Pagdating namin sa premises ng eskuwelahan kung saan idadaos ang aming acquaintance party ay marami nang estudyante bihis na bihis, lahat naggagandahan at naggugwapuhan, lahat ayaw pakabog.
Sa may gate ay nakita kong nakatindig ang isang lalaking tila kanina pa naghihintay, si Kenneth na batid kong ako ang hinihintay niya. Nahala rin pala ni Hugo si Kenneth kaya bago nito buksan ang pinto ng sasakyan ay pasimple nitong ginagap ang aking palad, ingat na ingat kami na sana ay hindi mahalata ni Mang Rudy.
Pagkababa namin ni Hugo ng sasakyan ay nagpaalam na rin si Mang Rudy at tawagan na lang daw ito kapag tapos na ang party at magpapasundo na kami sa kanya.
Akmang tutunguhin ko na ang kinaroroonan ni Kenneth na nagkandahaba-haba ang leeg sa katatanaw sa 'kin.
"Take it easy," pormal na tinig ni Hugo.
Para naman akong natauhan nang marinig ko ang boses nito.
"Sorry, hindi lang kasi ako sanay na may naghihintay sa 'kin," mabulis kong depensa kay Hugo.
Tumitig ito nang matiim sa 'kin. "Let him wait for you," bulalas ni Hugo na sa tinig nito ay para bang gusto pa siyang sulohin nito.
Nang bigla niya akong hilain payakap sa kanya ay hindi ko maiwasang kiligin.
"Hugo baka may makakita sa 'tin," nag-aalalang tinig ko. Hindi ko alam kung paano 'yon nanulas sa labi ko, dahil doon ay bahagyang lumayo si Hugo sa 'kin. "Sorry, wala naman akong ibig sabihin doon, nag-iingat lang ako," muli kong paliwanag.
"Oh hi, Hugo!" pamilyar na tinig ang nagpalingon sa 'min at doon ay nakita ko ang mukha ni Cherry. Mala-prinsesa ito sa suot nitong gown.
Mabuti na lang talaga at hindi niya kami naaktuhang magkayakap ni Hugo kundi tiyak na magsusumbong ito kay daddy.
Bumaling si Cherry sa 'kin at nasa mukha nito ang mapangkutyang tingin sa 'kin.
"Huwag mong sabihing bukod sa yaya at alalay ng babaeng 'to ay ikaw na rin ang escort niya?" maang ni Cherry kay Hugo.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, ma'am," matigas na wika ni Hugo.
Napataas ang kilay ni Cherry sa narinig na tugon ni Hugo, ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo.
"Saan ang bodyguard mo at hinahayaan ka niyang mag-isa," tanong pa ni Hugo kay Cherry.
"Si Sandoval, he's there," anito nguso sa kinatatayuan ng bodyguard nito. "Well, alam kasi ng bodyguard ko ang kinatatayuan niya at ayaw kong masyadong pahalata na may bodyguard ako kasi hindi ako tulad ng iba d'yan," parunggit ni Cherry sa 'kin dahilan upang tumaas ang kaliwa kong kilay.
"Katherine," tinig na bumasag sa usapan namin. Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng tinig at doon ay nakita ko si Kenneth na simpatikong napangiti sa 'kin.
"Hey, Kenneth, you look so good tonight," papuri ko agad rito at lumapit.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Hugo na nakatingin sa 'kin.
"Thank you, you too, you look like a princess," papuri nito.
Napangiti ako ng matamis saka sumenyas kay Hugo para 'di makahalata si Cherry.
"Thank you, Kenneth, shall we?" anang ko na agad na umabresiyete rito. "Wala ka na bang sasabihin, Cherry dahil aalis na kami ng escort ko tonight," baling ko rito na tila malalaglag sa sahig ang mata na nakatitig kay Kenneth. Well, Kenneth is handsome anyway, pang-matinee idol ang datingan, idagdag pang kaya nitong dalhin ang sarili.
"I don't care," bulalas ni Cherry na umiikot pa ang mga mata.
Mabilis kong niyakag si Kenneth palayo sa kinaroroonan nina Hugo at Cherry.
"Kath," tawag nito ngunit agad ring natigilan nang maalalang kasama namin si Cherry. "Ma'am Kath, huwag kayong masyadong lumayo," mabilis na bawi ni Hugo.
"Don't worry, Hugo, alam ko namang ginagawa mo lamang ang trabaho mo," turan ko saka tuluyang lumayo nang bahagya.
"You're so beautiful tonight, Kath and thank for accepting me as you partner," ang simpatikong bulong ni Kenneth sa 'kin.
Medyo na-guilty ako sa paggamit dito bilang cover-up sa namumuo naming relasyon ni Hugo. Hindi ko maiwasang pasimpleng lingunin ang kinaroroonan ng mga ito at nakita kong nag-uusap sila ni Cherry.
"Thank you," simpleng tugon dito kasabay ng simpleng ngiti. Sa isang mesa kung saan laan para sa amin kami umupo.
Tudo alalay sa 'kin ni Kenneth na hindi ko maiwasang malugod sa ipinapakita niyang pag-aalaga.
Nang mabaling ang tingin ko sa kinaroroonan nina Hugo ay nabigla ako nang halos maghalikan sila ni Cherry sa lapit ng mukha nila.
"Kath," untag ni Kenneth dahilan upang bawiin ko ang tingin sa dalawa.
"Yes, Ken, may gusto ka bang sabihin?" maang na tanong ko rito.
Napakunot ito ng noo. "Oh, well, I am asking you kung gusto mo ng drinks?" tanong ni Kenneth.
Napalunok na lamang ako dahil tila nakakahalatang tinitingnan ko sina Hugo at Cherry dahil napatingin ito sa kinaroroonan ng dalawa.
"Oh yes, please," mabilis kong agaw-pansin dito.
"Papalapit ang bodyguard mo," bulong nito.
Napalingon ako sa direksyon nina Hugo kanina at nakita kong papalapit nga ito habang si Cherry ay matalim ang mga tinging ipinupukol sa amin.
Tumayo si Hugo sa 'di kalayuan bilang bigyan kami ni Kenneth ng space, naisip kong marahil ay natamaan ito sa parunggit ni Cherry kanina.
"Kath, here's your drink," ani
Kenneth.
Nakangiti akong nagpasalamat dito saka itinuon ang pansin dito.
"Thank you so much, Ken," turan ko rito.
"You're welcome, my princess," anito na kinalawak ng pagkakangiti ko.
Nawala tuloy ang first impression ko na happy-go-lucky lamang ito.
Mas lalong naging sweet sa 'kin si Kenneth, gustuhin ko mang lumayo bahagya rito pero mas lalo itong dumidikit sa 'kin. Sa gilid ay nakita kong nakayukom ang kamao ni Hugo na tila handang sugurin si Kenneth.
"Ken, can you excuse me a bit, pupunta lang ako sa banyo," saad ko rito.
"Okay, sure, kakausapin ko lang din mga barkada ko," mabilis namang tugon ni Kenneth.
Nagmadali akong tinungo ang banyo upang maiwas konti rito, batid kong sinundan ako ni Hugo nang bigla niyang hilain ang braso ko.
"Bakit mo hinahayaang dikit-dikitan ka niya?" sitang tanong nito.
"I can't avoid it, besides scort ko siya kaya hindi maiwasang—" putol kong wika nang biglang sumabad si Hugo.
"Hindi maiwasang hawak-hawakan ka niya sa baywang, scort mo lang siya, not boyfriend," gigil na wika nito dahilan upang matigilan ako. Maging ito ay natiginan nang mapansing natitigilan ako. "S-Sorry, hindi mo nga pala ako boyfriend, isa lang akong hamak na bodyguard mo," anang ni Hugo saka nagmamadaling tumalikod. "Hihintayin na lang kita sa gilid ng mesa ninyo," anito saka malalaki ang hakbang na bumalik na pero agad ko naman siyang tinawag.
"Hugo!" tawag ko rito.
Tumigil ito at lumingon, halos takbuhin ko ang pagitan namin at niyakap ito. "I'm doing everything para hindi makahalata si Cherry, patay tayo kay daddy kapag nalaman niya," mabilis kong paliwanag dito. "Don't worry, wala akong nararamdaman kay Kenneth," assurance ko pa rito.
"Mabuti naman kung ganoon, sige na, hihintayin kita sa labas bago pa may makakita sa 'tin," ani Hugo dahilan upang tumango ako at dali-daling pumasok sa CR.
Pagbalik ko sa mesa namin nina Kenneth ay nakita kong may kausap na mga babae si Kenneth at halatang nagpapapansin ang mga ito sa kanya.
"Hey, you look familiar," dinig kong turan ng isa sa babae. Mukhang sosyal ang babae at gaya ng halos lahat ng estudyante ay galing sa may-kayang pamilya.
"I'm sorry, ma'am pero hindi po kita kilala," baritonong turan ni Hugo rito.
"Kamukha kasi niya ang business partner ni ate," anang ng babae na pilit tinititigan si Hugo na tila iwas na iwas sa babae.
Malakas na tikhim ang gunambala sa 'kin at si Kenneth 'yon
"You look so concern to him?" maya-maya ay tinig ni Kenneth sa 'kin.
Nagulat ako sa aking narinig, marahil ay nahahalata na nito ang palagian kong pagtitig kay Hugo.
"A, oo alam mo na, siya kasi ang lagi kong kasama at kaibigan ko na rin," depensa ko upang mapagtakpan ang aking damdamin.
Batid kong hindi ito naniwala at may pagdududa pero sa huli ay nagkibit-balikat na lamang ito.
May mga waiter na nagse-serve ng mga food at juice. Naging abala na rin si Kenneth dahil nagdatingan na rin ang mga kaklase namin at kaibigan. Nang lingunin ko ang kinatatayuan ni Hugo ay wala ito roon. Mabilis na gumala ang tingin ko sa buong paligid. Nag-alala ako kaya tumayo ako upang hagilapin ito ngunit maagap akong hinawakan ni Kenneth at niyayang sumayaw katulad ng iba naming kaklase. Hindi tuloy ako nakatanggi lalo pa at tila tinutudyo kami ng aming mga kaklase.
Nasa gitna na kami ng dance floor nang marinig ang boses ni Kenneth.
"Kath, huwag ka sanang magagalit, pwede ba akong manligaw sa 'yo?" ang tanong nito. Agad kong nilayo ang mukha ko at tiningnan ang mukha nito kung nagbibiro ba ito ngunit nakita kong seryoso ito.
"A, e," atubiling turan ko rito. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Napasinghap ako at umiwas ng tingin at saktong napako sa lalaking nasa likod ko. Si Hugo kasayaw ang isa babaeng nakikipag-flirt nito noong isang araw. Tumitig ako sa mukha ni Hugo na noon ay nakatingin din pala.
"Pwede ba?" untag ni Kenneth.
"A, e, sige pero—"
"Yes! Thank you, Kath, gagawin ko ang lahat mapasagot lamang kita," ang masayang sabad ni Kenneth.
Nakita ko ang pagbabago ng hitsura ni Hugo. Maya-maya ay bumulong sa babaeng kasayaw at umalis na, agad akong kumalas kay Kenneth at sinabing magbabanyo lang ulit.
"Hindi ba't kagagaling mo lang doon?" maang ni Kenneth ngunit sa huli ay pinayagan din ako.
Mabilis kong sinundan ko si Hugo.
"Hugo," tawag ko rito.
Sa gilid kung saan wala masyadong tao kami nakarating. "I'm sorry, I don't mean na paasahin siya. I just think na magandang alibi kina mommy at daddy," naguguluhang katwiran ko lalo na at matiim na nakatitig si Hugo sa 'king mukha.