MYSTY’S POV Hindi ko inaakala na mero’ng ganitong lugar na wala sa Mystica. Mula sa labas ay aakalain mong ordinaryo lang ito pero pagdating sa loob ay mas mapapanganga ka. This is bigger than I thought. Hegante ba ang tumitira dito? Takang tanong ko sa sarili ko. “Ito ang kaharian at mundo ng mga dyos at dyosa,” paliwanag nya. “Wala akong dugong dyos o dyosa.” “Alam ko,” sagot naman nito ng nakangiti. “Oh, anong mero’n dito?” hindi sya nagsalita at naglakad lang. Sinundan ko sya hangang sa makapasok kami sa isang silid. Nakapalibot ang mga upuan na malalaki ngunit matataas. Maliwanag ang buong paligid na ani mo’y hindi nadudumihan. Ang astig talaga at hindi ko alam mas maganda ang loob. Lumitaw ang mga hindi ko kilalang tao na no’n ay nakaupo do’n. Nakapalibot