Chapter 16: S*x on Car

2193 Words

Hindi ko alam kung paano nakatawag si Hugo ng pulisya, sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko namalayang naitali pala namin ang tatlong mga lalaki bago pa dumating ang mga pulisya. "Ayos ka lang ba?" tanong agad ni Hugo sa 'kin. "Yes, ayos lang ako, ikaw ba, nasuntok ka yata ng isa," turan ko sabay kapa sa pisngi nito. "Ayos lang ako," maagap namang sagot ni Hugo. Hindi nagtagal ay tumunog ang cell phone nito kaya mabilis niya 'yong sinagot. "Yes, sir," agad na tanong. Sa narinig ko ay batid kong si daddy ang tumatawag rito. Gusto ko sanang marinig ang pinag-uusapan nila pero sadyang lumayo si Hugo para hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan. "Ma'am, pwede ko po ba kayong kunan ng statement?" tanong ng isa sa pulis na rumesponde. "Sure," tugon ko naman matapos tanawin si Hugo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD