THIRD PERSON’S POV ***HUNDRED YEARS AGO*** Mula sa Mystica Academy masayang nagtuturo ang mga guro para mas palakasin ang kanilang mga estud’yante. Unang araw iyon para kay Mysty na prinsesa ng Mystica kingdom. Mula sa kanyang klase ay naro’n ang iba pang mga nanggaling sa kung saang kingdom at ang iba naman ay galing sa kanilang nasasakupan. Hindi nila binubukod ang mga mahihirap sa mga mayayaman. Lahat sila’y pantay-pantay at walang lamangan. Do’n din pumapasok sila Lou, Al, Roy, Primo, at Zem. Mula sa paligid habang nagmamasid si Mysty sa kanyang paaralan ay hindi nya maiwasan ang hindi mamangha. Kasama nya no’n ang kanyang kapatid upang ito rin ang kanyang maging gabay mula sa kanyang pag-uumpisa. Habang naglalakad sila sa academy ay hindi nya namalayan na may bumangga sa k