Pormal pa rin ang mukha ni Hugo, walang salita at nakatitig lang ito sa 'kin.
"Kuha ko naman ang nais mo pero ang magpaasa ng isang lalaki, bakit hindi mo na lang tinapat na hindi ka pa nagpapaligaw," bulalas nitong saad.
May punto si Hugo kaya hindi na ako nagsalita pa bagay na napansin nito ang aking pananahimik.
"Fine, bumalik ka na sa mesa niyo at baka makahalata pa sila," palatak nito tila nainis dahil sa wala itong makitang reaksyon mula sa 'kin sabay alis.
Wala naman akong nagawa kundi ang bumalik na lamang sa aming mesa nang makita ko siyanv nakatayo ulit ito sa dating kinatatayuan.
Nagtama ang aming mga mata pero tila wala itong pakialam at mas lalong walang reaksyon ang mukha nito.
"Hey, are you okay?" mabilis na tayo ni Kenneth pasalubong sa 'kin.
"Ha? A, uhmmm, m-marami k-kasing tao, I mean mahaba ang pila," halos utal kong depensa.
"Ganoon ba?" anito saka ngumiti. "Shall we dance?" masuyong yakag nito sa 'kin sa dance floor.
Kumabog ang dibdib ko, gusto ko sanang tingnan si Hugo pero baka makahalata na naman si Kenneth. Kung kanina ay namalusot ako baka sa pangalawang pagkakataon ay hindi na.
"Sure," maagap kong lagay ng palad ko sa nakalahad nitong palad.
Mas lumuwag ang pagkakangiti ni Kenneth at very gentleman naman itong iginiya ako sa dance floor. Marami-rami na ring magkakapares ang sumasayaw kaya kahit papaano ay hindi naman nakakailang.
Nang hinawakan ako ni Kenneth sa baywang ay bahagya akong napasinghap. I have no choice kundi ang sumandig sa balikat nito at masuyong umindak sa saliw ng malamyos na tugtog. Habang nakahilig ako sa balikat nito at unti-unting sumasayaw ay aksidenteng nabaling ang tingin ko sa kinaroroonan ni Hugo. Tuwid pa ring nakatayo ito at seryoso ang mukha, ngunit nang gumala ang tingin ko ay nakita kong nakakuyom ang mga kamao nito.
"Kath," anas ni Kenneth na nagsisimula ng usapin.
"Yes," bulong ko.
Tumikhim na muna si Kenneth bago nagtanong.
"Are you sure ayos lang na manligaw ako sa 'yo? Wala bang magagalit?" maang na wika ni Kenneth.
"Ha? W-Wala naman," mabilis kong sabad, biglang pumasok sa isipan ko si Hugo. Halata bang may namamagitan sa 'min para ganoon ang sabihin ni Kenneth?
"Ang mga magulang mo, ayos lang ba na manligaw ako sa inyo?" palatak nito.
Halos matampal ko ang aking noo sa narinig kong sinabi niya. Oo nga pala, bakit kasi si Hugo agad ang pumapasok sa isipan ko.
"Si mommy, okay lang pero si daddy, hindi ko alam," sagot ko kay Kenneth.
"Ganoon ba? Kaya ka ba may bodyguard kasi ayaw niyang may lalaking aali-aligid sa 'yo?" hinuha nito.
"No," mabilis kong turan. "Kaya ako may bodyguard ay dahil paranoid si daddy," tugon ko saka bahagyang natawa.
Maya-maya ay tumawa rin si Kenneth nang ma-gets nitong nagbibiro lang ako.
"Seryoso?" bulalas nito.
Wala akong balak i-disclose ang buhay ko, lalo na at ayaw kong ibahagi sa iba na may ibang pamilya ang papa ko. Sa isipin kong 'yon ay biglang nabaling ang tingin ko sa pares na nagsasayaw at sakto pang nagtama ang paningin namin ni Cherry kasayaw ang isang lalaki.
Mas lalo tuloy akong napipian at hindi makapagsalita dahil baka marinig nito ang aking sasabihin.
"Kath," untag muli ni Kenneth.
"Yes?"
"May pag-asa ba ako kapag nanligaw ako sa 'yo?" maang na tanong nito.
Ilang sandali rin bago ko 'yon sinagot, ilang segundong nagkahinang ang paningin namin ni Cherry na tila ba naghihintay ng aking isasagot.
"Oo naman, Kenneth, guwapo at mukhang mabait ka naman," anang ko.
"Mabait talaga ako," natatawang segunda nito.
"Mukha nga," sagot ko saka kami nagtawanan.
Nakita kong tumaas ang kilay ni Cherry pero wala akong pakialam basta ang importante ay hindi sila makahalata sa namumuong relasyon sa pagitan namin ni Hugo.
"Oo, Kath, mabait talaga ako. Mabait kapag tulog," natatawang biro ni Kenneth dahilan upang tapikin ko ito sa balikat.
"Ikaw talaga, 'di ka lang mabait, palabiro ka pa pala," turan ko.
"Thank you very much, I'll take it as a compliment," saad pa ni Kenneth na mas lalong lumawak ang kanyang pagkakangiti.
Bago pa man matapos ang tugtog ay niyaya ko na si Kenneth na mapaupo, nagdahilan na lamang ako na nangangalay na. Pabalik na kami sa aming upuan nang maulinigan ko ang parinig ni Cherry.
"Flirt," anito.
'I don't care,' tugon ko sa aking isipan na hindi ko na lamang isinatinig pa. Hindi ko na pinatulan pa dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako ganoon.
Pagbalik namin sa upuan ay pasimple kong nilingon ang kinaroroonan ni Hugo at nakita kong kausap niya ang babaeng nangungulit sa lalaki kanina at ginigiit kung kilala ba niya ito o hindi dahil kawangis raw nito ang business partner ng kapatid nito.
"Kath," untag ni Kenneth dahilan upang mabilis kong bawiin ang aking tingin dito.
"Yes?" mabilis kong sabad.
Nakangiti itong inabutan ako ng aking makakain. "Sorry, hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo kaya dinamihan ko na ang kuha," anito.
Hindi ko maiwasang mapangiti na lamang sa sobrang ka-sweet-an ni Kenneth sa 'kin. Akmang susubuan pa niya ako nang sawayin ko na at kita kong halos tumirik na ang mga nito. Hindi ko lang maintindihan kong nang-iinis lamang ba ito o nagseselos. Paano ito magseselos, hindi naman si Hugo ang kasama ko?
"No, it's okay, Ken, thank you so much, sobra-sobra na ang pag-aalaga mo," nakangiti kong tangi rito.
"Oh, well, I want to bagged the King of the Night and of course you'll be the queen," anang nito.
"Aha," anang ko na lang pero sa totoo lang ay nababahala na ako sa nakikita kong hitsura ni Hugo sa 'di kalayuan.
"Yes, Kath, I want thus night to be especial to both of us," anas nito saka itinaas ang kinuha nitong inumin namin.
Ngumiti na lamang ako rito saka mabilis na nag-excuse upang kumuha ng pagkain kahit marami pang pagkain sa harapan ko na dala ni Kenneth.
"Oh, mukhang ayaw mo ang mga kinuha ko—" putol n wika.
"Hindi naman sa ayaw ko, it just happen na umiiwas ako ngayon sa cholesterol at carbs," bulalas ko rito.
"Oh, I should bring you salad and fruits then," anang nito na akmang tatayo rin kaya maagap kong tinutulan.
"No, it's okay, Ken, I can manage," turan ko para hindi na ito mag-abala pa.
Nasa buffet area ako nang bigla ay may sumunod sa 'kin sa aking likuran at idinikit ang plato nitong hawak sa aking likuran.
"Ops, sorry, 'buti na lang talaga at hindi natapon, kung hindi ay baka mas lalong magmukhang basahan ka," bulalas ng tinig ni Cherry.
"What do you want?" ngitngit kong tanong dito.
"Aba, mataray ang bastardang 'to? Dahil ba sa partner mo na feeling guwapo?" palatak nito dahilan upang kunot-noo kong harapin ito.
"Bakit parang pinag-iinitan mo si Kenneth, are you jealous dahil mas guwapo ang partner ko kaysa sa kapareha mo?" maang kong tanong nang biglang tumawa si Cherry.
"Guwapo? Saan doon?" sarkastikong saad nito.
"Oh come on, Cherry, ano ba talaga ang gusto mo at sinundan mo pa talaga ako rito?" matapang na tanong ko kay Cherry.
Napangisi ito sabay irap. "Hindi kita sinundan, bastarda, pumunta ako rito dahil wala kang puwang sa ganitong eskuwelahan," pang-aapi nito.
Nakuyom ko ang kamao ko sa inis pero pilit kong kinakalma ang aking sarili.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan," gilalas kong turan sabay hawak sa braso nito.
Napatingin kami sa paligid namin at nakita naming nakatitig pala ang ilang estudyanteng tulad namin sa 'min. Mabilis komg binitiwan ang braso nito na may pagbabanta.
"Pinagpapasensiyahan lang kita dahil nakiusap si daddy sa 'kin," inis kong wika kay Cherry.
Ngumisi si Cherry na tila sinasagad ang pasensiya ko.
"Don't make a scene, ayaw kong gumawa ng bagay na ikapapahiya ni daddy," saad ko saka iniwan na ito pero sinundan pa rin niya ako na tila sinasadyang inisin ako. "Hindi mo ba talaga ako lulubayan?" angil kong turab habang mahigpit na hawak ang braso nito.
Piniksi nito ang kamay ko at saktong sasampalin ako nang hawakan ni Hugo ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, mabuti na lang talaga at nasa paligid lang pala si Hugo, marahil ay napansin nito ang umiinit na tensyon sa pagitan namin ni Cherry.
"I'm sorry, ma'am pero hindi gugustuhin ng papa niyo na dito pa kayo magkalat," seryosong pigil ni Hugo kay Cherry.
Gigil na gigil pa naman itong sampalin ako. Marami-rami ring estudyante ang natawag ang pansin sa eksenang nais sanang gawin ni Cherry.
"Pagsabihan mo ang bastardang 'yan, Hugo, huwag niya akong tatarayan dahil wala siyang karapatan!" galit na wika nito sa lalaki.
"Lahat tayo may kanya-kanyang karapatan, ma'am, lalo na kung inaapi ka na," bulalas ni Hugo nang makita kong bumangis ang mukha ni Cherry s katuwiran ni Hugo.
'Bleh! 'Buti nga sa 'yo,' asar ko sa aking isipan.
Galit na binalingan ni Cherry si Hugo. "I know pero para sa anak ng babaeng maninira ng pamilya, wala siyang karapatan na pagsalitaan ako!" banas na wika ni Cherry saka tumalikod na paalis pero nakakadalawang hakbang pa lamang nang lumingon ito saka bumalik. "Ikaw rin, wala kang karapatang barahin ako dahil isa ka lamang hamak na bodyguard ni papa!" buwisit nitong turan saka ito umirap.
Buong akala ni Hugo ay aalis na si Cherry, nabigla na lamang siya nang bigla siyang halikan nito matapos maliitin kaya mabilis niya itong naitulad sabay pahid sa labing hinalikan nito.