Nag-aapoy na ang aking pakiramdan at hindi na mapigilan ang nagpupuyos kong damdamin. Para akong lalagnatin sa init na tumutupok sa aking katinuan. "Oh, Hugo, na-miss ko ang halik mo. Please, akin ka lang, sa 'kin ka lang," nagsusumamong tinig ko. Panay ang sibasib ni Hugo sa aking labi, kasabay ng hindi magkandatuto nitong palad na humahaplos sa buo kong katawan. Nang gumapang ang nag-aalab na palad nito sa 'king hita ay halos manlambot ang aking mga tuhod. Ikinalawit ko ang aking braso sa leeg nito upang hindi ako tuluyang mabuwal, niyakap ko siya nang mahigpit para makakuha ng konting lakas o suporta upang hindi malaglag sa aming kinatatayuan. "Hugo," anas ko na tila ba tumututol sa nais nitong gawin nang maramdaman ko ang paggapang ng palad nito pataas sa aking hita. Tila natutuyo