Naging palaisipan sa 'kin kung sino si Monica sa buhay ni Hugo, hindi ko man narinig ng mabuti ang sinasabi nito sa kausap pero dinig ko ang pangalan ng babae. Nagmadali na akong nagtungo sa aking silid, parang gustong tumulo ang luha sa aking nga mata sa aking nalaman. "Ikakasal na pala siya pero bakit—" putol kong turan sa aking sarili pagkapasok ko sa aking silid sabay lamukos sa aking mukha. Hindi ako mapakali sa kakaisip sa narinig kong usapan nina Hugo at nang sinumang kausap nito sa cell phone. 'Mukha namang ayaw niyang pakasal sa iba?' turan ng kabila kong isipan. 'Oo nga, kaya siguro ayaw pa niyang magkuwento tungkol sa pamilya niya,' hirit naman ng kabila kong isipan. Sa isiping 'yon kahit papaano ay nabigyan ako ng rason upang magtiwala kay Hugo. Nakaupo ako sa aking kama