ANNA’S POV
Hindi ko alam kung bakit parang nag-iba ang pakiramdam ko. Agad akong umalis ng palasyo at saka bumalik sa Mystica. Hinanap ko kaagad si Mysty na no’n ay wala sa k’warto nya.
“Nasa’n sya?” Nagpapanik kong tanong.
“A-ano ‘yon?” bungad ni Tita sa ‘kin.
“E-eh kasi---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may biglang sumabog mula sa hindi kalayuan.
Agad na nag-teleport kami sa taas ng palasyo at mula rito’y nando’n sila Al, Zem, Liou at Dark. Agad akong naglabas ng pakpak ko saka ko tinignan kung sinong nandoon. Nanlaki ang mata ko ng makita ang parehong tao at parehong mukha. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Wala naman akong maalala na may kambal si Sakura. Sinubukan ko itong lapitan pero tumalsik ako. Agad akong bumangon at saka ako lumipad ulit. Naro’n na rin si Roy na nakakunot ang noo. Mas lalong lumalaki ang bilog na ito at tila mas lumalakas ang kapangyarihan na nagmumula ro’n.
“Ano bang nangyayare? Bakit may dalawang Mysty d’yan?” nag-aalalang tanong ko.
“Hindi namin alam,” sagot naman ni Lou.
Hindi namin alam ang gagawin namin at hindi namin alam ang maaring mangyare. Bakit naman kasi may dalawang Mysty mula rito sa bilog na ‘to. Nagkaharap ang dalawa na ito at parehong wala silang malay. Hindi ko alam kung sino si Sakura at sino ang totoong Mysty. Pero dahil dalawa sila ay pareho silang si Mysty. Magkatapat ang parehong palad nila na tila may kung anong binubuo.
Ang sabi nila no’n sa ‘kin ay biglang nawala si Mysty kaya binuo nito ang bilog na nandito. At mula sa mundo ng mga tao ay nabuhay si Mysty mula sa katauhan ni Sakura. Pero sino ang isa dito na nandito at nasa loob ng bilog para pangalagaan ang Mystica? Sobra akong naguguluhan at sobra akong nalilito. Ang mga nangyayare ngayon ay nagiging komplekado.
Hindi pa alam ni Sakura paanong gagamitin ng maayos ang kanyang kapangyarihan. Biglang nagkaroon muli ng buhay ang buong paligid na syang ikinamangha namin. Mula sa maputla nitong kukay ay mas naging makulay pa ito at mas gumanda. Ang mga puno, halaman at bulaklak ay biglang tumingkad at mas lalong namunga ang iba pa. Ang barrier ay mas lalong kumapal at mas lalong naging mas matibay pa.
“Woah?” hindi makapaniwalang usal ko.
Ngayon lang ito mas nabigyan ng kulay at lumiwanag at mas lalo pang gumanda kesa noong una. Ang mga tao ay nagulat din sa nangyare at tumingala sila sa kung nasa’n kami. Tumingin ako kay Sakura at nanlaki ang mata ko ng isa nalang ito. Napatakip ako ng bibig ko at unti-unting nawala ang liwanag kasabay no’n ay ang unti-unti nitong pagkahulog.
“AL!!!” sigaw ko dahilan para mapabaling sya ng tingin sa ‘kin at saka nito tinignan ang nahuhulog na si Mysty.
Agad syang nagteleport sa p’westo ni Sakura at saka niya ito sinalo. Ako naman ay ginawan sya ng kasuotan upang hindi malantad ang kanyang katawan. Nang magawa namin ‘yon bumaba na kami.
“Hindi ko alam para sa’n ‘yon pero tingin ko ay may paliwanag naman,” sabi ko.
“Dalawang Mysty ang nakita natin kanina. Paanong nangyare ‘yon?” takang tanong ni Lou.
“Hindi ko rin alam. Sa tingin ko’y may kinalaman din ‘yon mula ng mawala si Mysty no’ng una,” sabi naman ni Zem.
“Hoy Dark! Hindi ba’t ikaw ang tagapangalaga ni Mysty?” sabi ko naman.
“Ako nga, pero hindi ibig sabihin ay hawak ko kung anong nasa utak nya at kapalaran nya,” sabi naman nito.
Lumapit si tita kay Sakura na no’n ay walang malay. “Mabuti ay dalhin na natin sya sa silid nya,” sabi naman ni tita na sinang-ayunan namin.
Nang makarating kami sa k’warto ni Sakura ay inihiga na ito ni Al. I didn’t expect that. Umupo ako at napaisip sa mga nangyayare. Maraming bagay ang gumugulo na naman sa isip ko. Ang Mysty na kilala nila noon ay iba sa Mysty ngayon na nasa katawan ni Sakura. As of now base on what they said about Mysty by the past, ibang-iba ‘yon sa nangyayare ngayon.
“We need to talk about this.” Napatingin kami kay tito na no’n ay kapapasok lang.
“What do you mean by that?”
“Ang nangyare kanina’y hindi inaasahan,” seryosong saad nito.
Lumapit sya sa gawi ni Mysty at tinignan lang namin sya. Hinawi nya ang buhok ng anak at saka tumingin sa amin isa-isa.
“We need to know what happened. Lalo na ang nangyare noong una ng mawala si Mysty.” Nagkatinginan kaming lahat at saka tumango.
Pinatawag ng hari ang kahat ng hari na nakapalibot sa Mystica pati na rin ang iba pang reyna at prinsesa at prinsipe. Ang Mystica ay napapalibutan ng iba’t-ibang kaharian at ang Mystica rin ang kanilang pinakukunab ng lakas at kapangyarihan ng kanilang mga pamumuhay at barrier sa kanya-kanyang kaharian. Kaya kung sakaling mawala ang Mystyca ay mawawala rin ang mga ito.
Umupo si tito sa gitna habang kami naman ay nakaharap sa kanila. “Ang kanina’y nabigla rin kami. Hindi namin inaasahan na muling maibabalik ang buhay ang mga bawat halaman, bulaklak at iba pa lalo na ang ating mga pananggalang,” sabi ng isang hari mula sa Myty.
“Ngunit ang pinagtatakahan lang namin ay bakit kayo nagpatawag ng ganitong pagpupulong?” takang tanong ng isa pang hari.
Huminga ito ng malalim at saka pinakita ang nangyare kanina. Mula ro’n ay nagtaka sila at nabubulungan sa kung anong nangyare bakit may dalawang Mysty mula ro’n. Nangunot ang noo ko at saka nakita kung bakit tila nagiging isa sila mula ro’n sa loob ng bilog na puti. Ngayon ko lang napagtanto at mas lalo pa akong napaisip. Namutawi ang bulong-bulungan at kahit kami ay naguguluhan.
“Ba-bakit ganyan? B-buhay si Mysty?”
“Ito ang kailangan nating pag-usapan ngayon na kailangan nyo rin malaman,” saad nito.
“Kung ang prinsesa ng Mystica ay buhay... paanong may dalawang Mysty do’n?” takang tanong ng reyna.
Napakagat ako sa kuko ko at saka ako nag-isip. They both have same face, same smile, same voice but, they have opposite personality. Hindi kaya ang Mysty na akala nila’y wala na ay isa sa Mysty na naro’n kanina? Si Sakura ay may mahaba at itim na buhok. May k’wntas ng kalahating araw at kalahating b’wan. May tatak sa kanang gitnang daliri na b’wan.
Sa pag-iisip ko ay napatayo ako dahilan para mapatingin sila sa ‘kin. Ang isang Mysty ay mahaba rin ang buhok. Meron ding k’wntas ng araw at b’wan at merong tatak ng araw sa kaliwang gitnang daliri. Nangunot ang noo nila Roy, Lou, Dark, Al, Zem, tito at tita.
“Kilala ko ang totong Sakura sa dalawang Mysty na naro’n kanina,” sabi ko.
“Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ni Al sa ‘kin.
“Ang Sakura na kilala ko ay may tatak ng b’wan sa may kanang gitnang daliri. Habang ang totoong Mysty naman ay may tatak ng araw sa kaliwang gitnang daliri ng araw.”
Lahat sila ay nagtaka sa sinabi ko pero agad na na-gets ni tita ang ibig kong sabihin. “Tama si Anna,” sabi nito. “Kilala ko ang anak ko,” dugtong pa nito.
“Ibig sabihin ay kalahati ng pagkatao ni Mysty si Sakura?” saad ni Lou.
“Maybe,” sagot ko.
Hindi ako maaring magkamali dahil kilala ko ang kaibigan ko. “Ibig sabihin ay totoong buhay pa rin ang dating Mysty?”
Namutawi na naman ang bulungan at saka ako umalis ro’n para puntahan si Sakura. Hindi ko alam kung tama ako sa hinala ko dahil una sa lahat ay hinala ko lang ‘yon. If I’m not mistaken lang naman kasi pansin ko ‘yon kanina habang pinagmamasdan ko silang dalawa.
MYSTY’S POV
Nandito na naman ako sa kawalan. Mula sa harapan ko ay naro’n ang nakakaakit na liwanag ng araw at b’wan. Naging isa na ito ngayon na parang solar eclipse. Sa palibot nito’y mas nagningning ang mga bituin at mas lalo pa itong gumanda. Tinignan ko ang kamay ko at mula sa kanan ay naro’n ang tatak ng b’wan at sa kaliwa naman ay ang araw.
“Nakabalik na ako.” Nakangiting sabi ko.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit tila may nawala sa ‘kin. Ano nga ba ‘yon? Ano ang tila kulang sa ‘kin?
**********
Nagising ako na may nakahawak sa kamay ko. Nang makita ko kung sino ito ay nakita ko ang mukha ni Anna. Bumangon ako at saka napahawak sa ulo ko at napapikit ng mariin. Wala parin pinagbago ang silid ko at ito pa rin ang kinagisnan ko noong una.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong nito sa ‘kin.
“Better,” sabi ko naman at saka ngumiti sa kanya.
“Ikaw ba si Sakura o si Mysty na?” tanong nya ulit.
“Mysty?” sagot ko ng patanong.
“Ayy nako! Naloka ako sa sagot mo.”
Natawa ako sa kanya at saka nagsalita ulit. “Mysty.”
Napatakip sya sa bibig nya at nanlaki ang mata nya. Hindi ko alam kung dahil ba ako si Mysty o baka dahil wala ng Sakura. O baka naman none of the above? Bumuntong hininga ako sa kanya at saka ako tumayo at saka lumabas ng k’warto. Para akong muling isinilang matapos ang daang taon. Gano’n pa man ay na-miss ko ang buong Mystica.
“Uy! Sakura!” Napahinto ako at napatingin sa kanya. “Oh! Ikaw pa rin si Sakura!!!” excited na sabi nya at saka ako niyakap at niyakap ko rin sya.
“Hindi nawawala ang Sakura. Kahit na ako si Mysty, ako pa rin si Sakura. Lahat ng alaala ni Sakura ay alaala ko rin.” Nakangiting saad ko.
“Hmm!!! Kasi nakakaiyak ka! Ano ba, pero may naalala ka na ba no’ng nawala ka?” tanong nito na ikinakunot ko ng noo.
Nang mawala ako? Napaisip ako at saka tumingin sa buong paligid. Wala akong naaalala tungkol sa kung bakit ako nawala at kung bakit ako nasa gitna ng puting bilog na ‘yon. Ang huling naaalala ko’y may ginawa ako at bukod do’n ay wala na. Pati na rin ang batang nakita ko. Ngunit sino naman sya? Umiling ako sa kanya ay nagtaka naman sya. Ang tanging nasa alaala ko’y alaala ko no’ng ako pa si Sakura. Sa pagiging si Mysty naman ay ang mga magagandang alaala lang kasama sila mommy at daddy. I didn’t know na kung anong next.
Mula sa harapan namin ay bumulaga ang mukha ni Al na sobrang lapit sa ‘kin at napa-atras ako dahil do’n. Tinapat ko ang kamay ko sa kanya at binato ito ng kapangyarihan. Tumalsik ito sa ginawa ko at saka naman bumungad si kuya Zem. Ngumiti ako at saka ko sya niyakap.
“Kuya!” Masayang sabi ko.
“Buti naman at nakabalik kana,” saad naman nya habang yakap ako.
“Natutuwa akong makita ka ulit.” Nakangiting sabi ko.
“Mas masaya ako.”
Katulad ng dati ay g’wapo parin ang kuya ko. Sya parin ang g’wapong lalake na nakilala ko. Mula sa likuran nya ay naro’n si Lou. Ngumiti ako sa kanya at nilapitan ko sya. “Yow! Musta.”
“Tsh eto, g’wapo pa rin.”
“Ano ba! Ang yabang pa rin.” Natatawang sabi ko.
Sa may pinto naman ay naro’n sila mommy at daddy at agad akong tumakbo papunta sa kanila para yakapin sila. Hindi ko alam kung ilang daang taon ako nawala pero na-miss ko sila ng sobra. Masaya akong nakabalik na ako at masaya ako dahil narito na ulit ko sa mundong pinangangalagaan at pinakamamahal ko.
“Welcome home,” sabi ni mommy at unti-unting namutawi ang luha ko.
“I missed you,” I said.
“We miss you too,” sabi naman ni daddy.
Humiwalay ako ng yakap at saka sila tinginan. Hindi nagbabago ang mukha nila same parin no’ng nawala ako. Tuluyan ng pumatak ang luha ko at muli ko na naman silang niyakap. Nang maka-recover si Al sa pagkabato ko ng kapangyarihan sa kanya ay nakatayo sya ngayon sa may pinto. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya na hindi ko alam kung bakit parang maraming alaala ang hindi bumalik sa ‘kin. Ano bang nangyayare?
“Babe naman bakit mo ginawa ‘yon.” Nakangusong sabi nito na ikinakunot ko ng noo.
“B-babe?” hindi makapaniwalang sabi ko.
“Hindi mo pa rin ba alam kung ano kayo ni Al?” tanong ni kuya Zem.
“Bakit ano bang mero’n kami?” tanong ko.
“Hindi ba’t sinabi na namin na kayo?” Mommy said.
Tumingin ako kay Al na no’n ay nakikitaan ko ng lungkot sa mga mata kahit na nakangiti sya. Tila naman may kumirot sa puso ko ng makita ko ‘yon pero hindi ko alam bakit ganito. Nakabalik na ako’t lahat pero ang alaala ko sa kanya ay wala. Kahit ang iba kong alaala ay wala na rin. Mukhang may hindi tamang nangyayare at iyon ang kailangan kong alamin.