siguro muna ako ngayon para naman hindi ako ma-boring. Wala naman akong ibang ginagawa sa mansion at wala si mommy ngayon. Siguro ay inasikaso nya ang business ngayon. Si daddy hindi ko na ulit makita simula ng nandito si Lou.   Masaya akong nakikita ko ang mga ibon na lumilipad. Nabaling do’n ang atensyon ko at pumunta ako sa may veranda. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko pa nakikita si Dark mula kagabi. Kaya naman naisipan kong hanapin ang itim na pusa’ng ‘yon. Nang makababa ako ay saka ko napansin na wala na pala si Anna. Siguro ay umuwi na sya. Pumunta ako sa garden at saka hinanap si Dark. Minsan talaga ito ang tambayan ng pusa na ‘yon, e.   Nang makarating ako sa garden ay naro’n pala ang taong hindi ko inaasahan. “Al,” banggit ko sa pangalan nito.   “Oh? Narito ka.” Nakangiting sabi nya sa ‘kin.   Inaasahan nya bang nandito ako? Takang tanong ko sa isipan ko. “A-anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.   “Mahilig ako sa halaman, isa pa ay may nakita ako dito.” Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.   Sinenyasan nya akong lumapit sa kanya na sinunod ko naman. Tinignan ko ang nakita nya at nanlaki ang mata ko kung ano ‘yon. Pero namutawi ang ngiti ko dahil sa ang cute nito.   “K-kuneho,” hindi makapaniwalang sabi ko.   Wala akong naging alaga na ganito dahil nag-iisa lang ang alaga ko. Si Dark lang at kahit minsan ay hindi ko rin naranasan ang mag-alaga ng aso. Gustuhin ko man ay hindi p’wede dahil allergy ako sa aso. Kaya naman tanging nag-iisa pusa lang ang nasa bahay. Binigay nya ito sa ‘kin at ingat na ingat ko naman itong hinawakan. Ang lambot nito na parang isang unan at sobrang sarap hawakan.   “Sobrang sarap nyang hawakan.” Nakangiting sabi ko habang hawak ito.   “Hindi ko alam na magugustuhan mo ‘yan. Dahil wala rin akong ibang makitang alaga mo dito kung hindi ang pusa,” tila nag-aalinlangang sabi nya.   Totoo naman iyon pero wala naman akong choice dahil si Dark palang alaga ko’y napapabayaan ko na. Ano pa kaya kung mag-aalaga ako ng isa pa. Habang hawak ko ito’y narito pala si Dark at nakaupo na sya ngayon at katabi ko pa. Habang dinidilaan ang balahibo nya.   “Buti na lang at hindi palaaway si Dark.” Nakangiting sabi ko.   Hindi ko maalis sa ‘kin ang hawak kong kuneho. Habang hawak ko sya ay tumabi naman din sa ‘kin si Al. “Ang ganda mo naman pala kapag nakangiti ka, e.” Bigla naman akong nagulat sa kanya.   Nang sabihin nya ‘yon ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Feeling ko ay hinabol ako ng isang daang leon pero ang totoo ay para akong kinakapos ng hininga. Pero bumalik agad ako sa reyalidad at saka ngumiti rin sa kanya.   “Hindi ka naman pala masama katulad ng ini-imagine ko.”   “Oh, akala ko nga ay masungit ka,” sabi nito.   “Mukha lang akong masungit pero hindi.”   “Pansin ko nga.”   Nagk’wentuhan kaming dalawa tungol sa pag-aalaga ng hayop. Sabi nya ay isang malaking respinsibilidad iyon. Dahil ikaw ang magtatayong magulang ng alaga mo. Papakainin mo, bibigyan ng marangyang buhay na malayo sa kapahamakan. Madali ko lang syang makapalagayan ng loob. Matapos ng pag-uusap namin na ‘yon ay umakyat na ako para makapagpahinga. Nagpahatid ako ng dinner kay yaya dahil wala rin naman akong makakasalo bukod sa hangin. Dahil ngayon ay balik sa dating gawi si Lou.   Lumipas ang ilang araw ay wala na rin akong nakikitang Lara sa school. Ito ay marahil na rin sa nangyare no’ng nakaraan. Sana ay nakulong sya sa ginawa nya at pagbayaran nya ‘yon ng mas malaki. Pero naro’n ang awa ko sa kanya. Habang naglalakad ay may biglang nagktakip ng bibig ko at saka ako hinila sa isang eskinita sa hindi kalayuan sa school. Nang tanggalin nya ‘yon at harapin ko kung sino ito ay nanlaki ang mata ko ng makita si Primo.   “Hindi mo ‘ko maiiwasan, Sakura,” seryosong sabi nito.   “Ano bang ginagawa mo?” bulong na tanong ko.   Hinawakan nito ang kamay ko ng mahigpit saka ako kinaladkad. “Ngayon ay hindi kana tatakas!”   “Primo!”   “Hindi mo na ako tatakasan at iiwasan pa, Sakura.” Bakas sa tono nya ang galit at the same time ay ang inis.   “Sinabi ko na sa ‘yo, hindi na p’wede!” Hinatak ko ang kamay ko saka sya napahinto.   Hindi ito ang Primo na kikala ko. Nakakapanibago sya at natatakot ako. “Ang nangyare noon ay hindi totoo, sinabi ko lang ‘yon para mag kunwari!”   “Wala na akong pakialam tungkol sa bagay na ‘yon. Kaya tantanan mo na ‘ko!” galit na sigaw ko sa kanya.   Pero imbis na makinig ay bigla nitong hinawakan ang kamay ko saka nya ako hinatak. Napahawak ako sa dibdib nya saka ako napatingin sa mga mata nya. Iba ito sa nakikita ko. Natatakot na ako sa totoo lang. Tumingin ako sa paligid at wala akong makitang tao. Kaming dalawa lang ang nandito at wala ng iba. Napakuyom ang ng kamay ko saka ko sya malakas na tinulak.   “Inaamin kong minahal kita noon,” sabi ko saka ako tumingin sa kanya. “Pero noon ‘yon. Marami akong bagay na napagtanto ng mawala ka. Dahil do’n natanong ko sa sarili ko kung mahal nga ba kita o dahil naghahanap lang din ako ng attention na hindi ko makuha sa iba.”   Sa punto na ‘yon ay natahimik sya at hindi nya alam ang sasabihin nya. Tumalikod ako sa kanya at saka ako naglakad paalis. Pero hindi ko rin inaasahan ang biglang paglitaw ni Lou sa harapan ko. Walang buhay ang mga mata nya at ang itim ng aura nya. Bigla ako nitong hinatak at nilagay sa likuran nya na para bang pinagtatanggol ako nito mula kay Primo.   “Tsk, itong pinsan mo ay pilit na pumapasok sa pagitan nating dalawa. Iisipin ko tuloy na hindi mo sya pinsan,” sarkastikong sabi ni Primo na ikinakunot ko ng noo.   “Lou,” tawag ko dito pero parang hindi naman nya ako naririnig.   “Mauna ka nang umuwi nand’yan ang kotse at si Zem,” sabi nito na walang lingon-lingon sa ‘kin.   Hindi na ako umangal at saka ako pumunta sa kinaroroonan ni Zem. Hindi rin ito nagsalita saka kami umalis. Pero bago ‘yon ay nakarinig ako ng kakaibang ingay. Hindi ko na nakita pa ang nangyare dahil nakalagpas na kami do’n. Nang makarating sa mansion ay nando’n si daddy at mommy na kumakain sa dining area. Nakisalo ako sa kanila at ngayon ko na lang ulit sila nakita matapos ang isang linggo. Si Daddy naman ay makaraan ang isang b’wan.   “Kamusta ang prinsesa ko?” tanong ni Daddy.   “Med’yo ok naman po,” sagot ko ng nakangiwi.   “Medyo? Ok? What do you mean by that?” takang tanong ni Daddy.   “Medyo busy lang sa studies dad,” sabi ko saka ako ngumiti at uminom ng tubig.   Hindi na rin ako kunuwestyon ni daddy at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ang hapunan ay umak’yat na ako para magpahinga. Mula sa veranda ay nakita ko ang kinang ng bituin at kitang-kita ko ang liwanag ng b’wan. Sobrang nakakamangha at sobra akong nae-engganyo. Kaya naman itinaas ko ang kamay ko na para bang inaabot ito.   “Ang hirap nyo abutin. Pero ang sarap nyong tanawin.” Nakangiting saad ko habang nakaangat ang kamay ko.   Habang ginagawa ko ‘yon ay parang may narinig ako na hindi ko maintindihan. Tila may humihingi ng tulong at hindi ko alam sa’n ‘yon nang gagaling. Tinignan ko ang paligid pero walang ibang tao bukod sa ‘kin.   “Tulong.”   Napalingon ako nang marinig iyon mismo sa tainga ko. “S-sino ‘yan!”   “Mamatay kana.”   Napasinghap ako ng marinig ko ang tinig ng isang familiar na boses. Nang lingunin ko ito’y ang bata ang nakakita ko. Bigla nya akong hinawakan sa leeg at nakangisi ito sa ‘kin. Sa pagkakaharak nya ay iisipin kong hindi ito bata dahil hindi sya oangkaraniwan. Ang lakas nya at hindi ko kayang alisin ang kamay nya sa pagkakasakal sa ‘kin.   “Hindi kana dapat pang nabuhay, Mysty.” Matalim ang tingin nito sa ‘kin.   Napapikit ko ng mariin at nararamdaman kong kakapusin na ako ng hininga. Aya naman ipinikit ko ang mga mata ko saka ako humingi ng tulong sa isipan ko. Maya-maya ay nawala na ang kamay na kanina ay sumasakal sa ‘kin. Unti-unti kong iminulat ang mata ko saka ako tumingin sa paligid.   “Meow.” Napatingin ako sa nag-meow at nakita ko si Dark.   Agad kinuha ito saka ko sya niyakap. Unti-unting pumatak ang luha ko at tuluyang naiyak sa nangyare. Sobra akong natakot at ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at wala akong ibang magawa kung hindi ang ipaubaya ang sarili ko sa kung anong mangyayare. Naramdaman ko ang kamay na tila yumayakap sa ‘kin at paglingon ko ay si Al pala ‘yon. Binitawan ko si Dark saka ako yumakap kay Al.   “Shhh.” Pagpapatahan nya sa ‘kin.   Naguguluhan na ako sa nangyayare. Marami ng bagay na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi. Lalo na ang bata no’n sa park at ang sinasabi nyang alaala. Si Anna at Lara na may hindi kapanipaniwalang kapangyarihan at ang pagdating ni Al. Wala na akong ibang iniisip kung hindi sino sila? Sa’n sila nagmula? Lalo na may bagay rin akong pinagtatakahan. Ang kapangyarihan na lumalabas sa palad ko.   Binuhat ako ni Al at saka nya ako inihiga sa kama. Hindi ko sya pinaalis hangga’t hindi ako nakakatulog. Hindi rin naman sya umangal at saka sinara ang veranda at tumabi sa ‘kin. Hinimas-himas nya ang buhok ko at unti-unti kong naipikit ang mga mata ko dahil do’n. Masarap sa pakirandam at para akong hineheme. Tuluyan na akong nakatulog dahil do’n at habang katabi si Al na kahit hindi ko gaanong kilala. Sobrang komportable ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD