When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Imbes na magpunta sa bar ay sa isang convinience store kami nagtungo ni Hugo, nakaramdam kasi kami ng gutom. Bumili kami ng ilang sitsirya at beer na aming pagsasaluhan na lamang sa malapit na park sa aming bahay bago tuluyang umuwi. "Sure ka bang nag-enjoy ka sa company ko?" nakangiting tanong ni Hugo. "Nag-enjoy naman akong makinig sa mga corny mong jokes," palatak kong saad sabay ng malutong na tawa. "My pleasure to know na bumenta kahit papaano ang mga jokes ko," natatawa nitong wika habang pinagsasaluhan namin ang ilang bote ng beer na binili namin. Ilang sandaling namayani sa amin ang katahimikan hanggang sa marinig ko ang seryosong tanong ni Hugo. "Bakit ako?" anito bagay na hindi ko makuha noong una. "Bakit ikaw?" maang kong ulit. "Oo, ako, bakit sa 'kin mo ibinigay ang p***