MYSTY’S POV Umalis ako sa palasyo ng hindi nagpapaalam sa kanila. Hindi rin alam ni Anna kung nasa’n ako o isa sa kanila. Gusto kong tignan ang kalagayan ng nakapalibot sa Mystica ngayon. After nito ay mag-eensayo ako. Napangiti ako ng makitang mas lalo pa itong nagtibay ngayon. Hindi na ako mangangamba. “Mukhang nakabalik ka na nga.” Nawala ang ngiti ko at saka nilingon ang nagsalita. Lumingon ako at napangisi nang makita ko ang mukha ni Lara. Nandito na rin sya ngayon sa mundo ko at hanggang ngayon ay hindi parin nya ako tinitigilan. “Bilib din talaga ako sa lakas ng loob mong pumunta dito ‘no?” sarkastikong sabi ko. Nangunot ang noo nya sa inasal ko at tila hindi makapaniwala sa nakikita nyang ako. Ang kalahati ng pagkatao ko ay masyadong soft at mabait. Kaya palagi