CHAPTER 7

2247 Words
SAKURA’S POV   Napapikit ako ng mariin dahil sa gagawin ni Lara sa ‘kin. Pero ilang sandali na ang lumipas ay wala akong naramdaman na kung anong tatama sa ‘kin. Nanginginig ang katawan ko at natatakot ako.   “Sakura!” Naimulat ko ang mata ko ng marinig ko ang tawag ni Anna. Agad nya akong niyakap at saka nya ako pinakawalan. “Shhh, ligtas kana,” sabi nito at pilit akong pinapatahan.   Napatingin ako sa mga mata nya na puno ng pag-aalala. Pero napatingin ako kay Lara na no’n ay parang hindi gumagalaw habang hawak ang espada. Ang pusisyon nya kanina’y pusisyon nya parin ngayon. Hindi ko maintindihan. Anong nangyayare kay Lara? Tumingin ako sa paligid at tila huminto ang oras pati na rin ang tao. Tumingin ako kay Anna at saka nya ako hinalakayan na tumayo.   “A-anong nangyayare?” nagtatakang tanong ko.   “Mamaya ko na ipapaliwanag. Kailangan nating makatakas dito,” sabi nito kaya naman nilakasan ko ang sarili ko’t saka tumayo.   “HINDI KA MAKAKATAKAS!” Nagulat ako ng makita si Lara sa harapan namin.   Agad na itinapat ni Anna ang kamay nya kay Lara at nanlaki ang mata ko ng may lumabas mula sa palad nya. Dahilan para tumalsik si Lara at saka nasira ang pader. Lumabas kami ng lumang building at nando’n ang lalakeng hindi ko kilala. Agad na pinuntahan nya kami saka ako inalalayan.   “Tignan mo nga naman ang pagkakataon.” Napalingon ako sa nagsalita at hindi ko parin alam anong totoong nangyayare.   Nakabangon si Lara mula sa pagkakatalsik nya at ngayon ay nasa harapan namin sya at malakas. May nakikita akong itim na aura mula sa paligid ng katawan nya at ramdam ko ang kakaibang enerhiya nya.   “Hindi ka na ba nakatiis at hindi mo na napigilan ang sarili mo?” sarkastikong sabi ni Anna.   “Tsk, alam mo ikaw ang balakid sa lahat ng plano ko. Hindi ko alam kung bakit pati dito ay nasundan mo ‘ko,” inis na sabi naman ni Lara.   “A-ano bang nangyayare? Ba-bakit may kapangyarihan ka Anna? A-ano ba ‘to?” naguguluhang tanong ko.   “Hindi na dapat pang nabuhay ang babae na ‘yan!”   “Alam nating dalawa na sa inyong dalawa ay ikaw ang hindi na dapat pang nabuhay.”   Wala akong maintindihan ‘ni isa. Biglang sinugod ni Lara si Anna at sa bilis no’n ay nawala ang lalake sa gilid ko at pumunta sa harapan ni Anna. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapasandal sa may motor at tinignan ang kamay ko na may bakas ng tali. Naro’n parin ang bakas ng kamay ng dalawang tao at naiinis ako kapag naaalala ko ‘yon.   Napalingon ako sa kinalalagyan nila Anna ng makarinig ako ng pagsabog. Pero sa hindi inaasahan ay may tatama sa ‘king liwanag at agad kong hinarang ang kamay ko. Napapikit ako ng mariin at saka hinintay na tumalsik ako pero walang nangyayare. Ininulat ko ang mata ko at napasinghap ako sa nakikita ko. Nakontra ng kakaibang liwanag ng palad ko ang tatama sa ‘kin. Hindi ko alam paanong nangyare ‘to pero sa punto na ‘yon sa gulat ko’y naialis ko ang kamay ko at tuluyang tumama ang liwanag na ‘yon sa ‘kin. Sa lakas no’n ay tumalsik ako hanggang sa makarating sa may puno.   “A-aah.” Inda ko.   Nagkaroon ako ng sugat at agad akong nilapitan ni Anna. “Sakura!”   “Hindi na ako natutuwa,” sabi ng lalake at saka nya sinugod si Lara.   May biglang pana ang lumabas mula sa palad nya at saka nya ‘yon tinutok kay Lara at mula rin sa palad nya ang palaso. Naguguluhan ako sobra at hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Nang mapakawalan ‘yon ng lalake ay saka nya kami nilapitan ni Anna at sa isang iglap ay nasa ibang lugar na kami. Napatingin ako sa paligid at nandito kami sa may labas ng mansion.   Napahawak ako sa ulo ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ko isi-sink in sa utak ko ang mga nangyare at paano kong paniniwalaan ang mga ‘yon. Tinignan ko ang kamay ko at saka ako tumingin sa kanilang dalawa. Maraming katanungan sa isip ko pero hindi ko magawang itanong dahil na rin sa takot ko. Nanginginig ang katawan ko at para akong kinakapos ng hininga. Gusto ko na muna magpahinga.   Narinig kong nag-door bell si Anna at saka lumabas do’n si Zem. Tinignan nya ako at saka nya ako binuhat papasok sa loob. Nang makarating sa loob ng mansion ay naro’n si mommy at agad din akong nilapitan.   “Sakura! A-anong nangyare? Ba-bakit marami syang sugat?” tanong ni mommy.   “K-kasi... t-tita kinidnap po si Sakura kanina,” sabi naman ni Anna at nagulat si mommy dahil sa sinabi nya.   “S-sino?”   “Kailangan na natin syang iak’yat,” sabi naman ni Zem saka napukaw sa ‘kin ang atensyon ni mommy.   Nang makarating sa k’warto at mailapag ako ni Zem ay saka tumalon sa kama si Dark at tumabi sa ‘kin. Feeling ko ay nag-aalala rin si Dark at nakita nya siguro ang kalagayan ko. Pero unti-unti kong naramdaman ang bigat ng talukap ng mata ko saka ako unti-unting nakatulog.         ANNA’S POV   Nang makatulog si Sakura ay saka tumalon si Dark at naging anyong tao sya. Itinapat nya ang kamay nya kay Sakura upang pagalingin ito. Nang natapos ‘yon at saka kami umalis at pumunta ng secret room para mag-usap.   “Hindi na ‘to maganda,” sabi ni Dark.   “Tingin ko ay unti-unti na ring nalalaman ni Sakura,” sabi naman ni Roy.   “Nasa’n na si Lou at Al?” takang tanong ni Zem.   Tumingin ako kay Roy na no’n ay umiwas ng tingin sa ‘kin. Tumingin ako kay Zem na nangunot ang noo at gano’n din si tita Suna. “Si Al?” takang banggit nito ng pangalan ni Al.   “Narito na rin si Al,” sabi ni Zem.   “Tama sya,” sabi naman ni Dark.   “Ano?” naguguluhang tanong ko.   “Bakit ngayon nyo lang sinabi?”   “Dahil kahapon lang namin nalaman,” sabi naman ni Zem at saka ito tumayo.   Unti-unti na silang nagpapakita at kalaunan ay si Sakura na ang pupuntiryahin nila. Malamang ay gagawa na sila ng paraan upang mawala si Sakura. Pero, nangangamba ako dahil sa pagkakataon na ‘to ay mahina pa si Sakura at wala pa syang alam sa totoong pagkatao nya. Na isa syang prinsesa at kinakailangan na nyang bumalik ng Mystica. Ngunit paano?   “Si Lara ay isa ring kalaban. Malamang ay isa rin sya sa sinugo ni---”   “Hindi,” agad kong sabi.   Tumingin sa ‘kin si Zem na nakakunot ang noo, “Anong ibig mong sabihin?”   “Si Primo ang dahilan kung bakit nya gustong patayin si Sakura. Pero si Primo din ang dahilan kung bakit nandito si Sakura.”   “Kung gano’n ay kailangan na pala natin maging handa,” sabi ni Roy at saka sya naglabas ng imahe sa harapan namin. “Ang Mystica ngayon ay kumukuha nalang ng lakas mula sa iniwan ni Mysty noon upang mapanatili pa rin ito. Ngunit sa pagkakataon na ito’y unti-unti na rin itong nanghihina at baka kalaunan ay ito na rin ang magiging dahilan upang mawala na ang Mystica,” paliwanag nya.   Maski ako’y napaisip na rin. Si tita Suna naman ay nangangamba para sa kanyang anak. Kung hindi pa namin maibabalik si Sakura sa kung ano talaga sya at hindi maibalik sa Mystica ay baka mawala na sa kinabibilangang dimensyon ang Mystica. Nang natapos ang pag-uusap ay saka kami naghiwa-hiwalay ng landas. Pumunta ako sa k’warto ni Sakura na no’n ay mahimbing na natutulog. Mula sa veranda ay nangunot ang noo ko ng may lalake ro’n. Tumayo ako at saka binuksan ang pinto at nakita ko si Al.   “Mysty.” Agad nitong nilapitan si Sakura at bakas sa mukha nya ang pag-aalala. “Hindi ako nakarating kaagad,” sabi nito habang hinihimas ang buhok ni Sakura.   “Hindi mo sinabing nakatuntong ka na rin pala dito,” sabi ko saka ako umupo sa kabilang side ng kama.   “Sa ngayon ay med’yo nahihirapan akong makibagay sa kung anong mero’n sila dito,” sabi naman nya saka hinarap ako. “Anong nangyare?” tanong nya.   “Hindi naging maganda ang tama sa kanya ng kapangyarihan na pinakawalan ni Lara. Pero ayos na sya ngayon dahil kay Dark,” sabi ko saka ako bumuntong hininga. “Kung hindi natin maibabalik agad si Sakura sa Mystica ay tuluyan na rin itong maglalaho,” dugtong ko pa at saka ako tumayo at lumapit sa kanya.   “Ngunit hindi pa natin iyon masasabi sa kanya dahil mas lalo syang maguguluhan.”   “Alam ko, bibigyan muna kita ng ibang sapat na kaalam para makapag-adjust kana.” Itinapat ko ang kamay ko sa ulo nya at saka binigay ang mga bagay-bagay na maari nyang magamit at magagamit. Nang sapat na ‘yon ay saka ako umalis at iniwan silang dalawa.   Ngayon ko lang napagtantong medyo napagod ako. B’wisit rin kasing Harvey Roy ‘yon. Walang ibang pinatutunguhan kung hindi ang katangahan. Sana ay hindi ko nalang sya nakita at sana ay hindi nalang kami nagkita. Nakakainis talagang tandahana. Nang makababa ako’y nagulat ako sa pagsulpot ni Roy sa harapan ko.   “Ano ba!” Inis na sabi ko. Ngumiti sya sa ‘kin at saka inilapit ang mukha nya kaya naman napalayo ako. “Kung hindi ka titigil ay sisiguraduhin kong hindi kana magkakalahi!” banta ko sa kanya. Pero imbis na matakot ay ngumiti pa sya lalo.   “Totoo ang sabi nila ang prinsesa ng water kingdom ay sad’yang maganda.” Nakangiting sabi nito sa ‘kin.   Nangunot ang noo ko sa sinabi nya at hindi ko alam kung kikiligin ako o dapat ko na syang sipain dahil nakakailang na sya. Nagteleport ako sa may labas ng mansion at naglakad pero nagteleport ito sa harapan ko at sa gulat ko’y napaatras ako.   “Alam ko kanina ka pa napipikon na ako sa ‘yo!” naiinis kong sabi.   “Hindi ka dapat ganyan sa ‘kin dahil fiancé mo na ako!” Nakangusong sabi nya    “Anong fiancé ang sinasabi mo? Abnormal ka ba!”   “Hindi, pero baliw ako.” Nakangiting sabi nya.   “Tsk, oo baliw ka---” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng putulin nya ito.   “Sa ‘yo,” seryosong sabi nya pero nakangiti parin.   Napahawak ako sa ulo ko at saka ako naglakad at sumonod naman sya sa ‘kin. Kung bakit naman kasi sa kanya pa ako na-engaged. Hindi ko nalang sya pinansin at saka ako nagpatuloy maglakad. Nang makauwi ako ay naro’n si mommy at nakangiti dahil nakasunod sa ‘kin si Roy. Habang ako naman ay nakasimangot. Iyong sinabi ko kay Sakura kanina ay peke. Pero ang totoo ay iyong nauna. Iyong pangalawa ay hindi. Eme ko lang ‘yon pero nanggigigil na talaga ako sa lalakeng ‘to.   Huminto ako at humarap sa kanya na syang ikinagulat nya. Si Mommy naman ay naghihintay ng kung anong gagawin ko. Nangilid ang labi ko at saka ko itinapat ang palad ko sa kanya at mula do’n ay lumabas ang water ball at saka sya tumalsik. Nagulat si mommy sa ginawa ko at tumagos sya sa pader kaya naman nahulog sya sa pool. Tuluyan na akong umak’yat para makapagpahinga na rin dahil sa nangyare.   Kinabukasan ng magising ako’y agad akong nag-asikaso. Umalis agad ako ng bahay saka ako pumunta kila Sakura. Nang makarating do’n ay agad akong dumeretso sa k’warto nya at saka ko sya dinamba ng yakap.   “WAAAA!!! Mabuti naman at nagising kana.” Humiwalay ako ng yakap at daka ko tinignan ang buong katawan nya. “A-ayos kana ba? May masakit pa ba? Ano? Anong nararamdaman mo?” sunod-sunod na tanong ko.   “Anna...”   “Hmm? Ano? Anong masakit? Sabihin mo.”   “Anna...” Nangunot ang noo ko sa pagtawag nya sa pangalan ko. Pero hindi ko naman inaasahan ang pagbatok nya sa ‘kin dahilan para masubsub ako. “Sira ulo.”   “Aray! Ano ba ‘yan, Sakura napapadalas na ang p*******t mo sa ‘kin.” Nakangusong sabi ko saka ako tumayo at kinuha ang upuan.   “Kung makayakap ka kasi para akong papatayin. Isa pa, iyong kinakain ko tignan mo ginawa mo.” Sabay turo do’n sa itlog na natapon sa sahig.   Napahawak ako sa bibig ko at nanlaki ang mata ko saka tumingin sa kanya. “A-alah, sorry,” sabi ko sabay peace sign.   “Abnormal ka talaga kahit na kailan, e.”   “Sorry na nga, gagawan nalang kita,” sabi ko saka ako tumayo pero hinawakan nya ang kamay ko.   Napahinto naman ako at saka ako tumingin sa kanya. Ang seryoso ng mukha nya ngayon at hindi katulad ng kanina. Gusto kong maiyak at gusto kong tumakbo. Nakakatakot ang aura ni Sakura na para bang papatay sya. Pero huminga ako ng malalim at saka ako ngumiti sa kanya.   “I-iyong nangyare kagabi...” umpisa nya. “T-totoo ba ‘yon?” tanong nya.   Hindi ko alam ang isasagot ko. Una sa lahat ay baka kung ano na ang gumulo sa kanya at natatakot ako sa pusibleng mangyare. Nakatingin sya sa mga mata ko at inaalam kung ano ang totoo. Namutawi ang katahimikan pero naghihintay sya ng kasagutan.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD