ANNA’S POV Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Hindi ko kilala ang babaeng nasa likuran ko at inaamin kong natatakot ako. Nakatingin lang ako kay Sakura na no’n ay tila iniinda ang sakit sa dibdib nya. Anong nangyayare sa kanya? “S-Sakura...” “Ano na Mysty? Mukhang may iniinda ka ah?” Nakangising sabi ng babae sa likuran ko. “S-sino ka!” “Ako?” “Tangina sino pa ba kausap ko,” minsan talaga ang sarap nyang bangasan. Hindi ko alam sa’n nya nakukuha ang lakas ng loob nya kahit na nakikita ko’y nahihirapan na sya. Sinubukan kong makaalis sa pagkakahawak sa ‘kin ng babaeng nasa likuran ko. Hinawakan ko ang kamay nya at saka ako umikot at saka ko sinipa ang mukha nya. Nang magawa ko ‘yon ay saka ako nagsumon ng pana pero sa hi