Napatitig ako sa nag-aalalang mukha ni Hugo, ilang sandaling naghinang ang aming nga tingin. Akmang itutulak ko na siya nang bigla akong dakmain ni Cherry. "You b***h," bulalas nito sabay hila sa aking buhok. "Sh*t!" inis kong turan, sinagad na ni Cherry ang aking pasensiya. I know, I promised dad as much as possible I need to avoid having quarrel with her. Isang malakas na sapok ang ginawa ko rito bagay na hindi napaghandaan ni Hugo kaya hindi niya ito naagapan, maging ang bodyguard nito at tanging nagawa na lamang ay mabilis na inalalayan ang pabagsak na si Cherry. May konting kumosyon dahil sa nangyari. "Hey, Kath, finally I see you," palatak ni Kenneth na ngayon lang ako nakita matapos kong sumama kay Wendice na kaibigan pala ng malditang si Cherry. Saktong hinawakan ni Kenneth a