Chapter 9: The Raped Plan

1715 Words
Kinabahan ako nang makita ko ang nakangising mukha ni Cherry sa grupo ng kababaehan na pupuntahan namin ni Wendice. "Hey, wait, I think it's not—" putol na tutol ko sana nang idiin nito ang pagkakahawak sa 'king braso. "Just keep moving," anito. Papalag pa lamang sana ako nang marinig ko ang tinig ni Cherry. "O, kilala mo pala siya Wendice, don't you know na step-sister ko siya," palatak ni Cherry, sa buka pa lamang ng bibig nito ay alam ko nang may binabalak itong hindi maganda. "Oh really, wow, what a coincidence," wika naman ng babae ngunit kitang-kita ko ang malalagkit na titigan nila ni Cherry. "Oh yeah, siya lang naman ang bastardang anak ni papa at feeling niya ay ka-level na natin siya dahil dito siya ipinasok ni papa at binigyan pa ng bodyguard," patuloy na pamamahiya ni Cherry sa 'kin. "Stop saying that, ikaw ang bastarda," galit kong tugon na kinatawa pa nang malakas ni Cherry. "What? Ako ang bastarda, the nerve, ako pa ngayon ang bastarda?" maang nitong wika dahilan upang magpigil na magtawanan ang mga kasama nito. "Ano ba talagang gusto mo? Ipahiya ako, fine, nagawa mo na, masaya ka na ba?" galit na wika ko kay Cherry nang matiim na tumingin sa 'kin. "Nope, not yet, dahil sa 'yo ay nahahati ang atensyon ni papa imbes na sa amin lamang, you know what, minsan nga naiisip ko nang sabihin kay mama pero ayaw kong mas lalong mapunta sa inyo ng haliparot mong ina si papa," saad nito dahilan upang magpanting ang aking tainga. Umigkas ang aking kamay padapo sa pisngi ni Cherry dahilan upang magulat ito maging ang mga kasama niya. "You, b***h!" galit na turan sabay sabunot sa 'kin hila sa kung saan. "Ouch, bitiwan mo ako," pilit kong pagpupumiglas, hindi nakialam ang mga barkada nito at ang ilang estudyanteng nakakita ay nakamasid lamang sa pagkaladkad ni Cherry sa 'kin.. "Wala pang taong nakasampal sa 'kin, at hindi ikaw ang gagawa noon sa 'kin," galit na wika sabay tulak sa 'kin. Nasa likod kami ng auditorium at ilang estudyante ang naroroon na mostly lalaki upang pumuslit na manigarilyo. Inirapan ko si Cherry. "Matapang kang babae ka, alam mo bang binilin ni papa na pilitin kong maging malapit sa 'yo, pero hell no, kailan man ay hindi ako makikipag-ayos o kaibigan sa 'yo," inis nitong wika sa 'kin saka nagsindi ng sigarilyo nito. Akmang iiwan ko na siya upang bumalik sa loob nang bigla akong harangan ng dalawang lalaki. "Not too fast, baby," anang ng lalaki dahilan upang mapatingin ako kay Cherry at nakita kong ibinuga nito ang usog sabay ngisi sa 'kin. "Enjoy, boys," anito saka pumasok na. Susunod sana ako nang harangan pa rin ako ng dalawang lalaki. Sa nakikita kong ngisi sa mukha ng mga ito ay batid ko na sa sandaling 'yon na nasa panganib ako. "Cherry, huwag mo akong iwan dito," malakas kong tawag kay Cherry. "Don't worry, mag-e-enjoy ka sa kanila," sigaw nitong tugon pabalik sa 'kin. Naging alerto ako dahil alam kong wala sa paligid ko si Hugo para iligtas ako. Akmang hahawakan ako ng isang lalaki nang umiwas ko. "Playing hard," anito saka ngumisi. "Kahit sumigaw ka pa ay walang makakarinig sa 'yo dahil masyadong maingay sa loob," anang naman ng isa pang lalaki. Nang sumbukan niya akong hawakan ay mabilis ko siyang itinulak nang magtawanan ang mga ito. "Pumapalag, pare," ani pa ng mga ito. "Iyan pa naman ang gusto namin, 'yong palaban," bulalas pa ng isa sa kasama saka sila nagngisian. Pareho silang pasugod sa 'kin kaya naghanda na ako. Ngayon ko lang magagamit ang pagiging black belter ko sa aking taekwondo lesson at sa martial arts. Nang hawakan ako ng isa ay mabilis ko itong sinipa sa panga at agad itong natumba, pagsugod naman ng isa ay mabilis ito itong sinipa sa kanyang hinaharap dahilan upang mamilipit ito sa sakit. Bago pa maka-recover ang dalawa ay mabilis akong nakahagilap ng panali na nakasabit sa gilid at itinali ko ang mga ito. Bata pa lamang ako ay lumaki ako sa pag-aakalang umalis kami ng Pilipinas ni mommy dahil sa seguridad namin. Kaya bata pa lamang ako ay sinabi ko sa sarili kong kailangan kong maging malakas kaya without my mom's knowledge pumapasok ako sa isang martial arts class. Gusto kong maging malakas para pagbalik ko ng Pilipinas ay masasabi ko kay daddy na kaya kong protektahan ang aking sarili. But still he doesn't believe and give me Hugo as my bodyguard. "Ouch! Sh*t, you b***h, pakawalan mo kami rito," bulalas ng lalaking kanina ay namimilipit sa sakit sa pagsipa ko sa balls nito. Napangisi ako rito. "Next time, piliin niyo ang kakantihin ninyo," duro ko rito. Unti-unti na ring nagkakamalay ang isa at nang mapagkanto nitong naka-restrain ito ay agad na dumilat ng mga mata. "Oh, sh*t, what is this!" bulalas nito. "Nice taking a nap, sir, how you feeling?" sarkastikong tanong ko rito. "Puny*ta, bakit mo kami itinali?" galit nitong palag ngunit walang magawa dahil talagang itinali ko ang kamay at paa nito. "Gusto mo bang i-refresh ko para maisip mong binalak niyo akong saktan o gahasain," palatak ko sabay kuha ng karton na nasa tabi. Mabilis kong hinagilap ang ballpen ko sa aking maliit na pouch at sinulatan 'yon ng huwag niyo kaming tularan, rapist kami. "Oh, sh*t, remove it! Sabi ni Cherry na takutin ka lang namin," bulalas ng isa. "Oh, well, I will go and tell Cherry that you guys failed," anang ko saka iiwan na ang mga ito. "Hey, where you going, pakawalan mo kami rito," sigaw ng isa. "Wait, don't worry, she'll going to help you guys," turan ko sabay layas. *** Nang mahimasmasan si Hugo ay bigla niyang naalala ang pangako niya sa kanyang boss na huwag na huwag iiwan ang anak nito kahit makulit at mapilit ito. Dali-dali siyang bumalik sa pinag-iwanan sa mga ito ngunit wala sila, sumiksik siya sa mga nagsasayaw sa dance floor kung naroroon sila pero nasuyod na niya ang buong dance floor ay hindi makita ang pares. "Sh*t, this can't be," anas nang may senaryong naglalaro sa kanyang isipan. Naiisip niyang baka umalis sila ng Kenneth na 'yon at kung saan nagpunta. "Sh*t, no, hindi ganoong babae si Kath," anang ni Hugo sa sarili sa isiping baka sumama ito kay Kenneth. Mabilis na tinungo ang CR dahil baka nagtungo roon ang mga ito nang mamataan si Kenneth na mag-isa at tila may hinahanap rin ito. "Where is Kath?" agad kong salubong na tanong dito. "I-I don't know, nag-CR lang ako, iniwan ko siya roon pero paglabas ko ay wala na siya," wika ni Kenneth. "Sh*t," mura niya saka sinugod ng tingin ang buong lugar pero wala si Kath. "Look at her, report to me once na mahanap mo siya," kabadong utos sa lalaki. "O-Okay," tugon nito na tila napipilitan pa. Dali-daling inikotuli mi Hugo ang buong auditurium hanggang sa mamataan si Sandoval at sa 'di kalayuang mesa ay naroroon si Cherry kasama ang mga kaibigan nito. Mabilisk kong nilapitan si Sandoval dahilan upang mapansin ako ni Cherry. "Oh, mukhang wala yata ang binabantayan mo. Let me guess, tinakasan ka para makipagkita sa ibang lalaki," palatak ni Cherry. Awtomatikong napakunot ang noo ni Hugo sa sinabi ni Cherry, tila may alam ito na nawawala si Kath. "Where is she?" mariin na tanong ni Hugo kay Cherry. "Oops, why are you asking it to me, hindi ba ikaw ang bantay niya. How abput his partner, baka naman tumakas at nag-motel na," bulalas ni Cherry. Nakuyom ni Hugo ang kamao sa inis sa mga pinagsasabi ni Cherry kaya agad siyang sumenyas kay Sandoval. Bago pa man siya makalapit dito ay hinawakan siya ni Cherry sa kamay. "Huwag mo na siyang hanapin, I saw her leaving with two guys," bulalaa nito. Hindi ako nakinig at piniksi ko lang ang kamay nito. "Come on, Hugo, nagpapakasaya na 'yon sa piling ng ibang lalaki," palatak ni Cherry. Nanggigil siyang hinarap si Sandoval. "Nagkita ba sila ni Cherry kanina?" ngitngit kong tanong dito. "Hindi siya nagpunta rito, hindi ko alam kasi nag-CR ako," wikang bawi rin nang maalalang umalis pala ito saglit kanina. Ikaw, bakit ka natakasan ng binabantayan mo," balik ni Sandoval kay Hugo dahilan upang halos suntukin niya ang sarili dahil hinayaan niyang mapag-isa si Kath. 'Kath, where are you,' usal sa 'king isipan. Babalikan ko pa lamang sana si Cherry dahil mukhang may nalalaman ito nang maulinagan ko ang tinig ni Kath. Pagbaling ko sa kinaroroonan ni Cherry ay nakita kong nakatayo nga roon si Kath at halatang may tensyon na naman sa pagitan ng magkapatid. Mabilis akong lumapit sa mga ito ngunit napatigil nang marinig ko ang usapan ng dalawa. *** "You're plan failed, so I guess you must check for yourself kung ano ang nangyari sa dalawang lalaking inutusan mong gahasain ako," deretsahang akusa ni Kath dito. Tumawa si Cherry. "Wow! Matinding bintang 'yan, may pruweba ka ba?" hamon ni Cherry kay Kath. Ngumisi naman si Kath. "You don't know me, Cherry, of course hindi ako susugod rito kung wala," anang ko sabay play sa video na kinuha ko sa dalawa. Kita kong napasinghap si Cherry maging mga kaibigan nito nang makita ang video. "Tell me, Cherry, ano bang ginawa ko para planuhin mong ipagahasa ako!" galit kong tanong nang tumayo ito. "Marami! Dahil sa 'yo, mas lalong lumayo si papa sa 'kin, dahil sa 'yo, nawala ang lalaking gustong-gusto ko!" halos pabulyaw na sagot ni Cherry. "Hindi lang ipapagahasa ang gusto kong gawin sa 'yo, gusto kitang mawala sa landas ko, sa mundo!" nanginginig na wika ni Cherry. Natahimik ako nang makita ko ang pagputok ng galit ni Cherry. "Tama na 'yan," pigil ni Hugo sabay hila sa 'kin papalayo sa kinaroroonan nila Cherry. Nang medyo makalayo na kami ay piniksi ko ang palad nito. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Hugo at ramdam ko ang concern sa tinig nito pero mas inaalala ko ang galit ni Cherry. Ganoon na ba ito kagalit upang isipin akong mabura sa mundo. "Ayos ka lang ba?" ulit nitong tanong pero 'di ko sinagot nang bigla niya akong hilain payakap dito. Hindi ko 'yon napaghandaan kaya mabilis niya akong nahila at napayakap pa rito. Nalanghap ko ang pabango nito dahilan upang maalala ko ang unang gabing may mangyari sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD