Mas lalong tumindi ang hidwaan sa pagitan namin ni mommy, ni ayaw ko na siyang makita. Ilang beses niya akong tinangkang kausapin pero ilang beses ko rin siyang iniwasan. Napansin ko ring hindi na ganoon nadalaw si daddy bagay na kinalungkot nito, may pagkakataong natatanaw ko siya sa may beranda ng silid ko na malungkot na dinidiligan ang mga halaman nito, minsan ay napapatulala pa ito. "Hindi mo pa rin ba siya kakausapin?" tinig na gumulantang sa 'kin. "H-Hugo?" palatak ko. Buong akala ko ay dinadaya lang ako ng aking pandinig pero nang makita ko si Hugo na nakatayo sa may pinto ng aking silid ay halos lumundag ang aking pakiramdam. "Shhh!" maagap nitong pigil sa 'kin at lumapit ito kasunod nang isang mahigpit na yakap sa 'kin. "A-Ano'ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" sunod-s